08 | Chapter

...08 | CHAPTER...

...💜💜💜...

...~Xena's POV~...

So I asked Ash about her date the other night. Hindi siya gaanong nagkuwento. BUT, she told me na hindi raw si Nico Salazar ang nakadate niya. At nang tinanong ko kung sino, she didn't tell me. maybe it's Nico's friend again.

Pasaway talaga 'yong Nico Salazar na 'yan, hindi na naman sumipot. Anong tingin niya sa friend ko? Laro? Whatever!

So ito nga, i'm going to ask Nico kung bakit hindi na naman siya sumipot.

By the way, nasa department store pala ako ngayon, I just need to buy some stuff for my pamangkin.

So while roaming around tinawagan ko si Nico at sumagot naman din siya agad.

(Hello who's this?)

"Anong who's this? Si Xena 'to!"

(Ha? Ah Xena! Ikaw pala) Natawa naman siya.

"Tell me what happened, bakit di mo na naman sinipot ang friend ko?"

(Ah—)

"And please dont tell me umiiyak pa rin ang kapatid mo?"

(Ah hindi naman, okay na kapatid ko, nagkabalikan na sila ng boyfriend niya kaya masaya na ulit siya,)

Whatever.

"So bakit nga?"

(Pasensya na kung hindi na naman ako nakapunta, nag LBM kasi ako nang gabing 'yon kaya kaibigan ko pinapunta ko.)

"Seriously? Palagi ka na lang may reason, parang hindi na kapani-paniwala."

(Ha? Totoo naman 'yon.)

"It's okay, nevermind."

Then pinatay ko na 'yong tawag. To my surprise, pag lingon ko sa kabilang side, I saw Nico. The one i'm talking to, seconds ago.

Napansin niya rin ako at lumapit siya sa akin, pero bago pa siya lumapit ay naglakad na rin ako palayo.

Yes, crush ko siya and to be honest ngayon ko lang siya makikita in person. Hindi ko naman alam na ganito pala ka stunning ang looks niya.

Parang medyo kinilig ako. Pero no! May kasalanan pa rin siya sa'kin.

"Uy Xena wait lang" He said. Huminto ako at humarap sa kanya.

"Sorry, hindi naman ako galit, medyo awkward lang na magkita tayo after kita awayin sa call, well hindi naman kita totally inaway pero... basta." Sabi ko

Napabuntong hininga naman siya, then tiningnan niya lang ako.

"Okay, ang totoo niyan hindi totoo lahat ng alibi ko," Napakunot naman ang noo ko sa narinig ko.

"I knew it, una pa lang feeling ko pinaglalaruan mo na friend ko e, if ayaw mo sa kanya just tell me, hindi mo siya kailangang I set up sa mga friends mo kasi sinet-up ko na nga siya sa'yo 'di ba?" Galit na sambit ko.

"Sorry, wala naman akong masamang intensyon, ano kasi..."

"What?"

"Ahm... ikaw kasi talaga 'yong gusto kong makadate, hindi 'yong kaibigan mo, o kahit na sino... I like you Xena, pwede bang tayo na lang mag date?" And I didnt expect that.

Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o kung anuman ang mararamdaman ko. Sa lahat ng naging crush ko, ngayon lang ata may nagsabi sa akin na gusto niya rin ako, but of course he didn't know na may crush ako sa kanya. But then, totoo ba ito? Hindi ko kaya.

I look at him and I saw him smiling... I don't know how to react.

"Ngayon na ba?" I asked.

"Ha?" Pagtataka niya.

"Ah no, maybe next time just tell me when, its okay—"

"Ah hindi sige, ngayon na saan mo ba gusto?"

Bigla naman ako napangiti, hindi ko talaga alam paano magrereact pero sige, hindi pa naman pinapanganak yung pamangkin ko so maybe next time na lang ako bibili ng mga clothes and other stuff for her.

...~•~ ...

...~Ashlyn's POV~...

Isang matining na tili ang bumungad sa akin mula sa tawag ni Xena. Hindi ko alam kung anong nangyari pero kung anu-ano ang sinasabi niya at wala akong maintindihan.

Papunta ako ngayon sa restaurant at kausap ko sa phone si Xena.

"Kalma, wala akong maintindihan."

