09 | Chapter

...09 | CHAPTER...

...💜💜💜...

...~Nicholas Kyle's POV~...

Dalawang araw mula nang huli kaming magkita ni Ash. Hindi ko alam kung paano ulit kami magkikita pero alam kong may paraan.

Palabas na ako ng bahay nang bigla akong tinawag ni mama.

"May pupuntahan ka?" Tanong niya. Tumango ako.

"Pwede mo bang daanan saglit si Ellie sa bahay niya? Nag-aalala kasi ako, hindi ko kasi siya nakita kahapon."  Sambit ni mama.

Hindi ko rin siya nakausap kahapon. Si mama talaga, kung mag-alala kay Ellie ay akala mo anak niya na rin ito.

"Sige ma, puntahan ko po." Sambit ko.

"Pakibigay na rin ito kung sakaling hindi pa siya nag aalmusal." Saka niya inabot sa akin ang isang paper bag.

Agad naman din akong lumabas ng bahay at nagtungo sa bahay ni Ellie.

Nagdoorbell ako pero napansin kong nakabukas ang gate ng bahay niya kaya pumasok na lang ako.

Pagpasok ko sa loob ay nadatnan ko naman siyang pababa ng hagdan patungo sa sala.

"Paano ka nakapasok?" Sambit niya habang kinukusot-kusot pa ang mata niya. Kagigising lang ata niya at nakapajama pa.

"Nakabukas 'yong gate ng bahay mo, normal ba 'yon?" Tanong ko. Umiling naman siya.

"Hindi ko siguro naisara kagabi." Saka naman siya nagtungo sa kusina. Sumunod naman ako.

Kumuha naman siya ng tubig sa ref at saka siya uminom.

"Bakit pala?" Tanong niya.

Nilapag ko naman sa lamesa 'yong paperbag na pinabibigay ni mama at saka umupo sa dining.

"Baka raw di ka pa kumakain sabi ni mama." Sambit ko. Tumango siya at saka kinuha yung laman ng paperbag.

"Nagugutom na nga ako e." Sambit nito at saka sinimulan kumain.

"Nag-aalala si mama sa'yo, hindi ka raw niya nakita kahapon, hindi rin kita nakausap." Sabi ko.

"Ah? Umuwi kasi ako sa kapatid ko. May kinuha lang ako pero anong oras na rin kasi ako umuwi." Paliwanag niya.

"May date ka? Magkikita kayo ni Ash?" Tanong niya. Umiling ako.

"Pupunta ako sa studio." Sambit ko.

"Sige na alis ka na, pasensya na at pinag-alala ko pa kayo." Mahinang sambit niya.

Lumapit ako kay Ellie at kinapa ang noo niya, wala naman siyang lagnat. Mukha kasi siyang may sakit.

Pagkatapos no'n ay umalis na rin ako at nagtungo sa Studio.

Buti na lang at hindi gaanong traffic ngayong araw kaya agad rin akong nakarating.

Pagdating ko sa studio ay nagsisimula na rin sila sa kanya kanya nilang instrumento.

Ibinaba ko ang gitara ko at tumingin sa paligid.

"May hinahanap ka?" Sambit ni Matt. Napatingin naman ako sa kanya.

"Si Nico?" Tanong ko.

"Parating na 'yon—" Sambit ni Art.

Narinig ko naman ang pagbukas ng pinto at dumating na nga si Nico.

"Good morning guys, may papakilala pala ako." Saka siya tumingin sa pintuan, kasabay ng pagpasok ng isang babae.

"Hello" mahiya-hiyang sambit ng babaeng pumasok.

"Jowa mo?" Tanong ni Psyche kay Nico.

"Magiging girlfriend ko pa lang." Sambit ni Nico sabay kamot sa ulo.

Nagulat naman ako ng bigla akong nilapitan ng babae. Hinawakan ako sa mukha at pinagmasdan.

"Kyle? Am i dreaming or not?" Sambit niya.

Napatingin naman silang lahat sa'min, hindi ko rin alam kung anong nangyayari.

"Ex mo?" Tanong sa'kin ni Psyche. Umiling ako.

"Ex ng bestfriend ko." Sambit ng babae habang nakakunot ang noo.

At doon ko naalala kung sino siya. Si Xena. Kaya pala mukha siyang pamilyar sa akin.

Inalis niya na ang hawak sa mukha ko at lumapit ulit kay Nico. Pagkatapos ay lumabas sila ng studio.

Nagsilapitan naman sa'kin sila Matt.

"Kwento mo naman anong meron?" Art.

"Eto ba 'yong Ex mo na hanggang ngayon mahal mo pa rin?" Matt.

"Mukhang may magkakabalikan ah." Psyche

Napabuntong hininga na lang ako sa mga sinasabi nila.

Maya-maya ay pumasok na rin ulit sa studio sila Nico. Nilapitan naman ako ni Nico at kinausap.

"Pinaliwanag na sa akin lahat ni Xena. Pasensya na Kyle, hindi ko alam na ex mo pala 'yong kameet-up ko nang araw na 'yon." Sambit niya

Ngumiti na lang ako, tapos bigla namang sumulpot si Xena sa likod ni Nico.

"Pwede bang kami muna mag-usap?" Tanong niya kay Nico.

Pumayag naman si Nico at habang nag eensayo sila ay kami naman ni Xena ay nag-uusap.

"So... explain to me bakit ka biglang nawala." Sambit niya.

"Hindi ba dapat kay Ash ako nagpapaliwanag?" Tanong ko.

"Oo, pero kailangan ko rin malaman kasi i'm her friend, so I deserve an explanation and para malaman ko rin if you deserve a second chance." Mariing sambit nito habang seryosong nakatingin sa'kin.

Napabuntong hininga na lang ako at pinaliwawag sa kanya kung anong nangyari...

...~•~ ...

"So 'yonn 'yong dahilan kung bakit ka umalis?" Tanong niya. Tumango ako.

"I'm sorry Kyle. All this time naging masama ang tingin ko sa'yo kasi naman iniwan mo si Ash." Malungkot na sambit niya.

"Alam ko namang may mali rin ako, hindi ako nakapag sabi sa kanya ng maayos, kahit sino naman siguro ay magagalit." Paliwanag ko.

"Alam mo naman pala. But anyway, there's a reason for everything. At hindi ulit magtatagpo ang landas niyo ngayon ng walang dahilan. I'll help you." Nakangiting sambit niya.

Napangiti rin naman ako sa narinig ko. Parang kanina lang ay iniisip ko kung paano at saan ako magsisimula para makita ulit si Ash. Tadhana na ang mismong lumapit sakin.

...~•~...

...Vote.Comment.Share...

...💜💜💜...

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play