...This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents either are the product of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, events, or locales is entirely coincidental....
.........
...Copyright...
...Writerjuanabe...
...YESTERDAY WITH YOU...
...2022...
.........
...All rights reserved. No part of this book may be reproduced in any form by any electronic or mechanical means, including information storage and retrieval systems, without permission in writing from the publisher, except by a reviewer who may quote brief passages in a review....
.........
...Updates are everyday (atleast) but if you wish to read more chapters in advance, you can download Novelah app, put my code [4159252] search for [writerjuanabe] and look for [Yesterday With You]...
...Thank you for your support...
...💜💜💜...
...01 | CHAPTER...
...💜💜💜...
“What's your name again?” Tanong niya habang may kinukuha sa drawer ng table niya.
“Uhm, Ashlyn. Ashlyn Dela riva.”
Sambit ko habang nakatingin sa ginagawa niya.
“Ashley?” Saad niya nang nakatingin sa akin.
“Ashlyn po.” Sambit ko naman.
“Oh sorry.” Muli naman niyang hinanap ang pangalan ko sa mga envelop na hawak niya.
Here we go again. New place, new house, new school, new friends, and more new in my life.
It's always like this, hindi ko na mabilang kung nakakailang lipat na ako ng school mula noon.
They say it's always nice to make new friends. pero in my case, I can't even have one at all since paiba iba ako ng school.
“So Ashlyn, I've heard palipat-lipat ka ng school, curious ako. Matataas naman ang grades mo and wala ka namang bad records, may I ask why?” She asked.
“Engineer po kasi ang dad ko, kung saan po ang work niya ay do'n rin po kami.” Sambit ko. Tumango lang naman siya.
“Okay, so eto. Nand'yan na lahat ng kailangan mong malaman sa schedule mo, good luck and welcome to your new school.” Nakangiting iniabot niya ang envelop sa akin.
“Thank you ma'am.” sambit ko at saka naglakad palabas ng office niya.
Gaya ng sabi ko, Engineer ang dad ko, every time na may new project siya ay bitbit niya kami kaya palipat lipat kami ng bahay at school.
And my mom? Kasama siya sa bitbit ni dad, she's a very caring and lovable husband to dad and mom to us.
Hindi kasi kaya ni dad na mawalay sa amin ng matagal kaya palagi kaming kasama sa kahit saan mang project niya.
We've been to Pangasinan, Cebu, Cagayan, and even Mindanao.
At ngayon naman ay dito kami sa Manila.
Five years ang contract ni dad para sa project niya rito pero madalas wala pang 5 years ay natatapos na, kaya pag may bagong project, lipat bahay and school ulit.
...~•~...
Habang hinahanap ko ang room ko ay 'di ko mapigilang tumingin sa paligid ng school, napakalawak kasi at sa dami nang nalipatan kong school ay ngayon palang ako nakapasok sa ganito kalaking school.
Binuksan ko ang envelop na ibinigay sa akin at saka ko inilabas ang card na nakalagay roon.
“Building C…room—” hindi ko natapos ang pagbabasa ko dahil sa nakabangga sa balikat ko, dahilan naman para mahulog ang card at envelop na hawak ko.
Napahawak rin ako sa balikat ko dahil medyo malakas rin ang pagkakabanga sa akin nang lalakeng hindi ko alam kung bakit nagmamadali.
And when I look at him, that's when I realize na gitara pala niya ang bumanga sa balikat ko.
Kinuha niya ang card at envelop na naihulog ko, at saka niya ito ibinigay sa akin.
“Sorry, may hinahabol kasi ako, okay ka lang ba?” Sambit nito habang nakatingin sa akin.
And for whatever reason, hindi ko alam kung bakit hindi ako makapagsalita, parang gusto ko lang siyang tingnan, parang bumagal yung oras the moment our eyes met…
“Uhm… okay lang” sabay hablot sa card at envelop na ibinibigay niya.
