CHAPTER 4

Tagumpay akong nabinyagan. Ngayon ay isa na akong ganap na myembro ng Imperial family. Ang akala ko ay tapos na 'yon. Kahit sila na ang mag-attend ng party pero nagkakamali pa ako. Hindi pa pala natatapos doon.

Tahimik lang ako habang karga parin ako ni Vencel. Naglalakad naman kami patungo sa isang malawak na balkonahe ng palasyo. May dalawang butler sa nakatayo sa magkabilang gilid ng pinto patungong balkonahe na para bang hinihintay ang pagdating namin. Nang malapit na kami doon ay gumalaw sila saka binuksan nila ang pinto hanggang sa narating namin ang balkonahe.

Napasinghap ako nang tumambad sa akin ang mga tao sa labas ng Palasyo. Sabay-sabay silang nagsihiyawan nang makita nila kami dito. I could feel the genuine smile and laughs within their voices. Para bang natutuwa sila nang ipinanganak ako sa mundong ito. I wanted to know why. It's because I'm the first princess? That I will be the one who could save the Empire like what they said? That I could bring the victory? What?

"Nakikita mo ba kung gaano sila katuwa, mahal na prinsesa?" bulong ni Vencel sa aking tainga. "Natutuwa sila dahil mayroon ulit silang mamahalin bukod sa amin."

Hindi maalis sa mukha ko ang pagtataka. Ako? Mamahalin nila? Mamahalin nila ang isang tulad ko kahit na alam nila na galing ako sa pamilya na ito? This royal family were tyrant and merciless when it comes to kill someone. They never forgive if someones mess up with them. Mamahalin pa kaya?

I could still hear the cheers of happiness in the crowd. They even throw a plenty of flower petals in the air.

"Malalaman mo din kung bakit ka nila minahal, aking prinsesa." nakangiting segunda pa niya.

Ibinalik ko ang aking tingin sa mamamayan ng Cyan. Sumilay ang isang ngiti sa aking mga labi at inangat ko ang isa kong kamay, hindi man perpekto pero nagawa ko pa rin kumaway sa kanila. Mas lalo lumakas ang hiyawan sa paligid. Mas lalo sila natuwa sa inasta ko.

Pagkatapos naming nameet ang Cyanian sa labas ay bumalik na kami sa loob para umpisahan na ang party kahit sa totoo lang ay wala na ako mood. Expectations ko lang kasi makakapagpahinga na ako sa kuwarto ko pero hindi. Muntik ko na din makalimutan na may importante pala akong gagawin ngayon. Kailangan kong makilala ang mga tao mula sa royal families, kahit ang royal family mula sa mga kabilang Imperyo.

Tinatawag ang mga pangalan nila saka ipinirisinta ang mga kanilang sarili sa harap namin, kasabay na ibibigay nila ang mga regalo nila para sa akin. Hindi ko mawari na sadyang mamayaman talaga sila. Puros mga alahas, mga rare items at mga mamahaling damit ang mga dala nila para sa akin. Dahil hindi ako pupwedeng tumanggap nang direkta mula sa kanila ay mga maid at butlers nalang ang tumanggap saka dadalhin sa aking kuwarto. Habang ako ay nasa kandungan ni Vencel. Ang mga kapatid ko naman ay nasa kani-kaniyang trono.

Ughh, medyo nakakapagod din pala itong ginagawa ko. But so far, wala pa naman akong nakikitang kahina-hinala. But I won't let my guard down. Baka malay mo, nagbabait-baitan lang sila sa harap ko pero sasaksakin lang ako patalikod.

"Inaanunsyasyon namin ang Prinsipe Calevi mula sa Kahariang Severassi!"

Pero bigla ko narinig ang pagsinghap at bulung-bulungan sa buong silid, para bang hindi sila makapaniwala sa kanilang nakikita. Agad ko iyon sinundan ng tingin.

Nasa harap namin ang isang batang lalaki. Magarbo ang kaniyang kasuotan. He has a fair skin. Pero ang nagtawag-pansin sa akin ay ang dark ash blonde niyang buhok, and his ocean blue eyes. Seryoso ang kaniyang mukha pero ramdam ko sa kaniyang mga mata ang kalungkutan. Huh, bakit?

May isang lalaki na nakasunod sa kaniya na may dalang maliit na kahon. Lumuhod sila pareho sa aming harap. "Ikinagagalak ko makilala ang pamilyang Eryndor. Hayaan ninyong ipakilala ang aking sarili, ako si Calevi Levanadel mula sa Kahariang Severassi. Ikinagagalak kong maimbitahan sa magarbong kasiyahan ng pagbibinyag sa nag-iisang prinsesa ng Cyan."

