...12 | CHAPTER...
...💜💜💜...
...~Ashlyn's POV~ ...
"Namimiss ko lang yung dating tayo."
Mula nang sinabi 'yan ni Kyle ay hindi na naalis sa isipan ko ang mga salitang 'yan. Naiistress na talaga ako.
Araw-araw kong nakikita si Kyle, to be honest wala namang problema, wala talaga.
But every time he looks at me and smile... do'n nagkakaproblema, palagi akong nadidistract sa ngiti niya.
I am trying to be professional and most of the time nagagawa ko naman, lalo na kapag mas nauuna 'yong inis ko sa natatambak na orders sa kitchen na hindi agad naiseserve ni Kyle.
Pero kanina, halo-halo 'yong naramdaman ko nang umupo siya sa table ko at tinitigan lang ako. I gave him 5 hours break para naman kahit 5 hours lang e makapagconcentrate ako at maging payapa ang paligid ko.
Pero 'yong ilang minutes na nasa harapan ko siya kanina, it felt like a whole day for me, I can't even type a word on my laptop because of him.
Buti na lang ngayon ay medyo humupa na 'yong dami ng tao. Dumating na rin si Kyle na may dala-dalang maraming stuff toy. Pinamigay niya naman ito sa mga staff na babae.
Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang mga 'yon pero mukhang nag enjoy sya sa 5 hours break niya.
Napansin ko naman na papalapit siya sa akin kaya umiwas na ako ng tingin bago niya pa makitang tinitingnan ko sya.
Pagkalapit niya sa akin ay inilapag niya naman sa table ko ang isang pink na pig stuff toy, at isang paper bag mula sa isang fast food restaurant.
"Sorry." narinig kong sambit niya.
Sorry para sa nakaraan, o para sa ngayon?
"Nabigla kasi ako sa dami ng tao kanina kaya medyo hindi ko alam kung anong uunahin ko, bawi ako mamaya." At ngumiti na naman siya.
Pagkaalis niya ay sumulyap muna ako sa kanya, just to make sure na hindi na siya nakatingin sa'kin.
Then kinuha ko 'yong paper bag na bigay niya at saka binuksan. Amoy pa lang nakakagutom na.
Actually kanina pa talaga ako nagugutom, kaya lang kasi marami talaga akong kailangang tapusin kaya hindi ko magawang kumain muna.
Hindi naman siguro masamang tanggapin ang bigay niya dahil lang sa nakaraan namin 'di ba?
Kumain na lang ako at hindi ko na inisip na si Kyle ang bumili ng pagkain ko.
...~•~ ...
Tumingin ako sa phone ko at ilang minutes na lang ay pa close na rin ang restaurant.
Ang ilan sa mga staff ko ay nakauwi na rin. Habang si Kyle naman ay nakaduty pa rin.
Inayos ko ang gamit ko at isinara na rin ang laptop ko at inilagay sa bag nito.
Napatingin naman ako sa stuff toy na bigay ni Kyle, hindi ko alam kung kukunin ko ba 'yon o hindi. Mukha kasi siyang kawawa kapag iniwan ko lang rito sa table. Kaya kinuha ko na lang at inilagay sa cabinet dito sa restaurant. Ayoko namang makita ni Kyle na bitbit ko ang stuff toy na bigay niya, kaya do'n na lang muna siya.
After a while ay inayos na rin ng mga staff ang tables at chairs, then lumabas na kami sa restaurant. Ikinando ko muna 'yong pintuan ng restaurant at saka kami sabay-sabay naglakad palabas ng mall.
"Malapit na pala ang anniversary ng restaurant, saan naman kaya tayo magcecelebrate?" Narinig kong sambit ng isa sa staff ko.
"May pasok ba kayo kapag anniversary?" Tanong ni Kyle.
Nasa likuran kasi nila ako at nauuna silang maglakad kesa sa akin kaya pinakikinggan ko lang ang usapan nila.
Anniversary na nga pala ng store next week. Halos hindi ko na naalala sa sobrang dami kong ginagawa, hindi ko tuloy alam kung saan kami magcecelebrate.
Maya-maya ay nagpaalam na rin ang mga staff ko sa amin, papunta kasi ako sa parking. Ganun din si Kyle. Kaya ngayon ay kami na lang dalawa ang magkasama.
Walang nagsasalita sa amin, ayoko rin naman siyang kausapin dahil wala naman akong sasabihin.
Nang makarating kami sa parking area ay ikinagulat ko naman na magkatabi pala ang kotse namin ni Kyle.
Is this coincidence?
Napatingin ako sa kanya at ayan, nakangiti na naman siya, kakangiti niya sa akin nagmumukha na siyang creepy.
"Dont be late tomorrow. Sunday bukas, kung maraming tao kanina,mas maraming tao bukas." I said sabay bukas ng pinto ng kotse ko.
"Yes Ms. Ash." Narinig kong sambit niya.
Then pumasok na ako sa kotse at nagdrive na.
Napatingin naman ako sa rear mirror at napansin kong nakasunod ang kotse ni Kyle sa akin, palabas pa lang rin naman kami ng parking area.
After several minutes hindi ko na napansin si Kyle sa likod ng kotse ko.