He smiled at me and say the sweetest sorry I’ve ever heard… huh? I mean, he said sorry!
Nagpatuloy naman ako sa paglalakad habang nakatingin sa kanya na tumatakbo palayo sa akin, maybe he's late.
Okay, so ano bang hinahanap ko? Ah, room.
...~•~...
After a while, nahanap ko na rin yung room ko, at mukhang late na ako. Pumasok ako sa room at lumapit sa professor then I gave her my card.
“Oh, new student?” I nodded.
“By the way, Ms. Dela riva.” Tumingin siya sa relo niya at muli namang tumingin sa akin.
“…You are 2 minutes late for my class, but I understand since you're new, and I guess, hinanap mo pa ang room na ito. So you are not going to sing or dance today like Mr. Cruz. Buti na lang prepared si Mr. Cruz, may dalang gitara.” Sambit ni ma'am at saka naman nagtawanan ang buong class.
“Next time be prepared din ha, or better yet, don’t be late na.” She added.
After that naghanap na ako ng mauupuan, napansin ko naman yung girl na nag taas ng kamay niya na parang tinatawag ako, kaya naman nagpunta ako sa kanya since may vacant seat sa tabi niya.
“Hi” bati niya sa akin.
“Hi, I’m Ashlyn.” pakilala ko habang iniaayos ang bag ko sa upuan at saka rin naman ako umupo.
“Ashley?” Ulit nito.
“Ah hindi, Ashlyn.” Palagi na lang namimis-heard ang pangalan ko.
“Whatever, from now on, Ash na lang ang name mo.” she said sabay ngiti sa akin.
“…I’m Xena.” She said while pointing at her ID.
“It's spells like this, pero it's actually Zeenah, or you can just call me Zee.”
Patango tango na lang ako sa explanation niya.
It's not that I don’t like to talk to her, pero nagsasalita rin kasi yung prof namin and ayoko namang first day of class pa lang ay masabihan na akong madaldal o kung anuman.
“Oh my god. He's looking at me, hindi ko kaya.” Mahinang sambit ni Xena sabay tago ng bahagya sa balikat ko at parang kinikilig pa.
Napatingin naman ako sa sinasabi niyang nakatingin sa kanya, and there I saw him. Again, parang tumigil na naman ang paligid ko. Just why?
“Isa siya sa mga crush ko, well hindi naman ako maharot, marami lang talaga akong crush please don’t judge me.” Paliwanag ni Xena.
At dahil nacurious ako, hindi ko na naisip kung anumang sinasabi ng prof namin.
“Sino ba siya?” I asked while slightly looking at him.
“He's Nicholas Kyle Cruz, some call him Nick, some call him Kyle, but I prefer to call him Nico. He's my… not ultimate, pero crush ko talaga siya.” She said.
“Okay”
“He's a guitarist and vocalist of Campus Band, every time na may event palaging siya yung inaabangan, everyone likes him, sino ba namang hindi 'di ba? I think you're going to like him too.” Kinikilig niyang sambit.
“Huh? Uhm… hindi siguro.” I said.
Yes, I feel like tumigil yung oras ko twice the moment I saw him pero I dont think it's because of that. Hindi ko lang siguro nailabas yung galit ko nang binangga niya ako kanina. Yes hindi niya sinadya pero what I've felt doesn’t mean I like him, it's not going to happen.
“Really? Di nga? I have many friends, and they all like him.” Di makapaniwalang sambit ni Xena.
“Wala kasi akong time para sa mga ganyang bagay.” I said. She paused for a while and said something, na kinabigla ko.
“You know what I think, bagay kayo.”
“Huh?” Gulat na saad ko.
“Kidding, mas bagay kami. Look, nakatingin na naman siya sakin, oh my god nginitian niya ako.” Sambit nito habang patago tago pa sa likuran ko.
And that's how I met a new friend. And how I met the man who promised me his everything.
...~•~...
