"Tahan na, Rini..." natatarantang pag-alo sa akin ng unang prinsipe. Binuhat niya ako. Dinuduyan-duyan niya ako, nagbabakasakali siya na tumahan na ako mula sa pag-iyak.
Pero hindi ko magawang tumahan dahil sa mga nakita ko kanina. It seems like, I got traumatized! Hindi ako makapaniwala makikita ko ang mga bagay na 'yon para sa hinaharap! Hindi ko kayang makita ang mga Eryndor sa estado na 'yon! Hinding ko kayang makakita ng mga nakakalat na dugo sa paligid ko! I never thought they could taste the downfall in the hands of that man!
"Rini..." rinig ko ang panginginig ng boses niya, parang hindi na niya alam kung ano ang dapat niyang gawin para mapatigil ako sa iyak. "Pakiusap..."
Bahagya akong tumigil sa pag-iyak. Tumitig ako sa kaniya na may lungkot sa aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit pero inangat ko ang isang kamay ko, inaabot ko ang kaniyang mukha. Mukhang nakuha naman niya ang gusto kong mangyari. Inilapit pa niya ako sa kaniyang mukha hanggang sa marahan na dumapo ang aking palad sa kaniyang pisngi.
"Anong nangyayari?!" rinig kong malakas na boses ni Nesta na papalapit sa amin, bakas sa boses niya ang pag-aalala. Rinig ko din ang kaniyang pagsinghap nang makita niya din ang unang prinsipe dito sa kuwarto ko. Dahil d'yan ay nagbigay-pugay siya. "N-narito po pala kayo, mahal na prinsipe... Prinsipe Raegan..."
"Bumisita lang ako upang makita ang prinsesa." naging pormal ang tono at tindig niya nang nakaharap niya si Nesta. "Tila nagising siya nang maramdaman niya ang pagdating ng kaniyang nakakatndang kapatid." saka bumaling siya sa akin. Ang hindi ko lang inaasahan ay ginawaran niya ako ng isang matamis na ngiti.
Kumurap-kurap ako nang nakatitig sa kaniya.
Inalis niya ang kaniyang tingin sa akin saka ibinalik niya ako sa kuna ko. Marahan niyang itinapik ang aking ulo. Nanlaki ang mga mata ko nang hinalikan pa niya ang noo ko! Umakyat na yata ang lahat ng dugo ko sa aking ulo! What the hell?!
"Sana ay maging maganda ang iyong panaginip, aming prinsesa." malumanay niyang sabi. Naglakad na siya palayo sa kuna at muli siyang nagsalita. "Ipag-uutos ko sa mga kawal na higpitan pa ang pagbabantay sa silid ng prinsesa."
"Naiitindihan ko po, mahal na prinsipe Raegan." tugon naman ni Nesta.
Rinig ko ang pagsara ng pinto. Agad ako dinaluhan ni Nesta na may pag-aalala sa kaniyang mukha. She gave me a soft and sweet smile. Hinimas niya ang aking ulo.
"Ang prinsesa ay kaibig-ibig kaya hindi mapigilan ang pagbisita ng mga kamahalan para sa inyo, mahal na prinsesa..." marahan niyang sambit. "Kailangan mo nang matulog, kamahalan." saka pinatay na niya ang mga ilaw sa silid.
**
Ilang linggo nang nakalipas simula nakabonding ko ang mga Eryndor pati ang pagbisita sa akin ng unang prinsipe na si Raegan. Pagkatapos n'on ay wala na. Wala na akong natatanggap na balita mula sa kanila. Siguro ay dahil abala na sila tungkol sa politika tulad nang narinig ko sa usapan nina Vencel at ni Raegan. Ang dalawa ko pang nakakatandang kapatid na sina Eomund at Cederic ay marahil ay abala din sila sa pag-aaral o pag-eensayo. Naiitindihan ko sila. They are the pillars of this Empire.
I can't count how many times I hardly shut my eyes. I'm practicing how to see what more will happend in the future. Kung ano ang pinagkaugatan kung bakit hindi babagsak ang Imperyo ng Eryndor sa hinaharap. Sinu-sino ang mga tao ang nasa likod nito? Sino ang mga kalaban o kung sino ang mga kakampi?
Binagsak ko ang likod ko sa aking kuna. Ugh, kahit anong gawin ko ay ayaw. Ayaw na ipakita sa akin ang mga dapat kong malaman pa! Nakakainis. Kailangan kong lutasin ang mga ito bago ako tuluyang lumaki o nasa tamang edad na ako, sa gayon ay maiambag naman ako. Ano pang silbi na naging prinsesa ako kung nakatunganga lang ako, hindi ba?
"Mahal na prinsesa, nakahanda na po ang hapunan ninyo." nakangiting sabi ni Nesta nang lumitaw siya sa paningin ko. Kinarga niya ako saka dinaluhan namin ang sofa. Umupo siya doon at kinalong niya ako. May lumapit na isa pang maid na may dalawang bowl. Inabot niya ito sa Nesta, tinanggap niya ito. Nang makita ko kung anong laman n'on ay halos bumagsak ang panga ko nang wala sa oras. What I saw is baby food! WTH?!