Kung tatanungin niyo ako kung anong nararamdaman ko sa nangyayari ngayon. To be honest, hindi ko rin alam.
Sometimes, hindi ko alam kung paano kikilos every time na nandyan si Kyle. At dahil do'n madalas nakasimangot ako kapag nakikita siya, kasi ayokong makita niya na okay na ako.
Well yes, okay na ako. I guess. Pero ayokong gano'n na lang kadali sa kanya, na makita akong okay na kahit hindi pa ako nakakarinig ng kahit na anong paliwanag sa kanya mula sa lahat ng sakit na naramdaman ko noon.
And yes, dapat akong maging okay para sa sarili ko at hindi para sa ibang tao, pero hindi ko lang kasi matanggap na saming dalawa, parang ako lang 'yong nasaktan, parang ako lang 'yong apektado.
Napapreno ako sa biglang pagliko ng kotse ko. Wala naman akong iniwasan, pero hindi ko kasi makontrol ng maayos 'yong sasakyan ko.
Sobrang diin ng apak ko sa preno at hawak ko sa manibela dahil na rin sa kaba ko.
Paghinto ng kotse ko ay Bumaba ako at chineck ang bawat gilid nito. At doon nakita kong umuusok ang isa sa gulong ng kotse ko.
I sighed. Of all the places na pwede akong masiraan, bakit dito pa sa madilim na lugar?
I immediately went inside my car. Madilim kasi ang paligid kaya medyo nakaramdam ako ng takot.
I called kuya to ask for help pero hindi siya sumasagot. Tinawagan ko rin si Xena pero out of coverage naman siya.
Hindi ko alam kung kanino hihingi ng tulong. Napayuko na lang ako sa steering wheel.
Then napansin ko 'yong isang libro na nakapatong sa passenger's seat. Kinuha ko iyon at hinanap ang pangalan ni Kyle.
Wala akong choice kun'di tawagan si Kyle.
(Hello)
"Kyle, it's Ash." mahinang sambit ko.
(Ash? Ah Ms. Ash, napatawag ka?)
"I need your help." Nakapikit kong sambit.
(Hah? Bakit? Anong nangyari?) Sunod-sunod niyang tanong.
Then I told him what happened at kung nasaan ako. Agad niya namang ibinaba 'yong call then after a moment nakarating na rin siya sa kung nasaan ako.
Nasilaw ako sa ilaw ng kotse niya. Lumabas ako ng kotse at nagulat ako ng bigla niya akong hinawakan sa magkabilang braso ko.
"Okay ka lang ba? Ha?" Nag aalalang tanong niya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
'Yong tingin niya, napaka seryoso. Hindi ako makagalaw mula sa hawak niya sa magkabilang balikat ko.
"Ash? Okay ka lang ba?" Bigla akong napatingin sa kanya. Tumango na lang ako.
Inalis niya na rin naman ang hawak sa balikat ko.
"'Yong kotse ko 'yong hindi okay." Sambit ko.
"Tumawag na ako sa tow truck. Hintayin na lang natin muna." Sambit niya.
At hinintay naman namin ang kukuha sa kotse ko.
"Hindi ka dapat umuuwi ng mag isa. Paano na lang kung hindi ako dumating." Sambit niya.
"Ngayon lang naman nangyari."
"Kahit na, babae ka Ash. Delikado para sa'yo ang umuwi ng ganitong oras. Dapat nagpapasundo ka na lang sa kuya mo."
"Im okay, dont act as if you're worried." I said.
"Nag aalala ako Ash." He said.
Hindi na lang ako kumibo. Then after a while dumating na rin ang tow truck. I gave them our address then umalis na sila.
Sumakay naman ako sa kotse ni Kyle, sa backseat sana ako uupo, but he insisted na sa passenger's seat ako umupo.
"Ihatid mo na lang ako sa condo ni Xena, do'n na muna ako." I said. He nodded.
Tahimik lang ako sa byahe. Ayokong ihatid niya ako sa bahay dahil ayokong malaman pa niya kung saan ako nakatira.
"Pasensya na Ash sa inasal ko, nag-alala naman talaga ako sa'yo, hindi ko napigilan sarili ko." Mahinang sambit niya.
"Okay lang." I said.
After an hour nakarating na rin kami sa condo ni Xena. Pababa na sana ako ng kotse ni Kyle pero bigla niyang tinawag ang pangalan ko.
"Naalala mo ba nang tinanong mo ako kung bakit ikaw ang gusto ko? Hindi ako sumagot kasi that time hindi ko alam ang sagot sa tanong mo, pero kung tatanungin mo ulit ako ngayon, kung bakit ikaw pa rin, this time may sagot na ako." He said.
"Hayaan mo sana ako Ash na bumawi sa lahat ng araw na wala ako sa buhay mo." He added.
"Good night" I just said.
Tumalikod ako at dahan dahang naglakad papasok ng building, I look at him again at nakita kong paandar na yung kotse niya.
Walang ibang tumatakbo sa isipan ko ngayon kundi ang mga sinabi niya kanina. Do I have to decide sa kung anong dapat kong gawin ngayon?
Why is it so hard for me to just forget our past, move on and start again?
...~•~ ...
...Vote.Comment.Share...
...💜💜💜...
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 20 Episodes
Comments