04 | Chapter

...04 | CHAPTER...

...💜💜💜...

...~Nicholas Kyle's POV~...

...I missed you so much.

Nilapag ko ang ballpen na hawak ko at tinupi ang papel na sinulatan ko. Nilagay ko ito sa sobre.

Hindi ko na mabilang kung ilang sulat na ba ang nagawa ko para sa kanya.

Hindi ko rin alam kung hanggang kailan ako maghihintay sa araw na muli kaming magkikita.

Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kusina. Kumuha ng baso at uminom ng tubig.

"Good morning Anak." Bati ni mama.

Inilapag ko naman ang baso sa lamesa pagkatapos kong uminom. "Good morning din ma." Sambit ko.

"Nag almusal ka na?" Tanong ni mama habang may kinukuha sa ref.

"Hindi pa po ako gutom." Sagot ko, pagkatapos ay umupo ako sa hapagkainan.

"Bakit kailangan mo pang hintayin na magutom ka? Magkakasakit ka niyan." Nag-aalalang sambit ni mama at saka naman lumapit at umupo sa tabi ko.

"Mamaya na lang po siguro, magkikita rin kasi kami ni Ellie." Sagot ko, tumango lang naman si mama.

"Good morning po ma'am, sir." Bati ng kasambahay namin.

Lumapit siya kay mama at iniabot ni mama ang isang papel na listahan ng ipamimili niya.

"Pasabay na rin po ito." Sambit ko habang iniaabot sa kanya ang sobreng hawak ko.

"Sige po sir," At saka siya umalis.

Napatingin sa akin si mama, ngumiti na lang ako dahil alam ko kung anong ibig sabihin ng mga tingin niya sa akin.

"Para kay Ash na naman ba iyon? Kyle, anak, hanggang kailan mo ba susulatan si Ash? Ni minsan hindi nga siya sumagot sa mga sulat na pinadala mo pero padala ka pa rin nang padala ng sulat sa kanya." Malungkot na sambit ni mama.

"Okay lang naman ma, basta ang mahalaga sa'kin nasusulatan ko siya." Mahinang sambit ko.

"Pero anak, matagal na kasi kayong wala. Wala ka ng balita sa kanya at ganun din siya sa'yo, paano kung hindi niya naman natatanggap ang mga sulat na pinapadala mo?" Saad niya

"Siguro nasaktan ko lang talaga siya noon, siguro galit lang siya sa akin, pero 'di pa rin ako nawawalan ng pag asa na maging okay ulit kami." Bahagya akong ngumiti.

"Sana nga anak, ayokong nakikita na ganyan ka, mula noong naghiwalay kayo ni Ash, parang lahat ng ngiti mo, at mga saya na pinapakita mo, parang hindi na totoo. Gusto kong maging masaya ka ulit gaya ng sayang meron ka noon." Ngumiti si mama at tumango na lamang ako sa mga sinabi niya.

Palagi nila akong tinatanong tungkol kay Ash, hanggang kailan ko raw ba siya susulatan nang paulit ulit? Hangang kailan ba ako aasa na magkikita ulit kami? Hanggang kailan ako mabubuhay sa nakaraan naming dalawa?

Hindi ko rin alam ang sagot sa mga tanong nila, pero hanggang ngayon kasi, si Ash pa rin ang nasa puso ko.

Lumipas na ang ilang taon pero halos araw araw, siya pa rin ang iniisip ko, gabi gabi ay siya ang laman ng panaginip ko.

Alam kong may pagkakamali ako noon, alam kong umalis ako nang walang paalam sa kanya, at kung may paraan lang para makabawi ako sa kanya ay gagawin ko. Pero sa ngayon, tanging pagpapadala lang ng sulat sa kanya ang magagawa ko para maintindihan niyang hindi ko ginustong magkahiwalay kami noon.

Umaasa pa rin ako na isang araw ay babalik ang lahat sa dati.

...~•~...

Years Ago.

"Sabi ni Xena, maganda raw dito." Sambit ni Ash habang hirap na hirap humakbang pataas.

Paakyat kasi kami sa mababang bahagi ng bundok. Nabanggit kasi ni Xena kay Ash na minsan raw ay napadaan sila rito ng family niya at napakaganda raw ng view dito.

"Huwag ka magmadali, baka magkamali ka ng hakbang e." Sambit ko habang hawak ang kamay niya para alalayan siya.

"Excited na kasi ako, bilisan mo na lang." Masayang saad niya at saka ako hinila paakyat.

At nang nakarating na kami sa itaas,

"Wow, parang gumaan 'yong pakiramdam ko." Sambit nito saka pumikit at pinakiramdaman ang hangin.

Umupo ako at tumabi sa kanya.

"Look, napakaganda talaga ng city kapag gabi, tapos dito tahimik lang." Saka siya napatingin sa itaas.

"Sayang lang walang masyadong stars, pero maganda pa rin naman 'yong view. Worth it na rin pag akyat natin." Nakangiting sambit nito.

"Mas maganda pa rin 'yong view ko rito." Saad ko habang nakatingin sa kanya. Napangiti na lang ako nang tumingin siya sa'kin, mas gumanda kasi 'yong nakita ko nang tumingin siya.

