...05 | CHAPTER...
...💜💜💜...
...~Xena's POV~...
"Nico Salazar?" I asked Ash.
So ginising ako ni Ash kagabi sa paulit ulit niyang pagpindot sa doorbell ng condo ko. And when I opened the door, pumasok na lang siya without saying anything, then ayon, natulog siya sa sofa. I don't know if she's drunk or what. All I know is last night was her date with the man I asked.
So now, i'm asking her what happened last night. Tapos ito nga. She told me about his date and it's friend Nico Salazar na nagsabi raw sa kadate niya na someone wants to see him.
But then, I remembered, it was Nico Salazar that I want Ash to meet. Not his friend.
"Bakit natatawa ka?" Tanong ko kay Ash. She's looking at his coffee tapos parang baliw na pangiti-ngiti. Baka nabaliw na nga.
"Huh? I just thought it was him." She said.
My god. Hindi pa rin maka move on ang babaeng ito. Ang tagal na mula nang iniwan siya ni Kyle, wait. Ilang years na ba? I think it's 3 years or maybe four, pero eto siya, parang fresh pa lahat ng memories sa utak niya.
Hindi ko alam kung maaawa ako sa friend kong ito. Pero my god. A lot of things happened since Kyle left. Tapos siya parang nando'n pa rin sa araw na iniwan siya nito.
Palagi niyang sinasabing naka move on na siya, nakalimot na siya, at masaya na siya. Pero here she is, I think she still wants to see Kyle.
"So what if it's him?" I asked. Tumingin siya sa akin then she sipped at her coffee.
"Wala naman." Nakayukong sagot niya.
And that's the reason why I want him to date someone. Pangalan lang na Nico which is Kyle's Nickname nag kakagan'yan na siya.
Maybe it's a good idea for her to really meet Nico Salazar. Siya naman kasi ang dapat niyang kadate kagabi. Ano bang nangyari sa Nico na 'yon?
After a while, Umalis na rin si Ash at dumiretso sa work niya.
So now, I need to talk to Nico and ask him what happened.
By the way, Nico is one of my crush. Yeah. Hindi ako maharot, marami lang talaga akong crush. And yes wala pa akong boyfriend and I kinda don't care. Okay na akong kiligin sa Kdrama. Kdrama is life.
So umupo ako sa kama at kinuha ko 'yong phone ko. Then I scrolled on my messenger until I saw his name. Then I called him.
After three rings. He answered.
(Oh bakit?)
"Anong bakit? Diba I asked you to date my friend? Bakit friend mo nakipag meet up?"
(Ah kahapon? Sorry, ganito kasi... papunta na ako, kaya lang nagkaroon ng emergency 'yong kapatid ko.)
"Anong meron sa kapatid mo?" I curiously asked.
(Broken hearted. Iyak nang iyak. Hindi ko mapatahan kaya pinuntahan ko na lang.)
"Thats it?"
(Ah, oo.)
My god. Ano bang nangyayari sa mundo, bakit maraming taong affected masyado sa break ups?
"Since hindi natuloy last night, pwede ba later?"
(Agad? Teka bakit ba kasi ikaw nag-dedecide sa kaibigan mo na makipag-date? Kailangan niya na ba talaga?)
"Yeah. I want him to forget her past, kaya gusto ko magka-boyfriend na siya, and I think ikaw 'yong bagay sa kanya." Napangiti ako sa sinabi ko, nai-imagine ko kasi sila ni Ash na magkasama.
(Eh sa'yo ba?)
"What?"
(Ah wala. Wala naman.)
"Whatever. So later? What time?"
(Nako. Hindi ako pwede ngayon, umiiyak pa rin 'yong kapatid ko e.)
"Seriously? Okay, fine next week. I'll call you again, bye" then I hanged up.
Ikaw na lang ang pag-asa ko Nico Salazar.
...~•~...
...~Ashlyn's POV~...
"Good morning Ms. Ash" my staff.
