19 | Chapter

...19| CHAPTER...

...💜💜💜...

...~Ashlyn's POV~...

Nabigla ako sa malakas na tunog ng phone ko.

Kinuha ko ito at nakita kong may tawag mula kay Xena, agad ko naman iyon sinagot.

(Hi Ash. Sorry, may hang over pa kasi ako, kagigising mo lang ba?, kayo muna ni Kyle d'yan ah, I need to talk to Nico, I have to talk to him, iniwan niya kasi ako kagabi samantalang si Kyle naman ay binantayan ka buong gabi, nakakainggit, ang sweet, I hate Nico.)

Then she hanged up.

Teka,

Wait...

Tama ba ang narinig ko?

Tumingin ako sa bawat sulok ng kwarto. Wala akong nakitang Kyle sa bawat sulok, pero alam kong nasa condo pa rin naman ako ni Xena.

Pero, paano naman ako nakauwi?

Lumabas ako ng kwarto at tumingin sa buong paligid, Tahimik kahit nakabukas ang TV, walang bakas ng kahit na sino o si kahit si Kyle,

May kaunting ingay akong narinig sa kitchen kaya agad akong nagtungo papunta roon, at doon ko nakita ang kanina pa hinahanap ng mga mata ko.

I saw Kyle preparing breakfast. He's wearing a pink apron which is Xena's apron. First time ko siyang makitang naka-apron at color pink pa talaga,

"Good morning" nakangiti niyang sambit.

Dahan dahan akong naglakad palapit sa table at saka umupo. Hindi pa gaanong nagsi-sink in sa isipan ko kung anong meron, kung bakit siya naghahanda ng almusal na parang isa kaming couple na nasa hotel.

Nakatingin lang ako kay Kyle habang nagluluto siya, hindi ko alam pero nawiwirduhan ako sa kilos niya, he looks happy.

I don't even know what happened yesterday at the bar. May ginawa ba ako to make him happy?

Kahit anong ikot ng mata ko sa paligid ng kitchen ay hindi ko mahanapan ng sagot ang tanong sa isipan ko.

Anong nangyari kagabi?

"Bakit ang saya mo?" Sarcastic kong tanong.

"Ha? Ah, wala naman, masaya lang ako na mapagluto ka ng breakfast" sambit nito at saka ako ninigyan ng plato.

Patingin tingin lang naman ako sa kilos niya.

"Naalala mo dati, lagi mong sinasabi na gustong gusto mo kapag pinagluluto kita ng breakfast." Sambit niya.

"...tapos dati hindi ako marunong magluto kaya tinatawanan mo pa ako, gusto mo lang talagang makita kung gaano kasunog 'yong itlog na niluluto ko." dagdag niya.

"Pero ngayon hindi na sunog ang luto ko kaya pwede mo nang makain." He said sabay bigay sa akin ng niluto niyang itlog na may ketchup sa gilid na naka-hugis puso.

Bumilis ang tibok ng puso ko, ngayon ko lang ulit ito naramdaman mula nang magkita ulit kami ni Kyle.

Naalala ko tuloy lahat ng sinabi ni Ellie sa akin kagabi, 'yong dahilan kung bakit niya ako iniwan.

Tama, naalala ko na kung anong nangyari kagabi...

"I miss you Ash, miss na miss ko na 'yong dating tayo." he said.

Pagkasabi niya nito ay parang bumalik lahat ng memories namin, 'yong masasaya, 'yong mga panahon na pinag uusapan namin ang future, 'yong marami na kaming plano para sa mga susunod na taon, 'yong mga panahong mahal na mahal pa namin ang isat isa.

Pero natigil ang pagrereminisce ko nang maalala ko 'yong gabing nakita ko siyang may kayakap na babae.

Kung totoo ang sinasabi ni Ellie, sino 'yong babaeng kayakap niya?

I sighed. Ayoko na, ayoko na mag isip. Ayoko na lang maramdaman lahat ng nararadaman ko.

Tumayo ako at akmang aalis na pero naramdaman ko ang pag hawak ni Kyle sa kamay ko.

"Ash, sorry kung bigla akong nawala sa buhay mo, pero ganito na lang ba tayo? Sinusubukan ko namang ibalik lahat sa dati e, hindi na ba talaga pwede?" Seryoso niyang sambit.

Inalis ko ang hawak niya sa kamay ko at humarap sa kanya.

"Bakit ba kasi kailangan mo pang balikan lahat ng 'yon? Okay na ako e, pero bumalik ka... ngayon gulong gulo na naman ako, gusto na kitang kalimutan, 'yon na lang 'yong gusto ko." sambit ko.

"Mahal pa rin kita Ash eh." malungkot na sambit niya.

Nang marinig ko 'yon ay tuluyan ng tumulo ang luha na kanina ko pa pinipigilan.

"Iniwan mo ko, hindi ko man lang alam kung... maghihintay ba ako, kung magmomove on ba ako, Hindi mo ako binigyan ng rason kung bakit bigla ka na lang nawala sa buhay ko! What do you expect me to do? What do you expect me to feel? Malamang masasaktan ako, malamang magagalit ako." Umiwas ako ng tingin sa kanya habang patuloy na tumutulo ang luha ko.

"And now you think gano'n na lang kadali kalimutan lahat ng sakit na naramdaman ko noon mula nang iniwan mo ako? Maybe you have your reasons, but I also have mine, I too have reasons to be hurt and mad at you!"

Tumalikod ako sa kanya at kinuha ang bag ko sa sofa. Saka ako lumabas ng condo.

Inayos ko ang sarili ko at pinunasan ang luha sa mga mata ko.

To be honest, hindi ko na talaga alam kung anong dapat kong maramdaman.

Maybe I still love him, maybe i'm just trying to be strong, pero para magkaayos kami ulit? Hindi ko alam, hindi ko maalis sa isipan ko lahat ng naramdaman ko noon.

...~•~...

...Vote.Comment.Share...

...💜💜💜

...

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play