...14 | CHAPTER...
...💜💜💜...
...~Ellie's POV~ ...
"Ate ano bang gagawin mo sa mga ito?" Tanong niya sa akin habang iniaabot ang nakakumpol na sobre.
Kinuha ko iyon at hindi sinagot ang tanong niya. Nandito ako sa dati naming bahay para bisitahin ang kapatid ko at naisipan kong kuhanin na ang mga sobreng naiwan ko rito noon.
Malapit na nga rin pala ang graduation niya at kaya nag punta ako rito ay para samahan siyang mamili ng isusuot niya sa graduation.
Kung bakit hindi kami magkasama sa iisang bahay ay dahil mas malapit kasi itong dati naming bahay sa kung saan siya nag aaral ngayon, at 'yong bahay naman kung saan ako nakatira ay ang biniling bahay nila mama bago sila nangibang bansa.
Mas malapit iyon sa pinapasukan kong trabaho kaya do'n din ako nakatira.
Hindi na rin naman bata ang kapatid ko at kaya niya na rin naman ang sarili niya. Meron din siyang kasamang katulong kaya kampante rin ako na maayos ang lagay niya sa araw araw.
"Okay ka na"? Tanong ko nang lumabas siya sa kwarto. Nakabihis na siya at mukhang ready ng ubusin ang sahod ko para ipamili ng mga gusto niya.
...~•~ ...
"Ate nakausap mo na ba sila mama?" Tanong niya habang pasakay kami ng kotse.
"Hindi pa, bakit?" Nagsimula naman akong mag maneho papunta sa isang mall.
"Sabi kasi nila after ko grumaduate kukunin na raw nila tayo." Malungkot na sambit niya.
Sa totoo lang hindi namin gusto ang desisyon noon ng magulang namin na iwan kami rito sa Pinas habang sila ay nasa ibang bansa.
Naiintindihan naman namin ang mga sakripisyo nila para sa amin, para sa pag-aaral namin at para sa lahat. Pero bilang anak, hinahanap rin naman namin ang presensya nila.
May mga pag kakataon na may event sa school at ang tanging kasama namin ay ang mga yaya namin. Malungkot, mahirap, at nakakaingit sa ibang buo ang pamilya.
Pero para sa akin, parang sa pagdaan ng panahon, nakasanayan ko na lang, kaya hindi ko rin ramdam kapag mag isa ko, dahil feeling ko kahit noon pa man ay mag isa na lang rin ako.
Five years rin kasi ang agwat namin ng kapatid ko kaya hindi rin kami gaanong magkasundo noon.
At kung bakit siya malungkot ng nalaman niya na kukunin na kami nila mama kappag graduate na siya...
'Yon ay dahil mas gusto niya rito, dito may mga kaibigan siya, pag pumunta kami do'n ay mahihirapan siyang mag adjust.
Ako naman ay pwedeng hindi sumama, matanda na ako para pilitin pa nila, may trabaho ako at pwede na mag desisyon para sa sarili ko.
"Ayaw mo ba?" Tanong ko.
"Sa totoo lang ate, sa tagal nilang wala, parang hindi ko na rin sila maramdaman, kaya kahit wala sila... parang okay lang." Saad niya.
"Pero wala naman akong magagawa kung 'yon ang gusto nila."
"Pwede ka namang humindi, nandito naman ako, okay lang ba sa'yo kung tayo lang magkasama?" Tanong ko habang nakangiti.
Tumingin siya sa akin at nginitian rin ako.
"Mas okay ako rito ate, marami na akong kaibigan, ayoko sa ibang bansa, hindi ako masyadong magaling sa english e" sambit niya. Natawa naman ako.
Pagkatapos ng usapan namin ay nakarating na rin kami sa mall. Nagpark muna ako at saka kami pumasok sa loob.
Masaya naman siyang tumitingin-tingin ng mga damit at iba pang gamit.
Pagkatapos ay niyaya ko naman siyang kumain muna at naisip ko na doon kami kumain sa restaurant kung saan nag tatrabaho si Kyle.
Pagdating namin doon ay agad naman kaming binati ng mga ibang staff. Nagulat naman si Kyle nang nakita ako.
"'Di mo naman sinabing pupunta ka rito," Sambit niya habang nakangiti.
"Kailangan ba sabihin ko pa?" Sambit ko.
Ipinakilala ko naman ang kapatid ko sa kanya, hindi niya pa kasi nakikita ang kapatid ko mula nang magkakilala kami e.
