...06 | CHAPTER...
...💜💜💜...
...~Nicholas Kyle's POV~ ...
Nasa garden ako at nag-gigitara nang bigla akong ginulat ni Ellie.
Bigla bigla na lang rin kasing pumapasok sa bahay si Ellie. Close kasi sila ni mama dahil madalas ay sila ang magkasama sa tuwing wala kami ng kapatid ko at ni papa dito sa bahay.
Mag-isa lang rin kasi si Ellie na nakatira sa bahay nila. Ang sabi niya sa'kin ay nasa ibang bansa ang magulang niya, habang ang isang kapatid naman niya ay nasa lumang bahay nila dahil malapit daw ito sa school na pinapasukan niya.
"Nagsusulat ka?" Tanong niya. Tumango naman ako.
Umupo siya sa tabi ko at tiningnan lang ako habang sinusubukang tugtugin ang kantang sinulat ko.
"Alam mo nang unang beses kong narinig 'yong boses mo, napaisip ako. Okay naman boses mo, maganda naman. Bakit hindi na lang ikaw ang kumanta ng mga sinusulat mo?" Tanong niya. Napatigil naman ako sa pag-gigitara.
Hindi ko rin alam. Basta isang araw parang nawalan na lang ako ng gana kumanta, at ngayon ay nagsusulat na lang ako para sa bandang binuo ko.
Hindi ko sinagot ang tanong niya at patuloy lang ako sa pag-gigitara at pag -aayos ng kantang sinulat ko.
"May kinalaman na naman siguro si Ash no." Sambit niya.
"...matagal na tayong magkakilala, siguro mga 2 years na pero si Ash matagal mo nang hindi nakikita, pero hanggang ngayon nand'yan pa rin siya sa'yo." Ngumiti lang ako.
"Siguro kung ibang babae ako, matagal na akong may gusto sa'yo at matagal na rin akong nasasaktan kasi hindi mo pa rin makalimutan ang ang Ex mo." Sambit niya.
Tumingin naman ako sa kanya at saka ko tiningnan ang mga mata niya at medyo nakaramdam siya ng pagka-ilang dahil sa pagtingin ko.
"Bakit?" Utal na tanong niya. Umiling naman ako.
"Wala ka namang gusto sa'kin 'di ba?" Tanong ko. Natawa naman siya.
"Bakit naman ako magkakagusto sa'yo, alam mo, 'yong mga gusto ko malayo sa itsura mo, tsaka kaibigan lang talaga tingin ko sa'yo, pasensya na." Paliwanag niya. Tumawa naman ako sa sinabi niya.
"Baka ikaw ang may gusto sa'kin? Umamin ka nga!" Saad niya.
"Kaibigan lang rin tingin ko sa'yo." Saka ko ulit binaling ang atensyon ko sa aking gitara.
"Talaga?" Mahinang sambit nito. Tumango naman ako.
"Nga pala, kaya ako pumunta rito kasi ibibigay ko sana ito kay tita." Sabay abot sa akin ng tupperware.
"Ano 'yan?" Kinuha ko naman ang tupperware na binibigay niya.
"Nang isang araw kasi ay nakita ako ni tita na kumakain ng kimchi, nacurious siya sa kinakain ko kaya pinatikim ko sa kanya." Sambit niya.
"Tapos?" Binuksan ko naman 'yong tupperware at may laman itong kimchi.
"Kaya ginawan ko siya ng kimchi, asan ba si tita?" Tanong niya.
"Hindi ko alam, kanina nagdidilig lang siya ng mga halaman pero sabi niya may lakad raw siya ngayon." Sambit ko pagkatapos ay isinara ko na 'yong tupperware at inayos ulit.
"Sabihin mo na lang ako gumawa niyan ah, sige na alis muna ako para makapag focus ka sa ginagawa mo." Sambit nito at saka umalis.
...~•~...
Kinagabihan ay dumating na rin si mama, at sinabi ko sa kanya ang tungkol sa binigay ni Ellie. Tuwang tuwa naman siya dahil nagustuhan niya talaga ang kimchi, hindi kasi familiar si mama sa mga pagkain ng ibang bansa.
Maya maya ay nag-ayos na rin ako ng sarili. Magkikita-kita kasi kami ng banda ko para sa rehearsal ng bagong kanta na inaayos ko kanina.
Nagpaalam ako kay mama bago umalis at saka naman ako nagmaneho papunta sa studio.
Pagdating ko roon ay nadatnan ko silang nagkakasiyahan.
"Oh nand'yan na si Kyle." Sambit ni Art.
Agad namang lumapit sa akin si Matt.
"Good news Kyle, nasa top 5 ang kanta natin." Masayang bungad niya.
"Sayang, sana top 1 tayo e." Panghihinayang ni Psyche.
"Okay lang 'yan, nag-uumpisa pa lang naman tayo." Sambit ko.
"...at may bago tayong kanta kaya umpisahan na natin." Dagdag ko sabay taas ng papel na may sulat ng bago namin kanta.
"Yown!" Sambit ni Art.
Maya-maya ay sinimulan na namin ang practice. Nakasunod naman ang lahat at mukhang maayos naman din ang kinalabasan, pero kailangan pa namin ulit-ulitin para lalo pang maging maayos.