"Good morning rin." Pahikab kong sambit. Umupo ako sa table at ibinaba ang bag ko, saka ko naman inilabas ang laptop at binuksan ito.
"Parang pagod po kayo ma'am." She asked.
"Kulang lang siguro ako sa tulog." Sagot ko at saka muling nahikab.
I admit, hindi ako nakatulog ng maayos. Not because I slept on the couch, pero dahil na rin sa date ko kagabi.
Hindi ko lang kasi inexpect na makakaramdam ako ng kaba hearing his name or his nickname. Buti na lang talaga at hindi siya 'yon, kasi kung siya 'yon ay baka nasampal ko siya sa ginawa niyang pag iwan sa akin noon.
I know. Ilang taon na mula noon pero hindi ko rin alam. Hindi ko pa rin talaga makalimutan. Everytime na gigising ako feeling ko kahapon lang nangyari lahat.
And no, i'm not living in the past. Sadyang hindi ko lang talaga makalimutan. Ibig sabihin ba no'n ay hindi pa talaga ako nakaka move on just like everyone is telling me?
Ang alam ko lang ay masaya ako sa lahat ng ginagawa ko ngayon. But every time I think about it. Those memories, palagi akong nasasaktan at nalulungkot. I feel like those are the happiest memories i've ever had. Siguro naka move on na ako, but that doesnt mean I forget the memories.
...~•~...
Lumipas ang ilang oras ay dumami na ang tao sa restaurant, sobrang busy. Full house and more people waiting outside. Hindi naman Sunday pero bakit maraming tao ngayon?
"Kaya pala maramimg tao ngayon, Sale pala sa department store." Sambit ng staff ko.
"Talaga? Tara tingin tayo mamaya." Aya naman ng isa ko pang staff.
I received a text from Xena.
Text from Xena: Thursday, 7pm. The Crowns. Look for Nico Salazar. Yes don't panic, its not Cruz. Its Salazar. Remember? Huwag na tumanggi, magagalit ako sa'yo. Love you girl mwuah.
Again? Kailan ba titigil 'tong si Xena kaka set-up sa akin sa Date. At ngayon naman kaibigan ng kadate ko kagabi ang gusto niyang makadate ko?
How many times do I have to introduce myself to someone? Kabisado ko na nga yata lahat ng pagpapakilala ko sa kanila e.
Bahala na, kahit hindi pa ako ready na pumasok sa isang relasyon ngayon. I find it interesting meeting someone, pero hanggang do'n lang.
...~•~...
After a very tiring day, nauna akong umuwi sa mga staff ko. Kadalasan kasi nasa store lang ako hanggang mag close pero ngayon umuwi ako ng maaga. Pakiramdam ko kasi pagod na pagod yung katawan ko kahit nakaupo lang naman talaga ako at nakaharap sa laptop.
Pinaandar ko 'yong kotse ko at nagmaneho na pauwi sa bahay. Tinext ako ni mom at tinatanong kung nasaan na ako. Hindi kasi ako umuwi sa bahay kagabi at dumiretso ako sa condo ni Xena and I told my mom na maaga akong uuwi ngayon.
Kaya lang eto, mukhang maiipit pa ako sa traffic. Buti pa ang traffic palaging nand'yan, hindi ka iiwan, sasamahan ka kahit saan. Sigh.
Napabusina na lang ako sa sobrang inip ko.
After an hour, umusad na rin ang mga sasakyan then after that tuloy tuloy na rin ang byahe ko pauwi sa bahay.
Pag dating ko sa bahay, nadatnan ko si kuya na kararating lang rin, I wonder saan na naman kaya pumunta ang kuya ko.
Bumaba ako sa kotse after I parked at the garage then nilapitan ko si kuya.
"Kauuwi mo lang?" I asked. He nodded.
"Galing ako sa office ni Dad, gusto niyang ako ang magpatuloy ng project niya." Sagot niya.
Si kuya pala ay isa na ring Engineer ngayon, just like dad. I studied Business Management kaya nang grumaduate ako, nagpatayo si dad ng restaurant para sa'kin.
