13 | Chapter

...13 | CHAPTER...

...💜💜💜...

...~Ashlyn's POV~ ...

Nagising ako sa malakas na tunog ng alarm clock ko. Agad ko naman din itong pinatay.

7:00 AM.

Time for work.

Bumangon ako at nagtungo sa bathroom, then after that lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa kitchen.

For the first time, nadatnan ko si Kuya, Mom and Dad na kumakain for breakfast.

Madalas kasing hindi ko naaabutan si dad and every time na uuwi ako ay tulog na rin siya.

Pero now, mukhang complete family kami.

"Good morning." Bati ko.

"Oh, ang aga mo ata nagising ngayon." Sambit ni Dad.

Umupo ako at nagsandok ng pagkain.

"Ano, kaya pa ba?" Tanong ni Kuya.

Ako na lang kasi ang nag aasikaso ng store ngayon. Wala na akong pahinga. Pero okay lang dahil wala naman din ako gaanong ginagawa sa store.

Si kuya kasi medyo busy na sa office ni Dad. Tama lang rin naman dahil do'n naman talaga siya dapat.

"By the way, ihatid mo si Ash mamaya. Sunduin mo na rin." Bilin ni dad kay kuya. Napatingin naman sa akin si kuya.

"Hindi pa ba naaayos kotse mo?" He asked. Umiling ako.

"Pahatid ka na lang kay Kyle." Dagdag niya.

Kumunot naman ang noo ko sa narinig ko.

"Oo nga, pwede naman din." Sabi ni Dad.

"Tawagan mo si Kyle, magpasundo ka na lang sa kanya." Sambit naman ni mom.

Wait. Napatingin ako sa kanilang lahat, and they're all smiling. Anong meron? Bakit lahat na lang sila puro Kyle?

Di ko na lang pinansin ang sinabi nila at nagpatuloy na lang ako sa pag kain.

After that ay nag ayos na rin ako ng sarili.

"And"yan na ba si Kyle?" My mom asked.

"Magtataxi na lang po ako." I said.

Then lumabas na ako ng bahay. Naglakad naman ako palabas ng subdivision.

I have no idea kung bakit buong pamilya ko ay parang binibugaw ako kay Kyle. Halos lahat sila noon ay palaging sinasabi sa akin na kalimutan na siya tapos ngayon naman ay lahat sila'y parang okay na at kulang na lang ay sabihin nila sa harapan ko mismo na maging kami ulit.

Parang gano'n naman kadali ang lahat.

Napatingin ako sa kotseng bumusina sa gilid ko. I'ts Xena.

Ibinaba niya ang salamin ng kotse niya at saka ako tinawag.

"Tita told me na hindi pa raw okay kotse mo, so... i'll be your driver today." She said. I smiled.

Agad naman akong pumasok sa kotse niya.

"Thanks, ilang days na akong nagtataxi e." Sambit ko.

"Bakit kasi ayaw mo magpahatid-sundo kay Kyle?" Tanong niya at saka naman niya pinaandar 'yong kotse.

"And why? Ang kapal naman ng mukha ko kung hatid-#undo niya ako 'di ba?" I said.

"Matagal ng makapal ang mukha mo Ash, the thing is, iniiwasan mo si Kyle." Sambit naman ni Xena.

Bakit ko naman siya iiwasan? First, He's my staff. Hindi naman siguro magandang makita nila na palagi kaming magkasama. And second, I am not his responsibility para ihatid-sundo ako.

"Just admit it, pinipigilan mo sarili mo kaya umiiwas ka sa kanya."

"Pinipigilan saan?"

"Na ma-fall ulit sa kanya." She said. Natawa naman ako.

"Bakit naman ako mafafall sa kanya? Hindi ko pa nga makalimutan lahat e!" Nakakunot kong sambit.

"Let me be honest with you Ash, kung nagtataka ka bakit lahat ng tao sa paligid mo ay okay na kay Kyle..." napatingin naman ako sa kanya. Yes, matagal na akong nagtataka.

"...Its because Kyle talked to your family, pagkatapos niya akong kausapin, I told him na kausapin din ang parents mo at ang kuya mo." She explained.

"For what?"

"Para ipaliwanag 'yong part niya kung bakit bigla siyang nawala." She said.

Okay. Bakit parang feeling ko ako na lang ang walang alam sa lahat?

"Bakit sa kanila? Bakit hindi sa akin? Bakit hindi ako ang kausapin?" I asked.

"Paano ka kakausapin ni Kyle kung palagi mong iiwasan at hindi papansinin lahat ng sinasabi niya?" She said.

Napaisip ako, that's true, lagi ko ngang iniiwasan ang tungkol sa nakaraan namin ni Kyle.

