Nang tinalikuran na kami ni Prinsipe Otis ay agad ako binalingan ng mga kapatid ko, maski si Vencel. Binigyan nila ako ng naguguluhan at nagtatanong na tingin. Hindi kasi nila alam na ilang beses ko na naeencounter ang binatilyo na 'yon. Marahan ko kinamot ang aking pisngi saka umiwas ng tingin ng ilang saglit. Tumingin muli ako sa kanila saka sumilay ang matamis na ngiti sa aking mga labi. Mas maigi munang ipagliban muna ang pagtatanong nila kung papaano ko nakilala ang Prinsipe ng Thilawiel. Pwede bang mag-enjoy muna tayo sa party ngayong gabi man lang?
Rinig ko ang palakpakan sa buong paligid. Binigyan ko 'yon ng pansin. Rinig ko din na inihayag ang pagdating ng birthday celebrant---si Prinsipe Dilston. Umangat ang isang kilay ko. Mas gumuwapo siya kapag binihisan ng ganito. Hindi katanggi-tanggi na siya nga ang magiging tagapagmana bilang susunod na Emperador ng Oloisean. Ang buong akala ko ay may tinatago siyang kasamaan subalit nagkamali ako. Huwaran din siyang kapatid tulad ni Raegan. Nakakahanga siya bilang isang nakakatandang kapatid para kina Luth at Heidi para sa pagprotekta at hinding hindi niya iniwan ang mga ito.
Pagkatapos ipakilala si Prinsipe Dilston sa mga bisita ay ibinaling niya sa akin ang kaniyang tingin. Ginawaran niya ako ng matamis na ngiti. Medyo natuliro ako sa inasta niya. Ang akala ko ay hanggang doon ang gagawin niya. Pero hindi, talagang humakbang pa siya palapit sa akin. Ang mas malala pa ay bigla siyang lumuhod sa harap ko. Umawang aking bibig dahil sa pagkabigla. Umingay ang mga tao sa paligid. Tulad ko ay nabigla din sila sa ginawa ng kanilang prinsipe.
"Nais ko lang batiin ang nag-iisang prinsesa ng Cyan at pasalamatan siya sa naitulong niya sa akin." marahan niyang sambit. "Hinding hindi ko makakalimutan ito." tumingala siya sa akin. "Hinding hindi kami nagkamali na imbitan kayo para sa espesyal na gabi na ito, Prinsesa Styriniana."
Ngumiwi ako. "He. He. He... W-walang anuman, Prinsipe Dilston..."
Tumayo na siya . Muli siya nagbow sa amin bago niya kami tinalikuran. Sinundan ko siya ng tingin. Pero tumindig ang balahibo ko nang may nararamdaman akong itim na aura sa paligid ko. Para akong robot na sinulyapan ang mga kasama ko.
"Una, ang prinsipe ng Thilawiel. Ngayon naman ay prinsipe ng Oloisean. Mga pangahas." mahina pero matigas na saad ni Vencel.
"Hindi kaya masyado na silang lumagpas sa linya?" segunda pa ni Raegan.
"Anong akala nila? Madali para sa kanila na malapitan si Rini?" nanlilisik ang mga mata ni Eomund.
"Dumaan muna sila sa atin bago nila tuluyang lapitan ang prinsesa ng Cyan." si Cederic na mukhang handa na sa isang malaking laban.
I feel dazed. Wow, umandar na naman ang pagiging over protective nila sa akin kahit ang ginawa lang ng mga prinsipe ay batiin ako. Kasalanan ko ba nilalapitan ako ng mga 'yon?
Huminga ako nang malalim. Humigpit ang mga hawak ko sa kanila. "Papa, mga kuya... Pwede na po ba tayo kumain? Nagugutom na po ako..." malambing kong sabi sa kanila. This is my last resort to relieve this moment. Baka hindi makapagtimpi ang mga ito, mag-uumpisa ng gulo kung hindi ko sila pipigilan.
"Mabuti pa ngang kumain na muna tayo." pagsang-ayon ni Vencel, kahit papaano ay kumalam na siya.
Sabay na namin dinaluhan ang malawak at pabilog na mesa na nakalaan para sa mga Eryndor. Hinila ni Raegan ang isang upuan saka inalalayan akong umupo doon ni Vencel. May lumapit sa amin na isa sa mga tagapagsilbi ng mga Albelin. Propesyonal nilang inilagay ang mga hinanda nilang pagkain sa mesa, pati na din ang mga inumin. Masaya namin pinagsaluhan ang pagkain. Kahit sa pagkain ay daig pang babysitter ko ang mga kuya at si Vencel. Kumsabagay, hindi namin kasama ngayon si Nesta dahil mahigpit na para lang sa mga dugong-bughaw ang maaaring makapasok sa bulwagan.
