...11 | CHAPTER...
...💜💜💜...
...~Nicholas Kyle's POV~...
Patakbo akong nagtungo sa isang customer na nagtataas ng kamay.
"Yes po." Sambit ko sabay kuha sa order slip na nasa bulsa ko.
"Hi, can I have, this, and this, and this one." Sambit niya habang tinuturo sa menu ang order niya.
Isinulat ko naman ang order niya at saka ulit binanggit sa kanya isa-isa.
"Anything else ma'am?." Tanong ko.
Tumingin sa akin ang customer at saka ako nginitian, ngumiti rin naman ako.
"Nothing else, pero kung pwede makuha 'yong number mo,? 'Yon na lang." Sambit nito.
"Ah sorry po." Nahihiyang saad ko at saka umalis roon, nakita ko namang nagtawanan sila ng mga kasama niya.
Napabuntong hininga na lang ako.
Ilang araw na akong nagtatrabaho bilang dining staff dito sa restaurant ni Ash. Ganito pala kahirap, nakakapagod, idagdag mo pa ang biglaang pagpapapansin sa akin ng ilang mga customer.
Pero sa tuwing nakikita ko si Ash, pakiramdam ko nawawala lahat ng pagod ko. Gumagaan ang pakiramdam ko lalo na kapag bigla niya akong kinakausap.
"Order ng table 5, hinahanap na nila." Bungad ni Ash sa akin sa kitchen habang ini-aabot ang tray na may mga pagkain.
Agad naman din akong lumabas at nagtungo sa table 5 para i-serve ang order nila.
"Uy Kyle, ambagal mo raw kumilos sabi ni Ms. Ash." Sabi ni Alex.
Mula kasi nang mag umpisa ako rito ay ngayon lang dumami ang tao. Hindi ko alam kung anong uunahin ko. Marami pa ring tao sa labas na naghihintay at bawat labas ng tao rito ay agad ring may papasok.
May hihingi ng tubig, may mag-oorder ulit, kapag may umalis lilinisin ko naman ang table at maya-maya meron na naman mag-oorder at magse-serve naman ako ng food.
Hindi ko alam kung anong uunahin ko sa kanilang lahat.
Mas madali pa ang mag gitara kesa gawin lahat ng ito. Pero ginagawa ko ito para kay Ash.
Nagtungo ulit ako sa kitchen at nakasalubong ko naman si Ash palabas rito.
"Mag break ka muna." Sambit niya. Napangiti naman ako, kanina ko pa kasi gustong marinig ang salitang 'yon.
"...Five hours." Dagdag niya.
"Teka, 5 hours? Diba 2 hours lang ang break?" Sambit ko habang nakasunod sa kanya.
"Its okay, trainee ka pa lang naman." Saka siya umupo sa table niya.
Umupo rin naman ako sa upuan na nasa harapan niya.
"Pero baka 'di nila kayanin 'yong dami ng tao." Sambit ko.
"Kaya nila." Saka niya ako tiningnan. At saka ulit tumingin sa laptop niya.
Napapangiti talaga ako sa tuwing tinitingnan ako ni Ash. Kahit puro nakasimangot na mukha niya ang palagi niyang tingin sa akin ay hindi pa rin nawawala ang ganda niya.
Naalala ko nang araw na una kaming nagkita, 'yong tingin niya sa akin na nakakunot ang noo. Hanggang ngayon gano'n pa rin, parang walang nagbago.
Hindi ko mapigilang pagmasdan si Ash. Kahit hindi siya nakatingin at kahit hindi niya ako kausapin, masaya na ako na andito siya sa tabi ko.
Kahit alam kong hindi pa kami okay, kahit alam kong marami pa akong kailangang ipaliwanag sa kanya.
"Act as if nothing's happen. Huwag mong pilitin si Ash kung hindi pa siya ready malaman ang lahat, trust me Kyle, she'll ask you if she wants to, sa ngayon, just go with the flow."
Naalala kong sinabi ni Xena sakin.
"Marami kang pwedeng gawin sa loob ng 5 hours, don't waste every minute." Sabi ni Ash.
Nawala ang pagkatulala ko nang mag salita siya.
"Oo nga, kumain ka na ba? Lalabas ako, gusto mo bilhan na kita ng pagkain?" Tanong ko habang nakangiti.
Tumingin naman siya sa akin at gano'n pa rin, nakasimangot pa rin siya sa akin.
"Magbreak ka na lang okay." Sambit niya.
