Yesterday With You [Tagalog/Filipino]

Yesterday With You [Tagalog/Filipino]

01 | Chapter

...This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents either are the product of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, events, or locales is entirely coincidental....

.........

...Copyright...

...Writerjuanabe...

...YESTERDAY WITH YOU...

...2022...

.........

...All rights reserved. No part of this book may be reproduced in any form by any electronic or mechanical means, including information storage and retrieval systems, without permission in writing from the publisher, except by a reviewer who may quote brief passages in a review....

.........

...Updates are everyday (atleast) but if you wish to read more chapters in advance, you can download Novelah app, put my code [4159252] search for [writerjuanabe] and look for [Yesterday With You]...

...Thank you for your support...

...💜💜💜...

...01 | CHAPTER...

...💜💜💜...

“What's your name again?” Tanong niya habang may kinukuha sa drawer ng table niya.

“Uhm, Ashlyn. Ashlyn Dela riva.”

Sambit ko habang nakatingin sa ginagawa niya.

“Ashley?” Saad niya nang nakatingin sa akin.

“Ashlyn po.” Sambit ko naman.

“Oh sorry.” Muli naman niyang hinanap ang pangalan ko sa mga envelop na hawak niya.

Here we go again. New place, new house, new school, new friends, and more new in my life.

It's always like this, hindi ko na mabilang kung nakakailang lipat na ako ng school mula noon.

They say it's always nice to make new friends. pero in my case, I can't even have one at all since paiba iba ako ng school.

“So Ashlyn, I've heard palipat-lipat ka ng school, curious ako. Matataas naman ang grades mo and wala ka namang bad records, may I ask why?” She asked.

“Engineer po kasi ang dad ko, kung saan po ang work niya ay do'n rin po kami.” Sambit ko. Tumango lang naman siya.

“Okay, so eto. Nand'yan na lahat ng kailangan mong malaman sa schedule mo, good luck and welcome to your new school.” Nakangiting iniabot niya ang envelop sa akin.

“Thank you ma'am.” sambit ko at saka naglakad palabas ng office niya.

Gaya ng sabi ko, Engineer ang dad ko, every time na may new project siya ay bitbit niya kami kaya palipat lipat kami ng bahay at school.

And my mom? Kasama siya sa bitbit ni dad, she's a very caring and lovable husband to dad and mom to us.

Hindi kasi kaya ni dad na mawalay sa amin ng matagal kaya palagi kaming kasama sa kahit saan mang project niya.

We've been to Pangasinan, Cebu, Cagayan, and even Mindanao.

At ngayon naman ay dito kami sa Manila.

Five years ang contract ni dad para sa project niya rito pero madalas wala pang 5 years ay natatapos na, kaya pag may bagong project, lipat bahay and school ulit.

...~•~...

Habang hinahanap ko ang room ko ay 'di ko mapigilang tumingin sa paligid ng school, napakalawak kasi at sa dami nang nalipatan kong school ay ngayon palang ako nakapasok sa ganito kalaking school.

Binuksan ko ang envelop na ibinigay sa akin at saka ko inilabas ang card na nakalagay roon.

“Building C…room—” hindi ko natapos ang pagbabasa ko dahil sa nakabangga sa balikat ko, dahilan naman para mahulog ang card at envelop na hawak ko.

Napahawak rin ako sa balikat ko dahil medyo malakas rin ang pagkakabanga sa akin nang lalakeng hindi ko alam kung bakit nagmamadali.

And when I look at him, that's when I realize na gitara pala niya ang bumanga sa balikat ko.

Kinuha niya ang card at envelop na naihulog ko, at saka niya ito ibinigay sa akin.

“Sorry, may hinahabol kasi ako, okay ka lang ba?” Sambit nito habang nakatingin sa akin.

And for whatever reason, hindi ko alam kung bakit hindi ako makapagsalita, parang gusto ko lang siyang tingnan, parang bumagal yung oras the moment our eyes met…

“Uhm… okay lang” sabay hablot sa card at envelop na ibinibigay niya.

He smiled at me and say the sweetest sorry I’ve ever heard… huh? I mean, he said sorry!

