I'M BORN AS AN ERYNDOR! (FILIPINO/TAGALOG)

I'M BORN AS AN ERYNDOR! (FILIPINO/TAGALOG)

PROLOGUE

Tumigil ako sa pagtipa sa aking cellphone nang itinigil ng Uber driver ang kaniyang sasakyan. Tumigil ako sa aking gilid. Tumambad sa akin isang bungalow house. Ah, narito na ako sa tapat ng gate ng bahay. Hindi na ako nagsayang pa ng panahon. Dumukot ako ng pera mula sa bulsa ng aking tote bag na agad ko din ibinigay 'yon sa driver. Nagpasalamat ako saka binuksan na ang pinto. Lumabas ako at nanghihina akong naglakad papunta sa gate ng bahay. Oo, pagod ang naramdaman ko buhat nang lumabas ako ng bahay pero mas napagod ako nang mga panahon na nasa labas ako dahil kailangan kong kitain ang editor ko. Dahil mayroon akong kasalukuyang sinusulat na isang nobela. Medyo nagtatalo pa kami ng editor ko dahil ayoko pang ipublish ang gawa ko kahit na malapit na talaga ang due ko. Kahit na magbayad pa ng malaki ang publishing house para ilabas 'yon ay tumatanggi pa rin ako. Hindi dahil sa hindi maganda ang pagkasulat ko. Sadya lang, ayoko lang talaga ipakita---maliban lang sa akin. Para sa akin kasi ay parang may kulang pa sa kwento na 'yon.

Nang nakapasok na ako sa bahay ay dumiretso ako sa aking kuwarto. Tamad kong ipinatong ang aking bag sa single sofa. Agad kong binuksan ang aking laptop para ireview ang aking gawa. Nagbabakasakali ako na may magdadagdag pa ako o hindi kaya---burahin na 'yon.

Hindi ko na namalayan kung ilang oras na ako nakatutok sa aking laptop. Medyo ramdam ko na ang paglalabo ng aking mga mata. Ilang beses na din naniningkit ang aking mga mata. Napagtanto ko na hindi pa ako nakapagdinner. Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Napagpasyahan kong putulin muna ang aking ginagawang nobela.

Ngunit pagtapak ko sa sahig ng aking kuwarto ay bigla akong bumagsak. Bumaluktok ako ng higa at napasapo sa aking dibdib. Ramdam ko ang pagbilis ng aking puso. Pabilis nang pabilis. I gritted my teeth because of pain. Hindi ko magawang sumigaw para humingi ng tulong dahil ako lang ang mag-isa sa bahay na ito. Wala din ang magulang ko dahil kasalukuyan silang nasa Amerika at nagmigrate na sila doon. Sadya lang na nagpaiwan ako dito dahil na din sa passion ko na magsulat. Kahit na hindi nila sang-ayon sa karera na gusto ko.

Mas sumasakit ang dibdib ko. Damn, ngayon ko lang narealize na ilang linggo na ako walang kain nang maayos dahil sa stress ko. Lalo na't minsan ay nalilipasan na ako ng gutom! Don't tell me... My cause of death will be overworking!? No, no, no! Hindi pupwede.! Mas gugustuhin ko pa kung sa ibang paraan ako mamamatay, huwag lang ito!

Biglang sumagi sa isipan ko ang nobela na sinusulat ko kanina. Pilit kong kumilos, halos gumapang-gapang na ako pero hindi na talaga kinaya ang katawan ko. Pilit ko inaabot ang aking laptop pero bigo ako.

Tuluyan na akong bumagsak sa sahig. Tila may sariling isip ang aking katawan. Dahan-dahang ipinikit ang aking mga mata.

Damn, bakit humantong ako sa ganito? Dahil ba sa sobrang pagbabaya ko sa aking sarili? Malamang. Pero hindi, gusto ko pang tapusin ang ginagawa kong nobela. Gusto ko siyang tapusin kahit anuman ang mangyari. Hindi pupwede...