...Vote.Comment.Share...
...💜💜💜...
...02 | CHAPTER...
...💜💜💜...
...~Ashlyn's POV~...
"So tell me, bakit ngayon ka lang umuwi?" I asked. Habang nakacrossed arms sa harap niya.
Nakita ko siyang nakahiga sa Sofa pag baba ko sa sala mula sa kwarto.
"Napasarap lang kami ng kwentuhan ng mga friends ko, Di ko na namalayan yung oras." sambit niya at saka siya umupo at napahawak sa noo.
Umupo naman ako sa tabi niya at inilapit ang mukha ko sa kanya pero agad rin akong napalayo.
"Sa sobrang lakas ng amoy ng alak sa'yo, para na akong masu-suffocate." Reklamo ko habang humahawi sa hangin malapit sa ilong ko.
"Tigilan mo ako Ash ah, nakainom lang ako pero kuya mo pa rin ako!"
Natigil naman ako sa pag i-interrogate sa kanya. Yes that's my kuya. My pasaway na kuya.
"Alalang alala sayo si mom, tawag nang tawag sa akin, hindi ko na nga alam kung nakatulog pa ba ako. Please kuya, be responsible. Not because we're old enough wala ng pakealam ang parents natin sa atin." Inis kong sambit.
"Alam ko 'yon, don't worry mag-sosorry ako kay mom kaya huwag ka na rin magalit." Saka niya ako nginitian.
"Sorry na lang alam ni'yong mga lalake." Mahina kong sambit. Aalis na sana ako pero bigla namang nagsalita si kuya.
"Oh ayan ka na naman, idadamay mo na naman ako sa lalakeng nang iwan sa'yo, Please Ash mag move on ka na." Disappointed na sambit nito.
Move on? Its been years, I don't even remember his name. Hindi ko na nga rin maalala kung anong itsura niya, height niya, timbang niya. Hindi ko na talaga siya maalala.
"Sinabihan na kita dati na hindi seryoso 'yang Nicholas Kyle na 'yan sa'yo, hindi ka nakinig, binalewala mo pagiging kuya ko sa'yo, tapos ngayon hirap na hirap ka mag move on, si Nicholas Kyle lang nanakit sa'yo pero dinamay mo lahat ng lalake sa mundo!" That's how my kuya gets mad at me.
And now I remember his name. Humarap ako at tumingin nang seryoso sa kanya.
"Fine, kasalanan ko na, hindi na ako nakinig sa'yo noon, pero kuya. Its been years, tama bang sermonan mo pa rin ako hanggang ngayon?" Tumalikod ako at isinuot ang sapatos at saka naglakad palabas ng bahay.
"Sorry." Sigaw ni kuya. Lagi na lang Sorry alam niya.
Nagtungo ako sa garage habang hinahalungkat sa bag ko ang susi ng kotse. Pumasok ako sa loob ng kotse, then I started the engine and drives my way to work.
Yes. It's been years since I fell in love with a man that, I thought, would be forever. And it's been years since he left me with all these questions in my mind.
Bakit mo ako niloko?
Bakit bigla kang nawala?
Bakit hindi mo ako hinanap?
Bakit hindi ka nagparamdam man lang?
Every day that passed, parami nang parami ang tanong sa isipan ko. Just why...
Every time na maaalala ko lahat ng masasayang memories kasama siya, hindi ko alam kung lungkot ang mararamdaman ko dahil hindi na mangyayari 'yon, or galit dahil hindi ko makalimutan na naging masaya ako sa taong dahilan kung bakit nasasaktan ako ngayon.
But no, I've moved on, hindi ko na dapat iniisip 'yon.
...~•~...
After an hour ay nakarating na ako sa Restaurant which I manage and own. I parked the car and went inside.
"Good afternoon Ms. Ash." bati ng mga staff ko.
Dumiretso naman ako sa kitchen to check if all products are available for today, it's Sunday kaya kailangan ready lahat.
