CHAPTER 7

Mabilis kong idinilat ang aking mga mata. Napangiwi ako saka kinusot ang aking mga mata. Nakakainis, wala parin. Mukhang hindi pa nagmamanifest ang kapangyarihan ko. Kumawala ako ng isang marahas na buntong-hininga. Itinapon ko ang aking sarili sa malambot at malapad na kama. Tumitig ako sa kisame ng aking silid. Namumungay ang aking mga mata siguro ay dahil napapagod na din ang aking utak sa kakaisip kung ano ba ang dapat kong gawin para muli umandar ang aking precognition skills. Ilang beses ko din inaalala ang mga mukha na dumalo mula noong binyag ko hanggang ng huling nagcelebrate ako ng birthday ko. Iniisip ko na baka dahil sa kanila ay magtrigger ang skills ko. Wala, bigo parin.

Lumagpas na ng isang buwan buhat tumakas ako sa Palasyo. Pagkatapos n'on ay hindi na sundan. Ilang beses na din ako tinatanong ni Vencel kung may gusto ba akong puntahan pero wala akong maisagot dahil wala pa akong maisip na lugar. Ang tanging tambayan ko lang sa ngayon ay ang library at kuwarto. Nagbabakasakali ako na may makita akong magical book sa silid-aklatan ng Palasyo para makatulong sa skills ko pero wala din akong nakita. Dahil d'yan ay unti-unti na ako nawawalan ng pag-asa.

Bumalikwas ako ng bangon. Dinaluhan ko ang bintana ng aking silid. Lumapat ang isang palad ko sa salamin. Bumaba ang tingin ko. Nakikita ko mula dito ang mga tao na abala sa kani-kanilang gawain. Ang mga maid ay masayang nagkukwentuhan habang naglalaba at nagsasampay ng mga uniporme ng mga kawal at ng mga kabalyero. Meron din mga puti at malalapad na tela. Tanaw ko din mula dito ang mga kawal na masaya din nagkukwentuhan habang nasa ilalim sila ng puno, marahil ay break time nila.

Nagbuntong-hininga ako. Medyo nakaramdam na ako ng pagkabored. Napagpasyahan ko nang umalis sa harap ng bintana. Lalabas na nga lang muna ako. Maggagala sa Palasyo, baka may mahanap ako ng gagawin.

Walang tao sa pasilyo nang lumabas ako. Marahan kong isinara ang pinto ng silid saka naglakad-lakad. Kahit ang pagbibilang sa mga hakbang ko ay nagawa ko na para may magawa na ako. So this is the perks of being an Emperor's princess. Tiba-tiba na ako sa pagiging tamad. Bigla akong tumigil sa paglalakad. Biglang may sumagi sa isipan ko na isang ideya na makakatanggal ng boredoom ko. Hindi ko mapigilang mapangiti saka umaribas ako ng takbo patungo sa lugar na 'yon!

Nakalista na sa isipan ko ang mga ideya na gagawin ko para mawalan ang boredoom ko. Tutal naman ay hindi pa nagmanifest ang magical ability ko. Pabebe masyado. Kainis.

**

Medyo malapit na ako ay rinig ko ang ingay mula dito mga hiyawan na may energetic at determinado pa, meron din hiyaw na akala mo ay pagod na. Ngumuso ako saka hinawakan ko ang laylayan ng palad ng aking bestida. Maingat akong lumapit sa bakod na yari sa bricks. Sumilip ako nang kaunti. Napaletra-O ang aking bibig nang masilayan ko mga grupo ng kalalakihan na abala pa sa pag-eensayo Ang iba sa kanila ay mga may damit pa pero ang iba din sa kanila ay nakatopless at nagpapahinga na sa lilim ng puno. Nangingislap ang aking mga mata nang makita ko ang mga pangangatawan nila. Firm na firm ang mga biceps nila. Napasinghap ako sa pagkamangha nang makita ko ang mga nakaumbok at nangingintab dahil sa pawis na mga abs. Wonderful! Akala ko makikita ko lang ito sa tv o sa mga pictures pero mas masarap tingnan sa pala kapag nakikita mo sa personal.

"Itaas ninyo pa! Hindi pwedeng ganyan kung nasa mismong labanan na tayo!" rinig kong sigaw ni Raegan sa hindi kalayuan.