"Baka kasi may gusto kang ipabili, hindi ka pa kumakain mula kanina kaya baka gutom ka na, ano banv gusto mo? Burger? Fries? Milk tea?" Tanong ko.
Nakita kong napabuntong hininga siya at saka niya isinara ng bahagya ang laptop niya at muling tumingin sa akin.
"Kaya kong bumili para sa sarili ko, so please, just take your break and don't distract me, marami pa akong gagawin." Binuksan niya naman ulit ang laptop niya.
"Gusto lang naman kitang bilhan ng pagkain na gusto mo, parang dati. Namimiss ko lang 'yong dating tayo." Malungkot na sambit ko.
Hindi naman siya kumibo, at hindi niya rin pinansin ang sinabi ko. Kaya umalis na rin ako at lumabas ng resto.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta at hindi ko alam kung paano uubusin ang 5 hours break.
Napatingin ulit ako sa resto at sobrang dami pa ring tao, napansin ko naman si Ash sa dulo na nakayuko sa lamesa niya, pagod na siguro siya.
Napansin ko kasing mula pag bukas ng resto hanggang magsara ay nandito lang siya. Madalas ay nakaupo lang naman siya sa table niya pero mukhang marami siyang ginagawa sa laptop niya.
...~•~...
Naglakad-lakad na lang ako sa mall habang hinihintay si Ellie, nabanggit ko kasi na 5 hours ang break ko at nagkataon naman na malapit lang rito ang lugar kung saan siya nagtatrabaho.
Maya-maya ay dumating na rin siya at nag-ayang kumain. Naglakad naman kami papunta sa paborito niyang fast food restaurant.
"Ano? Nakakapagod ba?" Tanong niya.
"Medyo, pero kaya naman." Sambit ko sabay kamot sa ulo.
"E bakit kasi kailangan mo pang magtrabaho sa restaurant niya? Pwede namang kausapin mo na lang siya para magkaayos kayo 'di ba?"
"'Yon kasi ang naisip ni Xena e."
"Sino naman 'yon?" Tanong niya.
"Kaibigan niya." Sagot ko.
Hanggang sa makarating na kami sa fast food restaurant. Nag order na kami ng makakain at saka naghanap ng mau-upuan.
Nang nakahanap na kami ng table ay kumain na rin kami, si Ellie naman ay mukhang gutom na gutom na, marami kasi siyang inorder at mukhang mas pagod pa ata siya kesa sa akin.
"Sorry, wala kasing tigil 'yong calls ko kanina, nag over time na nga ako e, kaso walang bayad. Thank you lang." Sabay subo niya ng pagkain.
"Tingin mo ba, magkakaayos pa kayo ni Ash?" Tanong niya. Tumango ako.
Pakiramdam ko naman magkakaayos pa kami, alam ko, nararamdaman ko. Mapapatawad niya rin ako.
"Nagawa kong maghintay ng walang kasiguraduhan noon, kaya ko ring maghintay ngayon hanggang mapatawad niya ako." Sambit ko.
"Hmm, sana all." Sambit naman niya.
"Basta kahit anong mangyari, andito lang ako Kyle, nakareserve naman ako para sa'yo e, syempre bilang kaibigan mo." Nakangiti niyang sambit.
Maswerte ako at may kaibigan akong gaya ni Ellie. Simula noon nand'yan na siya, siya 'yong umiintindi sa akin sa mga pagkakataong kailangan ko ng kausap tungkol kay Ash.
"Thank you Ellie, sa lahat." Sambit ko habang nakatingin sa kanya, napahinto naman siya sa pag kain.
"Kung mag thank you ka naman parang goodbye na, pag okay na ba kayo ni Ash, mawawala na ako sa buhay mo?" Tanong niya.
"Syempre hindi, hindi naman mawawala ang pagkakaibigan natin."
Tumango-tango naman siya. "Lagi naman akong nandyan para sa'yo e, kahit hindi ako ang piliin mo." Seryosong sambit niya.
Naging seryoso na rin tuloy ako dahil sa sinabi niya. Hindi naman 'yon 'yong ibig niyang sabihin 'di ba?
"...char lang, itsura mo naman." Saka siya tumawa. Natawa na rin ako.
Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na rin siya para umuwi, pupunta raw kasi siya sa kapatid niya dahil may kailangan raw asikasuhin sa bahay nila.
May 2 hours pa ako at hindi ko alam kung saan ko uubusin ang oras na 'yon.
Sa arcade na lang kaya?
...~•~...
...Vote.Comment.Share...
...💜💜💜...
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 20 Episodes
Comments