(Okay so kasama ko si Nico ngayon and—)

"Nico who?" Napatigil ako sa paglalakad sa narinig ko. Again, bakit ba lagi akong napapatigil sa kahit na anong may kinalaman sa kanya?

(Nico Salazar, 'yong dapat na kadate mo, oh my god Ash, hindi mo alam kung gaano ako kinikilig ngayon. Ako pala 'yong gusto niyang makadate, ayaw niya sayo girl!) And she's happy.

"Okay so..." then naglakad na ulit ako.

(Sige na later ko na lang ikwento, bye.)

Then she hanged up. Tama lang 'yon, siya na makipagdate sa mga sineset-up niya sa-kin. I'm done with that date thing.

Dahil do'n bumalik 'yong taong matagal ng wala sa buhay ko and I don't even know kung magiging masaya ba ako or what.

"Good afternoon Ms. Ash." Bati ng mga staff ko.

"Good morning—I mean, afternoon." I said.

Dumiretso na ako sa table ko and started doing the inventory.

Habang nag-iinventory ako parami rin naman nang parami ang mga guests namin. Nagiging busy na rin ang mga staff at kanya-kanya na rin sila ng gawain.

"May stocks pa ba tayo ng mga spices?" I asked one of my staff.

"Marami pa ma'am." Sagot niya.

"Annyeonghasseyo!" bati nila sa customer na pumasok. Napatingin naman ako.

I hate it. Sa sobrang pag-iisip ko kay Kyle feeling ko naghahalucinate na ako, bigla-bigla ko na lang makikita ang mukha niya sa kung sinu-sino.

I shook my head and continue my work. Pero napatingin ulit ako sa lalakeng napagkamalan kong siya. Pero mali ako.

Bigla akong napatalikod at unti-unting naglakad patago sa isang gilid. It was him, it's him. Eto na naman siya, ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Ang pagbagal ng galaw sa bawat paligid ko.

Just why? Ilang beses ba ulit kami magkikita? Gusto ko nang makalimot, please just let me live without him. Please?

"Ms. Ash okay ka lang?" Sambit ng kitchen staff ko. Napatingin naman ako sa kanya, I realized na nakatingin pala ako sa itaas na parang naghihintay ng sagot ni Lord sa tanong ko. Sigh.

Nginitian ko lang siya sabay pasok sa kitchen area. Natigil ako sa pag iinventory kasi hindi ko na alam kung saan ako natapos kanina.

Heto na naman kasi ako, natataranta at hindi ko alam kung anong gagawin.

Focus Ash, nasa work ka. Be professional.

"Oy eto order ni Sir handsome!" Bungad ng staff kong biglang pumasok sa kitchen.

"Ay sorry ma'am andyan pala kayo." Sabay ngiti niya.

"Sino ba 'yan?" I asked.

"Ma'am? Ah yung nasa table 8 po ma'am, ang pogi po kasi kaso taken na ata hehe" she said.

May girlfriend? May girlfriend na pala... lumabas ako at sumilip sa dining.

And there he is. Last time it was me, and now it's another girl. And it's not the girl that I saw him with that night.

Bumalik ako sa kitchen and asked my staff kung anong order ng nasa table 8.

"Spicy ramen Ms. Ash." sagot niya

"Uhm okay. So 'yong original na spicy ramen natin, gawin niyong mas SPICY!" Nakangiti kong sambit.

"Request ba ma'am?" Tanong niya.

"Oo." request ko.

"Gawin mong spicy ramen x5!" Dagdag ko.

"Uy parang sobrang anghang no'n ah." He said.

"Sabi kasi ng guest gusto niya ng anghang na pagpapawisan siya." Sambit ko naman.

At ginawa naman ng staff ko ang gusto ko.

At nang natapos na ay sinerve na nila yung spicy ramen x5 na gawa-gawa ko lang. Sumilip ulit ako sa dining at tiningnan kung anong magiging reaksyon niya.

"Hi sir this is your order. Spicy ramen x5." My staff said habang ibinababa yung ramen.

"X5? May level pala 'yan? Baka naman sobrang anghang na niyan." Sabi ng babaeng kasama niya.

"Okay lang yan, mukhang masarap nga e. Thank you." Nginitian niya naman ang staff ko.

Tiningnan ko lang naman siya hanggang sa tinikman na nila yung ramen.

Nakita kong napainom ng tubig 'yong babae. Natawa naman ako. Sorry, didn't mean to be mean, pero natawa ako.