Agad siya hinahanap ng aking paningin. Naroon siya sa may podium. Seryoso na nakahalukipkip. Pinapanood niya ang mga tauhan niya. Wow! Mas pumopogi pala ang kapatid ko kapag ganyan siya kaseryoso, hindi 'yong mga madalas na nakikita ko sa kaniya na halos handa na siyang pumatay, nagiging halimaw siya sa paningin ko.

"Rini?"

Napatili ako dahil sa gulat. Agad ako humarap at napasandal sa pader. Sapo-sapo ako sa aking dibdib saka hinihingal. Akala ko lalabas na ang puso ko!

"Ayos ka lang, Rini?" nag-aalalang tanong niya sa akin.

Inangat ko ang aking tingin. Muli ako napanghap na nasa harap ko na pala ang isa ko pang kapatid. Si Eomund, ang pangalawang prinsipe! "K-kuya..." mahina kong tawag sa kaniya.

Tinagilid niya ang kaniyang ulo, may pagtataka sa kaniyang mukha. "Anong ginagawa mo dito?"

"Anong nangyayari?!" rinig ko naman ang pag-aalalang boses ni Raegan. Bigla siyang sumulpot sa kaliwa ko. "Rini?"

Ngumiwi ako. "K-kuya..." bati ko sa kaniya.

Napasapo siya sa kaniyang noo. "Ang akala ko may nangyaring masama." lumapit pa siya sa akin. Lumuhod siya sa harap ko saka hinawakan ang isang kamay ko. Ngumiti siya. "Ano pala sadya ng bunso naming kapatid sa lugar na ito?"

Bago ako sumagot ay napatingin ako sa mga kawal na nasa likuran niya. Pawang may mga ngiti sa kanilang mga labi nang makita nila ang presensya ko dito. Mukhang fanboys ko din pala ang mga ito. Ibinalik ko ang tingin kay Raegan. "Nababagot na po kasi ako sa kuwarto ko, kuya Raegan." pag-amin ko. "Wala po akong magawa kungdi maglakad-lakad nalang saka napadpad po ako dito."

Muling ngumiti ang mga kapatid ko sa aking sagot. "Ganoon ba? Sige, ipapahanda ko muna ang mauupuan mo habang pinapanood mo ang pagsasanay namin."

Heto na, this is it!

Walang sabi na niyakap ko siya na alam kong ikinagulat niya. Kahit si Eomund ay napasinghap sa ginawa ko.

"Rini?" nagtatakang tawag ni Raegan. "Anong problema?"

"Kuya..."

"Ano 'yon, mahal na prinsesa?"

Kumalas ako ng yakap mula sa kaniya. Ngumuso ako saka pinagdikit ko ang mga hintuturong daliri ako. Bumaba ang tingin ko sa lupa. Mas lalo sila nagtaka sa inakto ko. "Ano kasi kuya... Ang totoo niyan, gusto kong... Mapag-aralan ang paghawak at makipaglaban gamit ng espada..."

Nanigas siya sa naging hiling ko. Alam ko na ganoon talaga ang magiging reaksyon nila.

"Pero Rini, sigurado ka ba talaga na gusto mong matutunan ito?" tanong ni kuya Eomund.

Determinado akong tumango. "Walang problema po sa akin kung mahihirapan ako sa una dahil ganoon naman talaga, hindi po ba? Ang sabi nga po nila, walang makakamit ng tagumpay kung hindi muna dadaan sa hirap..." matamis akong sumulyap sa kanila.

Marahas na kumawala ng buntong-hininga si Raegan, mukhang wala na siyang magagawa pa. Ganoon din si kuya Eomund. Hinawakan nila ang magkabilang kamay ko habang papasok na kami sa training field nila. Sabay-sabay yumuko ang mga kawal para batiin ako. Ngumiti ako bilang ganti. Kita ko kung papaano namula ang mga mukha nila pero agad din nawala 'yon nang tinapunan sila ng matalim na tingin nina Raegan at Eomund. Hehehe. Okay, muntik ko na makalimutan na overportective pala ang mga kapatid ko pagdating sa akin.

Nakapusod na ang aking kulay blonde na buhok. Nakasuot na din ako ng training clothes. Lumapit sa akin si Raegan na may ngiti sa kaniyang mga labi. May hawak siyang espada pero yari ito sa kahoy. Lumunod siya sa akin saka inabot sa akin ang naturang armas na 'yon. "Ito ang gagamitin mo, Rini." malumanay niyang sabi.

Masaya kong tinanggap ang wooden sword. Sakto lang ang bigat nito para sa akin. Finally, I can learn how to weild a sword. Tama lang din pala ang desisyon na pumunta ako sa lugar na ito para matanggal ang boredoom ko kanina pa.