Hindi na lang ako kumibo sa sinabi ni Xena.

After an hour nakarating na rin kami sa mall, inihatid lang ako ni Xena sa entrance ng mall then umalis na siya. May date daw kasi siya.

Then naglakad na ako papasok sa loob ng mall at papunta ng restaurant.

Pagdating ko roon ay si Kyle agad ang nakita ko. He's serving food at the customer.

"Good day Ms. Ash." bati ng staff ko.

Then dumiretso na ako sa table ko at inilapag naman ang bag ko.

Abala naman ang lahat sa pag aasikaso ng mga customer. Habang ako naman ay inaayos ang laptop ko.

May mga times na tinitingnan ko ang kilos ni Kyle, and I can say na medyo natututo na siya at nagagawa niya na ng maayos ang trabaho niya.

After an hour tahimik lang ang paligid ko habang nakaharap sa laptop ko.

Hindi ako nilalapitan ni Kyle or kinakausap. Madalas kasi bigla na lang siyang lalapit sa'kin at magtatanong ng kung anu-ano. Pero ngayon mukhang seryoso siya sa trabaho niya. Buti na lang at walang distraction sa ginagawa ko.

Lumapit naman bigla sa akin ang isa sa staff ko.

"Ms. Ash, may naghahanap sa'yo." Sambit niya.

"Sino?" I asked sabay tingin sa harap ng restaurant.

Napangiti naman ako sa nakita ko, he waved his hand and smiled at me.

Niligpit ko ang laptop ko at inayos ang gamit ko at saka ko siya pinuntahan.

Mahigpit na yakap ang ibinigay ko sa kanya at gano'n din siya sa akin.

"I miss you." Sambit ko.

"I miss you too." He said.

Matagal na rin mula nang huli kaming nagkita kaya talagang namiss ko siya.

...~•~ ...

...~Nicholas Kyle's POV~ ...

Naglalakad ako papuntang kitchen nang napansin ko si Ash na nakangiting naglakad palabas ng restaurant.

Tiningnan ko siya at nakita kong may lalakeng kumakaway sa labas at nakangiti rin sa kanya.

Kumunot ang noo ko sa nakita ko. Bigla silang nagyakapan na parang ngayon lang sila nagkita.

Sino ba ang lalakeng 'yon?

Bakit noong nagkita kami ni Ash ay isang malakas na sampal ang bungad niya sa akin?

Samantalang ang lalakeng iyon ay isang mahigpit na yakap ang bungad ni Ash sa kanya?

Hindi ko gusto ang nakikita ko. Parang ang saya saya nilang magkasama.

"Si sir Sandro ba 'yon?" Sambit ni Luke. Tumingin ako sa kanya.

"Sino ba 'yon?" Tanong ko.

"Kaibigan ni Ms. Ash." Sambit niya.

Muli akong napatingin kay Ash at sa lalakeng ang pangalan ay Sandro. Hindi ba sila magbibitaw ng kamay? Kanina pa sila magkahawak e. Tsk.

"Ganyan ba talaga sila ka-close?" Dagdag na tanong ko. Tumango naman siya.

"Dati siyang manager sa katabing restaurant natin. Palaging sila 'yong magkasama dati, akala nga namin boyfriend ni Ms. Ash e." Natawang sambit niya.

Tsk. Boyfriend. Ako lang boyfriend ang niya.

Maglalakad na sana ako papunta kay Ash pero natigil ako. Bigla kasing may nagtaas ng kamay at tumawag sa akin.

"Yes ma'am" sambit ko sa customer.

"Can I have water please?"

"Okay po." Nakangiti kong sambit.

Sumulyap ulit ako sa kanila at nakita kong naglakad sila paalis ng restaurant.

Saan naman sila pupunta?

Makalipas ang ilang minuto ay naging abala ako sa restaurant dahil sa dami ng tao.

Pero si Ash, hanggang ngayon hindi pa rin bumabalik. Gano'n na ba niya kamiss ang lalakeng 'yon at halos kinalimutan niya na ang restaurant niya? Di man lang nagpaalam sa akin.

"Eto table 2." Sabay abot sa akin ng tray. Agad naman akong nagserve.

"Wala pa ba si Ms. Ash?" Lea.

"Wala pa nga e." Mica.

Bumalik ako sa kitchen para ilagay doon ang tray na hawak ko. Paglabas ko naman ay saktong dumating na rin si Ash.

Nakangiti pa siyang naglalakad papunta sa table niya.

Nilapitan ko naman siya at kinausap.

"Mukhang masaya ka ah, sino ba 'yon?" Tanong ko.

Nawala naman ang ngiti niya nang nakita ako at umupo lang siya sa table niya.