"Ipinatawag ng Mahal na Emperador ang pinakakilalang mediko sa buong Imperyo. Ipinasuri niya kung ano na ang mga pagkain na pupwede nang kainin ng mahal na prinsesa maliban sa gatas. At ito po ang sinabi niya na maaari mong kainin." natutuwang pagkukwento niya sa akin habang isinubo niya sa akin ang pagkain.
Kusa kong ibinuka ang aking bibig hanggang sa nalasahan ko ang pagkain. Kung kanina ay wala akong interes, ngayon ay napukaw na ito ng aking atensyon. I could taste a banana. Wait, dinurog na saging ba ito? Hmm, pwede na. Nanawa na din ako puro gatas na nalalasahan ko. Finally, I could taste some foods other that milk. And finally, tao na ako sa lagay na ito.
"Siya nga pala, mahal na prinsesa. May malaking okasyon na paparating sa Imperyo." muli niyang pagkukwento. Tuningin ako sa kaniya na may pagtataka. Ano naman ag ibig niyang sabihin? "Inanunsyo ng Mahal na Emperador ang nalalapit na pagbibinyag ng mahal na prinsesa. At malapit na din kayo ipapakilala sa buong kaharian!" bakas sa kaniya ang excitement habang kinukwento niya ang kaganapan.
Tila nabato ako sa kinauupuan ako nang marinig ko ang balita. What!? Bibinyagan na ako?! At ipapakilala pa ako sa madla? Seryoso?!
Wait, ibig sabihin kaya hindi ko sila nakikita ng mga ilang linggo na dahil busy sila sa gaganaping binyag ko? So ibig sabihin, masyado palang mahaba ang proseso ng pagbibinyag ng isang dugong-bughaw kaysa isang commoner. Sa dati kong mundo kasi maiksi lang. At depende nalang sa iyo kung masyadong engrande ang handaan. Pero sa lagay ko dati, tamang pagkain lang ang inihanda noong binyag ko. Sakto lang din ang mga bisita na dumating pero dito? Buong kaharian talaga?!
"Dadalo din ang mga dugong-maharlika galing sa ating Kabisera, meron din po galing pa sa iba't ibang Kaharian at Imperyo ng mga kabilang kontinente." dagdag pa niya.
Mukhang iniwan ako ng mismong kaluluwa ko nang marinig ko ang bagay na 'yon.
"Paniguradong pinaghandaan nang husto ng Mahal na Emperador ang lahat para sa kaniyang nag-iisang prinsesa!"
Yeah, right. Mukhang balak talaga ako ispoil ni Vencel kapag nagkataon kahit ayoko naman talaga. Biglang may sumagi sa isipan ko. Ang sabi ni Nesta, dadalo daw ang mga Aristocrat and the Nobles from the Capitol. Even the Kings and Queen from the other Kingdom... And the other nobles from different Empire. Hindi kaya, dadating din ang mga tao na gusto akong patayin ng unang gabi na nasa katawan ako ng sanggol na ito? Ibig sabihin, makikilala ko sila? Actually, I'm still not convinced that they already killed or dead.
Hindi bale, kakagat ako at malalaman ko din kung sino ang mga tao na magiging dahilan para bumagsak ang mga Eryndor. I really need to find out!
**
Aside from Cyan. There's three more Empire. Thilawiel from North, Oloisean from East and Severassi from West. Kahit na sakop namin ang timog na bahagi ng Mapa, ang mga Erydor ang pinakamalawak na nasasakupan. We almost have some resources. Especially mines. We have silvers, bronze, gold pero nasa amin pa rin matatagpuan ang pinakamataas na halaga na bagay na pilit at gustong kunin sa amin: rare and common jewels. Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit gusto nilang sakupin ang teritoryo namin at gusto nila akong patayin dahil malalaman ko kung ano ang binabalak nila lalo na sa skill na meron ako.
Dahil sa mga nalaman ko kung anong meron sa mga Eryndor ay gumawa na ako ng goal na kailangan kong maachieve sa oras na lumaki na ako. Na meron na din ako kakayahan na ipaglaban ang dugo na nananaytay sa aking sistema. Ang protektahan ang Cyan kahit anong mangyari. Hinding hindi ako makakapayag na agawin lang ito kung sinuman. Hinding hindi ako makakapayag na bigla ito babagsak na pinaghirapan ng ancestors ko. Aba!
Nakabihis na ako ng Christening gown na talagang ipinagawa pa ni Vencel para sa akin. This is it! Araw na ng binyag ko at makakaharap ko na ang mga taong 'yon. Kailangan ko mangilatis, pero ang problema lang... Kahit anong gawin ko para ipraktis ang precognition ko ay ayaw pa rin talaga gumana. Papaano ko magagawa ang agenda ko lalo na sa importanteng araw na ito? Ughh, it's so frustrating!