Habang nagpapractice naman kami ay nakatanggap ako ng tawag mula sa manager namin.
Nga pala, lahat kami ay magkakaibigan, matagal na kaming magkakakilala pero nagkanya-kanya kami nang nag college na, kaya naman pagkagraduate namin ay naisipan naming bumuo ng banda dahil 'yon naman ang hilig naming lahat.
"Tuloy lang kayo." Sambit ko habang papalayo, at saka ko naman sinagot ang tawag.
"Oh bakit?"
(Kyle, emergency lang.)
"Bakit? Asan ka ba? Nagpaparactice kami ng banda di ka ba pupunta rito?"
('Yon nga, hindi ako makakapunta, kaya lang may problema.)
"Ano?"
(Meron kasi akong imi-meet ngayon, pwede bang ikaw na lang makipag meet?)
"Bakit ako? Sino ba 'yon?"
(Basta, 7pm ang usapan e sa the crowns, sabihin mo pangalan ko alam na nila 'yon.)
"Ano ba nangyari sa'yo?"
(Ah kasi... basta ikaw na lang pumunta ha? Bawi ako sa'yo.)
Saka niya ibinaba ang tawag. Napatingin naman ako sa banda ko, natigil pala sila sa pagtugtog at nakatingin lang rin sa akin.
"May lakad ka?" Tanong ni Matt.
Tumango naman ako, hinayaan naman nila akong umalis at pinaliwanag ko namn sa kanila kung anong pupuntahan ko kahit hindi ko rin alam kung anong pupuntahan at sinong pupuntahan ko.
Nagmadali akong umalis dahil alanganin na rin ang oras. Buti na lang rin at malapit-lapit lang rito ang lugar.
Malas lang dahil naabutan ako ng traffic sa daan.
...~•~...
Panay ang tingin ko sa relo ko, ilang minuto na lang kasi at malalate na talaga ako, pero eto nga at nasa kalagitnaan pa rin ako ng traffic.
Makalipas ang ilan pang minuto ay nakalampas na ako sa traffic at nagtuloy-tuloy na rin ang andar ko hanggang makarating sa parking area.
Halos patakbo na rin akong pumasok sa restaurant at agad ko ring tinanong ang reservation sa receptionist.
Inihatid naman ako ng staff papunta sa table. Nakita ko naman ang babaeng nakatalikod at parang papaalis na, nakaramdam tuloy ako ng hiya. Palagi na lang akong nalalate sa mga ganitong bagay.
"Hi sorry late ako, traffic kasi e," papaupo kong sambit.
"Kaya..." pagkaupo ko ay natigil ako nang nakita ko ang pamilyar na mukha sa harapan ko.
Nakatitig siya sa akin at hindi ko malaman kung anong tumatakbo sa isipan niya.
Matagal ko ring hinintay ang araw na ito. Ang muli kaming magkita, kaya pala hindi pa rin ako bumibitaw at kinakalimutan siya, kahit anong tagal ng paghihintay ko, balewala na iyon dahil nandito na ulit siya sa harapan ko.
"...Ash." napangiti ako nang muli kong mabanggit ang pangalan niya habang nakatingin sa kanya.
Hindi siya kumikibo. Ilang segundo lang rin kaming magkatinginan at napansin kong nag iba ang tingin niya katagalan.
At doon ko naalala na marami pala akong dapat ipaliwanag sa kanya.
"Alam kong marami akong dapat ipaliwanag sa'yo, hayaan mong sabihin ko lahat ng kailangan mong malaman." Sambit ko.
"Excuse me." Bigla siyang tumayo at kinuha ang bag niya, akmang aalis na siya pero tumayo rin ako at hinawakan ang kamay niya para pigilan siya.
"Please Ash, pakinggan mo ako." Sambit ko habang nakatalikod siya sa akin.
Nakita kong napabuntong hininga siya bago siya tuluyang humarap sa akin, hindi siya nagsalita. Tiningnan niya lang ako. Ramdam ko ang lamig sa kamay niya. Alam kong may galit siya sa akin at naiintindihan ko iyon. Ngumiti ako ng bahagya at yumuko siya sa pag iwas ng tingin sa'kin.
"Sorry." Sambit ko, bigla naman siyang tumingin sa akin at kumunot ang noo.
"Alam kong--" natigil ako sa sasabihin ko dahil bigla na lamang dumampi ang kamay nito sa pisngi ko, matunog at malakas na sampal ang naramdaman ko.
Patakbo siyang umalis sa harapan ko at naiwan naman akong nakatayo lang habang nakatingin sa kanya na papalayo sa akin. Napansin ko ring nakatingin ang ibang mga tao sa akin.
Naiintindihan ko. Sino bang mag-aakala na paglipas ng ilang taon ay muli pa ulit kaming magkikita.
Alam kong nasaktan ko si Ash sa pag alis ko nang walang paramdam at pasabi. Pero ngayong nandito na ulit ako at nagkita na ulit kami, gagawin ko lahat para mapatawad niya ako.
...~•~ ...
Vote.Comment.Share
...💜💜💜...
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 20 Episodes
Comments