Pagkatapos namin kumain ay tumayo na kami habang nagpapababa ng kinain. Isa-isa ding may lumapit sa amin para magpakilala kay Vencel. Ipinakilala niya ang kaniyang sarili na malapit na kamag-anakan siya ng Emperador ng Oloisean. Bakas sa mukha niya na nakakausap niya ang tulad ni Vencel. May ibang lumalapit na din para magpakilala. Okay, usapang politika na naman.
"Ikinagagalak kong makausap ang Emperador ng Cyan. Hayaan ninyong ipakilala ang aking sarili. Ako si Erwan Marillac, na kasalukuyang namumuno sa bansang Yealind, na kabilang sa Impyeryo ng Olisean. Ito pala ang aking pangalawang anak, si Prinsipe Vaeril Marillac."
"Ikinalulugod kong makilala ka, Hari Erwan, Prinsipe Vaeril." pormal at medyo hindi interesado si Vencel sa kaniyang kaharap.
"Hindi ko akalain na nakakabighani pala ang inyong nag-iisang anak na babae, Emperador ng Cyan. Maski ang tatlong prinsipe mula sa tatlong pinakamamalakas na Imperyo ay naging malapit sa nag-iisang prinsesa."
Tumalim ang tingin ni Vencel sa kaniya. "At anong gusto mong mangyari, Hari ng Yealind?"
He looked intimidated. Tumikhim siya bago siya nagpatuloy sa kaniyang sasabihin. "N-nais ko sanang maging magkaibigan ang aking anak at ng---"
"Tumatanggi ako." mabilis na sagot niya sa Hari.
Natigilan ang dalawa sa naging sagot ni Vencel. Ano pa bang aasahan nila eh ganyan talaga ang ugali ng Emperador ng Cyan, hindi lang siya. Pati na din ang mga kapatid ko, ganyan din ang sasabihin nila.
"Kung wala ka nang sasabihin pa, maiiwan na kita." malamig na turan niya. Tinalikuran na niya ito saka muli hinawakan ang aking kamay.
"N-naiitindihan ko..." he looks more than like intimidated kaya wala na siyang masasabi pa. Okay, medyo naaawa ako sa kaniya.
Kahit anong ilag ni Vencel sa mga lumalapit sa kaniya na galing sa iba't ibang royal family ay hindi pa rin siya tinatantanan ng mga ito. Medyo nakakapagod pala ang ganito. Mas mabuti pa nga sigurong tumakas ako sa mga ito.
Hinila ko ng kaunti ang laylayan ng damit ni Vencel. Bumaba ang tingin niya sa akin. "Papa..." malambing ko tawag sa kaniya.
Agad siya lumuhod sa akin. "Bakit, aking bunso?"
"Pwede po bang doon muna ako sa hardin? Magpapababa po ng kinain... Doon lang po ako para madali po ninyo ako mahanap."
"Kung ganoon ay maaari kang samahan ni Cederic." tumingin siya dito. "Bantayan mo muna nag iyong kapatid habang kakausapin ko pa ang mga dapat kong kausapin."
"Masusunod po, kamahalan." ngumiti siyang bumaling sa akin. "Tara na, Rini. Sasamahan kita."
"Pwede rin bang kasama si Prinsipe Calevi?"
Nabato siya sa request ko. Ngumiwi siya at umukit na sa mukha niya ang pagsuko. Nang makakuha ako ng kompirmasyon ay agad ko tinatawag si Prinsipe Calevi na may hawak ng maiinom. Kahit hindi pa ito ubos ay ibinalik niya sa mesa ang baso saka agad siyang lumapit sa amin para makarating kami ssa hardin. Tamang tama lang din na malamig ang simoy ng hangin. Bilog at maliwanag pa ang buwan. Nagagawa din namin magkwento ng mga bagay na nakakatawa. Natutuwa din ako dahil medyo nagkakasundo na sina sa Cederic at Prinsipe Calevi. Kumsabagay, madalas hindi nagkakasalubong ang dalawang ito kahit nasa iisang bubong kami. Pare-pareho kaming abala.
Dinala kami ng aming mga paa sa harap ng lawa. Dahil sa pagod at ramdam ko pa ang pagkabusog ay hindi ko na napigilan pa ang aking sarili. Inangat ko ang palda ng aking ball gown saka humiga sa damuhan ng royal garden. Rinig ko ang gulat na ekspresyon ni Prinsipe Calevi sa ginawa ako, samantalang si Cederic naman ay natatawa lang na para bang sanay na siya sa aking ikinikilos. Umupo siya sa aking tabi.
Tumingala ako sa maliwanag na buwan na nasa harap namin. Marahan kong ipinikit ang aking mga mata. Mas dinadama ko ang hangin. Sumagi sa isipan ko ang binaggit sa akin ni Prinsipe Calevi na ang major attribute ng bansang Oloisean ay hangin. Kaya gumagaan at masarap ang pakiramdam ko.
