CHAPTER 18

Hindi ko magawang yakapin ang aking sarili. Medyo nakakaramdam na ako ng ginaw. Bumaling ako sa kasama kong bata din. Nakasandal siya sa malaking bato. Marahang nakapikit ang kaniyang mga mata. Nakatulog siya sa kakaiyak kagabi pa. Ngumuso ako. Sa tingin ay madaling araw na, ilang oras nalang ay mag-uumaga na. Ang sabi sa amin ng dumukot sa amin, gusto kami makita ng tinutukoy niyang reyna ng kadiliman. Siguro ay maya-maya ay idadala na kami sa kaniya. Eh ano naman ang konek namin sa kaniya, aber? At saka, wala siyang mahihita sa amin. Wala kaming malakas na kapangyarihan, hindi tulad kay Vencel o isa sa mga Eryndor.

Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga saka yumuko. Marahan kong ipinikit ang aking mga mata. Sa totoo lang ay wala pa akong tulog. Hindi ako makatulog at ayokong matulog. Hindi ko alam kung anong gagawin niya sa amin habang tulog kami. Hindi bale na malalaman ko kung ano ang sunod nilang hakbang. Pero sa parte ko, nakakaramdam pa rin ako ng kaba at takot. Muli akong bumaling kasama ko. Nakaramdam din ako ng habag para sa kaniya. Hinahanap din kaya siya ng mga magulang niya? May ideya ba ang mga ito kung saan siya matatagpuan?

Binawi ko ang aking tingin.

"Rini?"

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na 'yon. Agad ko hinahanp kung saan nanggagaling 'yon. Hindi kaya guni-guni ko lang 'yon?

"Narito ako." muli niyang sambit.

Namataan ko ang gumagalaw na anino sa mga mabatong pader ng kweba sa banda namin. Naging hugis tao 'yon. Umawang ang aking bibig nang may lumabas mula doon. "O-Otis?" halos pabulong kong tawag sa kaniya.

"Ako nga, Rini." saka mabilis niya akong nilapitan. Lumuhod siya sa harap ko. Pinagmasdan niya ako, tinitingnan niya kung may tinamo akong sugat o pasa. "Mabuti at hindi ka nila sinaktan." wika pa niya.

"P-paanong..." hindi ko maituloy ang sasabihin ko nang bigla niyang tinakpan ang aking bibig sa pamamagitan ng kaniyang palad. Idinikit pa niya ang hintuturo niyang daliri sa kaniyang mga labi. "Huwag ka magsalita, baka matunugan nila tayo. Kailangan kita itakas." pabulong niyang sabi.

Lumunok akong tumitig sa kaniya. Imbis ay tumango ako bilang pagsang-ayon. Nagmamadali siyang kalasin ang tali sa aking mga paa at kamay. Malaking pasasalamat ko sa kaniya dahil nakawala na ako sa pagkatali. Inaalalayan niya akong makatayo. Sisimulan na sana namin tumakas pero pinigilan ko si Otis. Nagtataka siyang tumingin sa akin.

"Kailangan din natin siya iligtas. Tulad ko, isa din siyang bihag." paliwanag ko.

Agad niyang binalingan ang batang babae sa likuran namin. Nagbuntong-hininga siya bilang pagsuko. Sabay namin ito dinaluhan para gisingin at alisin ang mga tali sa kaniya. Naging tagumpay kami. Gigisingin ko sana siya nang may narinig kami.

"Hm-hm-hm..." isang mahinang tawa.

Napaitlag kami pareho ni Otis nang marinig namin ang boses na 'yon. Pareho kami natigilan nang napagtanto namin kung kanino galing ang boses na 'yon. Sa mismong batang babae! Nakayuko siya. Napaatras kaming dalawa nang makita namin na may bumabalot sa kaniya na itim na araw sa kaniyang katawan. Hinarang ni Otis ang kaniyang sarili para sa akin.

Anong ibig sabihin nito?

Dahan-dahan tumayo ang batang babae. Nanatili siyang nakayuko. Lumunok ako pero hindi matanggal ang tingin ko sa kaniya. Anong nangyayari sa kaniya? It seems like, she was possessed by someone. Pero sino 'yon?

"Itim na mahika." rinig ko mula kay Otis, matigas niya 'yon sinambit. Tumingin ako sa kaniya na nagtataka. "Sa tingin ko ay tuluyan nang sinakop ang kaniyang katawan." bumaling siya sa akin. "Kailangan na natin makaalis dito, Rini hangga't maaga pa!" sabay hinawakan niya ang isang kamay ko. Mabilis niya akong hinila at lumayo pero...