Si kuya naman wala pang gaanong work as an Engineer. Kaya pag rest day ko ay siya ang pumupunta sa restaurant para pumalit sa akin. Ayaw niya kasing makilala siya or gustuhin lang siya ng mga tao dahil kay dad, he wants people to know him by his works and projects and not just because he is a son of a well-known Engineer.
"Tinanggap mo?" Tanong ko kay kuya.
"Makakahindi ba ako kay dad?" Sambit niya.
Actually, si kuya, walang tiwala sa sarili niya, habang si dad naman palaging sinasabi kay kuya na trust his skills. Minsan ko nang nakausap si dad about kay kuya and ang sabi niya, gusto niya lahat ng plans and idea ni kuya when it comes to buildings and infrastructure na naiisip niya. Ang problema lang raw, kuya is not confident enough to show his ideas and plans kasi palaging iniisip ni kuya baka may mali, baka may kulang pa.
Pagpasok namin sa bahay ay bumungad sa amin si mom and dad, si dad naman agad kinausap si kuya.
"Nag dinner ka na ba?" Mom asked.
I nodded, I kissed her goodnight then I went to my room. Binaba ko sa kama ang bag ko at inalis ang sapatos na suot ko. Nagpahinga ako ng mga 5 minutes then dumiretso na ako sa bathroom para mag shower.
Then after everything, humiga na ako sa kama at tumingin sa ceiling. Nakasanayan ko nang pagmasdan ang ceiling ng room ko kahit ang nakikita ko lang naman ay ang ilaw ng room ko. Hanggang sa makatulog na lang ako kakaisip ng mga memories na hindi ko alam kung hanggang kailan mananatili sa isipan ko.
...~•~...
Thursday, 6:45 PM
Tumupad ako sa gusto ni Xena. Actually dapat aatras ako, kasi sabi ko, hindi ako available ng thursday dahil may iba akong lalakarin, hindi ko na sinabi sa kanya kung ano 'yon.
Pero, tinotoo niya ang text niya, isang buong araw hindi niya ako kinausap dahil sabi niya nga pag hindi ako pumayag magagalit siya sa akin.
Kaya wala rin akong choice kun'di makipag date ngayong gabi.
At medyo napaaga ang punta ko rito sa meet up namin, galing kasi ako sa restaurant ko at medyo malapit rin dito 'yong lugar kung saan kami magkikita ng kadate ko.
Xena texted me to wear my best dress, palagi namang gano'n ang text niya every time na may date ako. Hindi naman ako nagprepare since galing rin ako sa restaurant kanina. Naka simple dress lang ako na off shoulder and above knee ang length. Yes, hindi ako nag prepare.
...~•~...
7:05 PM
Napatingin ako sa oras sa cp ko, 7:06 PM na pero wala pa rin 'yong kadate ko. I looked around and wala akong makitang papalapit sa table ko, 6 minutes pa lang naman so baka natraffic lang siya.
...~•~...
7:30 PM
I texted Xena na wala pa rin 'yong kadate ko, and she told me to wait, baka parating na rin daw. Sabi ko nga baka hindi na sumipot and I told her na maghihintay ako hanggang 8 PM after that aalis na ako.
But then after several minutes wala pa rin talaga, nakailang lapit na sa'kin 'yong staff to ask my order and yet hindi pa rin dumarating 'yong Nico na 'yon, maybe he's not into date, mapilit lang kasi si Xena. Anyway ngayon lang nangyari sa akin ito and I kinda feel embarassed waiting here. Alone.
I grabbed my bag when suddenly, a man just sit on the chair in front of me.
"Hi sorry late ako, traffic kasi e kaya..." natigil siya sa pagsasalita
"...Ash." and he smiled.
Hindi ko marinig ang paligid ko sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko, I don't think it's true. Nananaginip lang siguro ako.
I wasn't expecting this and i'm not ready for this...
...~•~...
...Vote.Comment.Share...
...💜💜💜...
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 20 Episodes
Comments