"Nasiyahan ka ba sa pagdiriwang, Rini?" nakangiting tanong ni Cederic.
"Opo, kuya. Masayang masaya ako." tugon ko. Nagawa ko pang humiga sa damuhan. Marahan kong ipinatong ang aking mga kamay sa aking tyan. "Sana may susunod pa..."
"May kasunod naman talaga." bigla may nagsalita.
Agad akong bumangon at sabay kaming napatingin sa aming likuran. Tumambad sa amin ang dalawang katawan na nakatayo sa lilim ng puno. Mabilis kaming tumayo. Lumipat sina Cederic at Prinsipe Calevi sa harap ko para maging harang.
"Sino kayo?!" asik ni Cederic sa mga ito.
Humakbang pa ang mga ito palapit sa amin mula sa pagkatayo nila sa lilim ng puno. Hanggang sa naaninag namin ang mga mukha nila sa pamamagitan ng liwanag ng buwan. Natigilan kaming tatlo nang nakikita namin ngayon sa aming harap ang dalawang prinsipe. Sina Prinsipe Dilston at Prinsipe Otis. Pawang may mga ngiti sa kanilang labi.
"Anong kailangan ninyo?" seryosong tanong ni Cederic sa kanila.
"Hindi kami naririto para humanap ng gulo, Prinsipe ng Cyan." si Prinsipe Otis ang nagsalita. "Sa ibang bagay pa."
"Anong ibig ninyong sabihin?" ako naman ang nagtanong.
Mas lumapit pa sila sa amin. "Pinaghandaan talaga namin ang araw na ito para magkita-kita tayo mismo sa gabi ng aking kaarawan, mga kamahalan." si Prinsipe Dilston ang sumagot.
Kumunot ang noo ko. Anong pinagsasabi ng mga ito?
"Alam namin kung anong kapangyarihan ng nag-iisang prinsesa ng Cyan. At dahil d'yan, may nais kaming imungkahi." dagdag pa ni Prinsipe Dilston.
"Alam ninyo ang kapangyarihan na mayroon ang prinsesa?" kunot-noong ulit ni Cederic. "Pero papaano..."
Oo nga pala. Sabi ni Prinsipe Calevi, maliban sa mga Eryndor... Ang prinsipe mula sa Severassi, Oloisean at Thilawiel ang nakakaalam kung anong kapangyarihan na meron ako. Ang tanong, papaano nila nalaman? Hindi ba, may possible na maging kalaban namin nila sa kinaharap?
"Hindi na importante kung papaano namin nalaman kung anong kapangyarihan na nakatago sa katawan ng prinsesa." wika ni Prinsipe Dilston. "Narito kami para isang panukala."
"Anong panukala naman ito?"
"Nais naming idugtong ang relasyon na meron ngayon ng bawat Imperyo." si Prinsipe Otis. Humalukipkip siya. "Alam nating kaya makita ng prinsesa ng Cyan kung anong mangyayari sa hinaharap. Dagdag pa na marami pa rin ang naghahabol sa kaniya, hindi lang paslangin. Nais din siyang agawin ng iba pang Impyero. Hindi lang ang Cyan, Thilawiel, Oloisean at Severassi ang Imperyo na aktibo sa buong mundo."
"H-ha...?" Ibig sabihin, meron pa?!
Seryoso siyang tumingin sa akin. "Sa tingin mo ba, basta-basta ka nila papatayin? Masasabi nating oo. Pero may gusto din magkamtam ang kapangyarihan na meron ka. Gusto nilang gamitin 'yon upang sila ang sumakop ng iba pang teritoryo. Gusto nilang makamit ang kapangyarihan na kinalalagyan ngayon ng mga Eryndor."
Napalunok ako. Unti-unti umaahon ang kaba sa aking sistema. Bigla ko naalala ng unang gabi na nasa katawan ako ng isang sanggol. Tumambad sa akin sina Vencel at Raegan na nababalutan ng dugo ang kanilang baluti. Sinasabi niyang nawasak at napatay na daw nila ang mga taong gustong magtatangka sa aking buhay. It means, this is the main reason?!
"Ipinapangako namin na hindi kami ang hadlang at lalo na hindi kami ang kalaban, prinsipe at prinsesa ng Cyan." si Prinsipe Dilston naman ang nagsalita. Nilahad niya ang kaniyang palad, unti-unting lumalabas ang hugis bilog na kulay asul na aura... O mana yata ang tawag ni Prinsipe Calevi doon. "At ang kasunduan na ito ang magpapatunay na hindi kami magtataksil sa inyo. Ibibigay namin ang buo naming katapatan para sa inyo."
