Ilang araw nang nakalipas ay wala pa ring sensyales na gising na ang prinsesa. Nanatili at mahimbing pa rin ang tulog nito. Walang araw na hindi ito binibisita ng mga Eryndor, ng mga prinsipe lalo na si Vencel. Kahit na may kasiguraduhan na ligtas na nga ito ay hindi pa rin mawala sa kaniya ang pagkabahala. Simula nang nasaksihan nila ang kapangyarihan na meron sa batang prinsesa ay hindi na maalis sa isipan nila ito. Mas lalo siya ginapangan ng pangamba. Hindi niya alam kung ano ang susunod na mangayayari. Siguro kung may tamang tao na magtuturo kung paano ang tamang paggamit nito. Gustuhin man niya personal na turuan ito ngunit, hindi niya rin maaaring iwan ang tugkulin niya sa Cyan. Komplikado. Masyadong komplikado. Pero iisa lang ang nasisiguro niyang kapangyarihan na meron ang bunsong anak at nakakatakot ito. Kaya nito makita ang nakaraan at ang hinaharap, kaya din nito makipag-usap sa pamamagitan ng isipan, at higit sa lahat... Kaya niya manipulahin ang mga kapangyarihan na meron katangian ng bawat Imperyo. Kahit ang yumao niyang asawa, ang Emperatris ng Cyan ay walang kakayahan na ganoon dahil pangunahing kapangyarihan na meron ito ay ang apoy , kahit na si Lorah ay walang abilidad na gamitin ang lahat ng elemento dahil ang pangunahin niyang kapangyarihan ay ang itim na mahika.
Unti-unti na niyang nasasaksihan at nalalaman kung bakit sinasabi sa propesiya na ang bunsong anak ang magiging susi ng tagumpay ng Imperyo. Ano pa ba ang magagawa ni Rini habang siya'y lumalaki? Ano pa ang kaya niyang gawin sa hinaharap?
Oo, masaya siya pero kaakibat din ang takot at pangamba sa kaniyang sistema. Simula ipinanganak ang sanggol sa Cyan ay ipinangako niya sa kaniyang sarili na iingat at aalagaan niya ang prinsesa bago man tuluyan siyang iwan ng babaeng pinakamamahal niya. Si Theavia.
Nawawala na ang konsentrasyon sa kaniyang binabasa kaya itiniklop ang libro na hawak. Tumayo siya mula sa kinauupuan niyang sofa. Nilapitan niyia ang malapad at malambot na kama. Umupo siya sa gilid nito. Marahan niyang hinawakan ang isang kamay ng Rini. Dinampian niya ito nang maliit na halik.
"Ngayong nakita ko na kung anong kakayahan mo, aking anak. Tulad ng iyong hinihiling, pagbibigyan kita. Dahil isa kang Eryndor." namamaos niyang sabi. "Maghahanap ako ng pinakamagaling na dalubhasa sa salamangka."
Huminga siya ng malalim. Marahan niyang binitawan ang anak saka umalis sa kama. Balak niya sanang puntahan ang panganay niyang anak na si Raegan para utusan na mauna nang bumalik ng Cyan para gawin ang mga naiwan niyang trabaho doon at ilathala na maghanap ng pinakamagagaling na salamangkero ng Cyan. Kasama na din na maghahanap din siya ng pinakamagaling na mandirigma na magtuturo para sa prinsesa.
Maliit na ngiti ang sumilay sa kaniyang mga labi. Sinong mag-aakala na balang araw na kahihiligan ng nag-iisang prinsesa ang pakikipagdigma? Ang buong inaasahan niya ay magiging malumanay, matalino at puro gawain ng isang babae ang kahihiligan nito, nagkamali siya. Baliktad ang reyalidad sa iniisip niya.
Naputol ang pag-iisip niya na biglang may kumakatok sa pinto. Agad niya iyon pinagtuunan ng pansin. Rinig niya ang boses ang Prinsipe ng Severassi mula sa labas. Tumikhim siya't ipinatuloy niya ang bisita. Kusang nagbukas ang pinto. Malamig ang tingin ang ibinigay niya para sa bumisitang prinsipe. Lumapit pa ito nang kaunti sa kaniya.
"Pagbati para sa Emperador ng Cyan." wika niya saka nagbigay-pugay sa kaniya.
"Ang prinsesa ba ang sadya mo, Prinsipe ng Severassi?" seryoso niyang tanong sa kaharap.
