CHAPTER 8

Marahas na binuksan ni Vencel ang pinto sa silid ni Rini. Nagmamadali siyang daluhan ang malapad at malambot na kama ng kaniyang bunsong anak. Nalaman niya na bigla ito hinimatay pagkatapos marinig ang balita na dumating ang prinsipe ng Severassi na si Prinsipe Calevi na ngayon ay kasalukuyang naghihintay sa loob ng silid para sa mga bisita. Ang magkakaptif na prinsipe naman ay nakasunod naman sa kaniya.

Halos nanlumo si Vencel nang masilayan niya ang bunsong anak wala pa ring malay pero mumutla pa rin. Sumilay ang panggagalaiti sa kaniyang mukha nang makita niya ang estado ng bunsong anak. Agad niyang binalingan ang pinakamagaling na manggagamot ng Imperyo. Sa tingin palang niya ay hinihingi niya ang resulta kung bakit nagkakaganito ang kaniyang anak.

"Wala po akong nakita na hindi siya nagugutuman o dinapuan ng sakit, kamahalan." wika ng kaharap nilang manggagamot. "Sa tingin ko ay dahil sa takot at sobrang pagkabahala kaya siya nahimatay."

"Kamahalan," biglang nagsalita si Raegan sa isang gilid. Itinagilid ni Vencel ang kaniyang ulo upang dinggin ang sasabihin ng unang prinsipe. "Kanina ay dumating sa pag-eensayo ang mahal na prinsesa. Sinabi niya sa amin na gusto daw niya matutunan ang paggamit ng espada. Patawarin ninyo ako kung hinayaan ko lang siya mag-ensayo kahit na ako na mismo ang nagturo sa kaniya nang hindi ninyo nalalaman."

"Ano pa?"

"Pagkatapos namin mag-ensayo ay maayos siya, kamahalan. Nagagawa pa niyang ngumiti at makipagkwentuhan sa akin. Pero nang nalaman niya ang balita na dumating ang prinsipe ng Severassi ay nakita ko kung papaano siya namutla at pinagpapawisan na siya nang malamig. Marahil ay hindi niya nais makita ang Prinsipe Calevi." patuloy pa rin niya ang pagpapaliwanag.

Kumunot ang noo ni Vencel sa kaniyang narinig. Nalaman niya na umalis sa Palasyo si Rini nang araw na 'yon. 'Hindi kaya may ginawang masama ang prinsipe ng Severassi kay Rini kaya ayaw niya itong makita?' sa isip niya. Seryoso siyang tumingin kay Raegan. "Nakaharap ko ang prinsipe, nais daw niya makita si Rini, pero si Rini... Mukhang ayaw niyang makita ang isang Levanadel."

"Ano po ang ipag-uutos ninyo kung ganoon?" pormal pero mas naging seryoso si Raegan.

"Mananatili muna ang prinsipe sa silid pampanauhin hanggang sa magising ang prinsesa. Nais kong marinig ang dahilan ng prinsesa kung bakit ayaw niyang makita ang prinsipe." pahayag niya.

Yumuko si Raegan sa naging pasya ng Emperador. "Masusunod po." nauna na itong lumabas sa silid.

Hanggang isa-isa nang nagsialisan na ang mga tao sa silid. Kahit ang mga tagapag-alaga ng prinsesa ay pinaalis muna ni Vencel. Ang tanging natitira na lamang sa naturang silid at si Vencel at si Rini. Tahimik na umupo si Vencel sa gilid ng kama. Masuyo niyang hinawakan ang isang kamay nito. Hindi maitago ang takot at pag-alala sa mukha niya habang nanatili niyang pinagmamasdan ang bunsong anak. Marahan niyang ipinikit ang kaniyang mga mata saka dinampian ng maliit na halik ang kamay nito. Idinikit niya ito sa kaniyang noo.

"Pakiusap, anak ko. Gumising ka agad. Hindi ko kayang may mangyari sa iyo na masama... Hindi ako magdadalawang-isip na harapin ang Impyero na 'yon dahil sa sinaktan ka." halos manginig ang boses niya sa pakiusap na 'yon. "Oh, Theavia... Lorah... Tulungan ninyo ako magising ang anak ko."

Ilang minuto pang lumipas ay doon na napagpasya ni Vencel na umalis na muna sa silid ng kaniyang anak. Hinahayan niyang makapagpahinga ito. Hihintayin niya ang oras na tuluyan na itong magising.

