...07 | CHAPTER...
...💜💜💜...
...~Ashlyn's POV~...
Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko. Hindi ko alam ang gagawin ko, gusto ko na lang umalis at kalimutan ang gabing ito.
I sighed and looked at him. Lalong bumilis ang hearbeat ko. Halos hindi ko na marinig ang paligid ko. I looked at his lips. I can see that his saying something. Pero wala akong marinig na kahit na ano.
I slapped him. Malakas, matunog. That's the moment I realized na pinagtitinginan na pala kami ng mga tao.
Tumalikod ako at saka naglakad palayo sa kanya. Mabilis akong naglakad palabas ng restaurant. Ramdam ko ang tingin ng mga tao sa'kin habang papalabas ako. Why? Ngayon lang ba sila nakakita ng nanampal na babae?
I immediately went to my car. Pagpasok ko sa kotse, nakaramdam ako ng panghihina. I leaned my head at the steering wheel and closed my eyes.
Just why? Bakit parang nawala ako sa sarili ko nang nakita ko siya? Bakit parang bumalik lahat ng ala-ala na gustong-gusto ko nang makalimutan?
Three years ago mula noon. Okay na ako. Okay na okay. Pero ngayon na nagkita kami, bakit parang lalong bumigat 'yong pakiramdam ko.
...~•~...
Years Ago.
Kailangan kong makausap si Kyle. Lilipat na kasi ulit kami ng bahay. Kaya lilipat na naman ako ng ibang school. My dad didn't finished his project here in Manila. Nagkaroon kasi ng problema sa documents and permit 'yong ginagawang building, and si Dad nakakuha agad ng bagong contract sa province.
I asked dad if I could stay since one year na lang ga-graduate na ako pero ayaw niya kasi masyado raw silang malayo sa akin pag nagpaiwan ako.
And I dont have a choice kun'di pumayag na lang.
It is my last day today at school. Naayos ko na rin lahat ng documents na kailangan ko para sa lilipatan kong school.
"Nakausap mo na ba si Kyle?" Xena Asked. I shook my head.
Hindi rin siya sumasagot sa text or call ko. Hindi rin kami nagkita kanina. Hindi ko alam kung busy siya sa banda niya pero hindi pa kami nagkikita at hindi ko pa rin nasasabi sa kanya na aalis na ako.
"Don't worry, you'll be fine, babantayan ko si Kyle para sa'yo." Sambit ni Xena.
Actually hindi ko naman pinoproblema kung magiging LDR kami, I trust him and I believe him. Nalulungkot lang ako dahil magiging gano'n ang set up ng relationship namin.
...~•~...
Dismissal na at wala pa rin call or text si Kyle sa akin, sabi ni Xena puntahan ko na sa practice room nila. So I went there but he's not there.
Naglakad na lang ako palabas ng school. I looked around hoping I could see him pero wala rin.
I texted my kuya para sunduin ako since wala akong sariling kotse.
At habang naglalakad ako sa labas ng school ay nakita ko ang kotse ni Kyle. Napangiti ako at naglakad palapit doon.
Pero hindi pa man ako nakakalapit ay nakita kong may lumapit na babae sa kotse niya. Nakita ko rin namang bumaba sa kotse si Kyle at lumapit rin sa babae.
Napahinto ako sa paglalakad at napatingin na lang sa kanila. Nawala 'yong ngiti ko nang makita kong niyakap ni Kyle 'yong babae.
Para akong binuhusan ng yelo. Sa sobrang lamig, namanhid na ang katawan ko at wala na ako halos maramdaman pa.
'Yong yakap niya. Sobrang higpit. Pero bakit? Sino ba ang babaeng 'yon? May hindi ba ako alam? Biro lang ba ang relasyon naming dalawa?
"Ash! Tara na." Narinig kong boses mula sa lalakeng nakakotse, si kuya.
Agad akong pumasok sa kotse. Sa back seat.
"Wow, ginawa mo talaga akong driver ah." Sambit ni kuya. Hindi ko siya pinansin.
Magulo ang tumatakbo sa isipan ko, ayokong isipin na may babae si Kyle. And I don't think he can do it. All this time. I know that what we have is true. Alam ko, totoo lahat ng pagmamahal na pinaramdam niya sa akin.
Hindi ako uto-uto. Hindi niya ako niloko. But why I feel different. Parang gusto kong magalit, parang gusto kong sumigaw. Parang gusto kong manampal.