Gusto kong mabuhay ulit. Hindi ako matatahimik hanggang sa makuha ko ang katapusan ng nobela na 'yon. Oh please...

"Gising na... Narito na siya." rinig kong boses ng isang babae. Malambing ito at malumanay ang pagkabigkas niya sa mga bawat salita.

Mabilis kong idinilat ang aking mga mata. Sandali, hindi ako patay? Hindi na ako mamamatay? Mabuhay ako? Teka, hindi ko na naramdaman ang pananakit ng aking dibidb. Inangat ko ang aking mga kamay na parang may inaabot. Bahagyang kumunot ang aking noo nang tumambad sa akin ang isang babae na malapad ang ngiti, base sa kaniyang pananamit ay isa itong katulong. Tumambad din sa akin ang baby wind chime sa harap ko! Mas ipinagtataka ko ay bakit maikli na ang mga braso ko?!

Kinarga ako ng babae. Laglag ang panga ko nang makita ko na maraming babae na nakadamit pang-maid. Mahaba at abot-sahig ang laylayan ng mga palda nila! Iginala ko din ang aking paningin sa paligid. Sandali, hindi ito ang kuwarto ko! Nasaan ako?!

Rinig ko ang pagsinghap nila nang bigla nagbukas ang malaking pinto ng silid na ito. Luminya ang mga maid at yumuko nang bahagya na akala mo ay may inaasahan silang mga bisita. Hanggang sa nakapasok ang apat na lalaki sa kuwarto na ito! Isang mukhang binata at ang isa naman ay binatilyo at ang dalawa naman ay mga bata pa na halos magkalapit lang ang edad. Bakit iba ang kasuotan nila?! Teka, sa pagkakaalala ko, nakikita ko ang mga kasuotan na 'yon sa mga Medieval movies na napapanood ko!

"Gising na siya?" maawtoridad na tanong ng binatang lalaki na papalapit sa amin. Pero bakit puro duguan ang kaniyang damit?! Kahit ang binatilyo ay may bahid din ng dugo ang kaniyang baluti! Kahit ang pisngi nito ay may bahid din ng dugo!

Ano 'to, nagpapatayan ba sila?!

"Opo, kamahalan. Gising na po ang prinsesa..." magalang na tugon ng babaeng kumarga sa akin.

Blangko ang aking ekspresyon habang pinagmamasdan ko sila. I can sense the dominance, pride and fear within. Hanggang ngayon ay nalilito pa rin ako sa nangyayari. Sino ba ang mga ito? Mukhang foreigner ang mga ito dahil iba sa kanila ay itim ang buhok ng mga ito. Pati na din ang features nila, pang-foreigner!

Blangkong ekspresyon din ang iginawad sa akin ng binata na nasa harap ko. Itim ang buhok. Matangkad at matipuno ang pangangatawan. Nakakatakot siya tumingin, para akong tatanggalan ng balat ng isang 'to! "Sa ngayon ay ligtas ka na," wika niya. Nagulat ako nang siya naman ang kumarga sa akin. "Winasak na namin ang Kaharian ng pinanggalingan ng mga nagtangka sa iyong buhay."

Huh? Ano pinagsasabi niya?

Ibinalik niya ako sa babae. "Bantayan ninyong mabuti ang prinsesa." malamig niyang utos. Ngunit tumindig ang aking balahibo nang nagbago ang ekspresyon ang kaniyang mukha. Isang matalim na tingin ang iginawad niya sa amin. "Sa oras na nabigo kayo sa tungkulin ninyo, hindi ako magdadalawang-isip na bawian kayo ng buhay." tinalikuran na nila kami at lumabas na sila mula sa silid na ito.

Nilipat ko ang tingin ko sa mga maid. Bakas sa mga mukha nila ang takot at kaba. Mukhang nakakatakot nga ang---

Wait, prinsesa? Ha?! Ako?! What the hell is going on here?! 

Hot

Comments

(. ❛ ᴗ ❛.)tiffany

(. ❛ ᴗ ❛.)tiffany

firstcomment

2021-10-07

0

See all

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play