Tumingin ito sa kaniya. Itinago niya ang pagkabigla nang makita niya ang hitsura ngayon ni Prinsipe Calevi. Mas seryoso mukha ni Vencel. Iba ang pakiramdam niya para dito. "Naririto po ako ngayon dahil kayo po ang sadya ko, mahal na Emperador ng Cyan." maski ang tono ng pananalita nito mas naging pormal at seryoso.
Taas-noo niya itong tiningnan. "Kung ganoon ay ano ang sadya ng Prinsipe Ng Severassi sa akin?"
Marahan ipinikit ni Prinsipe Calevi ang kaniyang mga mata ng ilang segundo. Kunyom nito ang mga kamao, iyon ang tanging paraan niya upang humugot ng lakas. Hindi rin nagtagal ay dumilat siya't dumiretso tumingin sa mga mata sa kaniya. "Ilang beses ko na po pinag-isipan ang bagay na ito simula ng araw na tumakas po ako sa Severassi."
Nabanggit nga sa kaniya ni Rini na may dahilan kung bakit napadpad ang Prinsipe na ito sa kaniyang Kaharian. "Ipagpatuloy mo," malamig niyang utos.
"Nais ko pong ipaalam sa inyo na lilisanin ko na po ang Cyan sa oras na magising na po ang prinsesa. Naisip ko pong pupunta po ako ng Kaharian ng Ibilania upang mag-aral."
"Ibilania?" ulit pa niya.
Ang Kaharian ng Ibilania ay mas malayo. Wala ito sa lugar ng Thilawiel, Cyan, Oloisean o ng Severassi. Kabilang na ito sa ibang kontinente sa buong mundo. Ilang araw at gabi pa bago marating ito sa mapapagitan ng sasakyang-dagat. Kahit ganoon, maraming kilalang Akademya sa bansa. Mas kilala ito sa pag-aaral ng mahika at ng sa pag-aaral na pakikipaglaban, mapa-espada man, mahika o ano pang armas.
"Hindi kaya masyadong malayo ang pagtutunguan mo, Prinsipe ng Severassi?" tanong ni Vencel, hindi inaalis ang kaseryosohan sa mukha pati sa tingin nito.
Marahan na ipinikit ni Prinsipe Calevi ang mga mata. "Iyon lang po ang tanging paraan alam ko para mabawi ko po ang Kaharian na dapat ay sa akin. Hindi ko rin po kayang iwan ang aking mamamayan pero wala na po akong pagpipilian pa. Para po sa akin, ang isang tulad ko po ay hindi pa sapat ang lakas upang pamunuan ang buong Imperyo na ang mismong ninuno hanggang sa akin ama na nagtatag."
Huminga ng malalim si Vencel. "Kung iyan ang iyong naging pasya, hindi kita maaaring pigilan. Mas karapat-dapat ka nga talaga na ikaw ang mamumuno ng Imperyo ng mga Levanadel. Patunayan mo na nararapat ka ng sa trono at korona ng mga Levanadel."
"Maraming salamat po sa pag-itindi, kamahalan." muli ito yumuko at lumabas na ng silid.
**
Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata. Isang pamilyar na kisame ang naaninag ko kahit na medyo nanlalabo pa ang aking mga mata. Medyo iginalaw ko ang aking ulo para tingnan kung may tao ba dito sa guest room ng Palasyo. Meron nga. Si Nesta ng bumungad sa akin. Umaakyat-baba na ang kaniyang ulo kahit na nakaupo siya sa sofa. Sunod ko sinulyapan ang bintana ng silid na ito. Umaga o tanghali na?
Sinubukan kong gumalaw. Medyo masakit pa ang aking katawan pero kaya pa naman. Tagumpay akong nakaupo, isinandal ko ang aking likod sa headboard ng kama. Kinusot-kusot ko ang aking mga mata. Ano na pala ang nangyari? Huling natatandaan ko lang ay hindi ko na makontrol ang sarili ko. Nanlaki ang mga mata ko nang may napagtanto ako. Teka, 'yung bata pala na kasama ko bilang bihag? Ligtas ba siya o wala na talaga? Papaano na ang katawan niya? Naibalik na ba siya sa kaniyang mga magulang?
Nilahad ko ang aking mga palad sa aking harap. Sumagi din sa isipan ko na nagawa kong maglabas ng mga kapangyarihan pero hindi ko magawang kontrolin ang mga ito. Pero tagumpay na natalo ang itim na babae na nakaharap ko, hindi dahil sa akin kungdi sa tulong ni Vencel. Hindi ako makapaniwala sa pamamagitan lang ng ganoong kilos ay nagawa niyang puksain ang babaeng 'yon. Hindi na nga nakakapagtataka kung bakit ang mga Eryndor ang pinakamalakas sa lahat ng Imperyo. Kahit ganoon ay nakakaramdam pa rin ako ng frustrations. Bigo ako makaligtas ng isang buhay. Iyon ay ang kasama ko.
