17 | Chapter

...17 | CHAPTER...

...💜💜💜...

...~Ashlyn's POV~...

Tumawag ako sa auto shop  kung saan naroon ang kotse ko. At hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagagawa.

'Yong piyesa raw kasing kailangang palitan ay hindi available dito at ioorder pa raw nila sa ibang bansa at tatagal pa raw iyon ng ilang araw. Nasstress na naman tuloy ako.

Isang linggo na mula nang nasira 'yon at ilang araw na akong nagtataxi at napipilitang sumabay kay Kyle pauwi.

Isang linggo na rin akong umuuwi sa condo ni Xena dahil na rin sa ayokong malaman ni Kyle kung saan ako nakatira.

Actually pinagkukuha na ni Xena ang mga damit ko sa bahay. She's happy na nandito ako sa condo niya. Nabobored daw kasi siya dahil wala siyang kasama.

Anyway, today is our Restaurant's Anniversary party.

"Matagal ka pa ba d'yan?" Sigaw ni Xena mula sa labas ng bathroom.

Nandito kasi ako sa loob ng bathroom at nagaayos ng buhok ko. Nakabihis na ako at nakasapatos na rin, buhok ko na lang ang kailangan kong ayusin.

After several minutes ay lumabas na rin ako sa bathroom. Tiningnan naman ako ni Xena from head to toe. Why? Something's wrong?

"Anniversary ng restaurant ang pupuntahan natin girl, hindi prom night." Sambit niya sabay tawa.

Bakit? Nakadress lang naman ako? Anong special sa suot ko?

"Baka matunaw ka sa tingin ni Kyle niyan." Pang aasar niya at saka pumasok sa bathroom.

Wala naman akong pakialam kay Kyle.

After that ay natapos na rin siya sa pag aayos ng kanyang sarili. Then umalis na kami at nagtungo sa Venue.

~•~

Pagpasok namin sa Venue ay bumungad sa akin ang maraming tao, some of them ay hindi ko kilala.

I didn't expect na ganito karami ang aattend sa 2nd anniversary ng Restaurant.

Nagpamigay lang naman ako ng invitation online and most of them are my colleagues and some of our family's friends.

Pero mukhang sobra sobra ata sa ininvite ko ang nakikita ko ngayon.

Nakita ko naman ang mga staff ko na sama sama sa isang table. Sa kabilang side naman ay ang parents at ang kuya ko.

Itinuro naman sa'kin ni Xena kung saan naroon sila Kyle, hindi ko kilala ang ilan sa mga kasama niya, tanging siya at si Nico lang ang kilala ko.

Nagtungo naman roon si Xena at ako naman ay pumunta sa parents ko.

Niyakap ko sila mom and dad, yayakapin ko sana si kuya kaso itsura niya pa lang mukhang ayaw na.

Ilang araw na kasi akong hindi umuuwi and I kinda miss them.

Umupo naman ako sa tabi nila.

After a while ay nagsalita na ang host ng party.

Narinig ko ang pangalan ko kasabay ng malakas na palakpakan ng mga tao.

Pumunta ako sa harapan at binigyan ako ng boquet of flowers.

Syempre nagbigay ako ng message para sa mga bisita at lalo na para sa mga staff ko.

Without my staff, wala kaming icecelebrate na party ngayon for the 2nd time.

After my "Not so long" speech ay bumalik na rin ako sa table namin, then nagstart na kaming magsikain.

"Since mukhang stable na ang restaurant mo Ash, bakit hindi ka mag open ng 2nd branch?" Tanong ni Dad.

"Tama ang Dad mo Ash, I think you're ready for 2nd branch." Mom said. Umiling ako.

"Not yet mom, masyado na akong busy sa isa, baka 'di ko na magawang matulog kapag naging dalawa pa." Sambit ko.

"Mag hire ka na lang kasi ng manager kesa ikaw lahat gumagawa." Saad ni Kuya.

Hindi naman sa nagtitipid ako sa employee. I'm not just the type of person na may ari ng business at magha-hire na lang ng employees para gawin lahat ng kailangan sa restaurant.

As much as possible, I want to be involve and to personally know everything about my business. Kaya I prefer to be a manager of my own restaurant.

After we ate ay nagkanya kanyang kwentuhan na sila, umuwi na rin sila mom and dad at gano'n din ang kuya ko.

Kaya nandito ako ngayon sa table ng mga staff ko na masayang nagkkwentuhan at nagaasaran.

Unti unti na ring nagsisi uwian ang mga ibang bisita.

"Nasan ba si Kyle?" Tanong ng staff.

