Mga palayan na ang nakikita ko mula dito sa loob ng karwahe. May natatanaw din akong mga tao na abala sa pag-aani. Mayroon din na kaming nalalagpasan na tao na nadaan sa gilid na bilang nga lang sa daliri. Hindi nga maipagkaila na probinsiya na nga ang lugar na ito na tinatawag na Corbin. Sa ngayon ay patungo kami sa Manor na pagmamay-ari ng dating Baron na ngayon ay inatasan na bilang isa sa mga Bisconde: ang pamilya Stodge. Ang panganay at nag-iisang anak na napag-alaman ko na ang pangalan niya ay Maria, ang batang babae na nagtanggol sa akin laban kina tsokolate at espasol. Nakakatuwa lang dahil sa kanila kami magpapalipas ng gabi ngayon pagkatapos sa isa sa mga duke.
Sumilay ang ngiti sa aking mga labi nang natatanaw ko ang pamilya ang bisconde, ang asawa niya, mga anak nila pati na din ang mga tagapagsilbi nila na nasa labas ngayon ng naturang Manor, tila inaabangan at pinaghahandaan nila ang aming pagdating.
Nang tumigil na ang karwahe sa harap nila ay hinintay pa namin ito buksan ng kutsero ang pinto. Isa-isa na kaming lumabas hanggang sa muling tumapak ang mga paa ko sa larya o bricks na daan. Nang tagumpay kaming nakababa ay binigyan nila kami ng pagbati at nagbigay-pugay.
"Maligayang pagdating at ikinagagalak po naming batiin ang Pamilyang Imperyal. Ikinalulugod po namin na pinili niyo ang aming tahanan upang magpalipas ng gabi sa gitna ng inyong paglalakbay. Ikinararangal din po namin kayong pagsilbihan habang naririto kayo sa aming munting tahanan, aming mga kamahalan." si Bisconde Stodge ang nagsalita. Hindi naman talaga siya matanda sa aking paningin. Mukha pa siyang bata sa totoo lang, siguro kasing edad niya lang si Vencel. Nagmumukha lang siyang matanda dahil sa pagiging simple at mukhang pasan niya ang mundo palagi.
"Maraming salamat sa pagtanggap, Bisconde Stodge." pormal na tugon ni Vencel sa kaniya. "Sana ay nasa mabuti kang kalagayan, pati ang pamilya mo."
Dinapuan siya ng hiya. "Hindi ko lubos maisip na bibigyan ako ng napalaking grasya ang aming pamilya, mahal na Emperador."
"Karapat-dapat naman na ipagkaloob sa iyo ang bagay na 'yon, Bisconde."
"Maraming salamat po." sa akin naman siya tumingin saka yumuko para magbigay-galang sa akin. "Lalo na po sa inyo, mahal na Prinsesa. Maraming salamat dahil ipinagtanggol ninyo ang aking panganay na anak na si Maria."
"Walang anuman po, Bisconde." saka nagbow din ako sa kaniya. Hinahanap ng aking mga mata ang tinatawag nilang Maria. Namataan ko siya sa tabi ng kaniyang nanay. Nahihiya siyang tumingin sa akin. Siguro ay naoverwhelm pa siya sa presensya namin. "Kamusta ka na, Binibining Maria?"
Bago niya ako sagutin ay aligaga niyang hinawakan niya nang magkabilaan ang kaniyang palda, inangat niya 'yon nang kaunti saka nagbow. "Maayos po a-ako, mahal na prinsesa. I-ikinagagalak ko pong makita ulit kayo..." kahit siya ay nahihiya pa.
"Siya, pumasok na po tayo, mga kamahalan. Nakahanda na po ang mga silid-tulugan para po sa inyo." masayang paanyaya ng bisconde.
Ipinakilala din namin sa kanila si Prinsipe Calevi. Tulad sa amin ay binigyan nila ito ng respeto dahil isa ding dugong-bughaw ang kanilang kaharap kahit na taga-ibang lugar siya.
Sunud-sunod kaming pumasok sa Manor. Hindi ko maipagkaila na maganda siya. Mas gusto ko ang lugar na ito kaysa sa mga bahay ng mga dugong-bughaw sa Kapitolyo. Kahit ang loob ng bahay ay malinis at organize ang mga kagamitan nila dito. May nakita din akong organ sa kanilang Salas. Meron din silang fire place. Ang mga tagapagsilbi naman ng mga Stodge ay tumulong sa pagbubuhat ng aming gamit kahit na nariyan at nagdala kami ng sarili naming tagapagsilbi.