Marahan niyang isinara ang pinto. Sakto din na naroon din ang una niyang anak na si Raegan. Gayundin sina Eomund at Cederic. Nang makita siya nito ay agad siya nito dinaluhan. Tiningnan niya ang mga ito. Tulad niya ay bakas mga mukha nito ang labis na pag-aalala para sa bunso at nag-iisang kapatid na babae.

"Kamusta na po si Rini?" hindi mapigilang magtanong ni Cederic.

"Nagising na po ba siya, kamahalan?" malungkot na tanong ni Eomund.

Malungkot na yumuko ang Emperador. Umiling siya bilang kasagutan.

"Walanghiyang Levanadel. Ano kaya ang ginawa niya kay Rini at nagkakaganoon siya?" matigas na tanong ni Eomund nang kinuyom niya ang kaniyang mga kamao. Nanggagalaiti na ito sa galit.

"May balita na ba tungkol sa kaniya?" pormal niyang tanong kay Raegan.

"Nagulat siya sa naging balita namin sa kaniya tungkol sa nangyari kay Rini. Sinabi ko sa kaniya kung ano ang gusto ninyong iparating, naiitindihan niya kung anuman ang naging pasya ninyo." tugon niya. Bakas din sa mukha niya ang panggagalaiti. Nanlilisik ang mga mata niya dahil sa galit. "Hindi ko akalain na kalmado pa siya sa lagay na 'yan kahit na may ginawa siya sa kapatid namin."

"Nararamdaman ko din kung anong nararamdaman ninyo. Pero ang tanging makakaresolba lang sa problema na ito ay si Rini. Kailangan natin ng kasagutan sa oras na magising na siya." binalingan niya ang kaniyang mga ito. "Sa ngayon ay kailangan muna nating pagpahinga. Ipanalangin natin na sana ay tuluyan nang magising ang mahal na prinsesa."

"Masusunod po."

**

Isang pares ng mga paa na tumapak sa sahig ng balkonahe. Naglakad pa ito nang kaunti. Nagawa nitong buksan ang pinto hanggang sa tagumpay siyang nakapasok sa loob ng silid. Medyo madilim ang silid. Tanging liwanag mula sa buwan ang nagsisilbing ilaw---upang maaninag ang mukha ni Rini na mahimbing ito natutulog. Ipinagpatuloy pa niya ang paglapit sa nag-iisang prinsesa ng Cyan. Umupo siya sa gilid ng kama. Inangat niya ang kaniyang kamay, marahan niyang inaabot ang batang babae hanggang sa dumapo ang palad niya sa isang pisngi nito.

Malungkot siyang pinagmasdan ang maamo nitong mukha. Kumawala siya ng isang malalim na buntong-hininga. Dumako ang tingin niya sa tabing mesa ng kama. Naniningkit ang mga mata niya nang namataan niya ang kwintas. Kumikinang ang bato nito. Hindi siya nagdalawang-isip na kunin 'yon saka pinagmasdan ito nang mabuti. Ibinalik niya ang tingin niya kay Rini. Wala na siyang mapagpilian pa kungdi gumapang siya sa kama. Marahan niyang hinawakan ang ulo nito para inangat saka ipinasuot ang kwintas sa leeg nito. Pagkatapos ay ibinalik niya ito sa dati nitong posisyon.

Hinawi niya ang takas nitong buhok. Napangiti siya habang patuloy parin niya pinapanood ang matutulog nitong mukha. "Magpagaling ka para hindi na sila mag-alala sa iyo." mahina niyang saad.

Kusa umilaw ang bato sa kuwintas. Marahan niyang ipinikit ang kaniyang mga mata saka ngumiti na parang nakahinga siya ng maluwag dahil gumana ang bato sa prinsesa. Ilang saglit pa siya nanatili doon bago siya tuluyang nakaalis sa silid sa pamamagitan ng pagdaaan niya sa balkonahe.

Sunod niyang pinuntahan ay ang silid kung nasaan ang Prinsipe ng Severassi, si Prinsipe Calevi. Kasalukuyan itong nakakulong sa isa sa mga silid pampanauhin tulad ng inuutos ng Emperador Vencel. Kahit siya ay hindi makapaniwala na hahantong sa ganito. Lalo na't inakusahan si Calevi sa paratang na kailanma'y hindi nagawa sa prinsesa ng Cyan.