"bakit ba ako? Alam kong maganda ako pero, hindi naman sa maganda ako as in maganda talaga ako, just why me? Why me sa dinami-raming may gusto sa'yo?" Tanong niya.

Napaisip ako, bakit nga ba?

"Kailangan ba may dahilan para magustuhan ka?" Tanong ko, tumango naman siya.

"Kasi ako gusto kita kasi masaya ako kapag kasama ka, although you always give me this weird feeling na every time na tinitingnan mo ako ay parang bumabagal 'yong paligid ko, it's corny pero that's what i always feel ever since we met." Nakayukong sambit niya.

Hinawakan ko ang kamay niya, dahilan para tumingin siya sa'kin.

"Hindi naman siguro lahat kailangan may dahilan, gusto kita, mahal kita at iyon ang mahalaga." Unti unti naman siyang napangiti sa sinabi ko.

"Uy! May shooting star!" Sabay turo niya sa itaas. Napatingin naman ako sa kung saan siya nakaturo.

"Hindi ko nakita,"

"Bakit di mo kasi tiningnan!" Nakasimangot niyang tanong.

"Mas gusto kitang tingnan e." Sagot ko.

"Ewan ko sa'yo." Saka naman siya sumandal sa balikat ko.

"Promise, hindi mo ako sasaktan, hindi mo ako iiwan, at kahit lumipat na ulit ako ng school ay tayo pa rin?" Tanong niya.

"Hmm, promise. Sasama ako kahit saang school ka pa matransfer." Humigpit naman ang hawak ko sa kamay niya.

...~•~...

Palabas na ako ng bahay nang makatanggap ako ng text mula kay Ellie.

Text from Ellie: I'm waiting.

Niyaya niya kasi akong mag bike ngayong araw, dahil madalas na hindi ako nakakapunta sa usapan namin at sa palaging pagzaaya nito sa akin, siniguro kong masasamahan ko siya ngayon sa hobby niya.

Si Ellie ay kaibigan ko. Oo, magkaibigan lang kami, mag-isa siyang nakatira sa bahay nila na malapit sa bahay namin, at dahil madalas niyang makausap si mama, naging mag kaibigan na rin kami.

Minsan akala nila girlfriend ko siya, pero lagi kong sinasabing magkaibigan lang kami dahil 'yon din naman ang totoo. Pero kung si mama lang raw ang masusunod, gusto niya si Ellie para sa akin.

At nang nakarating na ako sa lugar kung saan naghihintay si Ellie, kita ko na agad ang nakasimangot niyang mukha. Tumingin pa siya sa relo niya at saka ulit tumingin sa akin. Pailing-iling rin siya habang papalapit ako sa kanya.

"Hindi ko alam kung late 'yong orasan sa bahay niyo o sa cellphone mo o sa relo mo pero palagi ka na lang late." Reklamo niya. Ngumiti naman ako.

"Wala naman tayong usapan na oras ah." Sambit ko.

"Wala? So maghihintay lang ako rito hanggat 'di ka dumarating?" Tumango naman ako.

"Tsk. Hindi lahat magaling maghintay gaya mo." Sabay padyak sa bike niya. Sumunod na rin naman ako.

"Bagalan mo naman," Sigaw ko, mas nauuna na kasi siya sa akin, palibhasa ay araw araw siyang nagbibike bilang parte ng pang araw-araw niya. Binagalan niya naman ang pagbabike at pumantay sa bilis ko.

"Ano? May natanggap ka na bang sulat mula sa kanya?" Tanong niya.

"Hindi naman ako umaasa na magrereply siya." Sagot ko.

"Pero umaasa ka na magiging okay pa kayo,"

"Malay mo,"

"Paano kung hindi niya naman natatanggap lahat ng sulat mo?"

"Babalik sa'kin 'yong kung hindi niya natanggap"

"Sabagay, pero Kyle, advice lang bilang friend mo ah, mag move on ka na lang, madaming babaeng may gusto sa'yo, bigyan mo naman sila ng chance." Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Wala namang nakakatawa sa sinabi ko, seryoso ako, paano kung may Boyfriend na 'yon? Paano kung hindi ka na niya gusto?" Sambit niya. Napahinto naman ako sa pagbabike.

Huminto rin naman siya at lumapit sa akin.

"Sorry, masakit ba 'yong sinabi ko? Eh kasi—"

"Naisip ko na rin 'yan, pero Ellie, hindi ko talaga siya kayang kalimutan, nangako ako sa kanya noon, at gagawin ko pa rin 'yong pangako ko para sa kanya." Saka ulit ako nagbike.

Alam kong walang kasiguraduhan ang paghihintay ko. Pero maghihintay pa rin ako, magsusulat pa rin ako. Aasa pa rin ako na magkikita ulit kami, na magiging kami ulit.

Alam kong ilang taon na, maraming pwedeng mangyari, pwedeng may mahal na siyang iba. Pwedeng nakalimutan niya na ako at pwedeng wala na akong halaga sa kanya.

Pero hanggat walang sigurado sa lahat ng iniisip ko, hindi ko pa rin siya kalilimutan at patuloy pa rin akong aasa.

...~•~...

...Vote.Comment.Share...

...💜💜💜...

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play