Itinuro sa ng bisconde sa akin kung saan kami matutulog. Dahil anim kami ay tatlong silid na ipinapahiram nila sa amin. Napagpasyahan namin na matutulog ako kasama ni Vencel. Sa pangalawang silid naman gagamitin nina Raegan at Eomund, sa huling silid naman ay doon matutulog sina Cederic at Prinsipe Calevi.
Nang pumasok ako sa silid ay iginala ko ang aking paningin sa silid. Humawak ako sa pader na parang pinag-aralan ko kung gaano na katanda ang lugar na ito. Napangiti ako nang napagtanto ko kung gaano kahumble ang pamilya Stodge. Kahit na nakabase ang kaniyang lupain sa malayong probinsiya, mayaman naman sa kasaysayan ang lugar na ito. Sunod ko dinaluhan ay ang bintana. Lumapat ang mga palad ko sa salamin. Tanaw ko mula dito ang sapa na nasa tabi lang ng malalaking puno. Pero may mas nakakuha ng aking atensyon. May isang batang nagsasayaw sa pagitan ng puno at ng sapa.
Lumingon ako sa bandang kama. Abala siya sa paghuhubad ng kaniyang coat. Nilapitan ko siya. "Papa?" malambing kong tawag sa kaniya.
Tumigil siya sa kaniyang ginagawa. Umupo siya sa gilid ng kama saka tumingin sa akin. "Bakit, Rini? May kailangan ka ba?" malumanay niyang tanong.
Ginawaran ko siya ng matamis na ngiti. "Kung mula po dito, ilang oras pa po ang lalakbayin natin bago tayo tuluyang makarating sa Oloisean?" inosente kong tanong.
"Siguro mahigit sampung oras pa. Bakit, aking bunso? Napapagod ka na ba sa paglalakbay natin? Gusto mo na bang bumalik tayo sa Palasyo?" bakit naging sunud-sunod na ang tanong niya?!
Lumabi ako. "Hindi po, papa. Ayoko pa pong bumalik sa Palasyo. Gusto ko lang po malaman dahil nasasabik po ako kung anong hitsura ng Oloisean." sagot ko. Mas lumapit pa ako sa kaniya saka umupo sa kaniyang kandungan. "Pero, papa... Nakarating ka na po ba doon kahit isang beses?"
"Madalang lang ako nakakarating sa Oloisen, tulad ng ganitong okasyon. Mas gusto ni papa na manatili sa Palasyo. Mas panatag ang buhay ko doon."
Medyo natigilan ako. Tumitig ako sa kaniya, lalo na sa kaniyang mala-ruby niyang mga mata. Nababasa ko ang sinseridad doon. Kahit sa tono ng pananalita niya. O sadyang introvert lang siya? "Mas gusto ni papa ang mag-isa?" halos wala sa sarili kong tanong.
Isang maliit na ngiti ang umukit sa kaniyang mga labi. Marahan niyang hinaplos ang aking buhok. "Masasabi nating ganoon. Pero nang nakilala ko sila, umiiba na ang mundo na aking ginagalawan. Mas lalo nag-iba ang aking ikot ng aking buhay nang dumating ka na sa buhay ko, Rini." saka hinalikan niya ang aking sentido. "Gagawin ko ang lahat para sa iyo, Rini. Kami ng mga kapatid mo."
Inihilig ko ang aking ulo sa kaniyang balikat. "Ako din po, papa. Mas naging makulay po ang buhay ko na kayo po ang pamilya ko." hindi ko mapigilang sambitin ang mga katagang 'yon.
At dahil sa inyo, hindi ko na nararamdaman na maging mag-isa.
**
Pagkatapos namin magpahinga. Nakabawi na din kami ng lakas kahit papaano. Lumabas na kami ni papa mula sa silid saka bumaba na para sa hapunan. Nadatnan namin ang mga tagapagsilbi ng mga Stodge ay abala sa paghahanda ng hapag. Lumipat din ang tingin ko sa Salas. Nakikita ko doon ang asawa ng bisconde na nakaupo sa isang rocking chair. Nasa harap siya ng fire place. I heard her humming. I decided to approach her. Nasilip ko na marahan niyang hinihimas ang kaniyang tyan. Napalingon siya na tila naramdaman niya na nasa likod niya lang ako.
