CHAPTER 15

Nakabalik na kami sa Palasyo ng mga Albelin. Oras na para makapagpahinga dahil maya-maya din ay maghahanda na kami para sa magiging selebrasyon ng kaarawan ng tagapagmana ng korona at trono ng mga Albelin, si Prinsipe Dilston. Gaganapin daw 'yon mamayang gabi. By the way, simula noong dumating kami dito ay hindi ko pa siya naeencounter. Isang beses ko lang siya nakita which noong binyag ko. After n'on, wala na. Kahit ang pagsalubong sa amin ay wala siya. Tanging ang Emperatris lang ng Oloisean lang ang sumalubong sa amin pagdating. Siguro naman sa mismong kaarawan niya ay magpapakita na siya. Huwag siyang tumulad sa prinsipe ng Thilawiel na pa-mysterious effect.

May lakas pa naman ako kaya naisipan kong maggagala muna. Sa mga oras na ito ay inihanda na ni Nesta ang damit at mga alahas na gagamitin ko mamaya sa kasiyahan. Excited akong pumunta sa silid kung nasaan si Prinsipe Calevi para ayain at samahan niya akong mamasyal. Mabuti nalang ay pinaunlakan niya ako. Tamang-tama din na siya lang ang mag-isa sa silid at wala ang mga kapatid ko. Kapag nagkataon na naroon din ang kapatid ko, tiyak hindi sila papayag na ang makakasama ko lang ay ang prinsipe.

"Saan pala tayo pupunta, Prinsesa Rini?" tanong niya sa akin habang naglalakad kami sa pasilyo.

Tumigil ako saglit. Tumigil din siya sa paglalakad. Idinikit ko ang aking hintuturong daliri sa aking baba saka tumingala. Nag-iisip. Biglang may sumagi sa aking isipan na dahilan upang sumilay ang ngiti sa aking mga labi. Tumingin ako sa kaniya. "May naisip akong dalawin, Prinsipe Calevi." sabay hawak ko sa kaniyang kamay at malakas ko siyang hinatak kung saan. Akala mo ay hindi na ako makapaghintay para bukas!

Malakas kong binuksan isa-isa ang mga silid pero wala ang hinahanap ko. Napakamot ako ng ulo. Nagtatakang tumingin sa akin si Prinsipe Calevi. "Ano ang hinahanap mo?" hindi niya mapigilang magtanong.

Nagpameywang akong tumingin sa kaniya. "Dalawang bata, parehong itim ang kanilang mga buhok. Sa tingin ko, kasing edad lang natin ang mga 'yon." pagdescribe ko. "Masyadong malawak ang Palasyo, mukhang imposible natin sila mahanap sa maiksing oras lang."

"D-dalawang bata? Itim ang mga buhok? M-mga multo?" umukit sa mukha niya ang pagkatakot.

Kumunot ang aking noo. Tinititigan ko ang natatakot na prinsipe sa harap ko. Nang may napagtanto ako ay iwinagayway ko ang aking kamay sa ere. "Ah, hindi sila mga multo. Mga bata talaga sila. Sa katunayan ay mga prinsipe at prinsesa sila."

Natigilan siya sa naging pahayag ko. "Prinsipe? Prinsesa?" ulit pa niya na hindi makapaniwala.

Tumango ako. "Kaya hinahanap ko sila dahil nakausap ko sila kagabi. Nasabi nila sa akin na dalawang araw na daw silang walang kain. Binigay ko sa kanila ang natirang lollipop na gawa ko. Hindi ko maitanggi na nag-aalala ako para sa kanila." pagkukwento ko.

Kumurap-kurap siya. "Prinsipe? Prinsesa?" ulit niya. "Pero ang alam ko, ang nag-iisang anak lang ng Emperador ng Oloisean. Iyon ay si Prinsipe Dilston. Ngayon ko lang nalaman na may iba pa palang prinsipe at prinsesa." wika niya.

Muli akong tumango. "Iyon din ang sabi sa akin ni Papa nang banggitin ko sa kaniya 'yon, nagulat din siya." lumabi ako. "Kailangan ko sila makita bago tayo bumalik ng Cyan sa mga susunod na araw."

"Ano pala ang sadya mo sa kanila?"