"Mahal na prinsesa?" rinig kong boses ni Nesta.
Tumingin ako sa kaniya. Kita ko kung papaano siya napasapo sa kaniyang bibig, tila hindi siya makapaniwala na buhay pa ako. "Nesta... Ilang araw akong tulog?"
Agad niya ako dinaluhan. "Halos dalawang linggo ka nakatulog, mahal na prinsesa." naiiyak niyang sabi. "Malaking tulong din ang mahika ng mga salamangkero sa Oloisean. Gayundin ang mahika mula sa prinsipe ng Thilaweil. Ginawa nila ang lahat upang tuluyan kang gumaling, mahal na prinsesa." paliwanag niya.
Ibinuka ko nang kaunti ang aking bibig. Speaking of Otis, naalala ko din na sinundan niya ako sa Cedarrot para iligtas ako.
"Ipapaalam ko po sa mahal na Emperador na gising na kayo, mahal na prinsesa!" bulalas niya. Agad niya ako tinalikuran para daluhan ang pinto hanggang sa nakalabas siya sa silid na ito.
Napahawak ako sa aking chin. Come to think it, may kakayahan din pala ako maglabas ng mga magical powers. Especially the elemental ones. Pero ang hindi ko maitindihan kung papaano ko nagawa 'yon na ilabas ang mga at the same time?
"Wow..." mahina kong bulalas.
Agad akong tumingin sa pinto nang malakas 'yon na nagbukas. Nakita ko doon ang mga tao na inaasahan ko na susugod dito sa silid. Nauuna na doon sina Vencel pati ang mga kapatid ko, maliban kay Raegan na ipinagtataka ko kung nasaan siya. Nakasunod sa kanila ang iba pang prinsipe mula sa ibang Imperyo. Pero mas ipinagtataka ko na nakasunod din sa kanila ang Emperador at Emperatris ng Oloisean. Oh well, baka pinasan nila ang resposibilidad dahil nangyari ang insidente sa mismong lupain nila.
"Rini!" malakas at sabay-sabay nilang tawag sa akin. Ang iba kong kapatid ay gumapang talaga sa kama saka sinunggaban ako ng yakap, lalo na si Cederic.
"Dahan-dahan, Cederic! Kakagaling lang ni Rini!" suway sa kaniya ni Eomund.
Hinawakan ni Cederic ang magkabilang balikat ko. Huh, bakit parang naiiyak siya? "Patawad, Rini. Hindi ko nagawa nang buo ang tungkulin ko bilang nakakatanda mong kapatid. Patawad..." saka muli akong niyakap. "Patawad, Rini."
"H-hehe... Ayos na ako, kuya Cederic. Huwag ka na makonsensya... Tagumpay akong niligtas nina Papa... At Otis." malumanay kong sambit, mahina kong tinatapik ang kaniyang likod.
Nang inilayo na ni Cederic ang sarili niya mula sa akin ay si Vencel naman ang lumapit sa akin. Umupo siya sa gilid ng kama. Marahan niyang hinawakan ang aking kamay, saka masuyo niyang hinaplos ang aking buhok. "Kamusta na ang pakiramdam mo, aking prinsesa?"
Ngumiti ako. "Maayos na po ako, papa. Huwag po kayo mag-alala. Salamat po sa pagligtas ninyo sa akin."
Kita ko kung papaano din siya napangiti sa sinabi ko. Wait, bakit naiimagine ko na may mga bulaklak sa paligid niya? "Ikinagagalak kong marinig 'yan, aking bunso. Pinauna ko si Raegan na bumalik sa Cyan para hanapan ka ng mga taong magtuturo sa iyo para sa iyong pag-eensayo."
Itinagilid ko ang aking ulo. "Magtuturo? Pag-eensayo?" ulit ko.
Tumango siya. "Ilang beses mo sinabi sa amin na gustung-gusto mong matutunan ang paggamit ng mahika at matuto makipaglaban. Dahil sa nakita ko, wala na akong magagawa pa kungdi pagbigyan ka." humigpit ang pagkahawak niya sa kamay ko. "Pero, ipangako mo sa akin, Rini. Sa oras na matutunan mo ang mga bagay na 'yon ay gagamitin mo ito upang ipagtanggol ang sarili mo."