"T-tulong..."

Natigilan ako saka muling tumingin sa kinaroroonan ng batang babae. Napasinghap ako na makita ako na nakadapa na siya, mahigpit siyang nakahawak sa kaniyang leeg, nakaluhod siya. Nag-iiyak na siya sa sakit na kaniyang iniinda. Ilang beses siya humihingi ng tulong sa amin.

Humakbang ako ng isa pero muli na naman nagbago ang kaniyang mukha. Nakangisi siya na mala-demonyo. "Ang akala ninyo, makakatakas kayo kung sakaling naririto ako sa katawan ng batang ito?" saka tumawa siya. Unti-unti nang nagiging itim ang mga mata niya, I didn't see her iris!

Kumunot ang aking noo. "P-pakawalan mo siya..." naginginig ang boses ko dahil sa takot. Although I have a desire to help her out!

Unti-unting umaalis ang itim na aura mula sa katawan ng batang babae. Sinundan ko 'yon ng tingin. Umawang ang aking bibig nang makita ko dahan-dahan itong nagkaroon ng hugis. Hugis ng isang tao---hugis ng isang babae! Mas malaki siya. I pay attention to my surroundings, napapaligiran na kami ng usok. Kahit ganoon ay naaninag ko pa rin ang babae sa harap ko dahil sa umiilaw na itim ang kaniyang mga mata. Mukhang natunugan din kami ng mga halimaw sa loob ng kweba, dahan-dahan silang lumapit as amin. Ang iba sa kanila ay may hawak na armas!

"Hinding hindi ko papakawalan ang batang ito kung hindi ka sasama sa akin, mga mata ng kaluluwa..." saka bumungisngis siya.

Mga mata ng kaluluwa? Hindi ba... Iyon ang tawag sa akin ni Otis nang una kami nagkita?

"Haaa, oo nga pala... Hindi mo pala alam na iyon ang tawag sa iyo simula nasa sinapupunan ka ng iyong ina na si Lorah." saka ginawaran niya ako ng ekspreyon sa mukha na akala mo ay nagulat siya dahil nadulas siya sa kaniyang sinabi. "Alam mo bang hindi talaga ito ang mundo para sa iyo? Bakit hindi ka nalang sumama sa akin, prinsesa ng Cyan... O mas kilala sa tawag na... Mga matang kaluluwa?"

Kinuyom ko ang aking mga kamao. "Hinding hindi ako sasama sa iyo. Kahit anong gawin mo." matigas kong pagtatanggi sa kaniyang alok.

"Sadyang matigas ka rin... Tulad ng iyong ama. Haa..."

Huh? Kilala niya si Vencel? Anong kinalaman ni Vencel sa kaniya?

Tumawa siya, kasama 'yon na panunuya. "Tiyak napapaisip ka kung anong relasyon ng iyong ama sa isang tulad ko..." saka muli siyang tumawa. "Pwes, hayaan mong sabihin ko sa iyo ang totoo. Kapatid ko si Lorah, at ang walang utak kong kapatid... Pumayag na siya ang magdadala sa iyo kahit ang dugo ng Emperador at Emperatris ang nanalaytay sa iyong katawan!" nararamdaman ko na ang galit sa kaniyang boses at mukha.

Nanigas ako sa kinakatayuan ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa mga narinig ko. Bumilis ang tibok ng aking puso. Gustuhin ko man gumalaw ng mga daliri ko ay hindi ko ito magawa dahil sa panghihina. Napaluhod ako sa sahig.

"Hahaha! Sabi ko na nga ba, ayaw sabihin ni Vencel kung ano talaga ang tunay mong pagkatao dahil alam niyang ganito ang mangyayari. At sa pamamagitan mo, maipaghihiganti ko din ang pagkamatay ng nakakabata kong kapatid!"

"Rini," agad ako dinaluhan ni Oris. Sinubukan niya akong alalayan at umalis pero rinig ko ang pagsugod ng mga kampon ng babae---ang mga halimaw. "Ugh!" saka nagpakawala ng mahika si Otis. Isang offensive magic spell. "Kilangan na nating umalis dito." akmang bubuhatin niya ako.

"Hindi kayo makakatakas sa akin!" sigaw siya. Nagpakawala din siya ng mahika. "Tingnan mo kung anong magagawa ko sa batang ito sa oras na hindi ka marunong sumunod sa akin, mga mata ng kaluluwa..."