"Hi guys, kumusta? Okay ba lahat ng products? Walang 86? Available lahat?" I asked.
"Yes ma'am, no need to worry marami tayong stock today." One of my staff's said.
"Good, pag na-reach natin 'yong target today, may pizza kayo sa akin." Masayang sambit ko.
"Pizza lang ma'am?"
"Syempre may drinks din." Sagot ko.
Nagtawanan naman sila. Then after that I went to my table, and work with my laptop.
This is how I live every day. Home, work. Work, home. That's the cycle. I can't say that I'm a businesswoman, pero I'm always busy working and working. Siguro it's my way to forget the things that I should, pero time to time someone will remind me of it.
"Ash!" And that's Xena.
"How is my friend? How's night yesterday? Siya na ba?" She asked.
Umupo siya sa tabi ko habang nakangiti ng bongga na parang batang naghihintay sa sagot ko.
"Zee, sabi ko naman sa'yo wala akong time sa mga ganyang bagay, I'm a busy woman. Tigilan mo na ako sa date-date na 'yan, ayoko lang maging masama sa kanila kaya nakikipag meet up pa rin ako pero believe me, hindi ako naghahanap." I said while typing at my laptop.
"Hindi ka naghahanap kasi hinihintay mo pa rin siya. My god Ash, you always say na nakamove on ka na pero the way you act, it's just don't fit your words and your actions."
Why do they always have to bring up my past? Hindi ba valid na busy ako? Na may business akong inaasikaso? I mean, is it always about me who can't move on?
"Lahat na ng crush ko pina-date ko sa'yo and you don't like any of them? They're all handsome naman ah, just pick one!" Frustrated na sambit ni Xena.
"Xena, it's not always about the looks, it's--"
"It's also about your feelings if you do like them or not, or you have moved on or not." Xena
"Alam mo ba kung anong naramdaman ko nang nalaman ko na ikaw pala ang gusto ni Nico at hindi ako?" Tell me how can I move on if paulit ulit nilang ipapaalala lahat sa'kin?
...~•~ ...
Years ago...
Its been months since I transferred to this school. A lot of things happen. So far okay naman ako.
And today is February 14, Valentines day. Araw ng mga puso. Lahat may dala-dalang flowers, lahat may natatangap na flowers, except me. Okay lang naman since di ko naman makakain 'yon. Wala rin naman akong inaasahan na magbibigay sa'kin.
"Hi, this is for you". Sabay abot ng flower kay Xena.
"Thank you". Medyo kinikilig pa s'ya. Then umalis na yung guy.
"Ash ikaw na maghawak nang iba, medyo marami na akong hawak, hindi ko kaya." She said. Halos matakpan na ang mukha niya sa ilang pirasong boquet na hawak niya at may ilang pirasong rose na pilit niyang pinagkakasya sa pag hawak niya.
"Sa'yo binigay 'yan e bakit ko bibitbitin?" Kinuha ko 'yong bag ko at saka tumayo at naglakad palabas ng classroom. Sumunod din naman siya.
"Kasi nga mula kanina ay wala kang dala-dalang flowers. Look, halos lahat nang babae may dalang flowers, di ka ba naiingit?" She asked.
Why would I? Kaya ko namang bumili para sarili ko. At hindi ko rin naman kailangan 'yon, hindi ako mahilig sa bulaklak at malalanta lang din naman 'yon.
Nagulat naman ako sa biglaang paghila sa akin ni Xena papunta sa mga nagkukumpulang tao.
"Oh my god Ash feeling ko eto na 'yong hinihintay ko." sambit ni Xena habang hila hila pa rin ako.
"Ano ba 'yon?" I asked.
Medyo naguguluhan ako, lahat ng tao ay do'n lahat papunta. And the girls, they all screaming like, ano bang meron?
"Remember your first day of class? 'Yon din 'yong unang araw na tiningnan ako ni Nico, and napansin ko mula noon, lagi niya na akong tinitingnan, he always talked to me and I think he likes me." She said.