Napatingin ako sa Cp na hawak hawak ko. Binuksan ko 'yon at tinanggal ang simcard nito. Pero sa sobrang inis ko at panginginig ng kamay ko ay binuksan ko ang bintana ng kotse at saka tinapon ang mismong cp ko.
Then I felt my tears dripping on my face. I love you Kyle and I never imagine myself being hurt like this. You promised not to hurt me, and you broke your promise just like that.
...~•~...
Present day...
I opened my eyes and leaned on the car's seat. I sighed trying not to cry. Oo kanina ko pa pinipigilang umiyak. Kasi bakit? Bakit kailangan niya pang bumalik sa buhay ko? I forgot him. I almost forgot him pero now nandito na naman siya.
No Ash, nagkita lang kayo ngayon. It doesn't mean na papasok na naman siya sa buhay mo, it's just coincidence.
Kinalma ko ang sarili ko at saka nagmaneho pauwi sa bahay. I'm still thinking about him while driving, yes I am distracted with the thought of seeing him. Again. I just can't believe that for all these years magkikita pa kami.
Am I happy? No! Bakit ako magiging masaya? He's the reason why i'm stucked with those memories. At nang nakita ko siya kanina, isa lang bumalik sa ala-ala ko, 'yong gabing nakita ko siyang may kayakap na babae, so bakit ako magiging masaya?
Tama lang na sinampal ko siya, never be sorry for doing that.
...~•~...
After a while nakauwi na ako sa bahay, its 10 PM. Naabutan ko si kuya sa living room at nanunuod sa tv.
Ibinaba ko ang bag ko at umupo sa tabi niya.
"Sorry Ash, hindi na ako nakapunta ng resto kanina, pinapunta ulit ako sa office ni dad e." Sambit niya. I asked him to replace me for a while since may pupuntahan ako.
Sorry? That's the only word I hear from him.
"Palagi na lang sorry ang alam niyo. Mang-iiwan kayo tapos 'pag bumalik kayo, sorry lang sasabihin niyo? Can your sorry heal our wounds?" Mahinang sambit ko.
Napatingin sa'kin si kuya.
"Huh?" He said.
"...Can your sorry erase all the bad memories you gave? Can your sorry wipe our tears? Can your sorry removes the pain we felt the moment you hurt us and leave? Its not. Everything is still there, everything is still here." I said while pointing at my chest.
"Your sorry will not lessen the fact that i've hurt so much." At hindi ko na napigilan ang luha ko.
Now I realized na hindi pa rin talaga ako nakakamove on, it's been years. Dapat wala na akong kahit na anong naramdaman the moment I saw him. And here I am, crying because of him.
"Si Kyle ba? Bakit bumalik na siya?" Tanong ni Kuya.
Pinunasan ko ang luha ko at tumango sa kanya.
"Halika nga." Sambit ni kuya at saka ako pinalapit sa kanya, lumapit ako at niyakap niya ako. Lalo akong naluha, kahit minsan hindi kami magkasundo, my kuya will always be a kuya.
"Ang OA mo, ano naman kung bumalik siya? Ha? Sinabi niya bang kayo ulit? Huwag mo na balikan 'yon, magpapa-uto ka na naman sa Nicholas Kyle na 'yon!" Said Kuya.
Natigil 'yong luha ko sa sinabi niya. Binabawi ko na ang sinabi ko about kay Kuya, he never really comfort me.
...~•~...
The next morning.
"Ma'am may mga sulat pong dumating." Sambit ng kasambahay namin.
"Pakilagay na lang po sa box." Sagot ko.
Nagkakape ako sa dining table at kanina ko pa hinahalo 'yong kape ko. I just don't feel to be productive today.
Parang kahit anong gawin ko tatagal ako ng minuto o oras para matapos.
I'm scrolling at my facebook, didn't really care about the posts I saw. Tulala lang akong nakatingin sa Cp ko.
The whole night, siya lang ang nasa isipan ko. I don't know what to really feel. Half of me is missing him. Parang gusto ko ulit siyang makita. But then I remember he cheated on me, at parang gusto ko na naman siyang sampalin.
I know it's been years since then. Pero hindi ko talaga alam. I felt it again, that weird feeling I always feel before whenever i'm with him. And I hate it now.
Do I have to forgive him?
After all these years ganun na lang ba?
...~•~...
...Vote.Comment.Share...
...💜💜💜...
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 20 Episodes
Comments