Doon ako nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin. Tumingala ako. Inangat niya ang batang babae sa ere kahit hindi niya ito hawak. Wala itong malay. May lumitaw na mga itim na hugis bilog sa paligid ng bata. Sumilay ang ngiti sa mga labi ng babae, kasabay na sumugod ang mga iyon sa katawan ng maliit na katawan ng bata! Parang pwersahang ginising ang bata dahil sa sakit na iniinda! Nasasaktan siya! Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita. Sinundan ko ito nang tingin nang bumagsak siya sa lupa, duguan at daig pa niya na isa na siyang bangkay. Tumawa muli nang malakas ang babaeng itim.

Tila nabato ako sa aking kinalalagyan. Nanatiling nanlalaki ang aking mga mata. Nakaawang ang aking bibig at nanginginig ito. Sinikap kong suminghap upang pakalmahin ang aking sarili pero bigo ako. Nanginginig ang aking mga kamay, unti-unti ko itong kinuyom. Kumawala ang iilang butil ng luha, marahas iyon umagos at tumulo sa lupa. "H-hindi..." mahina kong sambit.

Bigo akong iligtas ang batang babae.

"Hahahaha! Nakita mo na kung anong mangyayari sa oras na hindi ka sumunod sa iyong tiyahin, mga mata ng kaluluwa? Hmmm... Ano kaya kung isnunod ko naman ang kasama mong batang lalaki?"

'Huwag! Huwag si Otis!' sigaw ng bahagi ng aking isipan.

Ramdam ko na may mainit sa aking katawan. Tila may umalab na malaking apoy sa aking puso. Umaapaw na ang galit at poot sa aking sistema. Galit na ako. Galit na galit dahil sa tatlong bagay. Una, galit ako sa sarili ko dahil napakawalang kwenta ko. Pangalawa, galit ako dahil hindi ko nailigtas ang anak ng Conde. Pangatlo, nagagalit ako dahil gagalawin ang kaibigan ko.... At hinding hindi ako makakapayag na may magbubuwis na naman ng buhay dahil sa akin!

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!" hindi ko mapigilang sumigaw dahil sa poot at galit!

Kasabay na may lumabas ang iba't ibang kulay na enerhiya galing sa akin. Mga enerhiya galing sa mga prinsipe, tanda ng kasunduan. Ramdam ko din ang pag-iinit ng aking mga mata, masakit man pero hindi ko magawang indahin. Mas lalo dumilim ang paligid, biglang kumidlat nang malakas, lumakas ang hangin, may lumitaw na malaking alon ng tubig na naging resulta ito ng napakalaking ipo-ipo, umalab ang apoy sa aking paligid na dahilan para masunog ang mga halimaw na nagtatangkang sumugod sa amin. Muli kumidlat nang malakas saka lumindol na dahilan para magiba ang kabundukan.

Sinikap kong tumayo, nanatiling nakakuyom ang aking kamao.

"RINI!" malakas na tawag sa akin ni Otis.

Malamig akong lumingon sa kaniya. Sa mga oras na ito ay namamanhid na ako. Parang tuluyan na akong binalutan ng kadiliman. Kita ko kung papaano siya natigilan sa ekspresyon ng aking mukha. Tila hindi na niya kilala kung sino ang kaharap niya ngayon. Malamig kong binawi ang aking tingin. Tumingala ako sa babae na nasa harap ko. Nawala na din ang usok na paligid.

Bakas sa mukha niya na hindi makapaniwala pero mas nangingibabaw sa kaniya ang takot. "A-anong... Papaano nangyari ito...?! Pagkaalam ko, hindi mo magagawnag gamitin ang bawat katangian na bawat Imperyo sa isang gamitan lang!" natatarantang bulalas niya.

Inangat ko ang isang kamay ko. Itinapat ko sa kaniya ang aking palad. Unti-unti lumalabas ang itim na enerhiya na tulad sa kaniya. Nakagawa ako ng isang malaking enerhiyang itim. Nahugis palaso---isang malaking palaso saka marahas kong pinakawala ito. Mabilis itong tumama sa kaniyang dibdib. Napahiyaw siya sa sakit. Tumalim ang tingin ko dahil hindi pa siya bumagsak. Hindi pa siya tuluyang namatay!

Muli ko susubukan ito pero biglang may lumitaw na espada mula sa aking likuran. Tumama ito mismo sa noo ng kalaban. She frozed. Napahawak siya sa kaniyang noo. Tumingin siya sa pinanggalingan ng itinapong espada. "V-Vencel..." then she turned in to a glass and broke instantly. Medyo nagulat ako nagulat ako dahil isa siyang usok. Pero dahil sa espada na ibinato sa kaniya ay naging salamin siya. O sadyang malakas lang si Vencel?