Ah si Nico, si Nicholas Kyle, or Nick or Kyle, ah basta. Yung lalakeng palaging nagpapahinto ng oras ko. I don't know what he did to me but every time na lumalapit siya sa amin ni Xena, I always feel awkward. We're not close, we never talk to each other unless its about our school report or project and whatever related to class.
And for some reason, he always gives me that kind of feeling na parang bumabagal yung paligid ko, na parang umiikot ang mundo ko. It's weird and I always asked myself why do I feel that way?
"...siya na lang ang hinihintay ko girl, hindi niya pa ako binibigyan ng flower." Kinikilig na sambit ni Xena.
At nang nakarating na kami sa kung saan maraming tao. That's when I realize that it was Kyle and his band.
"I love you Nico!"
Narinig kong sigaw ng mga babae, at pati si Xena, nakikisigaw na rin.
Ano bang meron sa lalakeng ito at ganito na lang katindi ang tama ng mga babaeng ito sa kanya?
Playing: Ikaw at ako by TJ
Lalong naghiyawan ang mga tao nang nagsimula nang kumanta si Kyle. It's my first time to hear his voice. And I admit, I like him. I mean his voice. 'Yon rin siguro ang reason kung bakit maraming nagkakagusto sa kanya.
Aside from his looks. Yes, he has this looks na mapapatingin at mapapatigil ka. But the way he sings and plays his guitar, it feels like every lyrics is written just for you.
Ikaw at ako...
Tayo'y pinagtagpo...
I felt it again. Whenever I look at him, palaging humihinto 'yong paligid ko. I know it's weird and its impossible, pero it just feels that way.
"Oh my god Ash, he looked at me again." Sabay hampas sa braso ko.
I saw him smiled and to my surprise, napangiti rin ako. Was it also the first time that I saw his smile?
Didn't realize na nakatulala pala ako sa kanya, napayuko na lang ako nang nagkatinginan kaming dalawa.
...~•~ ...
After that mini concert of Kyle's Band, Xena still can't get over.
Its 7:00 PM and pa close na rin 'yong school at konti na lang ang student sa Campus, pero pauwi na rin kami at palabas ng gate.
"Ilang beses niya akong tiningnan Ash, my god. Feeling ko may connection na kaming dalawa, he looked at me like he was telling me he likes me. And that smile? Oh my god, nakaka-inlove. Okay lang kahit hindi niya ako binigyan ng flowers." Then she looked at all the flowers she's holding.
Natatawa na lang ako kay Xena, crush niya nga talaga si Kyle or maybe inlove na siya.
Bigla namang napahawak si Xena sa braso ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Kaya ko pa naman humawak ng isa pang boquet." She said while looking in front of us.
There I saw him coming towards us, it's Kyle. Medyo patakbo siyang lumapit sa amin.
"Ash hindi pa naman ako haggard 'di ba? Please tell me I'm okay." Natatarantang tanong ni Xena.
"Huh? You're okay." Sabi ko na lang.
Nalilito ako. Is he looking at Xena, or is it me? Why do I feel this? Again.
Huminto siya sa harap namin ni Xena, he look at Xena and he look at me too.
"Hi Nico." Nakangiting bati ni Xena
"Hi" He said. While looking at me.
"Sorry, hindi ko alam kung paano kita kakausapin, I just waited for this day to give you this flower." And he smiled at me. Tingin ko ay medyo nahiya pa ito sa sinabi niya sa akin.
Pagkatapos ng sinabi niya ay agad rin siyang umalis. Natulala na lang ako habang hawak ang boquet of flowers na binigay niya.
I feel butterflies in my stomach, and i dont know what to do.
"So... all this time ikaw pala ang gusto ni Nico? Yung mga tingin at ngiti na akala ko para sa akin, para sa'yo pala? Oh my god, I felt betrayed. Hindi ko kaya." Said Xena. I look at her.