"Ano order niyo? Kahit ano, libre ko na." Sambit ni Kyle.
Tuwang tuwa naman ang kapatid ko at halos malula sa mga paborito niyang pagkain na nasa menu.
Pag-upo namin ay agad din siyang nag order at mukhang sinamantala talaga ang libre sa dami ng order niya.
"Ate siya ba may ari ng restaurant?" Tanong niya habang nakatingin kay Kyle na naglalakad palayo sa table namin.
"Hindi, iyon 'yong may ari oh." Sambit ko sabay tingin sa may bandang dulo ng restaurant.
Tumango-tango lang naman ang kapatid ko.
Makalipas ang ilang minuto ay dumating na rin ang mga order namin. Sinimulan naman agad ng kapatid ko ang kumain at talaga namang tuwang tuwa siya.
Hindi naman sa hindi ko pinapasyal ang kapatid ko o pinapakain sa mga restaurant, sadyang masayahin lang talaga siya kahit sa maliliit na bagay lang.
Umupo naman sa tabi ko si Kyle at kinausap ako.
"Anong meron?" Tanong niya.
"Malapit na kasi graduation niya kaya namili kami ng mga gagamitin niya." Sagot ko.
"Ah, tama lang pala pag libre ko." saka naman siya tumawa.
Inilapit ko naman kaunti ang mukha ko sa mukha ni Kyle at saka siya binulungan.
"'Di pa rin ba kayo okay?" Tanong ko habang nakatingin kay Ash na mukhang busy sa laptop niya. Umiling naman si Kyle.
"Hindi pa, pero mukhang malapit na." Sabay ngiti niya.
Hay... 'yong mga ganyang salita ni Kyle, halatang inlove na inlove pa rin kay Ash.
Nang mga unang araw naming mag kakilala halos si Ash na lang ang palaging bukang bibig niya.
Kaya rin kami naging close kasi ako 'yong naging sabihan niya ng nararamdaman niya tungkol kay Ash.
'Yong mga panahong gusto niya ng bumitaw na baka wala na talaga sila at hindi na muling magkikita.
Ako 'yong nagbigay sa kanya ng rason para hindi bumitaw.
Ewan ko rin ba sa sarili ko, parang tuwang-tuwa ako pag nakikita kong masaya si Kyle kaya lagi ko siyang chinicheer up pag dating kay Ash.
Pero syempre may pagkakataon rin na ayoko na siyang umasa kung wala na talagang pag asa, pero nang mga panahon na 'yon ay lalo namang tumindi ang pag asa niya na magkikita pa rin sila.
At eto na nga, mag kasama na naman sila ng babaeng walang tigil niyang sinulatan kahit walang kasiguraduhan kung sasagutin ba siya, kung mag kakaayos pa sila, kung mababalik pa ba nila ang dating sila.
Nalulungkot lang akong makita na kahit anong effort ni Kyle ay hindi pa rin nawawala 'yong galit ni Ash sa nangyari sa kanilang dalawa.
Nabangit ko rin kay Kyle ang tungkol sa gusto ng magulang namin na kuhanin na kami sa ibang bansa.
Alam rin naman kasi ni Kyle na medyo hindi kami okay sa magulang namin dahil sa pag alis nila ng hindi namin gusto.
"Kyle, tawag ka ni Ms. Ash." sambit ng isang staff na lumapit sa amin.
Tumingin naman muna sa akin si Kyle at saka ako nginitian, mukhang masaya siyang malaman na tinatawag siya ni Ash.
...~•~ ...
Natapos na rin kaming kumain, hindi ko na nakita si Kyle mula ng tinawag ni Ash, hindi ko rin alam kung saan siya nagpunta kaya umalis na lang rin kami.
...~•~ ...
...~Ashlyn's POV~ ...
Abala ako sa pag aasikaso ng Ads ng restaurant online ng mapansin ko ang customer na binati ng mga staff ko. It's kyle's friend.
Agad niya itong nilapitan at kinausap, tapos maya-maya ay pinaupo niya na rin ito. Medyo matagal niya ring kinuhanan ng order.
Hindi naman sa pinagmamasdan ko ang kilos ni Kyle, kaya lang medyo marami na rin kasing customer at baka masyado niyang inaasikaso ang isa ay mapabayaan naman ang iba.
Hindi ko na lang gaanong pinansin dahil sa tingin ko ay kaya naman ng iba ko pang staff ang ibang customer.
Nag focus na lang ako sa ginagawa ko. Medyo dumarami na kasi ang nag iinquire sa amin online kaya wala akong tigil sa pag sagot ng mga tanong nila.