Nanatili pa rin nagwawala ang mga elemento sa paligid. H-hindi ko na makontrol ang mga ito. Kahit nanghihina na ako ay sinikap kong lumingon sa direksyon ni Vencel. Nakatayo siya sa hindi kalayuan, bakas sa mukha niya ang pagkagulat nang nagtama ang aming tingin. Namumungay na ang aking mga mata hanggang sa unti-unti nanlalabo ang aking paningin.

"Rini..." he mouthed.

"P-papa..." I mouthed back.

Hindi ko na kaya. Napaluhod na ako sa lupa at bumagsak. Unti-unti na ako nawawalan ng malay, hanggang sa itim nalang ang nakikita ko.

**

Agad dinaluhan nina Vencel, Raegan, Otis at Emperador ng Oloisean ang nakahandusay na si Rini sa lupa. Hindi maitago sa mag-amang Eryndor ang pag-aalala. Agad hinawakan ni Vencel ang walang malay na anak. Hinawi niya ang takas nitong kulay ginto na buhok. Lihim niya kinagat ang labi saka niyakap niya ito nang mahigpit. 

Matalim niyang tiningnan si Kron Albelin. "Kailangan niya na nakakagamot na mahika. Magmadali!" matigas at galit niyang utos sa mga kasamahan. 

Agad lumapit ang mga salamangkero. Itinutok kay Rini ang mga palad hanggang sa nagliliwanag ang mga ito. Ibinalik niya ang kaniyang tingin sa kaniyang mga bisig. Hindi siya kampante na sa mga oras na ito. Hindi pa rin siya makapaniwala na masaksihan niya ang ginawa ni Rini. Ang sabi sa kaniya ng Propesiya, sa lahat ng magkakapatid na Eryndor, si Rini lang ang bukod-tangi ang pinakamalakas, ngunit may mas ilalakas pa. Inaasahan niya na makikita niya 'yon pagkatuntong nito sa ng labing pito tanong gulang. Ngunit, mas maaga ito ipinakita kaysa sa inaasahan niya.

Lumihis ang tingin ni Vencel sa isang pares ng paa sa tabi ni Rini. Agad siya tumingala. Kunot ang kaniyang noo nang makita niya ang mukha ng prinsipe ng Thilawiel. Tinapunan niya ito ng matalim na tingin. "Bakit ka naririto? Hindi ba ang sabi ko maghintay kayo sa Palasyo?" malamig niyang sambit.

Malamig din na tingin ang isinukli ni Otis sa kaniya. "Paumanhin, mahal na Emperador ngunit, sadyang hindi ako mapakali kung uupo at maghihintay lamang ako sa pagdating ninyo." marahan siyang pumikit at lumuhod sa harap siya. "Bilang kabayaran sa katigasan ng aking ulo, hayaan ninyong tutulong ako sa paggagamot sa mahal na prinsesa." itinapat din niya ang kaniyang palad kay Rini. May lumalabas na liwanag mula doon.

Seryosong pinapanood ni Vencel ang ginagawa ng prinsipe ng Thilawiel. Hindi niya maiwasang magtaka kung bakit madalas na ito nagpapakita sa kanila. 'Anong nakain ng mga Cairon?' sabi ng bahagi ng kaniyang isipan.

Ilang saglit pa ay dineklara ng mga salamangkero na ligtas na sa panganib ang prinsesa. Nasuyod na din ni Raegan ang kapaligiran kung may nakatakas ba sa mga halimaw o wala. Wala naman silang nakikita pang kalaban, lahat ay nasunog at nawala na sa pamamagitan ni Rini ay nagpasya na silang bumalik na ng Oloisean.

**

Patanghali na nang dumating na sila ng Palasyo ng Oloisean. Tanaw nila sa labas ang iba pang prinsipe, ang Emperatris, maski sina Nesta at ang mga tagapagsilbi na nag-aabang sa kanilang pagdating. Napasinghap sila nang makita nila na nasa mahimbing na natutulog si Rini sa mga bisig ni Vencel. Napasapo ng bibig si Nesta, hindi mapigilan ang sarili na mapaluha, napasapo naman sa dibdib ang Emperatris ng Oloisean. Nakahinga sila ng maluwag nang masaksihan nila ang kumpimasyon na ligtas na ang nag-iisang prinsesa ng Cyan. Ang mga prinsipe naman ay umaribas ng takbo upang salubungin ang pagdating nila. Sumunod na din ang iba.

Hininto ni Vencel ang sinasakyang kabayo. Tumingin siya sa mga prinsipe. "Mukhang naging masunurin kayo sa aking bilin." malamig niyang kumento. "Maliban lang sa isa." sabay sulyap niya kay Prinsipe na Otis na napaitlag.