"Gusto ko sila makilala pa. Gusto ko rin sila bigyan ng pagkain." ngumiti ako.

Muli ko hinawakan ang kaniyang kamay saka hinila para ipagpatuloy ang paghahanap sa kanila. Paliko na sana kami nang bigla kaming may nabangga. Napaatras kami ni Prinsipe Calevi, muntik pa akong matumba dahil sa impact! Tumingin ako kung sino ang nabangga namin. Matik na nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na naman ang binatilyo na pula ang buhok!

Nagtama ang aming tingin. Kusang nagkuyom ang aking kamao. Bigla ko na naman naalala ang kalokohan niya sa akin kanina. "Ikaw na naman..." ang tanging sambit ko.

"I-ikaw..." si Prinsipe Calevi, hindi niya naituloy ang sasabihin niya nang inilipat sa kaniya ang tingin nito.Wow, sa tingin palang niya, napatahimik na niya ang isang prinsipe?!

Bumaba pa ang tingin nito hanggang sa napansin na maghawak kami ng kamay ng prinsipe ng Severassi. Mas ipinagtataka ko pa kung bakit bigla tumalim ang tingin nito nang makita niya na magkahawak kami ng kamay ni Calevi. Walang sabi na hinawakan ang isang kamay ko at tagumpay akong inilayo mula sa kasama ko!

"Anong ginagawa mo?!" asik ko. "Kung wala kang gagawin na maganda, umalis ka muna sa dinadaanan namin, pwede? May hinahanap kami."

Mas naweirduhan pa ako sa kaniya nang bigla umiba ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Matamis siyang ngumiti sa akin. Parang binalewala lang niya kung anong nakita niya kanina. Yumuko siya hanggang sa magtapat ang mga mukha namin. "At anong hinahanap ng prinsesa ng Cyan? Tila may pumukaw ng iyong interes."

"Hindi ko maaaring sabihin sa iyo. Abala kami. Saka na tayo mag-usap." humakbang na kami palayo sa kaniya pero natigilan ako nang muli siya nagsalita.

"Kung ang hinahanap ninyo ay ang itinagong prinsipe at prinsesa, kasalukuyan silang na nasa pinakababang bahagi ng Palasyo." seryoso niyang sabi.

Agad akong lumingon sa kaniya. Mabilis akong lumapit sa kaniya. "Seryoso ka ba sa sinasabi mo?" binigyan ko siya ng suspetsang tingin. At saka, bakit alam niya na sila ang hinahanap ko?

"Seryoso ako. Tama ba ang hinala ko?"

Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi habang tinititigan ko ang binatilyo na pula ang buhok. Wala akong nababasang pagsisinungaling. Dahil d'yan ay hinawakan ko ang isa niyang kamay. "Gamitin mo ang kapangyarihan mo. Dalhin mo ako sa kanila." sambit ko na halong pautos.

Natigilan siya sa sinabi ko. Mukhang gulat na gulat siya na kaya ko siyang utusan nang ganoon-ganoon lang. Aba, syempre. Hindi ko makalimutan kung papaano niya ako iniligtas noon at kung anong kakayahan niya. At higit pa sa lahat, kailangan kong magtipid ng enerhiya sa gayon ay makakadalo pa ako sa pagtitipon mamayang gabi. Ilang sandali pa ay huminga siya ng malalim. Idinikit niya ang isang palad niya sa katabi niyang pader. Tulad ng dati, nagliliwanag ito hanggang sa unti-unti ito nagbubukas na parang portal. Pinauna niya kaming pumasok doon.

Lumabas kami mula sa portal ay medyo madilim at tahimik na silid ang sumalubong sa amin. Iginala ko ang aking paningin sa paligid. May ilaw naman dito pero hindi ito sapat para masakop nito ang buong silid. Sinundan ko 'yon ng tingin. Galing 'yon sa isang lampara. Humakbang kami palapit doon. Natigilan lang ako nang tumambad sa amin ay isang malaking hawla. Ang mas ikinagulat ko pa ay may dalawang itim na kuting akong natatanaw mula sa loob ng n'on.