May mga reservations at delivery din kasi na ako ang nag aasikaso, minsan naman ay tinutulungan ako ng mga staff ko pag hindi ko na tlaga kayang pag sabay-sabayin pero madalas ay ako lang talaga.
After an hour ay ipinahinga ko muna ang sarili ko. Ginalaw-galaw ko ang leeg ko dahil ilang oras rin akong nakayuko lang at nakatingin lang sa laptop.
At habang ini-stretch ko naman ang balikat ko ay muli akong napatingin kay Kyle na ngayon ay nakaupo na sa tabi ng kaibigan niya.
Napakunot naman ang noo ko sa nakita ko.
Masaya silang nagkukuwentuhan at mukhang nakalimutan ata ni Kyle na nakaduty siya.
Tinawag ko naman ang isang staff ko na dumaan sa gilid ko.
"Anong pinaguusapan nang mga 'yon?" Sabay nguso ko sa kung saan naroon si Kyle. Tumingin naman roon ang staff ko sabay iling sa akin.
"'Di ko alam Ms. Ash. Pero parang kayo Ms. Ash." Napatingin naman ako sa kanya at nagulat sa sinabi niya.
Paanong ako?
"Me?" I asked.
"Joke lang Ms. Ash, hindi ko talaga alam." He said at saka ulit tumawa. Sumimangot naman ako. Pinagpatuloy niya naman ang pagserve sa customer.
Lalo tuloy akong nacurious sa kung anong pinaguusapan nila. They look serious at parang connected talaga sila sa isat isa.
After a while looking at them talking to each other. Tinawag ko ang isa sa staff ko para sabihin kay klye na tinatawag ko siya.
Then after that agad namang lumapit sa akin si Kyle.
"Yes Ms. Ash," nakangiti niyang bungad sa akin.
Nakakunot naman ang noo kong tumingin sa kanya.
"Hindi mo pa break 'di ba bakit nakikipagkwentuhan ka na?" I asked.
"Hah? Ah may pinagusapan lang kami." Sambit niya.
"You can talk about it after your duty but not during your duty, we have a lot of customer to serve. We don't have VIP treatment, so treat every customer equally." I said.
"Baka nakakalimutan mo, i'm still your boss, not just your past" I added.
Di naman nakaimik agad si Kyle sa sinabi ko. Wala naman akong ibig sabihin, all I care is my restaurant. Nothing else.
I saw Kyle's nodding habang papunta sa kitchen. Parang nangaasar pa.
I sighed tapos tumingin ulit ako sa laptop ko.
After an hour ay lumapit sa akin si Kyle at umupo sa harapan ko. Isinara ko ang laptop ko at tiningnan siya.
"Bakit?" I asked. He smiled at me na parang batang may gustong sabihin.
"Kanina ka pa kasi d'yan, hindi ka ba mag b-break?" Tanong niya, umiling naman ako.
"Magbreak ka na kung pagod ka na." I said sabay bukas ulit sa laptop ko.
"Hindi ako mapapagod Ash." Narinig kong sambit niya.
I did not look at him at hindi rin ako halos makagalaw sa pwesto ko nang marinig ko ang sinabi niya.
Para kasing may pumitik sa puso ko the moment I hear it.
He always said things na bigla na lang magpapahinto sa ginagawa ko. Napaka galing niya talagang magsalita na parang laging connected sa past namin or sa akin. Or siguro ay assuming lang ako kaya ganito yung feeling ko.
"Sabihin mo na lang kasing nagseselos ka kay Ellie kaya nagalit ka kanina." at dahil sa sinabi niyang iyon ay napalakas ako ng sara sa laptop ko.
"I'm sorry? Selos ba kamo? Bakit ako magseselos?" Sunod-sunod kong tanong.
Why would I be jealous? As if may dapat akong ipagselos.
"Kasi ako pa rin ang gusto mo." He said smiling.
At para na namang tumigil ang mundo ko nang marinig ko ang mga salitang 'yon.
No. Hindi ako affected.
And for all I know, siya ang unang nagselos.
Magseselos na nga lang siya, sa gay friend ko pa. Nakakatawa siya.
After that ay hindi ko na siya pinansin, ayoko ng humaba pa ang usapan namin at baka kung ano pa ang sabihin niya. Baka may hindi pa ako lalong magustuhan sa mga susunod niyang sasabihin.
...~•~...
...Vote.Comment.Share...
...💜💜💜...
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 20 Episodes
Comments