...15 | CHAPTER...
...💜💜💜...
...~Ashlyn's POV~...
"Ash! Gising! Dali!" Narinig kong boses habang patuloy niyang niyuyugyog 'yong katawan ko.
I'm still asleep and someone raid my room. Sino ba ito? Tiningnan ko siya ng papikit-pikit pa, nakaopen na kasi 'yong curtain ng bintana kaya medyo nasilaw ako sa liwanag mula sa labas.
Umupo ako at kinusot ang mga mata ko, then I look at her. It's Xena, she's smiling at me.
"Happy birthday" I said.
"Yes! It's my birthday kaya mag bihis ka na, may date tayo!" Sambit niya, then hinila niya ako papunta sa bathroom at saka niya ako sinarhan ng pinto roon.
I sighed. Napuyat kasi ako sa mga inquiries online na pinagsasagot ko kagabi kaya masyado pang maaga ang 8am para magising ako. But then I remember it's Xena's birthday, at hindi pwedeng hindi ko siya samahan sa Amusement Park.
Yes, it's been her tradition to go to amusement park every year na birthday niya, and it's always the two of us na magkasamang pumupunta roon.
At dahil nasa bathroom na rin lang naman ako ay wala na akong ibang nagawa kun'di maligo.
Paglabas ko ng bathroom ay wala na rin si Xena sa kwarto ko, maybe she is waiting for me outside.
Agad naman akong tumingin ng masusuot sa cabinet, then after that ay nagbihis na ako. Then I went back to my bathroom para suklayin at plantsahin ang buhok ko. I also put some makeup on. Lagi naman akong nakamake up pero 'yong natural look pa rin. Then I wore my rubber shoes .
I decided to wear pants today since gusto ko muna magpahinga sa high heels ko, medyo mahirap rin kasing every day 'yon ang suot ko, from time to time gusto ko rin ipahinga ang paa ko.
Then after that ay lumabas na rin ako ng kwarto at bumaba sa Living room.
"Happy birthday Xena." Narinig kong bati ni Mom sa kanya.
"Thank you po tita" sambit naman ni Ash.
"Oh, magiingat kayo ah, and Ash, enjoy your date." Mom said.
Then lumabas na kami ng bahay. Kung makapagsabi naman si mom ng date e akala ko mo naman kung sinong kadate ko.
"Excited ka na?" Nakangiting tanong sa akin ni Xena.
"Excited saan—" napahinto ako sa paglalakad nang nakita ko ang dalawang lalakeng nakasandal sa hood ng isang sasakyan.
It's Nico... and Kyle, so is this the date that mom is talking about?
Napakunot noo akong tumingin kay Xena, and she just smiled at me.
"'Di ba dapat tayo lang?" I asked.
"Sorry na, gusto ko rin namang makasama si Nico e" nakasimangot niyang sambit.
Medyo malayo pa kami sa kung saan naroon sila Kyle kaya hindi nila kami naririnig.
"Zee, okay lang sa'kin kahit maging third wheel ako sa inyo, pero 'yong isama mo si Kyle?" I said then I pause for a second at saka umiling,
"Hindi ko rin naman alam na kasama siya, it's just that, pag sundo sa akin ni Nico kanina kasama na siya." Paliwanag niya.
Napabuntong hininga na lang ako. Hinila naman ako ni Xena para muling maglakad palapit sa kanila.
"Hayaan mo na si Kyle, alam mo naman kung gaano niya kagustong magkaayos kayo 'di ba? Maybe he asked Nico if he could go too." Xena said.
Wala akong pake sa kahit ano pang trip ni Kyle, hindi kami magkakaayos, I will never let him back in my life ever again. Right.
Whatever we have now, it's just a boss and employee relationship, that's it!
Pagkalapit namin sa sasakyan ay agad namang pinagbuksan ni Nico si Xena sa passenger's seat.
At nang akmang bubuksan ko na 'yong pintuan sa backseat ay bigla namang sumulpot ang kamay ni Kyle sa handle ng car. Dahilan para magdampi ang mga kamay namin, but anyway agad ko namang hinila ang kamay ko at saka siya inirapan. Hinayaan ko na lang rin na pagbuksan niya ako ng pinto since 'yon ang gusto niya.
You may think na medyo OA ako ngayon or OA talaga ako, pero we never had anything like this since we met again. I mean, we are talking to each other pero madalas it's about work. And I never imagine myself dating him again. I'm not saying na we are really dating pero gano'n na rin kasi ang kalalabasan since it's Nico and Xena and then the two of us. What are we supposed to be? Bantay ng mga friends namin?
Pagpasok ni Kyle sa kabilang pinto ay medyo umusog ako sa pinaka gilid ng pintuan sa tabi, hindi kasi ako kumportable.
Hindi ko rin alam kung anong nararamdaman ko, it's awkward for me.
"May hindi ba kami nakikita?" Tanong ni Nico habang nakatingin sa aming dalawa.
"Bakit?" Kyle
"Laki kasi ng space niyo sa gitna e" He smirked.
"Oh my god, natakot ako sa sinabi mo." Said Xena, pagkatapos niyang hampasin si Nico sa braso.
After that ay nagsimula na rin mag drive si Nico. Medyo malayo ang byahe namin at sa lamig ng aircon sa kotse ay pakiramdam ko any time ay makakaidlip na ako.
But of course as much as possible ayokong makatulog, mahirap na, baka kung kaninong balikat pa sumandal ang ulo ko.
...~•~ ...
...Vote.Comment.Share...
...💜💜💜...
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 20 Episodes
Comments