...20 | CHAPTER...
...💜💜💜...
...~Ashlyn's POV~
...
Weeks ako simula nang huli kaming magusap ni Kyle.
Simula nang hindi ko napigilan ang sarili ko na umiyak at sabihin sa kanya ang mga nararamdaman ko.
It's been weeks na hindi kami nagpapansinan. And it's awkward lalo na sa restaurant.
I'm trying to be okay at kalimutan ang mga nangyari at nasabi ko sa kanya that day. But then I can't.
I always have a problem when it comes to forgetting.
Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko.
I somehow felt bad for kyle. For I have said, pakiramdam ko this time, siya naman ang nasaktan ko.
Nandito ako sa restaurant and it's been 2 days since Kyle didn't come to work. Hindi ko alam kung papasok pa siya, I guess ayoko na lang malaman.
I sighed. Nasstress lang kasi ako sa dami ng iniisip ko. I kinda miss him, and sometimes naiisip ko, na kung magkakabalikan kami ulit, will things change?
Do I still love him?
My heart beats fast whenever I think about it.
For all those days na magkasama kami ulit, hindi ko inisip kung mahal ko pa ba siya o wala na talaga.
Palagi kasing 'yong sakit 'yong sumasagi sa isipan ko, palaging 'yong araw na 'yon ang naaalala ko.
"Hi." Napatingin ako sa side ko. It's Ellie, tiningnan ko kung kasama niya si Kyle, pero hindi.
"Pwede ba tayo mag-usap?" Tanong niya.
Lumabas ako ng cashier area at lumapit sa kanya, inaya niya naman akong kumain sa isang fastfood.
"Pasensya ka na, nautusan lang ako." nakangiting sambit niya.
I just look at her habang may kinukuha siya sa bag niya. Then after that ay iniabot niya sa akin ang isang sobre.
"Resignation letter ni Kyle 'yan." sambit niya.
Bigla akong nalungkot sa narinig ko, kaya pala 2 days na siyang hindi pumapasok.
"Hindi kita pipilitin kung ayaw mo na talaga kay Kyle, pero sana kahit minsan, pakingan mo naman siya, hindi ko alam kung gaano ka nasaktan sa pag alis ni Kyle noon pero... nasasaktan rin kasi akong makita siyang malungkot dahil sa'yo." paliwanag niya.
"Hindi ko naman sinabing ayoko sa kanya." For some reason, parang gusto kong depensahan ang sarili ko sa sinabi niya.
Ngumiti siya at muling may kinuha sa bag niya. Nagulat ako nang iniabot niya sa akin ang nakacompile na mga sobre. Kinuha ko ito at nakita kong isa 'yong mga sulat. May pangalan ko at address ng dati naming bahay.
"3 years ago, lumipat kami ng bahay, kung san kayo dating nakatira. Every month laging may nagpapadala ng letters sa bahay na iyon." She said.
"... alam kong hindi iyon para sa akin pero naisip kong itago iyon, pero lumipas ang ilang buwan at patuloy pa rin akong nakakatanggap ng sulat na mula kay Nicholas Kyle at para kay Ashlyn."
Nakatingin lang ako sa kanya habang nagpapaliwanag siya, nakaramdam ako ng kaba sa mga sinabi niya, tama ba talagang makaramdam ako ng galit kay Kyle nang iniwan niya ako?
"...pasensya ka na kung binasa ko ang ilan d'yan, nacurious lang kasi talaga ako kung bakit may isang lalakeng walang sawang nagpapadala ng sulat sa isang babae gayong may social media naman na at pwedeng doon na lang." Dagdag niya.
"Paano kayo nagkakilala?" Tanong ko habang nakatingin sa mga sobreng binigay niya.
"Hindi ko rin alam pero siguro, nakatadhana na, na magkakilala kami, naging magkaibigan kami at unti unti kong nalaman na siya pala 'yong lalakeng laging nagpapadala ng sulat sa bahay namin, o sa dating bahay namin, na dati niyo ring bahay." Nakangiti niyang sambit.
"Sobrang mahal ka niya Ash, sa ilang taon naming magkakilala palaging ikaw ang bukang bibig niya sa akin, kung paano ka niya nakilala, kung paano kayo nagsimula, at kung paano rin nagwakas." Pinipigilan kong umiyak, kasi bakit hindi ko agad nalaman ang mga ito?
Bakit ko pinairal ang galit ko? Bakit ang sama ko?
"Walang araw na hindi siya umasa na magkikita ulit kayo. Alam kong nasaktan ka sa biglaang pag alis niya, pero Ash, wala ka dapat ikagalit kay Kyle, hindi niya naman intensyon na masaktan ka e." She said.
Sa sinabi niyang iyon ay biglang may sumagi sa isipan ko,
"That night I saw her hugging a girl. I never know who she was, all I know is he cheated on me, kaya ako galit sa kanya. Kaya ako nasasaktan dahil sa nakita kong iyon, siguro mababaw lang pero after that night hindi na rin siya nagparamdam..." I said.
Kinuha niya ang cellphone niya at saka ipinakita sa'kin ang isang picture.
"Siya ba 'yong babae?" She said habang nakaharap sa akin 'yong phone niya. I nodded.
Ipinakita niya sa'kin ang picture ni Kyle at nang babae na gaya ng gabing 'yon ay nakayakap rin sa kanya ang litrato nila ni Kyle.