Sa mga narinig ko ay dahan-dahan nanlalaki ang mga mata ko. Napasapo ako sa aking dibdib. Bigla ko naramdaman ang pagbilis ng tibok ng aking puso. Umahon ang saya at excitement sa sistema ko. Walang sabi na niyakap ko siya nang mahigpit. Medyo napaatras siya dahil na din sa gulat. "Maraming salamat po, papa! Opo, hindi ko po gagamitin 'yon sa kasamaan. Kung alam ninyo lang po kung gaano ako kasaya!"
Ramdam ko na mahina niyang tinapik ang aking likod. "Walang anuman, aking bunso. Hangga't maaari ay gagawin ko ang lahat kung ano ang nakakapagpasaya sa iyo." saka hinalikan niya ang aking noo.
Medyo inilayo ko ang aking sarili mula sa kaniya. Walang sabi na ikinulong ko ang kaniyang mukha sa pamamagitan ng aking mga palad. Kita ko kung papaano siya nagulat sa aking ginawa. Hindi mawala ang ngiti sa aking mga labi."Hinding hindi po ako nagsisisi na ikaw po ang ama ko, papa." saka hinalikan ko ang kaniyang noo. Tumingin ako sa kaniya pagkatapos para makita ko kung ano ang reaksyon niya.
Mahina akong tumawa dahil namumula siya sa ginawa ko. "A-anak..." nahihiya niyang sabi.
"Hehe."
"Hoo... Sa tagal ko sa mundong ito, ngayon ko lang nakita kung papaano namumula ang Emperador ng Cyan." biglang sabi ng Emperador ng Oloisean. "Iba ka talaga, Vencel."
Taka akong bumaling sa kaniya. Pinagmasdan ko nang mabuti ang ama ni Dilston. Blangko ang ekspresyon ng aking mukha. Kuhang-kuha nina Luth at Dilston ang mukha ng tatay nila. May hawig din naman si Heidi dito pero may nakuha din siyang features mula sa Emperatris.
Napalunok ako nang nagtama ang tingin namin ng Emperador ng Oloisean. Lumapad ang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi, akala mo nasiyahan siya na makita niya ako. Idinapo niya ang kaniyang palad sa kaniyang dibdib saka nagbow sa harap ko. "Ikinalulugod kong masilayan ang unang prinsesa ng Cyan na ligtas at nanunumbalik na ang sigla." bati niya sa akin. Muli nagtama ang tingin namin. "Paumanhin kung hindi kita gaano nakausap ng mga nakaraang araw dahil sa pagiging abala ko sa paghahanda. Ngayon ay malaya na akong makausap at makasama ang magiging manugang ko."
Bigla nabalutan ng nakakabinging katahimikan ang buong silid.
Bumaling ako kay Vencel. "Papa, ano po ang manugang?" okay, painosente effect muna.
Hinawi niya ang takas kong buhok. "Kalaban, anak. Iyan ang ibig sabihin n'on."
Laglag ang panga ni Albelin sa naging sagot ni Vencel. "Vencel, hindi 'yan ang ibig sabihin ng manugang! Hindi ako kalaban. Huwag mong lasunin ang isipan ng magiging asawa ni Dilston."
What?
Malamig akong sumulyap sa kinaroroonan ni Dilston. Binigyan ko siya ng isang tingin na nagsasabing: "Hoy, anong pinagsasabi ng tatay mo?" Umatras siya ng isa saka mabilis na umiiling. Sinasabi na huwag ako maniwala sa sinasabi ng tatay niya. Ibinalik ko ang tingin ko kay Albelin saka ngumiti. Nagbow ako sa kaniya. "Ipagpatawad ninyo po, mahal na Emperador ng Oloisean. Wala po akong interes na mag-asawa, masyado pa po akong bata at marami pa po akong pangarap sa buhay." magalang kong sambit kahit gasgas na ang linya na 'yan.
Laglag ang panga niya.
Nagkatinginan kami ni Vencel. Binigyan niya ako ng thumbs up. Humagikgik ako. Sumulyap ako sa mga kapatid ko. Ganoon din ang ginawa nila, tuwang-tuwa sila sa isinagot ko. Ganoon din si Otis, nakangisi pa. Ngumiwi ako sa kaniya.
Nanlulumong lumuhod ang Emperador ng Oloisean. "Tinanggihan na ako ng ama, kahit ang prinsesa ay tinanggihan din. Hindi ko na alam ang gagawin ko."
"Sumuko ka nalang, Albelin. Wala ka nang magagawa upang baguhin ang isipan ng prinsesa."