"M-mahal na prinsesa..." akmang tatayo siya para batiin ako pero pinigilan ko siya. Nagtataka siyang tumingin sa akin.
Ngumiti ako. "Huwag na po. Mas mabuting maupo na po kayo." malumanay kong sambit. Wala siyang magawa kungdi bumalik siya sa pagkaupo. Mas lumapit pa ako sa kaniya. "Hindi ko po napansin na buntis kayo." panimula ko.
Sinuklian niya ako ng ngiti. "Opo, mahal na prinsesa. Ang sabi ng doktor ay dalawang buwan nalang ay lalabas na ang magiging bunso ng Stodge." patuloy pa rin niyang hinihimas ang kaniyang tyan. "Hindi na po kami makapaghintay na makita namin siya."
Tahimik lang ako nakikinig sa kaniya sa kaniyang kwento. Medyo hindi ako relate dahil sa previous life ko isa akong single at higit pa sa lahat ay ****** pa ako! May naging karelasyon ako isang beses, pero bigla nalang siya nawala na parang bula. Iyon ang masasabi ko na first heartbreak ko. After n'on, wala na. Nawala sa isip ko ang makipagrealsyon pa. Pero habang tumatagal na pinapanood ko siya, napapansin ko na bakas sa kaniya na sabik na talaga niya makita ang magiging anak nila ng bisconde. Bukod pa doon ay naikwento niya din sa akin kung ano ang love story nila. Naputol lang 'yon anng hinahanap ako ni Raegan para ayain na kumain na. Syempre, hindi ko iniwan ang asawa ng bisconde. Inaalalayan namin siya ni Raegan hanggang sa narating na namin ang hapag-kainan. Masaya namin pinagsaluhan ang masasarap at masusustansya na pagkain na galing din mismo sa kanilang ani. Good thing, walang halo na political talks ang nagaganap dito.
After namin kumain ay inaya ko si Prinsipe Calevi na daluhan namin si Maria na kasalukuyan itong naghuhugas ng pinakainan. Nagulat pa nga sila nang makita nila kami. Ang akala nila ay umakyat na kami para magpatunaw ng kinain at matutulog na.
"Mahal na prinsesa, mahal na prinsipe, may kailangan po ba kayo? Maiinom? Meryenda?" natatarantang tanong niya sa amin.
Agad ako umiling. Namataan ko ang tuyong tela na nasa tabi lang niya. Agad ko 'yon dinampot saka kinuha ng basang plato na kakatapos lang hugasin. Pinatuyo ko ito sa pamamagitan ng tela.
"Naku po, mahal na prinsesa. H-huwag ninyo pong gawin 'yan..." para siyang maiiyak. "Hindi ninyo maaaring gawin 'yan."
"Huwag ka mag-alala, hindi ka paparusahan kung gawin ko man ito. At isa pa, nasa taas na ang mahal na Emperador, pati na din ang mga prinsipe." bumaling ako kay Prinsipe Calevi. "Mahal na prinsipe, baka gusto mo din tumulong?"
"I-ito na..." naghanap din siya ng tuyong tela para tulungan akong magpatuyo ng mga hugasin.
"Binibining Maria," tawag ko sa kaniya.
"Bakit po, mahal na prinsesa?" kinakabahan niyang tanong.
Ngumiti akong bumaling sa aking ginagawa. "Marunong ka pala sumayaw." bigla kong sabi. Rinig ko ang kaniyang pagsinghap. "Huwag ka mag-alala, maganda at kaaya-aya sa paningin ang pagsasayaw mo. Kung hindi ako nagkakamali, ballet?"
Muli siyang suminghap. "A-alam po ninyo ang ballet?"
Tumango ako. "Nababasa ko lang siya sa mga libro sa silid-akalatan sa Palasyo pero hindi pa ako nakakanood ni minsan dahil abala pa masyado, lalo na sa pag-eensayo ko sa pamamana." itinagilid ko ang aking ulo. "At si Prinsipe Calevi ang nagtuturo sa akin."
Bumaling siya kay Calevi, gumuhit ang pagkamangha sa kaniyang mukha. "Talaga po? Ang prinsipe ang nagtuturo po sa inyo kung papaano makipaglaban?"
