...18 | CHAPTER...
...💜💜💜...
...~Nicholas Kyle's POV~
...
"Kyle una na ako, hatid ko si Xena, lasing na e." sambit ni Nico.
"Sige—"
"Kyle may kotse ka 'di ba? Hatid mo naman si Ms. Ash" sambit ni Lea habang akay si Ash.
Anong nangyari kay Ash? Parang kanina lang nakaupo lang siya sa counter at mukhang bumabalik na 'yong feelings niya sa akin habang kumakanta ako.
Pero ito, halos hindi niya na maitayo ang sarili niya.
"Ikaw na bahala Kyle ah." sambit ni Lea saka niya inakbay sa akin si Ash.
"Kyle una na ako ah." paalam ni Ellie.
Iniayos ko naman ang braso ni Ash sa balikat ko.
"Oh anyare d'yan? Nahimatay ata kay Kyle" Matt
"Ngayon lang raw kasi ulit kumanta si kyle." Psyche
"Una na kami Kyle" Art
At nag-alisan na nga sila.
Napansin ko naman si Nico na kausap si Xena. At mukhang hindi niya ata mapauwi si Xena.
"Sige na, hatid na kita." Sambit ni Nico.
"No, I don't want to go home, I just want to be with you." Sabay yakap ni Xena kay Nico.
"Kyle..." narinig kong sambit ni Ash. Tiningnan ko siya at nakapikit siyang hinawakan ako sa mukha, hinawakan ko rin ang kamay niya habang hinihintay ang sasabihin niya.
"I hate you." saka ako hinampas sa mukha.
At tuluyan na siyang nawalan ng malay. Muli akong tumingin kay Nico na hirap pa ring pauwiin si Xena.
Lumapit ako sa kanila habang nasa likuran ko si Ash.
"Xena, sa condo mo na lang natin ituloy 'yong drinks, pwede ba do'n?" Tanong ko.
"Huh? Okay let's go!" Saka siya naglakad palabas ng bar.
Nagkatinginan na lang kami ni Nico at sumunod na lang sa kanya.
Sumakay naman agad sa kotse si Xena, sa passenger's seat. Dahan dahan ko namang iniayos si Ash sa back seat. Saka naman ako umupo sa tabi niya. Habang si Nico naman ang nagmaneho papunta sa condo ni Xena.
Pagkarating namin sa condo ay kanya kanya kaming buhat kay Ash at kay Xena, nakatulog na rin kasi Xena.
Pinagtinginan naman kami sa lobby at gano'n din sa elevator, yumuko na lang kaming pareho ni Nico dahil medyo nakakahiya ang itsura namin na may mga babaeng bitbit sa likuran namin.
Nang makarating na kami sa unit ni Xena ay hinalungkat naman ni nico ang bag ni Xena at hinanap ang susi sa pinto.
Pagkatapos nito ay nakapasok na rin kami sa loob. Inihiga naman namin si Ash at si Xena sa kama sa kwarto.
Lumabas kami ng kwarto at sabay na umupo sa sofa. Napabuntong hininga na lang kami sa pagod.
"Iiwan na lang ba natin silang gano'n?" Tanong ni Nico.
"Bakit?" Tanong ko.
"Huh? Baka kasi magising sila tapos magtaka kung paano sila nakauwi." Sambit ni Nico.
"Hindi naman siguro." Saka ko inalis ang sapatos ko.
Makalipas ang ilang minuto ay nagising ako sa tawag ni Nico sa akin, nakaidlip pala ako sa sofa.
"Kailangan ko ng umuwi, ikaw na muna bahala sa kanila ah." sambit ni Nico sabay labas ng condo.
Narinig ko naman ang malakas na pagbukas ng pinto mula sa kwarto ni Xena.
Pumasok ako doon at nadatnan ko si Xena galing sa bathroomm
"Where's Nico?" Tanong niya.
"Umuwi na"
"Huh? Why?" Saka naman sya lumabas ng kwarto.
Lumapit ako kay Ash at iniayos ko naman ang kumot sa katawan niya.
Umupo ako sa sahig at pinagmasdan lang siya.
"Im sorry..." Narinig kong sambit niya.
Tumingin ako kay ash at nakita kong nakatingin din siya sa akin, hindi ko alam kung may epekto pa ang alak sa kanya, pero nakita kong tumulo ang luha sa mata niya.
"Im sorry for ignoring everything about us." Sambit niya, saka niya inalis ang kumot sa kanya at saka umupo sa kama.
"Ang alam ko lang kasi iniwan mo ako, 'yon lang 'yong nasa isip ko." umiiyak na sambit niya.
Tumayo ako at umupo sa tabi niya.
"Sorry for not thinking of the possible reasons, sorry about your grandfather, I know you love him so much and i'm really sorry for not being there nang mawala siya." at tuluyan na soyang umiyak nang umiyak.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin siya, hindi ko alam kung paano niya nalaman ang tungkol do'n, pero wala akong gustong gawin kun'di yakapin lang siya.
"Sorry rin kung kinailangan kong umalis." Sambit ko.
...
...~•~......
Maya maya ay tumigil na siya sa pag iyak, nakayakap pa rin siya sa akin pero unti unti kong naramdaman ang pagbagsak ng ulo niya sa balikat ko.
Nakatulog na pala ulit siya.
Dahan dahan ko siyang inihiga sa kama at kinumutan ulit.
Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko naman si Xena na natutulog sa sofa.
Bumalik na lang ulit ako sa kwarto at pinagmasdan ulit si Ash.
Sobrang miss ko na 'yong dati, sobrang miss na kita Ash.
...~•~...
...Vote.Comment.Share...
...💜💜💜...
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 20 Episodes
Comments