"Napakalupit mo, Eryndor." kinuyom niya ang kaniyang kamao. "Hinding hindi ako susuko."
**
Pagkatapos nila ako kamustahin ay ipinagtataka ko kung bakit nagpaiwan si Calevi sa silid. Hindi naman siya hinila ng mga kapatid ko maski ni Vencel dahil ang alam ko ay napaka-overprotective nila pagdating sa akin. Tahimik siyang nakaupo sa silya nasa tabi lang ng kama. Kakatapos ko lang kumain at uminom. Bumaling ako sa kaniya.
"Calevi?" tawag ko sa kaniya. Doon ay tumingin sa akin. Nababasa ko sa mukha niya ang pagka-alinlangan. Pero para saan? "May problema ba?"
"R-Rini..." tawag niya sa akin na may bahid na pag-aalala. "Nakausap ko na ang Emperador ng Cyan... Nasabi ko sa kaniya ang plano ko."
"Plano? Anong plano naman 'yon?"
Bumaba ang tingin ko sa kaniyang mga kamao. Nakakuyom 'yon pero nanginginig. "Nasabi ko sa kaniya na sa oras na magising ka na, aalis na ako sa Cyan."
Natigilan ako sa aking narinig. "A-aalis ka...?"
Isang malungkot na tingin ang ipinakita niya sa akin. "Patawad... Alam kong biglaan. Pero buo na ang loob ko sa desisyon ko na ito, Rini. Ito nalang ang tanging paraan na alam ko para masolusyonan ko ang sarili kong problema. Hindi ko man makuha ngayon ang dapat sa akin, sana sa hinaharap." mapait siyang ngumiti sa akin. "Ilang taon ako mawawala muna sa tabi mo. Alam kong wala pa akong sapat na lakas para bumalik sa Severassi at talunin ang mga dapat kong talunin. Magpapakalayo muna ako para mag-aral at ipinapangako ko na maging malakas, hindi lang sa para mga kapwa ko ding Severassian, kungdi para na din sa iyo."
"C-Calevi..." mahina at hindi makapaniwalang sambit ko sa kaniyang pangalan.
"Hinding hindi ko makakalimutan kung gaano ka katapang at masaya maging kaibigan, Rini." nanginginig na ang boses niya. Hinawakan niya ang isang kamay ko. "Ipapangako ko na babalik ako, hindi bilang isang mahinang prinsipe. Ipapangako ko na maging katulad din ako nina Dilston, Otis pati ng mga kapatid mo. Babalik ako na karapat-dapat ako bilang tawagin din na isa din akong prinsipe. Na papatunayan ko na karapat-dapat ako bilang susunod na Emperador ng Severassi."
Nang marinig ko ang bawat salita na binitawan niya, pinipiga ang puso ko. Siguro dahil naattach na ako sa kaniya dahil araw-araw ko na siya nakakasama simula na kinupkop namin siya hanggang ngayon. Maiksi man ang panahon na nagkasama kami, marami nang kaming binuo na alaala. Marahan kong ipinikit ang aking mga mata. Sumagi ang isang pangitain para sa kaniya. Hindi isang masamang pangitain. Sa pagdilat ko ay masaya akong ngumiti sa kaniya pero may halong pait na aking nararamdaman. Marahan kong idinapo ang aking palad sa kaniyang pisngi. Hindi ko na rin namalayan na tumulo na pala ng butil ng luha na marahas na umaagos 'yon sa aking pisngi.
"Calevi, ipagdadasal ko na sana ay maging ligtas ka sa iyong mahabang paglalakbay. Nawa'y maging tagumpay na makamit mo ang pangarap na inaasam mo. Ang masasabi ko lang, maghanap ka ng mga tao na karapat-dapat. Dahil sila ang tutulong sa iyo upang mabawi mo ang dapat ay sa iyo. Inaalay nila ang buong buhay nila para maging matapat sa iyo." nanginging na din ang boses ko habang sinasabi ko ang mga bagay na ito.
"Rini..."
"Habang wala ka... Tulad mo, magpapalakas din ako. Hinding hindi ko makakalimutan ang mga itinuro mo sa akin kung papaano pumana. Gagawin ko ang lahat para maging mahusay sa gayon ay maipagmamalaki mo bilang disipulo mo."
Ngumiti din siya pero may namumuong luha sa kaniyang mga mata.
"Ayokong magpaalam. Sa halip, hihintayin ko ang araw na babalik ka, Calevi."
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 31 Episodes
Comments