"Xena... hindi ko alam, do I have to say sorry?" I awkwardly asked.
"No, just don't mind me, uwi na tayo, masyado na akong nabibigatan sa mga flowers na dala ko." Sambit niya sabay hila sa akin palabas ng school.
Napatingin ako sa boquet na hawak ko, then I notice a small envelope na nakaipit sa loob.
Every year of this day I never expect anyone to give me flower or anything. Palagi lang akong nakatingin sa mga binibigyan at nagbibigay nito, never thought that one day someone will make this day special and unforgettable for me...
...~•~...
Present day...
"I didn't get mad at you kahit feeling ko inagawan mo ako ng crush that time, and I was even the first person that is happy for you that time, I supported you and—"
"Zee please. Huwag na natin pagusapan kung paano ako naniwala sa kasinungalingan niya." I said.
"Nagmahal ka lang naman, we trust the people we love, we believe them kahit sa huli hindi pala totoo ang mga pinaramdam nila. You just need to accept that everything you had with Kyle were all in the past, move on, love again and be happy with someone." Sambit ni Xena na bahagya akong nginitian.
"Im happy Zee, bakit ba ayaw ni'yong maniwala na masaya ako at naka move on na ako?"
"Because you've changed a lot, I just missed the old Ash." Malungkot na sambit ni Xena.
Napatingin naman ako sa kanya, nagbago ba ako? For the past years ano bang pinagbago ko? Grumaduate ako, nagtrabaho, nagkaroon ng sariling negosyo. Most people change when they get old, so why can't I?
...~•~...
...Vote.Comment.Share...
...💜💜💜...
...03 | CHAPTER...
...💜💜💜...
8:00 AM. Tuesday.
Nagising ako sa malakas na tunog ng alarm clock sa kwarto ko.
Unti unti kong iminulat ang mga mata ko. I forgot to close my window's curtain kaya nasilaw ako sa sinag ng araw sa kwarto.
Umupo ako at in-off yung alarm clock. It's tuesday, si Kuya ang bahala sa restaurant ngayon at ako naman ang magpapahinga.
I went to my bathroom, washed my face, brushed my teeth and fixed my hair. Then I went to the kitchen and there I saw my mom cooking our breakfast.
"Good morning sweetie." Mom said while preparing our breakfast.
Lumapit ako at umupo.
"Maagang umalis ang kuya at dad mo. Nagkaroon kasi ng problema sa restaurant, may gas leak daw pero don't worry nagtext ang dad mo, may nag aayos na raw." Then she gave me a plate.
"Pano po 'yong mga staffs, are they okay?" I asked.
"No need to worry Ash, they are all fine, buti na lang nga at may general cleaning kanina, maagang pumasok ang ibang mga staff kaya nalaman rin agad." Then she sat beside me.
"Ikaw ba okay lang?" Tanong sa akin ni mom.
"Bakit po?" Then i started to eat.
"Nabanggit kasi sa akin ni Xena na she's trying to set you up in a date." Napangiti naman si mom.
"Dates mom, ilang beses na akong nakipagdate dahil sa kanya."
"And wala ka bang nagustuhan kahit isa sa kanila?"
"Ayoko pa kasi mom, I don't think I'm ready." I said.
"Do you need to be ready? Tell me Ash, hindi mo pa ba talaga makalimutan si--"
"Mom I'm okay, it's not because hindi pa ako nakakamove on, siguro kasi natatakot ako na baka gan'on lang rin ang mangyari." Malungkot na sambit ko.
I believe i've moved on, I know I do. Ang hirap lang kasi isipin na once I fall in love again... what if same story, same ending? Natatakot lang ako na pagdaanan ulit 'yong sakit na naramdaman ko noon.
"Someday, someone will love you and he will do everything to prove that he's different from the one who hurts you." My mom smiled, tumayo siya at may kinuha at saka ito ibinigay sa akin.