Rinig ko pa ang mahinang pagtawag sa akin ni Prinsipe Calevi. Ngunit tila isa akong bingi. Hindi ko siya pinansin. Mas nakafocus ako sa dalawang itim na kuting na nasa harap ko ngayon na mahimbing na natutulog. Bahagyang kumunot ang aking noo nang may natatanaw din akong isang bulto ng batang lalaki na katabi lang ng mga kuting. Nakatalikod ito sa amin saka humarap. Nanigas ako sa kinakatayuan ko nang napagtanto ko kung sino 'yon.

"P-prinsipe Dilston...?" mahina kong tawag sa kaniya.

Nagbow lang siya nang kaunti sa akin. Ganoon din ako sa kaniya. Pinapanood ko siya kung papaano niya hinaplos ang mga itim na kuting saka iniwan na niya ito. Lumabas siya mula sa malaking hawla. Nasa harap ko na siya. Pinagmasdan ko siya. Pinag-aralan ko kung may sugat ba siya o ano. Wala akong nakita na may sugat siya o dugo. Mas ipinagtataka ko lang kung bakit naririto siya sa lugar na ito.

Mapait siyang ngumit. "Alam kong nagtataka ka, mahal na prinsesa. Maaari natin pag-usapan ito sa labas para hindi sila magising."

Tahimik akong sumunod sa kaniya. Muli kaming lumusot sa portal at narating namin ang hardin kung nasaan ang lawa.

Naglaka-lakad kami nang kaunti hanggang sa tumigil din. Nasa likod lang niya kami.

"Tunay nga na mga kapatid ko sila. Iisa lang ang mga magulang namin ngunit hindi sila kilala ng Emperador at ng Emperatris." panimula niya. Nakatingin siya sa kawalan ngunit nakaharap siya sa lawa. Tumingin ako sa kaniya. Inaabangan ko pa ang mga susunod niyang sasabihin. "Bago man sila lumabas sa mundo ay maraming nakakapagsabi na sila daw ang magdadala ng malaking sumpa sa buong Imperyo. Sa araw ng kanilang kapanganakan, hindi sila tao. Kungdi mga kuting. Pero ang buhay nila ay parang sa mga mortal din kaya ganoon pa rin ang mga anyo nila."

"P-pero bakit hindi sila kilala ng Emperador at ng Emperatris?" tanong ko.

Humarap siya sa amin. May lungkot sa kaniyang mga mata. "Dahil sa sumpa." yumuko siya. "Dahil sa sinasabing sumpa na ay hindi kayang tanggapin ng aming mga magulang kaya hiniling nila sa mga pinakamagagaling na salamangkero na burahin ang mga memorya nila na may kinalaman sa mga kapatid ko."

"Paano naman ikaw?" si Prinsipe Calevi naman ang nagsalita.

Kinuyom niya ang kaniyang mga kamao. "Tumanggi ako na burahin sa isipan ko ang mga kapatid ko sa gayon ay maitago at maalagaan ko sila. Na kahit papaano ay may tatanggap pa sa kanila. Na may kakampi pa sila. Hindi ko sila itinuring na sumpa. Mas sila pa ang kayamanan ko."

"Pero nang nakita ko sila. Dalawang araw na daw sila hindi kumakain." wika ko pa.

"Masyado akong abala ng mga panahon na 'yon dahil sa paghahanda para sa araw na ito. Kaya hindi ko sila nabibisita."

"Pero may isa sa mga tagapagsilbi ninyo na tumawag sa kanila bilang prinsipe at prinsesa."

"Ah, ako at siya lang ang tanging nakakaalam ng lahat. Maliban lang sa mga tao dito sa Palasyo na binura na ang kanilang memorya tungkol sa mga tinatagong prinsipe at prinsesa." sagot niya. "Kahit kaming dalawa lang ang nakakaalam tungkol sa mag kapatid ko, nahihirapan pa rin kami. Masakit na makita sila sa ganoong kalagayan."

Ngayon ay nagiging malinaw na sa akin ang lahat. May dahilan din pala ang prinsipe Dilston. Ang akala ko, inaapi nang husto sina Luth at Heidi kaya hindi sila nakakain sa loob ng dalawang araw.