Binuksan niya ang portal patungo sa silid kung nasaan si Calevi ngayon. Hindi niya magawang dumaan sa mismong pinto dahil may dalawang kawal na nagbabantay. Kaya wala na siyang magagawa pa kungdi gamitin niya ang kapangyarihan na meron siya upang makausap niya nang diretsahan ang sadya niyang prinsipe. At hindi nga siya nabigo. Dumating siya ay naabutan niyang nakaupo sa malapad na sofa si Calevi. Tulad ng mga Eryndor, umukit ang kaba at pag-aalala sa mukha nito. Tumingin ito sa kaniya nang naramdaman ang presensya niya. Napatayo ito sa kaniyang kinauupuan.

"I-ikaw..." hindi makapaniwalang bungad nito sa kaniya.

Ngumiti siya habang nilalapitan niya ito.

"A-anong ginagawa mo dito?" hindi makapaniwalang tanong niya. "P-papaano ka nakapasok dito?"

"Syempre, magaling ako." sarkastiko niyang sabi. Iginala niya ang kaniyang paningin sa buong silid.

Binawi ang tingin nito mula sa kaniya. Napalitan ng kalungkutan sa mga mata nito. Yumuko siya. "Hindi ko aakalain na may mangyayaring masama sa kaniya sa aking pagdating. Ang tanging gusto ko lang ay magpasalamat."

Isang blangkong tingin ang iginawad niya para sa prinsipe ng Severassi. Prente siyang umupo sa sofa. "Hindi rin natin masabi kung anong dahilan kung bakit bigla siya nawalan ng malay nang nalaman niya ang pagdating mo." nagkibit-balikat siya. "Ang tanging dapat gawin ay maghintay kung kailan babalik ang kamalayan niya dahil siya lang ang makakapagliligtas sa iyo."

"Iyan nga ang sinabi mo sa akin nang napagpasyahan kong tumakas sa Severassi." seryoso pero naroon pa rin ang lungkot sa kaniyang tinig. "Ang sabi mo, ang prinsesa lang ang magiging daan para mabawi ko ang dapat sa akin."

"Pero sayang lang, hindi pa rin niya nararamdaman kung gaano siya kalakas."

Napaamang si Calevi sa kaniya. "A-anong ibig mong sabihin?"

Tumalikwas ang isang kilay niya. "Hindi mo ba alam na kung bakit mga mata ng kaluluwa ang tawag sa kaniya?"

Agad siya umiling. Naguguluhan sa ibig nito ipahiwatig. "Bakit nga ba?"

Ngumisi siya. "Pwes, hindi ko rin sasabihin sa iyo. Mahirap na." isinandal niya ang kaniyang likod sa sofa. "May plano ka na ba kung papaano mo babawiin ang sa iyo, Calevi?"

"May mga binuo na akong plano. Pero bago 'yan, uunahin ko munang makausap ang Prinsesa Rini."

**

Ramdam ko parang may pumapatak sa aking mukha. Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata. Bumungad sa akin ang madilim na kalangitan at ang paligid. Huh? Umuulan? Bahagya akong gumalaw. Nagawa kong bumangon. Natagpuan ko nalang ang sarili ko sa damuhan. Kumunot ang aking noo habang patuloy ko pa rin iginagala ang aking paningin sa paligid. Nasaan ba ako? Bakit wala na ako sa Palasyo?

Tumayo ako saka tiningnan ko muna ang sarili. Umawang ang bibig ko dahil nakaputing victorian night gown ako. Medyo madumi na ito dahil sa nakahiga ako sa maputik at madamong hinigaan ko kanina. Napalunok akong tumingin ulit sa paligid. Masyadong tahimik, maliban lang sa tunog mula sa ulan. Nag-umpisa na akong maglakad para baybayin ang lugar na ito hanggang sa napagtanto ko kung nasaan ako---isang sementeryo. Wait, ano naman ang gagawin ko sa sementeryo na ito?

Tumigil ako sa paglalakad nang may napukaw ng aking atensyon. Isang batang lalaki na nakaharap sa isang nitso. Mag-isa lang siya. Nakaluhod siya sa harap ng nitso na 'yon. Humakbang ako palapit sa kaniya. Nasa likuran na niya ako. Aaabutin ko sana siya nang nahagip ng aking paningin ang nakasulat sa nitso. Callen Levanadel? Sino 'yon?

Pumikit ako ng mariin saka kumirot ang aking ulo. May nakikita akong isang babae na elegante ang kaniyang hitsura. May isang batang lalaki na nakahandusay sa sahig at wala na itong buhay. May bumagsak na isang bote sa sahig saka ito nabasag. Habang ang isang batang Calevi ay ikinulong sa isang madilim malamig at masikip na silid.