Muli akong tumango. "Kung nakita mo lang kung papaano siya tumira ng palaso, tiyak mas mamamangha ka!" pagpatuloy ko pa.
"P-Prinsesa..." nahihiyang tawag sa akin ng prinsipe.
Humalakhak ako pero tumigil din. Inilapag ko ang mga hawak ko sa mesa. Hinawakan ko naman sunod ang kaniyang kamay. "Ang ibig ko lang iparating ay huwag kang susuko kung may gusto kang marating. Kung ang hilig mo talaga ay ang pagsasayaw, matutulungan kita ipasok sa isang paaralan kung saan nagtuturo ng ballet."
Yumuko siya. "Maraming salamat po, mahal na prinsesa. Labis na po ang pagtulong ninyo sa amin." parang muli na naman siya maiiyak.
"Karapat-dapat ka naman tulungan, Binibining Maria."
Kinaumagahan din 'yon ay nagpaalam na kami sa pamilyang Stodge saka nilisan na namin ang manor. Ibinilin ko kay Maria na susulatan niya ako kung gusto niya. Ipinangako ko din sa kaniya na kapag maluwag na ang oras ko ay iimbitahan ko siya sa Palasyo para magkabasyon. Mukhang malabo na din kasi na magkaroon pa ng tea party dahil sa nangyari noon. Kaya cross out na 'yon para kay Vencel pati sa mga prinsipe.
"Mukhang nakahanap ng tamang kaibigan si Rini, kamahalan." nakangiting sambit ni Eomund. "Ang problema lang ay masyado itong malayo. Bukod pa doon ay walang balak na lumipat sa Kapitolyo ang mga Stodge kahit nan umangat na ang kanilang ranggo bilang opisyal."
"Hindi bale kung malayo siya, kuya Eomund." nakangiti akong bumaling sa kaniya. "Sa oras na nasa takdang edad na kami, madalas na kami magkikita."
Nagtataka silang tumingin sa akin. "Mahilig po siyang sumayaw at mahal na mahal niya 'yon. Napagdesisyonan ko po na papaaralin siya gamit ang pera na binibigay ninyo po sa akin tutal naman po ay wala naman po ako mapaggamitan n'on."
Marahan silang tumawa. Ginulo ni Cederic ang aking buhok. "Masyado kang mabait, aming prinsesa. Sadyang nakahanap ka nga ng tunay na kaibigan sa katauhan ni Binibining Maria."
**
At last, nasa lupain na kami ng Oloisean! Wala na ako masyadong makita na dahil gabi na kami nakarating. Wala na tuloy akong makita na tanawin. Maliban lang sa mga maliliwanag na ilaw sa Kapitolyo ng Oloisean. Tulad sa Cyan, buhay na buhay din ang mga tao dito. May mga nakikita din akong banderitas. Tanda na gaganaping pyesta ang nalalapit na kaarawan ng kanilang prinsipe. Hindi na naman matanggal ang mga mata ko sa bintana. Kaso ang pinagkaiba nga lang ay bantay-sarado ako ng mga kapatid ko sa kadahilanan na baka buksan ko na naman ang bintana nang walang pahintulot o ilulusot ko na naman ang upper body. Alam ko namang mali na ginawa ko ang bagay na 'yon. Hindi ko lang kasi makontrol ang sarili ko sa tuwing naeexcite o sobrang nasiyahan ako sa mga nakikita at natutuklasan ko.
Kusang nagbukas ang malaking gate ng Palasyo! Hindi ko na naman mapigilang mamangha dahil sa ganda! Bigla ko tuloy naalala ang New Michael Palace sa Russia dahil sa laki at ang ganda ng pagkakagawa! Halos isubsob ko na ang mukha ko sa bintana. Parang gusto kong gumala mamaya, may natitira pa naman akong lakas.
Nang tumigil ang karwahe sa tapat ng entrahada ng Palasyo ay isa-isa na din kami nagsibaba. Kusang nagbukas ang pinto ng Palasyo. May lumabas doon na isang babae. Wow, ang ganda niya. Reyna na reyna ang dating niya sa paningin ko. Malapad ang kaniyang ngiti nang salubungin niya kami. So, ito pala ang ginagawa ang isang Impetratris?
"Maligayang pagdating, Emperador Vencel Eryndor." malumanay pero buhay na buhay ang boses niya. Bumaling siya sa akin. "Ganoon din sa iyo, mga prinsipe at nag-iisang prinsesa ng Cyan."