Napatingin ako sa pinto ng kuwarto ko nang nagbukas 'yon. Pumasok dito sina Vencel, pati ang mga kapatid ko na sina Raegan, Eomund ar Cederic. Emperor Vencel Eryndor is wearing his finest red silk robe with expensive animal fur. Then below of that, he's also wearing an elegant gold-work thread white tunic as his primary dress with precious jewelries and golden threads as a designs. His trousers are white with gold-work designs. Even the princes are very elegant in my eyes.
Sa pagpasok nila ay agad sila binigyan-pugay ng mga kawala at mga maid ito sa silid.
"Nakahanda na ba ang prinsesa?" seryosong tanong ni Vencel.
"Nakahanda na po ang mahal na prinsesa, mahal na emperador." magalang na tugon ni Nesta.
Tahimik na humakbang si Vencel palapit sa kuna kung nasaan ako ngayon. Ganoon din ang mga prinsipe. Kung kanina ay seryoso ang mukha nila, napalitan 'yon nang ngiti. Bakas sa mga mukha na tuwang-tuwa sila na makita nila ako kahit ang tagal na nga nila hindi nagpapakita sa akin.
Marahan akong kinarga ni Vencel, hindi nawawala ang ngiti sa kaniyang mga labi. "Pagpasensyahan mo na ang iyong ama at hindi kita nabibisita. Sadya lang kaming abala." sinseridad niyang pahayag.
"Uh... Uh..." ang nasabi ko nalang. Pero dahil d'yan, sige, ngingiti nalang ako. Medyo masaya na din akong makita kayo. So, fan service for all of you!
Biglang napahawak ang mga prinsipe sa kanilang dibdib. Parang gusto nilang maiyak na ewan sa hitsura nila ngayon. Si Vencel naman ay tila nabato sa kaniyang kinakatayuan.
"Parang ayaw ko na ipakita sa publiko kung gaano kaaya-aya ang prinsesa." sabi ni Vencel, mariin ipinikit ang kaniyang mga mata.
"Hindi natin pupwedeng gawin 'yon, Kamahalan." wika ni Raegan. "Tiyak marami sa mga bisita natin na nais na makita ang unang prinsesa. Matagal na nilang hinihintay ang pagkakataon na ito."
Nagbuntong-hininga si Vencel, tanda ng pagsuko. Mukhang wala na siyang magagawa pa. Humarap siya sa mga anak niya na karga parin niya ako. "Kung ganoon, alam ninyo na ang gagawin sa oras na nasa bulwagan na tayo."
Tumango ang mga ito na akala mo ay naiitindihan nila ang ibig nitong sabihin. Sandali, ano bang nangyayari? Ano bang usapan nila? What?
Tahimik kaming naglalakad sa pasilyo, ito ang daan patungo sa ball hall. Kung saan gaganapin ang magiging binyag ko. Tahimik lang ako habang iginagala ko ang aking mga mata sa paligid. Ipinagtataka ko kung bakit nakahilera na ang mga kalabyero sa pasilyo na ito. Nasa likuran naman namin ang mga prinsipe na may mga ngiti sa kanilang mga labi para bang hindi sila makapaghintay sa mangyayari mamaya. Err, bibigyagan lang naman ako, hindi sasayaw o ano.
Tumigil kami sa harap ng malaki at malapad na pinto. Tumingala ako na namamangha dahil sa laki. May dalawang kabalyero na nakatayo sa magkabilang gilid at isang lalaki na nakauniporme ng butler. It seems like he's an announcer.
"Inanunsyo mo." seryosong utos ni Vencel.
"Masusunod po---Anunsyasyon, ang kamahalan! Ang Mahal na Emperador at ang mga Mahal na Prinsipe... Kasama ang nag-iisang Prinsesa Styriniana Eryndor!"
Unti-unti nagbubukas ang malaki at malapad na pinto sa harap namin. Bahagyang umawang ang aking bibig. Maybe it's because of anticipation and curiousity what's the inside of that room. Pero para akong nabubulag dahil sa liwanag na sumalubong sa amin!
Tumambad sa amin ang mga kumikinang na brilyante sa paligid, mga ginto at mga dyamante sa paligid. Napalunok ako nang makita ko ang mga tao sa naturang silid na 'yon ay napukaw namin ng atensyon. Bakas sa kasuotan nila na mula sila sa maharlika. May mga suot din silang mga mamahaling accessories. Muling umusad ng lakad si Vencel pati ng mga kapatid ko. Kasabay na yumuko ang mga bisita at nagbigay-pugay sila sa pagdating ng maharlikang pamilya ng lupain ng Cyan. Bumaling ako kay Vencel na seryoso at wala akong makitang ekspresyon sa kaniyang mukha, gayundin sina Raegan, Eomund at Cederic. Taas-noo silang lumagpas sa mga taong nadadaanan namin.
Sunod ko naman tiningnan ang direksyon na pagtutunguhan namin. Naniningkit ang mga mata ko dahil isang pari---hindi, mukhang Archbishop ang nakatayo doon. Ibig sabihin, siya ang magbibigyan sa akin. Taray!
Tumigil ang mga Eryndor nang nasa harap na namin ang Archbishop. Tulad ng mga bisita ay yumuko siya sa amin at ngumiti.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 31 Episodes
Comments