"Susunod din po sana kami, kamahalan. Ngunit, mahigpit po kaming hinarangan ng mga tauhan at kawal ng mga Emperador ng Oloisean at Thilawiel." pag-amin ni Prinsipe Cederic, nakakamot ng batok.

Tahimik lang nakatingin sa kanila si Vencel. 'Huh? Bakit nadangwit naman ang Thilawiel dito? Sadyang may pakpak ang balita, may tainga ang lupa.' sa isip niya.

Humakbang pa si Nesta palapit sa kaniya. Nilahad ang mga palad nito. "Kami na po ang bahala sa mahal na prinsesa, mahal na Emperador."

Tumango siya. Maingat niyang inilipat si Rini sa tagapagsilbi. "Maraming nawalang mana mula sa kaniya. Mukhang matatagalan pa kami dito sa Oloisean, saka na kami tutulak pabalik ng Cyan sa oras na nagising na ang prinsesa." saka umalis na siya mula sa likod ng sinasakyan na kabayo.

"Walang problema, Vencel." masaya siyang nilapitan ng Emperador ng Oloisean. "Maaari kayong manatili dito kahit gaano katagal pa gusto mo."

Pinaningkitan ng mata ni Vencel ang kaharap niyang Emperador. "Salamat, kung ganoon, Albelin."

"Pero, Vencel..." may kasunod pa itong ihahayag. "Hayaan mong maging magkalapit ang mga bata habang naririto sila sa aking poder."

"Anong nais mong iparating, Albelin?"

"Sa nasaksihan ko kanina, buo na ang aking desisyon."

"Anong desisyon 'yon?"

"Alam kong masyado pang maaga pa para dito pero nais kong maging manugang ang nag-iisang prinsesa ng Cyan. Kung hindi mo mamasamain."

Natahimik ang lahat sa naging pahayag ng Emperador ng Oloisean.

Marahas na hinawakan ni Vencel ang kwelyo ni Albelin. Matalim at umaalab ang mga mata nito sa inis. "Ipagpaumahin mo, Kron Albelin, Emperador ng Oloisean ngunit ngayon palang ay tinatanggihan ko na ang alok mo." matigas niyang sambit. Marahas din niya itong binitawan. Pumikit siya't humalukipkip.

Lumaylay ang magkabilang balikat ni Albelin. "Sige na, Vencel. Hinding hindi ka magsisisi kung mapupunta ang bunso mo sa anak ko. Tagapagmana ng aking Imperyo ang aking anak, wala ka nang hahanapin pang iba."

Tahimik lang si Vencel, tila wala siyang naririnig.

Nakangiwing nakatingin si Prinsipe Dilston sa mga Emperador pero kusa siyang pinagpapawisan ng malamig nang maramdaman niya ang itim na aura na malapit lang sa kaniya. Halos matalon siya sa gulat nang maramdaman niya ang pagtapik sa kaniyang balikat. Hindi lang isa, hindi lang dalawa. Para siyang robot nang lumingon siya dito. Nang makita niya kung sino ang tumapik sa kaniya ay sumisigaw na ang kaniyang loob. Umaapoy na sa galit ang mga mata ng magkakapatid na Eryndor. Maliban lang kay Prinsipe Calevi na nakangiti lang, para bang kabisado na niya kung anong ugali ang mga Eryndor. Oo nga pala, hindi lang pala ang Emperador ng Cyan ang masyadong pumoprotekta sa bunsong anak nito, maski ang mga kapatid nito.

'Hindi po ako lalaban!' gusto niyang isigaw 'yon.

Natigilan siya nang mayroon ding tumapik sa isa pa niyang balikat. Tiningnan niya kung sino ang nagmamay-ari n'on. Laglag ang panga niya nang makita niya ang mukha ng prinsipe ng Thilawiel. Nakangisi ito pero alam niyang peke 'yon. Sa loob-loob nito, gusto na siyang paslangin.

"O-O-Otis..."

"Sa tingin ko ay may dapat kang ipaliwanag sa akin, Albelin." napalitan ito ng matalim na tingin. "Lalaki sa lalaki."

'Mahal ko pa ang buhay ko!' 

Hot

Comments

Kwatro Shutsuen-sha

Kwatro Shutsuen-sha

Gusto ko sabihin na parang may pagka Yandere Vibes si Otis pero hindi naman sya pumapatay para makuha ang loob ng Prinsesa Rini HAHAHA. Siguro mas maganda pa ring tawaging Possessive

2021-09-28

2

See all

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play