16 | Chapter

...16 | CHAPTER...

...💜💜💜...

...~Ashlyn's POV~ ...

I cant believe na gigising akong nakasandal ang ulo sa balikat ni Kyle. Nakatulog ako sa buong byahe, hindi ko naman sana poproblemahin 'yon ngayon kung sa bintana ako sumandal, pero bakit kasi kay Kyle pa?

Nevermind.

We're now here at EK, naghihintay kami ni Kyle dito sa labas ng EK since si Xena and Nico ang nakapila para bumili ng ticket.

I distance myself from Kyle time to time, napapansin ko kasi na panay ang lapit niya sa akin. Hindi ako kumportable at ayokong isipin ng makakakita na couple kami. Never again.

"Mas marami na atang rides ngayon kumpara noon." narinig kong sambit niya habang tinitingnan ang mga naglalakihan at nagtataasang rides na matatanaw mula rito sa labas.

Yes. We've been here before. Noong kami pa. At ayoko ng maalala 'yon. It is a happy memory pero aanhin ko 'yon ngayon kung pagkatapos ng masasayang alaala na iyon ay iniwan niya lang rin naman ako.

"Let's go!" Sambit ni Xena ng makalapit sa amin. Ibinigay niya naman ang ticket.

Naglakad naman kami para pumila sa entrance, medyo maraming tao ngayon, natapat pa kasi sa weekend ang birthday ni Xena.

Habang nakapila naman ay abala ako sa paglalagay ng ticket sa kamay ko, hindi ko kasi maiikot at maidikit sa magkabilang dulo nito para maging bracelet.

"Akin na." Sambit ni Kyle na nasa likuran ko ng hinatak niya 'yong ticket at saka kinuha 'yong kamay ko. Hinayaan ko na lang siya dahil baka hindi pa ako makapasok sa loob dahil lang sa hindi ko ito mailagay sa kamay ko

Napatingin naman ako kay Xena at Nico na nasa harapan ko sa pila. Tinutulungan din ni Nico na ilagay sa kamay ni Xena  'yong ticket niya.

Napansin naman ni Xena ang ginagawa ni Kyle at pagkatapos ay bumulong pa siya kay Nico, saka naman din tumingin sa amin si Nico at sabay silang ngumiti sa amin.

Nang tumingin naman ako kay Kyle ay nakangiti rin siya, pero nang makita niyang nakatingin ako sa kanya ay agad rin namang nawala 'yong ngiti sa mukha niya. Napansin ko rin na tapos niya na palang ilagay 'yong ticket sa kamay ko pero eto at nakahawak pa rin siya sa kamay ko, kaya hinatak ko naman ang kamay ko at inirapan siya.

"Sorry." He said.

After that ay nakapasok na rin kami sa loob, I can see na sobrang saya ni Xena, hindi siya nagsasawa sa EK kahit ilang taon na kaming pabalik balik dito. But I guess, it's not really the place you visit that makes you happy. It's the person you are with, that makes you truly happy. Or maybe not.

Napatingin ako kay Kyle na nauunang maglakad sa akin. Mas masaya ako kapag kami lang ni Xena ang nandito ngayon. You can't blame me, how can I be happy if nakikita ko si Kyle? I mean, hindi ako galit. Hindi talaga. It's just that, naalala ko 'yong dati, bumabalik 'yong dati at ayoko ng kung anong nararamdaman ko ngayon.

Seeing Xena and Nico being sweet now, it makes us awkward, as if magpapakasweet rin ako sa kanya. Not going to happen.

"Uy sakay naman tayo sa space shuttle." aya ni Xena.

"Ayoko, 'di ko kaya 'yan." sambit ni Nico

"What? Kung mahal mo ako kakayanin mo" nakasimangot na sambit ni Xena.

"Syempre naman tara pila na tayo" saka niya hinawakan sa kamay si Xena at nagtungo sa pila sa space shuttle.

Cringe.

Sumunod naman ako, napansin kong nakatingin sa akin si Kyle at parang may gustong sabihin sa akin.

"Bakit?" I asked.

"'Di ba ayaw mo sa space shuttle?" Saad niya.

Ah, I remember 3 years ago ayoko nga ng space shuttle.

"That was 3 years ago, people change Kyle" I said to him then nauna na akong maglakad sa kanya.

"But sometimes feeling remains the same." Narinig kong sambit niya kasabay ng pag akbay niya sa balikat ko, napatingin naman ako sa kanya at nginitian niya lang ako. Sinubukan kong alisin ang braso niya pero sobrang bigat kaya hindi ko magawa.

"Kahit ngayon lang Ash, kalimutan mo muna 'yong galit mo sa akin, please." He said. After I heard what he said, hinayaan ko na lang siya na umakbay sa akin.

Xena and Nico saw us again at ewan para silang kinikilig. At hindi ako kinikilig sa pag akbay sa akin ni Kyle. For some reason, iba 'yong naramdaman ko.

The way Kyle say those words, parang feeling ko, ako pa 'yong kailangang magsorry sa kanya sa lahat ng nangyari sa aming dalawa.

Parang ako 'yong mali, parang ako 'yong may kasalanan. I don't think I should be the one to feel guilty, ang makonsensya at kailangang humingi ng sorry sa kanya.

He left me, it's not me who left him, but it's him. So why am I the one feeling guilty here now?

...~•~...

...Vote.Comment.Share...

...💜💜💜...

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play