...10| CHAPTER...
...💜💜💜...
...~Ashlyn's POV~ ...
Nagising ako sa katok at tawag ni Kuya sa akin mula sa labas ng kwarto ko. Halos hindi ko pa maibukas 'yong mata ko sa sobrang antok ko.
I looked at my phone and it's just 7:00 AM in the morning. Sobrang aga pa para magising ako.
Bumangon ako at paika-ikang nagtungo sa pintuan ng kwarto ko. Isang tsinelas lang kasi ang naisuot ko.
Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang nakangiti kong kuya. Nagtaka naman ako sa postura niya. He's wearing a formal attire. Bagay na hindi niya sinusuot everytime na pumupunta siya sa resto.
"Bakit ba?" I asked while yawning.
"May presentation ako. Hindi ko rin alam pero meron daw, kaya may pasok ka ngayon." Pagkatapos no'n ay umalis na rin siya.
Presentation? Saan? I sighed. Ano pa nga bang gagawin ko kun'di pumasok na lang.
Pumasok ulit ako sa kwarto at hinanap ang pares ng tsinelas ko at saka ako nagtungo sa bathroom. Nagising 'yong diwa ko sa lamig ng tubig nang binuksan ko 'yong shower.
Atter that nagbihis na ako at nag ayos ng sarili.
Then lumabas na ako ng kwarto at nasalubong ko si mom sa living room.
"Oh, akala ko ba wala kang pasok?" She said.
"Akala ko rin mom." I said.
"Na saan ba kuya mo?" Mom
"May presentation daw po siya." I said habang sinusuot 'yong sapatos ko.
"Presentation? Of what?" Said mom.
"I don't know mom, alis na po ako." Paalam ko.
Then nagpunta na ako sa garage and pumasok sa kotse ko. Medyo antok pa talaga ako pero dont worry, gising na gising naman ako everytime na nagddrive ako.
After an hour nakarating na rin ako sa mall, dumaan muna ako sa isang coffee shop kasi feeling ko hindi talaga ako magigising ng hindi nagkakape.
Then after that naglakad na rin ako papunta sa restaurant.
I looked at my watch at mas maaga ako ngayon kesa sa usual na dating ko.
"Good morning Ms. Ash." Bungad sa akin ng staff.
Dumiretso naman ako sa table ko at agad ring umupo, parang gusto ko pang matulog.
"Ms. Ash, nakita mo na ba 'yong bago natin?" Sambit ng staff.
"Bagong ano?" I asked.
"Bagong staff ma'am, ampogi." Sabi naman ng isa ko pang staff.
Huh? May bagong staff? Hindi naman kami hiring, panong may bago?
"Siya 'yong bumati sa'yo kanina Ms. Ash, hindi mo napansin?" Staff 1.
"Hindi kasi tumitingin sa atin si Ms. Ash kapag binabati natin." Staff 2.
"Nasan ba?" I said while looking around then I sipped at my coffee.
Napapikit ako ng dalawang beses sa nakita kong lalake sa counter. Hindi ko alam kung naghahalucinate na naman ako pero... it's him, again.
But why is he wearing a uniform of my restaurant?
"Sigurado ba kayong bagong staff natin siya?" I asked.
"Yes ma'am, pumasok siya ng ganyan na ang suot kanina e." Sagot ng staff ko.
But how?
"Nasan 'yong files niya?" I asked.
At may kinuha naman 'yong staff ko sa cabinet at saka ito ibinigay sa akin.
It's a resume and a contract with his name and my kuya's name written on it. And a logo of our restaurant at the top of the contract. It's real, and yet we're not even hiring.
I looked at him again, at sakto namang nakatingin din pala siya sa akin, kaya napaiwas ako ng tingjn. I just... I just cant.
"Ms. Ash first time ko magkacrush, okay lang naman kahit magkaboyfriend kami 'di ba? Promise ma'am, work is work, labas ang relasyon namin sa trabaho." Kinikilig na sambit ng staff ko.
"Crush mo pa lang jowa na agad naimagine mo!" Pag-aasar naman ng isa ko pang staff.
"Pogi niya kasi e." Sambit nito habang nakatingin kay Kyle.
Sumasakit ulo ko sa nangyayari ngayon. Gusto ko na mag move on pero bakit ayaw niyo? Bakit parang sinasadya na lahat ng nangyayari ngayon?
Why are you keep on coming back in my life Kyle? Just why?