Ngumiti muna siya sa'kin bago magsalita.
"Kapatid niya 'yan, si Judy, isang taon lang ang agwat nila at hindi kita masisisi kung sa tingin mo ay niloko ka ni Kyle nang makita mo silang magkayakap."
Bakit hindi ko man lang alam na may kapatid siya?
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa lahat ng nalaman ko ngayon.
Pakiramdam ko, those 3 years thinking about Kyle being a cheater,
Pakiramdam ko ako lang ang gumawa ng drama sa buhay ko.
I never knew about his sister.
I feel embarassed. I don't even know kung valid pa ba lahat ng nararamdaman at naramdaman ko.
Pakiramdam ko ang laki ng kasalanan ko kay Kyle dahil sa mga maling inisip ko sa kanya.
Nagkahiwalay man kami pero hindi sapat na magalit ako sa kanya dahil alam ko na ngayon na hindi niya rin ginusto ang lahat ng ito.
"Sa totoo lang Ash gusto ko si Kyle." Bahagya siyang ngumiti at tumingin sa akin.
"Pero ano bang magagawa ko kung ikaw pa rin ang gusto niya." Sambit nito.
"Kung hindi kami pwede, wala akong ibang gusto para sa kanya kung hindi ikaw lang. Alam kong mahal mo pa rin siya Ash, pinipigilan ka lang ng galit at sakit na nararadaman mo." She said.
She's right. All those years, bakit nga ba ang hirap para sa akin kalimutan lahat ng memories namin?
All this time akala ko hirap akong mag move on kasi galit ako at hindi ko matanggap lahat ng nangyari sa akin noon.
Pero sa tingin ko nga mahal ko pa rin si Kyle.
And knowing all this, parang gumaan 'yong pakiramdam ko, parang nawala 'yong tinik sa puso ko.
I felt like I wanted to see kyle and tell him what I really feel.
...~•~
...
I asked Ellie kung na saan si Kyle. Pero hindi niya din alam kug n saan sya.
So I asked Xena if Nico's with Kyle. And she told me yes. Tinanong ko kung nasaan sila at sinabi niyang nasa studio raw sila.
Hindi ko alam kung saan iyon but then I asked Xena about the address.
At ngayon ay papunta na ako doon.
Nakangiti akong nagmamaneho papunta sa studio nila. Kinakabahan ako at natatakot pero masaya ako na alam ko na ang lahat ng sagot sa tanong ko.
Pakiramdam ko nakalaya ako sa ilang taong galit at sakit na nangibabaw sa puso ko.
After an hour ay nakarating na rin ako sa studio.
Nagbilang ako ng sampu bago ko tuluyang binuksan ang pintuan, yes. I didn't knock.
Nahinto sila sa pagtugtog ng makita nila ako. At si Kyle, nakatingin lang rin sa akin at alam kong nagtataka siya kung bakit ako nandito.
Inalis niya ang gitara sa katawan niya at ibinaba ito sa upuan, saka naman siya naglakad papunta sa akin.
Bawat hakbang niya ay kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko. Just like before. Hindi ko na naman marinig ang paligid ko sa lakas ng tibok ng puso ko.
Alam kong hindi lang kami ang tao rito ngayon pero siya lang ang nakikita ko.
Nang makalapit siya ay agad ko siyang niyakap, hindi ko na kasi napigilan ang sarili ko.
Lalong gumaan ang pakiramdam ko nang niyakap niya ako pabalik, I just miss his hug.
"Ash..." narinig kong sambit niya.
Inalis ko ang yakap sa kanya at saka ko siya tiningnan. Naramdaman ko ang paghawak niya sa pisngi ko, pinunasan niya pa ang luha ko, hindi ko man lang alam na pumatak na pala ang luha ko.
"Alam ko na lahat, I made a mistake of being mad at you and not listening to you pero alam ko na lahat and i'm sorry." sambit ko.
Ngumiti naman si Kyle at muling hinawakan ang pisngi ko.
"Hindi ko hihilingin sa'yo na ibalik 'yong dating tayo, kasi alam kong nasaktan kita noon, alam kong hindi ko natupad ang mga pinangako ko noon." Sambit niya.
"...pero pwede bang magsimula na lang ulit tayo? This time kung aalis man ako, magpapaalam na ako." bahagya siyang ngumiti at saka hinawakan ang kamay ko.
Nangiti naman ako sa sinabi niya at medyo natawa.
"Bakit ka magpapaalam kung pwede naman akong sumama 'di ba?" Sambit ko.
Pagkatapos no'n ay niyakap ko ulit siya.
"Ahm, baka nakakalimutan niyong nakatingin kami sa inyo?" Rinig kong sambit ng isang lalake.
Nagsilapitan naman sila at kung anu-ano ang pinagtatanong sa amin.
Siguro nga ay masyado akong nilamon ng galit ko noon, masyado akong nadala sa sakit na naramdaman ko.
I only thought of myself being hurt, cheated and left alone.
But sometimes.
Misunderstanding could make everything worst.
And not knowing each sides of the story makes it harder,
And that's what happened to us.
forgiving and forgetting is another thing.
After all,
There is always a start for every relationship.
...~•~...
...Vote.Comment.Share...
...💜💜💜...
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 20 Episodes
Comments