Humakbang pa ako palapit sa kaniya. Marahan kong hinawakan ang kaniyang kamay. Ngumiti ako na dahilan din na natigilan siya. "Alam kong mahirap para sa iyo na pasanin mo ang mga bagay na ito. Pero magkakaroon din ito ng bunga. Balang araw na masusuot mo ang korona, sa araw na uupo ka sa trono, tanging sina Luth at Heidi ang makakatulong sa iyo upang mas lumakas at maging matatag pa ang teritoryo ninyo." binigyan ko siya ng isang yakap para macomfort ko siya. Mahina kong tinapik ang kaniyang likod.

Pero biglang sumulpot ang binatilyo na pula ang buhok. Walang sabi na tinaga niya ang batok ni Prinsipe Dilston sa pamamagitan ng kaniyang palad. Hinawak niya ang kwelyo ng damit nito sabay inilayo ito sa akin. Tuluyang nawalan ng malay ang prinsipe ng Oloisean!

"A-anong ginagawa mo?!" hindi ko mapigilang sigawan siya.

"Ito ang regalo ko sa kaniya." nakangisi niyang sabi.

"Huh?!" naguguluhan ako sa pinagsasabi niya.

"Kung tapos ka na sa sadya mo sa kaniya, maaari ka nang bumalik sa iyong silid, mahal na prinsesa." bumaling siya kay Prinsipe Calevi, bigla nanlilisik ang mga mata nito. "Ikaw naman, Prinsipe ng Severassi... May pag-uusapan tayo. Lalaki sa lalaki."

**

Pagkasapit na ng gabi ay lumabas na ako sa silid. Suot ko na ang maganda at magarbong puti na party gown na inihanda ni Nesta pati ng mga maid para sa akin. Dahil maalon naman ang kulay blonde kong buhok ay nilagyan nila ito ng mga puting perlas clips sa bandang likod tutal naman ay nakalugay ito saka nakasuot ako ng tiara na yari sa ginto, ang mga diamante at ruby ang mga bato na ginamit para maging palamuti.

Nadatnan ko na naghihintay na ang mga kapatid ko, si Prinsipe Calevi, pati na din si Vencel na nakabihis na ng napakaelegante. Mukhang pinaghandaan din nila ang gabi na ito. Nangingibabaw ang kaguwapuhan nilang taglay sa mga suot nila. Hays, napapaligiran talaga ako ng mga guwapo. Kahit si Calevi, may kaguwapuhan din namang taglay na ngayong inosente siya. Pero kapag lumaki 'yan, ewan ko nalang. Maraming babaeng magkakandarapa para sa kaniya. Ha. Ha. Ha.

"Nakahanda na po ang mahal na prinsesa, mga kamahalan." magalang na wika ni Nesta sa kanila.

Tumango lamang si Vencel. Dinaluhan ako. Inilapat niya ang isang tuhod niya sa sahig. "Napakaganda ng aking bunso." nakangiti niyang saad. "Ito ang unang beses na dadalo ka sa isang pagtitipon. Huwag ka lang umalis sa tabi namin upang hindi ka mawala." saka tiningnan niya ang mga kapatid ko. Sa mga tingin na 'yon ay akala mo ay nag-uusap o may pinagkakasunduan sila. Tumango naman ang mga ito.

Ano na naman ba iniisip nila?

"Halika na, Rini." malambing na aya ni Vencel.

Tumingala ako sa kaniya at matamis na ngumiti. "Opo, papa!" sabay hawak ko sa kaniyang kamay.

Sabay na kaming naglakad sa pasilyo para marating na namin nag bulwagan kung nasaan na ang mga bisita. Sayang nga lang ay hindi ko makikita party sina Luth at Heidi. Mabuti nalang ay naipaliwanag na sa akin ni Prinsipe Dilston ang tunay na nangyari.

Bumungad sa amin ang engrandeng bulwagan. Halatang bumabaha ng iba't ibang pagkain at mga inumin dito. Hindi ko rin akalain na mas maraming bisita ang dadalo sa selebrasyon. Nanatili akong nakahawak sa kamay ni Vencel. Nasa tabi ko na din si Raegan kaya humawak din ako sa kamay niya. Seryoso ang aming mukha. Napatingin sa amin ang lahat, marahil ay nakita at naramdaman nila ang aming presensya.