Then I saw him smiled at mukhang nagustuhan niya 'yong ramen. A reaction I didn't expect.

"Ma'am mukhang nagustuhan niya 'yong spicy ramen x5, bagay rin sa kanya. Ang hot niya e." Sambit ng staff na nagserve ng ramen sa kanila. Napatingin naman ako sa kanya.

"Really?" I asked. She nodded.

I sighed. Ang pagkakaalam ko hindi niya kayang itolorate ang sobrang anghang. But then i'm wrong. Sobrang tagal na nga pala no'n. Maybe he change. Just like everyone else.

After a while hindi ko na inisip na nandito siya at nag patuloy na lang ako sa pag-iinventory.

Ano ba kasing pake ko 'di ba? Yes, he's part of my past. My Past. At alam ko na ang gusto ko ngayon.

Maybe i'm insane pero nang mga panahong hindi pa kami nagkikita hindi ko magawang kalimutan siya, pero ngayong nagkita na ulit kami at hindi ko alam kung ilang beses pa ulit magtatagpo ang landas namin saka ko naman siya pilit gustong kalimutan.

I feel like that's all I wanted. To remove him from my life. To forget him and our past.

After an hour lumabas ako ng resto. I didn't see Kyle or 'yong babaeng kasama niya.

Buti na lang rin at baka makita pa ako ni Kyle at masampal ko na naman siya ng di sinasadya.

Naglakad ako papuntang elevator. Pagdating ko sa elevator ay agad naman din itong bumukas.

Our eyes met. Tumigil na naman ang mundo ko. Then I decided to use the escalator.

"Ash!" Sigaw niya.

Nagmadali akong maglakad. Bakit ba kasi ganito 'yong nararamdaman ko. Tigil na Ash. Move on na please. I sighed.

Natigil ako sa paglalakad nang humarang siya sa harapan ko. Iniwas ko ang tingin ko.

"Hi, pwede na ba tayo mag-usap? Please marami akong gustong sabihin." Sambit niya.

Marami rin akong gustong marinig pero baka tumulo lang ang luha ko kapag hinayaan ko ang sarili ko.

Yes. I need answers, but I don't think i'm ready now to hear those, at hindi ko alam kung kailan ako magiging ready.

"I don't think na may kailangan pa akong malaman, I suffered so much... because of you... leaving. Masaya na ako ngayon at halos hindi na kita maalala as part of my life and my past. So please. Just let me go." I said. Naglakad ulit ako at hinayaan niya naman ako.

"Please Ash, I still love you." He shouted.

Pakiramdam ko ay sinemento 'yong buong katawan ko, hindi ako makagalaw. Hindi ko alam kung maglalakad ba ako o haharap sa kanya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot na for 3 years, narinig ko na naman ang salitang 'yon mula sa kanya.

But then humarap ulit ako sa kanya. Then I saw the girl beside her. 'Yong kasama niya kanina, she's pretty, bagay sila.

Naglakad siya palapit sa akin.

"Kaibigan ko siya, she's Ellie, kilala ka niya, palagi kitang nakukwento sa kanya." Nakangiting sambit ni Kyle.

Kung makangiti siya ay parang hindi niya ako iniwan at niloko noon.

"You don't have to explain, let's just forget everything. It's been years, masaya na tayo sa kanya-kanya nating buhay. Kalimutan mo na ang lahat." I said.

"Sorry sa lahat, hayaan mo akong bumawi sa'yo." I looked at him,

He looks serious at kita ko ang sincerity niya, pero no Ash, iniwan ka pa rin niya noon, at hindi 'yon madadala ng mga ganyang tingin niya.

"Sorry rin pero okay na ako." I said then leave.

Mabagal akong naglakad palayo sa kanya, hindi ko alam pero parang gusto kong bawiin ang mga sinabi ko, bakit pakiramdam ko hindi magkasundo ang isip at ang puso ko?

My mind is telling me na huwag na ulit magpa-uto pa, but my heart keeps beating so fast na parang gustong bumalik sa kanya at yakapin siya.

No Ash. Do not forget how much painful you've felt the moment he left.

At hindi mawawala lahat ng sakit na 'yon dahil lang sa bumalik ulit siya sa buhay ko.

...~•~...

...Vote.Comment.Share...

...💜💜💜...

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play