"Ngayong wala na ang unang prinsipe. Maiging ikaw naman ang isusunod ko sa gayon ang anak ko ang tatanghalin na susunod na Emperador ng Severassi." nakangising sabi ng babae sa aking pangitain.

Ilang pasa at sukat na ang tinamo ng batang Severassi. Umiiyak ito nang mag-isa. Walang umaalalay o nag-alok ng balikat upang maging sandingan niya sa tuwing umiiyak siya nang mag-isa. Ngunit nasaan ang kaniyang ama? Bakit hinayaan niya lang ang bagay na ito?

Dumilat ako na may gulat sa aking mga mata. Mabilis din akong nakabangon. Nagtaas-baba ang aking dibdib. Hindi ko na alam kung ano ang nakikita ko.

"Rini?" rinig kong boses ni Vencel sa aking gilid.

Gulat akong bumaling sa kaniya. Nakita ko din ang mga kapatid ko na hindi makapaniwala sa kanilang nakikita. "P-papa... Mga kuya..." mahina kong tawag sa kanila.

Agad nila ako sinunggaban ng yakap. Isang mahigpit na yakap. Ramdam ko ang kanilang takot at pag-aalala sa mga yakap nila.

"Malaki ang ipinapapasalamat ko, nakabalik ka na sa amin, Rini." nanginginig ang boses ni Vencel nang banggitin niya ang mga salita na 'yon. Hinaplos niya ang aking buhok. "Kung alam mo lang kung gaaano kami nag-aalala sa iyo."

"P-pasensya na, papa..." mahina kong sambit.

"Ang importante ay may malay ka na at gagaling ka na, Rini." nakangiting wika naman ni Raegan. He looks relief.

"Sabihin mo, Rini. May ginawa bang masama sa iyo ang Calevi na 'yon at nailagay ka sa ganito?" matigas na tanong ni Eomund sa akin. Nanlilisik ang kaniyang mga mata.

"Oo nga, Rini. Sabihin mo lang kung may ginawa siyang masama sa iyo, hinding kami nagdadalawang-isip na parusahan siya." segunda pa ni Cederic.

Mahinahon akong umiling bilang sagot. "Wala po siyang ginawang masama sa akin. Sadyang natakot lang po ako sa oras na malaman ninyo ang totoo kung bakit siya naririto ngayon." wika ko. Kinuyom ko ang aking kamao.

"Anong ibig mong sabihin, Rini?" tanong ni Vencel.

"Alam ko kaya siya naririto ay para magpasalamat dahil tinulungan ko siya mula sa pambubugbog sa kaniya sa pook ng mga mahihirap. Naging biktima po siya doon. Nakakuha po ako ng pagkakataon na tulungan siya't dadalhin sa pagamutan ay naabutan naman po ako ng isa pang mama. Balak po niya ako maging biktima at muntikan po akong saktan..."

"ANO?!" sabay nilang bulalas, nag-uumpisa na silang magalit.

"Pero, may tumulong po sa akin. Isang binatilyo po. Nagawa niyang patayin ang mama sa harap ko at inihatid niya ako sa bakuran ng Palasyo."

Sabay silang nakahinga ng maluwag.

"Kung ganoon, sino ang binatilyong nagligtas sa aking bunsong anak?" humihanon na din si Vencel nang magtanong ulit siya. "Hayaan niyang bigyan ko siya ng pabuya sa pagligtas niya sa iyo."

Umawang ang aking bibig at yumuko. "Paumahin, papa. Pero hindi ko po nakuha ang kaniyang pangalan. Sa halip ay umalis na po siya pagkatapos niya akong ihatid dito."

"Kung ganoon pala ang nangyari ay wala na kami pala dapat ikabahala." nakangiting sabi ni Raegan.

Muli ako tumingin sa kanila. Ibinuka ko ang aking bibig. "Pero... Sana po ay pagbigyan ninyo ako sa hihilingin ko..." lakas-loob kong sabi.

"Ano 'yon, mahal na prinsesa? Sabihin mo lang at ibibigay ko." nakangiting sambit ni Vencel.

Inilapat ko ang aking mga labi. Tumingin ako nang diretso sa kanilang mga mata. "Maaari po bang... Dumito muna manirahan si Prinsipe Calevi kahit pansamantala lang?"

Pareho sila natahimik sa sinabi ko. Mukhang sinisink in pa nila. Unti-unting umiiba ang ekspresyon sa kanilang mukha.

"HAAAAAAAAAA?!"

Hayy, sabi na.

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play