"Inaanunsyasyon namin ang Emperador, kasama ang mga Prinsipe at nag-iisang prinsesa mula sa Kaharian ng Cyan!" pag-anunsyo ng royal announcer ng Oloisean.

Nagsimula na kaming bumaba sa grand staircase. Maingat at inaalalayan ako nina Vencel at Raegan sa pagbaba dahil sa aking ball gown, especially bata pa ako. Natatakot sila na sumabit ang aking paa o hindi kaya magkaroon ng aksidente.

Nang tumapak na ang mga paa ko sa ball hall, napansin ko na nagsimulang magbulung-bulungan ang mga bisita. Ang iba pa sa kanila ay hindi makapaniwala na kasama ako. Pero karamihan sa kanila na natuwa sa aming presensya. Isa pang napansin ko, gustung-gusto nila kami lapitan, ang iba naman ay nag-aalangan. Well, hindi na ako magtataka dahil napakaintimidating naman talaga ang mga kasama ko. Parang ang siste eh pumunta lang kami dito para makikain. Wala sa bokabularyo nila ang maging friendly.

"Inaanunsyasyon namin ang Prinsipe Calevi mula sa Kaharian ng Severassi!"

Inikot ko ang aking mga mata. Mukhang nagtataka sila kung bakit mag-isa lang ang nakarating ang dapat na tagapagmana ng Imperyo ng Severassi.

Pero mas lumakas ang mga boses ng mga nasa paligid ko. Kumunot ang aking noo saka lumingon ako. Nakita ko na karamihan sa mga bisita ay may pinag-uusapan sila nang matindi. May bagong trending ba? Anong meron?

"Kaya ako dumalo dito para makita siya."

"Hindi ako makapaghintay na masilayan ko ang mukha niya sa unang pagkakataon."

"Ito daw ang unang beses niya na magpapakita sa publiko, hindi daw niya hilig dumalo sa mga ganito."

"Ano kaya ang dahilan kung bakit siya dumalo sa kaarawan ng ating prinsipe?"

Huh? Sino bang tinutukoy ng mga ito?

"Inaanunsyasyon namin ang Prinsipe Otis Sergei Cairon mula sa Kaharian ng Thilawiel!"

Natigilan ako sa aking narinig. Ang prinsipe ng Thilawiel, naririto? Naalala ko ang sinabi sa akin ni Prinsipe Calevi. Ni minsan o isang beses ay hindi basta-basta nagpapakita ang royal family nila sa mga ganitong kasiyahan pero lumalakas na daw ang Imperyo nila dahil sa isang tao---ang kilala bilang mananakop na prinsipe. Hindi rin siya nakarating noong binyag ko. Siya din ang tinutukoy ni Prinsipe Calevi na pumunta siya ng Cyan para matulungan ko ito. Isa din siya sa nakakalam kung anong kapangyarihan na meron ako. Ngayon ko lang siya makikita sa unang pagkakataon.

Mabilis akong tumingin sa hagdan kung nasaan ang tinutukoy na Prinsipe ng Thilawiel. Unti-unti nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang tintukoy nila. Ang lalaking berde ang mga mata na kasing kulay niya ang bato ng emerald at ang kulay pula na buhok.

Hindi maalis ang tingin ko sa kaniya hanggang sa hindi ko namalayan na nasa mismong harap ko na siya. Malapad ang kaniyang ngiti, para bang natuwa siya sa kaniyang nakikita---sa aking reaksyon.

Marahan niyang idinikit ang kaniyang braso sa kaniyang sikmura. Inilapat niya ang isang tuhod niya sa sahig ng bulwagan saka yumuko. "Ikinagagalak kong makilala ang maharlikang pamilya mula sa Kaharian ng Cyan. Hayaan ninyong ipakilala ang aking sarili, ako si Otis Cairon mula sa Imperyo ng Thilawiel."

"Ikinagagalak ka din namin makilala sa unang pagkakataon, prinsipe ng Thilawiel." seryoso at pormal na balik-bati ni Vencel sa kaniya.

Tumayo siya saka ginawaran niya kami ng isang mapaglarong ngiti. Lumipat sa akin ang kaniyang tingin. "Muli tayo nagkita, Prinsesa Styriniana." 

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play