Nagpatuloy naman ako sa paglalakad habang nakatingin sa kanya na tumatakbo palayo sa akin, maybe he's late.

Okay, so ano bang hinahanap ko? Ah, room.

...~•~...

After a while, nahanap ko na rin yung room ko, at mukhang late na ako. Pumasok ako sa room at lumapit sa professor then I gave her my card.

“Oh, new student?” I nodded.

“By the way, Ms. Dela riva.” Tumingin siya sa relo niya at muli namang tumingin sa akin.

“…You are 2 minutes late for my class, but I understand since you're new, and I guess, hinanap mo pa ang room na ito. So you are not going to sing or dance today like Mr. Cruz. Buti na lang prepared si Mr. Cruz, may dalang gitara.” Sambit ni ma'am at saka naman nagtawanan ang buong class.

“Next time be prepared din ha, or better yet, don’t be late na.” She added.

After that naghanap na ako ng mauupuan, napansin ko naman yung girl na nag taas ng kamay niya na parang tinatawag ako, kaya naman nagpunta ako sa kanya since may vacant seat sa tabi niya.

“Hi” bati niya sa akin.

“Hi, I’m Ashlyn.” pakilala ko habang iniaayos ang bag ko sa upuan at saka rin naman ako umupo.

“Ashley?” Ulit nito.

“Ah hindi, Ashlyn.” Palagi na lang namimis-heard ang pangalan ko.

“Whatever, from now on, Ash na lang ang name mo.” she said sabay ngiti sa akin.

“…I’m Xena.” She said while pointing at her ID.

“It's spells like this, pero it's actually Zeenah, or you can just call me Zee.”

Patango tango na lang ako sa explanation niya.

It's not that I don’t like to talk to her, pero nagsasalita rin kasi yung prof namin and ayoko namang first day of class pa lang ay masabihan na akong madaldal o kung anuman.

“Oh my god. He's looking at me, hindi ko kaya.” Mahinang sambit ni Xena sabay tago ng bahagya sa balikat ko at parang kinikilig pa.

Napatingin naman ako sa sinasabi niyang nakatingin sa kanya, and there I saw him. Again, parang tumigil na naman ang paligid ko. Just why?

“Isa siya sa mga crush ko, well hindi naman ako maharot, marami lang talaga akong crush please don’t judge me.” Paliwanag ni Xena.

At dahil nacurious ako, hindi ko na naisip kung anumang sinasabi ng prof namin.

“Sino ba siya?” I asked while slightly looking at him.

“He's Nicholas Kyle Cruz, some call him Nick, some call him Kyle, but I prefer to call him Nico. He's my… not ultimate, pero crush ko talaga siya.” She said.

“Okay”

“He's a guitarist and vocalist of Campus Band, every time na may event palaging siya yung inaabangan, everyone likes him, sino ba namang hindi 'di ba? I think you're going to like him too.” Kinikilig niyang sambit.

“Huh? Uhm… hindi siguro.” I said.

Yes, I feel like tumigil yung oras ko twice the moment I saw him pero I dont think it's because of that. Hindi ko lang siguro nailabas yung galit ko nang binangga niya ako kanina. Yes hindi niya sinadya pero what I've felt doesn’t mean I like him, it's not going to happen.

“Really? Di nga? I have many friends, and they all like him.” Di makapaniwalang sambit ni Xena.

“Wala kasi akong time para sa mga ganyang bagay.” I said. She paused for a while and said something, na kinabigla ko.

“You know what I think, bagay kayo.”

“Huh?” Gulat na saad ko.

“Kidding, mas bagay kami. Look, nakatingin na naman siya sakin, oh my god nginitian niya ako.” Sambit nito habang patago tago pa sa likuran ko.

And that's how I met a new friend. And how I met the man who promised me his everything.

...~•~...

...Vote.Comment.Share...

...💜💜💜...

Hot

Comments

AmandoAmnas

AmandoAmnas

Sounds interesting!

2023-08-03

0

AmandoAmnas

AmandoAmnas

Makapagtanong akala ko naman close na sila haha

2023-08-03

0

See all

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play