Bumaling ako kay Vencel na ngayon ay matalim na tingin ang iginawad niya sa prinsipe na nasa harap namin. Lumipat din ang tingin ko sa mga kapatid ko na ngayon ay parang nagtitimpi sa hindi ko malaman na dahilan. Pero iisa lang ang nalalaman ko. Naiinis sila. Pero bakit naman sila naiinis eh sila nga nag-imbita sa kanila. Hayys, ang gulo din ng mga ito.

"Nais kong ihandog ang regalo para sa mahal na prinsesa. Isa sa mga ipinamana mula ng aming ninuno. Ang pampaswerte na pulseras na yari sa isa sa mga maipagmamalaki naming batong-hiyas---ang luha ng sirena." saka binuksan ang maliit na kahon sa amin.

Napaawang ang aking bibig sa aking nakita. Hindi ko maipagkaila na maganda nga ang precious stone na 'yon. It looks like a jade with a mix of aquamarine stone.

Muli na naman nagbulung-bulungan ang mga maharlika sa buong silid. Ang iba sa kanila ay hindi makapaniwala na ireregalo sa akin ang naturang alahas. Ang iba pa sa kanila ay hindi rin makapaniwala dahil nag-eexist pa pala ang ganoong bato hanggang ngayon. Aahh, nag-eextinct na pala ito ngayon. So it means, it's a rare item.

Rinig ko ang pagbuntong-hininga ni Vencel. "Lubos kaming nagpapasalamat na ang prinsipe ng Severassi ay nagdala ng isang napakahalagang...regalo." then he smirked. "Hinding hindi ko makakalimutan ito."

Kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka pero sa huli ay ngumiwi nalang ako. Okay, I feel I shall witness a murderous crime at any moment.

Rinig ko isa pang bulung-bulungan sa paligid. Agad ako tumingin kung sino na naman ang pinag-uusapan nila. Isa na namang batang lalaki. Tulad ni Prinsipe Kalevi ng Serevassi, magarbo din ang kasuotan niya. Pero ramdam ko ang pagiging dominante sa awra palang nito. He have a jet black hair color and ivory white skin. Especially his hazel brown eyes.

"Inaanunsyasyon namin ang Prinsipe Dilston mula sa Kaharian ng Oloisean!"

"Albelin." rinig ko mula sa bibig ni Vencel. Mariin iyon pero mukhang papatay na naman siya sa lagay na 'yan.

Lumuhod ang batang lalaki sa harap namin. Nagbigay-pugay. "Pagbati sa inyong Kamahalan, Emperador Vencel Eryndor, gayundin sa mga prinsipe... At sa nag-iisang prinsesa ng Kahariang Cyan." tumingin siya ng diretso sa akin, sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi. Bigla ako kinilabutan sa ngiti na 'yon! "Ako po si Prinsipe Dilston Albelin, mula sa kaharian ng Oloisean ng Silangan. Ipagpaumanhin ninyo sana na hindi makadalo ang aking ama sa engrandeng salo-salo para sa binyag ng nag-iisang prinsesa ngunit naghanda kami ng isang magandang regalo para sa kaniya at sa inyo din."

Taas-noo tumingin si Vencel pati ang mga prinsipe sa aming kaharap. "Hoo... Sa tingin ko ay nais bumawi ng iyong ama dahil sa pagliban niya sa selebrasyon na ito. Sige, nais namin makita ang pinaghandaan ninyong regalo para sa aking nag-iisang prinsesa, Prinsipe Dilston." ngumisi siya. He looks anticipated, not in the gift, in the murderous way! Jusko!

May inilabas na kahon ang prinsipe saka binuksan niya ito sa aming harap. It's a shiny ruby jewel brooch! Pero ano bang espesyal sa brooch na 'yan?

Naniningkit ang mga mata ko na nakikita ko na unti-unti umiilaw ang bato na nasa brooch. Dumilim ang paligid. Medyo naalarma ang mga tao sa paligid. Gayundin sina Vencel at ang mga kapatid ko. Napatayo sila kahit hawak pa rin ako ng Emperador. Humigpit ang pagkahawak niya sa akin.

"Anong ibig sabihin nito, Prinsipe ng Oloisean?!" malakas na tanong ng unang prinsipe, si Prinsipe Raegan.