Napatingin naman ako sa ibinigay niya, a small envelop, I think it's a letter.
"Nakita ko 'yan habang nag-aayos ako ng mga box sa garage, I believe it's yours, and it's from someone in the past na alam kong hanggang ngayon mahalaga pa rin sa'yo."
I remembered. Looking at this small piece of paper gives me that feeling.
'Yong palagi kong nararamdaman noon whenever our eyes met, 'yong tumitigil 'yong paligid ko. Matagal na rin simula nang huling naramdaman ko ang ganito. But why feel this now if he's not even here?
"You can't forget him because you want answers anak, bakit hindi ikaw ang maghanap sa kanya? There's social media, madali na lang mahanap ang taong gusto mong makita. Hindi ka naman naghahabol 'di ba, you just want answers." She smiled again and leave.
I sighed. Yes, I want answers. Gusto ko malaman lahat ng sagot sa tanong ko, pero it's been 3 years. And for those years dapat nakalimot na ako, dapat naka move on na ako. But why cant I?
I open the envelop and read the letter...
[Hi Ash. Nakakahiyang aminin pero hindi kita magawang kausapin. I like you, and i'm sorry kung nabanga kita noon sa kamamadali dahil malalate na ako. Pero thankful na rin siguro ako kasi kung hindi nangyari 'yon ay hindi rin kita makikilala, ang cute mo pala pag nakasimangot, 'yon kasi ang unang tingin mo sa akin nang araw na 'yon, buti na lang hindi mo ako sinampal sa inis o galit mo, pero kita ko sa mukha mo na nainis ka nang araw na 'yon...]
...~•~...
Years Ago...
[...palagi kitang tinitingnan, pero si Xena ang lagi kong nakikitang nakatingin sa akin. Sa lahat ng may gusto sa akin, ikaw lang 'yong gusto ko na hindi ako gusto. Ilang beses kong sinubukan sabihin sa'yo ang nararamdaman ko pero nahihirapan ako dahil may gusto sa'kin ang kaibigan mo, baka kasi mag away kayo. I want you to know Ash that I really like you, at kung papayagan mo ako, gusto kitang ligawan. Gusto kong maging tayo. Give me a chance to prove myself that I really do like you.]
Gusto kong sumigaw... pwede ba akong sumigaw? Ngayon ko lang naramdaman ito. Am I flattered? Am I overwhelmed? Its kinda sweet having this kind of letter.
Nasa kwarto ako at kanina pa palakad lakad, hindi ko kasi alam kung anong gagawin ko. May boyfriend na ba ako? Kami na ba? No! He said manliligaw pa lang siya. Aah! Ano bang gagawin ko?
...~•~...
"Hi" bati niya.
Akala ko si Xena ang kasabay ko sa pagpasok sa school. Siya naman kasi ang madalas sumundo sa akin but this time, it's Kyle.
"Paano mo nalaman na dito ako nakatira?" I asked.
"Ah kasi..." He looked behind him then Xena gets out of the car. Lumapit sa akin si Xena na medyo nakasimangot.
"I told him. You know, I felt betrayed since all this time I thought it was me that he likes tapos ikaw pala..." She said. Napakamot naman sa ulo si Kyle.
"Are you mad?" I asked Xena.
Xena looked at me, and then she stares at Kyle.
"Who cares about you Nico! Crush lang kita, hindi ultimate crush, magkaiba 'yon, you know what, you're not my type, hindi rin naman kita sasagutin kung ako 'yong niligawan mo. So please, take care of Ash or else... pagsisisihan kong pinaubaya kita sa kanya." Naiinis na sambit nito.
Hindi ko alam kung matatawa ako or mata-touch sa sinabi niya, but then she just hugged me and say...
"Our friendship is more important than any guy I like, marami pa naman akong crush kaya bibigay ko na lang sa'yo 'yong isa." She look at me and grab my hand. Then she look at Kyle.