"Andun oh, mga kaibigan niya ata 'yong kasama niya." Sabay tingin nila sa kung saan naroon si Kyle.

"Ma'am, wala ba tayong pa after party d'yan?" Tanong ni Luke.

"After party?" Nagtataka kong tanong.

~•~

And where here sa Bar. Request ng isa sa mga staff ko, pumayag naman ako.

Nakatingin lang ako sa kanila na nagkakasiyahan at mukhang ang ilan ay mga lasing na.

Kasama rin pala namin si Xena at syempre si Kyle with his friends na hindi ko kilala.

Andito ako sa counter at nakaupo lang habang pinagmamasdan ang isang glass of wine na hawak ko.

Napatingin ako kay Xena nang bigla akong nakarinig ng tili. It's her, yakap yakap niya si Nico. I think sila na.

Actually hindi talaga ako mahilig sa mga ganitong places, at sa tuwing mapapadpad ako rito dahil kay Xena ay madalas nandito lang ako sa counter. Patingin tingin lang sa mga nagsasayawan at sa mga taong unti unti ng bumabagsak dahil sa kalasingan.

Napatingin ako sa stage nang may bigla akong narinig na tumugtog ng gitara.

I know it's weird pero it's been 3 years since I heard someone playing guitar.

And yes, i'm talking about Kyle 3 years ago.

Nagulat ako nang makita ko kung sino ang nasa stage, it's Kyle's friends. And it's him infront of them with his guitar.

"Hi" I look at my side and saw a girl. Hindi ko siya kilala pero she looks familiar.

"Sorry, Ako nga pala si Ellie, friend ni Kyle." Sambit niya.

"Ah, hi" I said. Bahagya ko siyang nginitian .

Binaling ko ulit ang tingin ko kina Kyle na nagsimula ng tumugtog.

PLAYING: Dating Tayo by TJ

Tiningnan ako ni Kyle at saka sinimulan kumanta. Iniwasan ko ang tingin niya at tumingin na lamang ako sa basong hawak ko.

I miss that voice...

"Simula nang magkakilala kami ni Kyle ay ngayon lang ulit siya kumanta sa harap ng maraming tao." Sambit ni Ellie, I look at her and then she smiled at me.

"Simula kasi nang mawala ka tumigil na siya sa pagkanta." she said.

"So you know about me and our past. Ganun kayo kaclose para magkwento siya tungkol sa akin?" I asked. She nodded.

"Feeling ko nga kilala na rin kita dahil sa mga kwento niya e, pero huwag ka mag alala, wala naman siyang sinabing hindi maganda." paniniguro niya.

Hindi naman 'yon 'yong concern ko. Sa sobrang close nila bakit hindi man lang sila nagkagustuhan? Pwede ba 'yon?

"Simula nang mamatay ang lolo niya, lalo siyang nawalan ng gana sa lahat." Malungkot na sambit niya.

Napatingin naman ako sa kanya, hindi ko alam na namatay ang lolo niya.

"...Pero never ka niyang sinukuan, kaya siya nawala noon dahil kinailangan niyang puntahan ang lolo niya, 'yon 'yong mga panahon na nanghihina na ang lolo niya. At 'yon 'yong dahilan bakit kayo nagkahiwalay." Paliwanag niya.

Hindi ko alam. Bakit parang naguiguilty ako, I don't know about his grandfather, I don't know his reasom, he never told me anything about it.

I look at Kyle at saktong nakatingin din siya sa akin, habang nag gigitara, habang kumakanta. Just like before, pakiramdam ko na naman ay para sa akin ang kinakanta niya.

"Alam kong wala pang sinasabi sa'yo si Kyle, pasensya na kung nangengealam ako ngayon, pero sana pakinggan mo si Kyle, hayaan mo siyang magpaliwanag sa'yo." Sambit ni Ellie.

"...Ayoko lang kasing umasa siya kung ayaw mo na rin talaga." dagdag niya.

Sa mga nalaman ko ngayon, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, kung tama ba ang mga naramdaman ko at kung tama bang masaktan at magalit ako.

Huminga ako ng malalim sabay tungga sa wine na kanina ko pa hawak hawak.

Hindi ko na talaga alam kung anong dapat kong maramdaman.

For years, I almost forget all those pain i've felt. Almost. Kahit paminsan minsan hindi ko makalimutan, kahit papaano ay nawawala na 'yong sakit. And now i'm here, thinking if all those pain and those emotions i've felt are valid.

...~•~...

...Vote.Comment.Share...

...💜💜💜...

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play