Natigilan lamang ako na medyo nagliwanag nang kaunti. Iginala ko ang aking paningin hanggang sa tumingala ako. Ibinuka ko ang aking bibig. Naninislap din ang aking mga mata sa aking nasisilayan ngayon. Kahit sa dati kong mundo ay ngayon ko lang ulit ito makikita. But in scientific way, not in magical. Pero dito...

"Uh! Uh!" malakas na sabi ko kay Vencel. Tumingin siya sa akin na kunot ang noo. "Uh! Uh!" sabay itinuro ko ang kisame ng silid.

Sinundan niya 'yon ng tingin. Kahit siya ay bakas sa mukha niya ang pagkamangha nang makita niya ang mga bituin sa kisame. It's a planetarium! Even then constellations. Ang hindi ko lang inaasahan ay may nahuhulog na parang glitters. It's more than like a pixie dust!

Napalitan ng pagmangha ang impresyon ngayon ng mga myembro ng Maharlika. Rinig ko ang pagbungisngis nina Eomund at Cederic sa kanilang mga mukha.

Ilang saglit pa ay nawala na ito. Bumalik na ang ilaw sa loob ng bato ng brooch. Naging tahimik ang paligid pero maliban lang sa akin. Hindi ko mapigilan ang sarili kong pumapalakpak at tumitili. Dahil d'yan ay pumapalakpak na din ang mga bisita dahil naiwan 'yon ng napakagandang impresyon sa akin. Napangiti naman si Vencel dahil sa aking reaksyon.

"Mukhang nagustuhan nang husto ng aking anak ang inyong regalo, Prinsipe Dilston." pormal na wika ng Emperador sa Prinsipe ng Oloisean. "Maraming salamat sa inyong napakagandang regalo."

Ngumiti siya't nagbow ulit. "Ikinagagalak ko't nagustuhan ng mahal na prinsesa."

Pagkatapos n'on ay umalis na siya sa harap namin. Hanggang sa sunod-sunod na humarap sa amin na galing sa Royal Family ng iba't ibang bansa. But I think I missed something. Kanina pa ako naghihintay pero ni minsan ay hindi siya nasulpot. Yeah, right. The Empire from North, the Thilawiel. I'm waiting who's the representative or a member from that Empire.

"Tiyak na wala silang balak na pagpakita, Kamahalan." mahinang sambit ni Raegan sa bandang likuran ko.

"Iyan din ang aking napapansin, unang prinsipe." sang-ayon naman ni Vencel na mahina din ang boses. "Hindi na ako magtataka kung may gagawin silang susunod na hakbang."

Tumalikwas ang isang kilay ko. Ano hakbang naman ang sinasabi nila? So, it means... Ang Hilagang Imperyo talaga ang kalaban nila? Doon ba galing ang lalaking nakikita ko sa precognition skills ko? Ang lalaki na sumakal kay Vencel? Galing ba sa lugar na 'yon ang lalaking 'yon? Na magiging dahilan kung bakit babagsak ang Imperyo sa bansang Cyan?

Tumayo si Vencel mula sa kaniyang trono. Sumilay ang maliit na ngiti sa kaniyang mga labi. "Bago ang lahat, nais ko kayong pasalamatan sa pagdalo ninyo sa napakahalagang araw para sa Impyero lalo na sa aking nag-iisang anak na babae na si Styriniana. Hinding hindi namin ito makakalimutan." pahayag niya sa mga bisita.

Nagpalakpakan ang mga ito, kasabay na pinatugtog na ang musika mula sa gilid kung nasaan ang mga grupo ng musikero na nirentahan ng Palasyo. Pakiramdam ko ay mas dumami ang tao nang nagkalat na ang mga ito sa dance floor. May mga kani-kaniyang partner sila. Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinapanood ko ang mga pares na masayang nagsasayaw ng waltz. Parang nanumbalik ako ng high school o sa JS Prom kapag nakakapanood ako ng cutillion dance.

"Kamahalan, kamahalan!" biglang tawag ng dalawa kong kapatid na sina Eomund at Cederic na ngayon ay nasa harap na namin. Bakas sa mga mukha nila ang kasiyahan.

"Ano 'yon, pangalawa at pangatlong prinsipe?" pormal na tanong nito sa kanila.

"Pupwede ba namin maisayaw ang prinsesa?" si Cederic ang nagtanong.

Hindi agad sumagot si Vencel. Sa halip ay tumingin siya sa akin, pinagmamasdan niya ako. Wait, don't tell me papayagan mo akong isayaw sa lagay na ito? Itindihin mo Vencel, masyado pa akong bata at delikado pa ako para sumayaw!

"Raegan," biglang tawag niya sa aming nakakatandang kapatid.