"Sino nga?" Tanong ko ulit sabay upo sa may tapat niya.

"He's my friend, ngayon lang kami ulit nagkita kaya masaya ako." Sabi niya. Saka niya naman binuksan ang laptop niya.

"Hindi ka ba masaya nang nakita mo ako no'ng una?" Tanong ko. Tumingin naman siya sa akin.

"You're different. Alam kong aalis siya, ikaw hindi." Sambit niya.

Hmm, sabi ko nga.

"Sorry." Saka naman ako umalis at pinagpatuloy ang trabaho ko.

Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi ni Ash. Hindi ko pa rin alam kung kailan ko sasabihin sa kanya ang mga dapat niyang malaman.

Sa tuwing susubukan ko ay palagi na lang pagsusungit at pambabara ang bungad niya sa akin.

Minsan nga ay tinatanong na ako ng mga kapwa ko staff kung ano raw meron sa akin at parang palagi na lang naiinis sa akin si Ash.

Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanila na dati kong girlfriend si Ash dahil malamang hindi mauubos ang tanong nila sa akin pag nalaman nila.

...~•~...

Isang oras bago mag sara ang restaurant. Napansin kong nakayuko si Ash sa table niya. Mukhang nakaidlip ata siya.

"Kyle pasabi na lang kay ma'am nag early-out ako, wala na rin kasing tao e, paclose na rin 'yong mall kaya una na ako ah." Sambit ni Lea  tumango na lang ako.

Maya-maya ay inilagay ko na rin ang close sign sa labas at nag ayos na rin ako ng mga upuan at lamesa.

Nagising na rin naman si Ash at sinabi ko na rin ang tungkol kay Lea. Ang ibang kitchen staff naman ay nauna na ring umuwi kaya kaming dalawa na lang ang natira.

"Okay na ba lahat? Na-off ba lahat ng ilaw sa kitchen?" Tanong niya.

"Okay na, uuwi na lang tayo" nakangiti kong sambit.

Lumabas naman na siya sa restaurant at sumunod rin ako, kinandado niya muna 'yong pintuan tapos naglakad na kami palabas ng mall.

"Bakit ba parang ang dami mo laging ginagawa?" Tanong ko.

"Ako kasi ang naghahandle ng marketing at mga inquiry online kaya palagi akong maraming ginagawa." Sagot niya.

"Bakit 'di ka na lang mag hire para do'n?"

"Kaya ko naman."

"Oh teka saan ka pupunta?" Tanong ko. Magkaiba kasi kami ng direksyon ng lakad.

"Hindi pa naayos 'yong kotse ko kaya magtataxi lang ako." Sagot niya.

"Hatid na kita" alok ko.

"Huwag na—" Bigla kong hinawakan ang kamay niya at saka hinila papunta sa akin patungo sa parking area.

"Huwag ka na makulit, nang nakaraan ay pinakaba mo ako, kaya ngayon hayaan mo akong ihatid kita para hindi ko isipin kung nakauwi ka na ba o hindi pa." Sambit ko.

Bigla niya naman inalis 'yong hawak ko sa kamay niya.

Hindi naman siya tumanggi at sumunod na lang rin sa akin sa parking area.

Pagdating namin sa kotse ay pinagbuksan ko naman siya ng pinto at saka rin ako pumasok sa kabilang side at nag umpisa magmaneho.

"I just want you to know na walang ibig sabihin lahat ng 'to." Sambit niya. Tumango ako

"...Na hindi porket pumayag akong ihatid mo ako e okay na tayo." Tumango ulit ako.

"As far as I know malinaw pa rin sa isipan ko na sinaktan at iniwan mo ako 3 years ago." Marahan akong tumango sa sinabi niya.

Tiningnan ko siya at nakatingin lang naman siya sa bintana ng kotse.

"Maghihintay pa rin naman ako Ash. Alam kong hindi madali para sa'yo ang mapatawad ako, pero sana hayaan mo lang ako, na iparamdam sa'yo na walang nagbago." Sambit ko habang nakatingin sa minamaneho ko.

Hindi siya kumibo at hindi rin siya tumingin sa akin.

Tulad ng dati, sa condo ni Xena ko siya inihatid gaya ng sabi niya.

Lumabas siya ng kotse at saka ulit tumingin sa akin.

"Be safe, goodnight." Sambit ni Ash habang bahagyang nakangiti.

Ngayon lang siya ngumiti sa akin, kahit bahagya lang ay masaya na ako na nangitian niya ako.

Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa pagpasok niya sa building bago ako tuluyang nagmaneho paalis.

Konti na lang Kyle. Konting paghihintay na lang at magkakaayos na ulit kayo.

...~•~...

...Vote.Comment.Share...

...💜💜💜 ...

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play