"Hindi pa naman kayo ni Ash so kami muna holding hands ah." She said.
We just smiled at each other at sumakay na sa kotse.
...~•~...
Present day...
Okay so... nakaharap ako sa laptop ko. Am I gonna do it or not? Parang hindi ko kaya.
I clicked the search button, but still don't know what to do. Ano bang kinatatakot ko? Ang mahanap ang FB account niya? O ang makita ulit siya?
Typing Nicholas Kyle Cruz...
Searching...
Nicholas kyle Cruz
Kyle Cruz
Nico Cruz
Nicholas Kyle
Lahat ng nakikita ko may picture niya, pero hindi ko alam kung alin do'n ang totoong account niya.
"Hindi ko kaya." Sabay close sa laptop ko. Then humiga ako sa kama.
Napatulala na lang ako sa ceiling. Why is it so hard to move on and find you at the same time?
Kahit pumikit ako, mukha mo pa rin ang nakikita ko. Nakalimutan na kita. Makakalimutan rin kita.
Bigla akong napaupo sa gulat nang maramdaman ko ang vibration ng phone ko sa table.
Its Xena Calling...
Kinuha ko yung phone and answered her call.
(Hi Ash, where are you?)
"Nasa bahay." Matamlay kong sagot.
(Perfect, so 7pm later may date ka. Trust me you'll going to like him.)
"Zee naman, date again, ayoko na!"
(NO, WAIT! pagbigyan mo na ako, and he's my family's friend , he really likes to meet someone, and by the way he's rich and handsome.)
"I don't care."
(Ash, I'm doing this for you and not for them, I want you to find happiness with someone, just try to like someone instead of reminiscing all those memories of you and him, it's all in the past. Move on na please.)
"Im sorry Xena, ayoko talaga." The I end the call.
...~•~...
Hours later.
Text from Xena: Wear your best dress, smile and have fun. Love you friend.
Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko na naman kasi natangihan ang trip ng kaibigan ko. Here I go again, looking for someone I don't even know.
"Good evening ma'am, do you have reservation?" The receptionist asked.
"Uhm yes." I said while looking at all the tables.
"What's your name ma'am?" Nakangiting tanong nito.
"Ashlyn." I said.
"This way ma'am." Then sumunod ako sa kanya.
Nang medyo malapit na kami ay nakita ko na 'yong kadate ko na nakatingin rin sa akin, tumayo siya at ngumiti sa'kin.
At nang makalapit na ako ay inayos niya ang upuan ko para sa akin.
"Thanks" I said. Then umupo na ako.
Umupo na rin naman siya sa upuan niya, then he asked me of what I want to order. Kinuha ko 'yong menu and tumingin nang maoorder.
For a minute, akala ko hindi na kami mag-uusap. Medyo awkward, unlike other guys na nakadate ko, siya 'yong hindi madaldal.
"Im sorry, I don't know what to talked about, hindi kasi sinabi ni Nico kung anong dadatnan ko dito." Nakangiting sambit nito.
I stopped looking at the menu and then I looked at him straight.
"Nico?" I said.
"Ha? Ah kaibigan ko, si Nico, he told me someone wants to see me, never thought it was a blind date." Nakangising sambit nito.
My heart beats fast. Just right now, pakiramdam ko nanlalamig ang buong katawan ko.
"May I know Nico's full name?" I asked.
"Ah, Nico Salazar. Why? Do you know each other?"
I sighed. Then bigla akong natawa, bagay na ikinagulat naman niya.
"I'm sorry, may kilala kasi akong Nico and I thought it was him, but i'm glad he's not." Then a laughed a bit. He just smiled.
They say maliit lang ang mundo, magkikita at magkikita rin kayo. And if one day Kyle and I meet again. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. And I don't even know if I really wanted to see him, again.
...~•~...
...Vote.Comment.Share...
...💜💜💜...
Download MangaToon APP on App Store and Google Play