Tumayo si Raegan mula sa kaniyang kinauupuan. Bahagyang iniyuko niya ang kaniyang sarili para marinig niya kami. "Ano po 'yon, Kamahalan?"

"Sa tingin mo ba, kaya nang sumayaw ng ating prinsesa?" seryoso niyang tanong, hindi matanggal ang tingin niya sa akin. Wait, seryoso ba talaga siya?!

"Hmmm..." hindi agad makasagot si Raegan, hinihimas pa niya ang kaniyang chin. "Ako na po ang bahala sa kaniya sa pagsasayaw sa kaniya, Kamahalan."

"Hmm, oh sige." at talagang ipinasa niya ako kay Raegan! What the eff?!

Kasalukuyan akong hawak ni Raegan na ngayon ay malapad ang ngiti, para bang hindi siya makapaniwala na mahahawakan niya ako. Na para bang hinihintay niya ang pagkakataon na ito! Huwag mong sabihin ikaw din, Raegan? Masyado pang delikado ang buto ko! I know you're a tyrant too but please, don't be hard on me.

Naglakad si Raegan patungo sa dance floor habang karga niya ako. Nakabuntot naman sa amin sina Eomund at Cederic, nakaukit sa kanilang mukha ang kagalakan.

Pero seryoso, isinayaw niya ako kahit hindi nakalapat ang mga talampakan ko sa sahig. Alam ninyo 'yung imagination na may partner ka pero damit pala? Ganoon! Ganoon ang ginagawa sa akin ni Raegan! Nakapikit pa siya na akala mo feel na feel mo ang musika sa loob ng bulwagan!

Natigilan lang ako nang may napansin ako. Kahit na ganoon ang posisyon namin ni Raegan ay ramdam ko ang pag-iingat niya sa akin. Dahil sa delikado pa ako tungkol dito. Kahit ganoon, wala naman akong nararamdaman na masakit o ano. Sadyang maingat niya akong isinayaw, parang sinasabi niya na ienjoy ko din ang araw na ito.

Hindi ko mapigilang mapangiti. Ang akala ko hanggang sa fairytale lang ito. Mararanasan ko din pala ang bagay na ito kahit na nagkaroon ako ng pangalawang buhay---kahit iba na ang mundo ko ngayon.

Dumilat siya saka tumingin siya nang diretso sa aking mga mata. "Sana lumaki ka na agad, aming mahal na prinsesa sa gayon ay maisayaw ka namin nang maigi." nakangiti niyang saad saka hinawakan niya ang magkabilang bewang ko. Inangat niya ako sa ere saka pinaikot.

"Hahaha!" hindi ko mapigilang matawa nang gawin ni kuya Raegan ulit ang bagay na 'yon. "Nahihilo na ako, kuya!" bulalas ko.

"Ganti ko lamang ito dahil ilang beses mo na tinatapakan ang aking paa, aming prinsesa." natatawa niyang sambit.

"Hi-hindi na po ako uulit. Hahaha!" sige pa rin ang aking tawa.

Nang nagawa na niya akong ibaba ay hindi pa ako kuntento. Tumakbo ako palayo sa unang prinsipe, kailangan ko siyang katakasan kahit sa totoo lang ay natatawa pa rin ako dahil sa kapilyahan ko.

"Rini! Huwag kang tumakbo! Baka madapa ka!" suway pa niya ako pero nagawa pa rin niyang habulin.

Namataan ko si Vencel na prente at nakangiti lamang siya nakaupo sa trono na yari sa ginto. Hindi ako nagdalawang-isip na lapitan siya kahit na patuloy pa rin ako nagtatakbo. Gumapang ako hanggang sa nakaupo ako sa kaniyang kandungan.

"Mukhang masaya ang aking prinsesa." natatawa niyang sabi, aminadong alam niya kung bakit ako nagtatakbo.

Yumakap ako sa kaniya na malapad ang ngiti. "Paumahin, papa. Hindi ko sinasadyang tapakan ang mga paa ni kuya Raegan habang nasa sayawan. Kulang pa po ako sa pag-eensayo bago ko paghandaan ang araw na ito."

Hinaplos niya ang aking buhok. "Hindi tayo perpekto, aking anak. May mga oras ka pa para mag-ensayo. Sana ay magustuhan mo ang pagdiriwang na inihanda namin para sa iyo." saka hinalikan niya ang aking noo. "Maligayang kaarawan, Rini."

Mas niyakap ko siya nang mahigpit. "Maraming salamat, papa!"

Masyadong mabilis ang oras. Hindi ko namamalayan na pitong taon gulang na ako.

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play