...~•~ ...
After a while, nagstart na ring mag operate ang resto and may mga guest na ring dumating.
I told my staff na bantayan si Kyle sa pag take order and pag serve ng food since I know na wala siyang alam do'n.
Hindi ako concern sa kanya, if that's what you think. I'm concern of my restaurant's reputation, that's all.
Patingin-tingin naman ako sa kanya dahil gusto kong masiguro na okay lahat ng ginagawa niya, and sometimes nagkakatinginan din kami. Hindi ko alam kung nang aasar siya pero lagi niya akong nginingitian, akala niya siguro madadala niya ako sa mga ngiti niya.
Nagpakabusy na lang ako sa ginagawa ko sa laptop at hinayaan ko na lang ang mga staff ko sa pag monitor sa kilos ni Kyle.
"Hi Ash, how's your day my friend?" Bungad sa'kin ni Xena pagdating niya. I didnt expect her to come here since mula nang nagkaroon siya ng manliligaw ay parang nakalimutan niya na ako.
"You look distracted, anong meron?" She asked.
I sighed first. Feeling ko stressed ako ngayon.
"I'm moving on..." I said habang sapo ang mukha ko
"Okay?"
"...palagi ko na lang kailangang mag move on sa mga bagay bagay na nagpapagulo sa isipan ko kasi wala akong magawa. Hindi ko matapos 'yong tinatapos ko kasi bigla na lang siyang sumisingit sa isipan ko and..." then I look at Kyle. And he smiled at me again.
"Ayoko na." Sabi ko na lang.
"Wala akong naintindihan Ash." Xena.
"Hindi mo ba nakita si Kyle?" Tanong ko.
"He's one of my staff, at hindi ko alam paano nangyari!" Dagdag ko at saka ulit napahawak sa ulo ko.
"Oh, si Kyle? Yeah I know. Siya nga bumati sa akin pag pasok kanina e." Then she smiled.
Kanina, sabi ko baka coincidence lang ang lahat ng nangyayari ngayon, but then... I looked at Xena.
"May kinalaman ka ba kung paanong naging staff dito sa restaurant ko si Kyle?" I asked Xena. She just smiled at me.
Napayuko na lang ako sa table kasi hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko.
"Sorry Ash, masyado na ba akong pakialamero sa lovelife mo?" She said.
Then she told me about Kyle na nagkita raw sila last week and nalaman niya rin from Kyle na nagkita rin kami. And whatever is happening right now, kagagawan nila ng kuya ko.
"And that's what happened." Xena.
"Tell me, kayo ni kuya 'yong palaging nagsasabi sa'kin na mag move on na ako, na kalimutan ko na lahat ng memories namin ni Kyle, which i'm trying..." paliwanag ko.
"Trying... hanggang try lang." Sarcastic niyang sambit
"Fine, but why? Bakit niyo kami pinagsasama ni Kyle? You know what, pwede ko siyang alisin sa trabaho at hindi niyo ako mapipigilan." I said.
Umiling naman si Xena at sinabing kailangan daw ay mutual decision namin ni kuya ang pagtanggal ng isang employee. At nalaman niya pa ang tungkol do'n.
"Give him a chance Ash. Tingnan mo oh ang sipag mag work, first day pa lang 'yan ah." She said while looking at Kyle na nag aayos ng tables.
"Gusto mong bigyan ko siya ng second chance ngayon? Why? May alam ka bang hindi ko alam? Deserve niya ba ang second chance pagkatapos ng lahat ng sakit na naramdaman ko mula nang niloko at iniwan niya ako?" I said seriously.
"Ang serious mo naman girl, well actually we talked about it, and i'm not going to tell you kasi gusto ko ikaw mismo makaalam, but if you were to ask me, he deserves a second chance, your relationship deserves a new start." She said and smile again.
New start? E paano naman lahat ng iniyak ko noon? Paano naman lahat ng mga araw na halos magmukmok na ako sa kwarto kakapilit sa sarili ko na kalimutan siya?
Kung lahat ay madali lang para sa kanya, sa akin hindi.
I was the one in pain, ako 'yong sinaktan, ako 'yong niloko, ako 'yong iniwan. So how can I give him a second chance kung lahat ng nararamdaman kong sakit e parang kahapon lang lahat nangyari?
...~•~...
...Vote.Comment.Share...
...💜💜💜...
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 20 Episodes
Comments