Bumati kami sa kaniya sa pamamagitan ng pagbow namin sa kaniya. Ngayon ay kami naman ang gagawa ng mga bagay na ito dahil hind na namin teritoryo ito.
"Maraming salamat sa paanyaya, Empetratis Reralla Albelin." wika ni Vencel sa kaharap.
"Paniguradong pagod na kayo mula sa inyong paglalakbay. Hayaan ninyong ihatid ko kayo sa inyong magiging kuwarto." nauna na siyang naglakad. Nakasunod lang kami sa kaniya.
Pinagmasdan ko ang mga kapatid ko. Bakas na sa kanilang mukha ang pagod at antok. Kahit si Prinsipe Calevi ay hindi na rin niya mapigilan ang sarili na humikab at takpan ang bibig nito. Sinadya kong bagalan ang aking lakad. Tingin ko ay hindi na nila ako natutunugan. Iniikot ko ang mga mata ko sa bawat dinadaanan namin. Tumigil ako sa paglalakad. Tumingin ako sa aking kanan. May daanan din na wala akong ideya kung saan 'yon papunta. Lumihis ako ng daan. Pinili ko itong tahakin. Curious lang ako kung saan papunta ang daan na ito. Kumunot ang noo ko nang marating ko ang dulo nito. Imperial garden pala ang labasan nito. Ipinagpatuloy ko pa ang paglapit ko. Natanaw ko din ang malawak na lawa ng royal garden. May mga malaking puno din dito. Pinili kong lapitan iyon. Dumapo ang isang palad ko sa isang puno.
"Ang ganda..." wala sa sarili kong nang makita ko ang repleksyon ng buwan sa lawa.
"Maganda nga."
Halos matalon ako sa gulat nang may naririnig akong boses ng isang lalaki. Agad ko hinahanap kung saan nanggaling 'yon. "S-sino ka...?"
"Narito ako." biglang may bumagsak mula sa taas na mas ikinagulat ko.
Napatras ako habang sapo-sapo ko ang aking dibdib dahil pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko dahil sa gulat. Tumingin ako sa bulto ng lalaki na nasa harap ko. Isang binatilyo... Sandali! "I-ikaw 'yong..." mahina kong sabi. Dahan-dahan tumapat ang hintuturo kong daliri sa kaniya. Ang hitsura na 'yan. Ang binatilyo na maputi at makinis niyang balat. Sumasayaw sa hangin ang kaniyang kulay pula nitong buhok. Matangos ang ilong, medyo makapal ang kilay at kulay berde ang kaniyang mga mata na kasing kulay ng kumikintab na emerald! "Ikaw nga..."
Tumayo siya ng tuwid. Parang balewala lang sa kaniya nang tumalon siya mula sa puno. Matamis siyang ngumiti sa akin. Yumuko siya habang nakahawak siya sa kaniyang balakang. Napaatras ako na namimilog ang mga mata. "Sa wakas, nagkita ulit tayo."
Kumunot ang noo ko. Ang weird niya talaga, kahit kailan!
"Hindi mo ba alam na hinihintay ko ang pagdating mo?"
"Bakit mo naman ako hihintayin?"
Kumawala siya ng malalim na buntong-hininga. Mas inilapit pa niya ang kaniyang mukha sa akin. "Sa katunayan pinakaayoko sa lahat ay maghintay. Ngunit kung ang paghihintay ay nangangahulugan na makakasama kita, maghihintay ako."
Kumurap ako. Unti-unti ko nararamdaman na nag-iinit ang buong mukha ko nang may narealize ako. Dahil sa umaapaw na emosyon ay walang sabi na sinuntok ko ang mukha niya! Natumba siya't napasapo sa kaniyang mukha. Rinig ko nag daing niya Para akong kakapusin ng hininga nang gawin ko ang bagay na 'yon. Hinihingal ako. "Masyado pa akong bata para landiin! D'yan ka na nga!" mabibigat na hakbang ang pinakawalan ko palayo sa kaniya. Pero dahil sa takot na baka mahabol niya ako, umaribas na ako ng takbo.
Walanghiyang batang 'yon. Kabata-bata, marunong nang pumick up line!
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 31 Episodes
Comments
Kwatro Shutsuen-sha
HAHAHA ang cute talaga ni Rini, nga naman bawal mag harutan kasi bata pa
2021-09-28
2