Nilahad din ni Prinsipe Otis ang kaniyang palad. May lumabas doon na dalawang kulay na kaniyang kapangyarihan. Kulay lila at kulay dilaw. Bumaling ako kay Prinsipe Calevi na ganoon din ang kaniyang ginawa, milabas niya ang kulay berde niyang enerhiya. Tumingin silang tatlo sa amin ni Cederic. Hinihintay nila ang magiging desisyon namin. Nagkatinginan kaming magkapatid. Napalunok ako. Siya nga pala, walang nakakaalam kung anong kapangyarihan na meron ang mga Eryndor, maski ako.
"Kuya Cederic?" tawag ko sa kaniya, may bakas na pag-aalala.
"Hindi dapat ako ang kaharap ninyo tungkol sa bagay na 'yan." malungkot niyang wika. "Dapat ang unang prinsipe---ang prinsipeng tagapagmana ng Cyan ang kakausapin ninyo tungkol sa bagay na ito."
Huminga ako ng malalim. Nilapitan ko siya saka tinapik ang isa niyang balikat. "Tutulungan po kita magpaliwanag kay papa at sa mga kapatid natin, kuya. Huwag ka mag-alala, hmm?" malumanay kong sabi.
Gulat siyang tumingin sa akin. "R-Rini..." marahan niyang ipinikit ang kaniyang mga mata. Kumawala siya ng isang malalim na buntong-hininga. Nang idinilat niya ang kaniyang mga mata ay nababasa ko ang determinasyon doon. Nilahad na din niya ang kaniyang palad.
Bahagyang nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko na unti-unting may lumalabas na mga enerhiya mula sa kaniyang palad. Apat na kulay! Pula, sky blue, ginto at puti. Tulad ko ay hindi makapaniwala ang nakaukit sa mukha ng mga prinsipe. Ito pala ang kapangyarihan na meron ang mga Eryndor! Kaya sinasabi nila na ang pinakamalakas na Impyero ay ang Cyan!
"Wow..." mahina kong sambit kaya hindi nila 'yon narinig.
"Ngayon, si Prinsesa Styriniana ang magiging saksi ng kasunduan na ito." pagpapatuloy ni Prinsipe Dilston. "Buksan mo ang iyong mga palad, mahal na prinsesa."
Ginawa ko ang ipinag-uutos niya. Kusang lumapit ang mga enerhiya sa akin. Naglalaro ang mga ito sa taas ng aking mga palad. Hindi ko mapigilang mamangha sa aking nakikita. It really looks magical and amazing! Ilang saglit pa ay isa-isa pumasok ang mga enerhiya na ito sa aking mga palad.
"Isara mo na." marahan na sabi naman ni Cederic.
Ipinagdikit ko ang mga palad ko. Umawang ang aking bibig nang may maramdaman ko na uminit ang nang kaunti ang aking katawan. Siguro ay dahil sa mga enerhiya na natanggap ko mula sa kanila.
"Natakpan na din ang kasunduan." kumento ni Prinsipe Calevi.
Diretso ako nakatingin sa kanila. "Hanggang kailan eepekto ang kasunduan?" tanong ko.
Sumilay ang ngiti sa mga labi ni Prinsipe Otis. "Panghabambuhay."
Hindi ko mapigilang mapangiti. Kinuyom ko ang aking mga palad saka itinaas-baba ko ito sa ere. "Hindi ako makapaniwala. Ang gaganda ng kulay ng mga kapangyarihan ninyo! Hindi ko rin akalain na malalakas pala kayo! Ang galing!" sunod-sunod kong papuri sa kanila habang nangingislap ang aking mga mata!
Ngumiti si Prinsipe Calevi na parang nasanay na siya sa ganito kong ekspresyon. Natatawa naman si Cederic. Masaya ding nakangiti sina Prinsipe Dilston at Prinsipe Otis na nakapameywang.
"Ngayong may kasunduan na tayo, tawagin ninyo nalang akong Rini, ha? Tapos, tatawagin ko nalang kayong Calevi, Dilston at Otis." saka tumawa ako.
"Kung iyan ang gusto mo..." nahihiyang sabi ni Calevi.
"Mukhang masaya ang nag-iisang prinsesa ng Cyan..." biglang may narinig akong boses na hindi pamilyar sa akin. Nanggagaling 'yon sa aking likuran.
Magsasalita pa sana ako nang biglang tinapkan ang aking mga mata. May humapit din sa aking katawan. A-ano ito?! At saka, ramdam ko medyo matanda ang humahawak sa akin ngayon!
"Hihiramin ko muna ang inyong prinsesa..." saka tumawa ito na parang demonyo. Saka umatras kami. Bakit pakiramdam ko ay lumulutang kami?!
"Rini!" malakas nilang tawag sa akin. They sounds devastated and desperate...
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 31 Episodes
Comments