"Ako mismo ang magsasanay sa iyo, Rini. Ayos lang ba sa iyo 'yon?"

Agad ako tumango. Hindi maitago ang excitement sa akin. "Ayos na ayos sa akin, kuya. Ikinarangal ko na maturuan ng isang magaling at malakas na kabalyero tulad mo, kuya Raegan!" bulalas ko.

Nanigas siya sa pwesto niya nang marinig niya ang pagpupuro ko sa kaniya. Dumapo ang kaniyang palad sa kaniyang dibdib na akala mo ay inatake siya ng saksak. "Masyado mo pinasaya ang iyong nakakatandang kapatid, mahal na prinsesa."

"Totoo po ang sinasabi ko, kuya Raegan. Kayo po ni papa pati na din sina kuya Eomund at kuya Cederic ang pinakamalakas na kabalyero para sa akin."

Dahil d'yan ay hindi na mapigilan ni Raegan ang kaniyang sarili. Ikinulong niya ng mga palad niya ang aking mukha saka idinikit niya ang kaniyang noo sa akin na may ngiti sa kaniyang mga labi. "Ikinararangal ko din na protektahan ang aming pinakamamahal na prinsesa."

Ngumiti na din ako. "Inaasahan ko 'yan, kuya Raegan!"

**

I didn't expect that will be so exhausting. Lumipas lang ng thirty minutes ng training namin ni Raegan pero napagod na ako ng husto. Kasama na doon ang warm up at basic components ng swordsmanship. Umupo ako sa upuan na ipinahanda niya sa akin. Pinunasan ko ang aking pawis. Tumingin ako sa mga kawal na abala pa rin sa pag-eensayo. Uminom din ako ng tubig. Napukaw ng aking paningin si Eomund na kasalukuyang nagtatakbo sa buong training field. Bumaling ako kay Raegan na umiinom din ng tubig.

"Kuya Raegan? Bakit po hanggang ngayon ay tumatakbo pa rin si kuya Eomund?" inosente kong tanong sa kaniya.

Tumingin siya sa akin pagkatapos niyang uminom ng tubig. "Kulang kasi sa kaniya ang pagpapakondisyon ng kaniyang katawan kaya matagal siyang tumatakbo."

"Hindi po ba siya nahihirapan? Hindi po ba siya napapagod agad bago siya magsanay?" sunod kong tanong.

"Hmmm... Sa totoo lang ay matagal na niyang ginagawa 'yan. Nasanay lang ang katawan niya na ganoon ang dapat gawin para maiwasan din ang sobrang pagkapagod. Kahit na pagod na siya ay may matitira pa siyang lakas sa oras na makaharap pa niya ang kalaban..." pagpapaliwanag niya.

Tumango ako, medyo naiitindihan ko ang ibig niyang sabihin. Napahimas ako sa aking baba. Nag-iisip ako kung tama bang espada ang kailangan kong hawakan na may kinalaman sa aking magic ability.

"May problema ba, Rini?" marahan niyang tanong.

Tumingin ako sa kaniya. Agad ako umiling. "Wala naman po, kuya. Nag-iisip lang po ako." magalang at nakangiti kong sagot.

Ramdam ko na marahan niyang idinapo ang kaniyang palad sa aking ulo. Nagtataka akong tumingin sa kaniya. "Sa totoo lang, nag-aalangan ako kung maaari mong pag-aralan ang paggamit ng espada. Hindi ko sinasabi sa iyo ito bilang isang nakakatandang kapatid, kungdi bilang batikan na sa larangan ng digmaan. Sa tingin ko kasi, hindi espada ang nababagay para sa iyo, Rini."

Natigilan ako sa sinabi niya. Marahil ay tama nga siya sa kaniyang opinyon. Alam ko sa sarili ko na hindi ko kaya tumagal sa battlefield kapag hawak ko ang espada because it's more in physical and strength base on my experience earlier. Ano pa ba? Ano pa ba ang dapat kong gawin?

Sa loob ng pitong taon, ang precognition lang ang alam kong kapangyarihan na meron ako. Wala nang iba pa.

"Susundin ko po ang opinyon mo, kuya." nakangiting sabi ko.

Naputol ang usapan naming magkapatid na biglang may dumating na isa din sa mga kawal. Pero sa tingin ko ay hindi ito isa sa mga tauhan ni Raegan. Base sa kaniyang uniporme ay isa siya sa mga tauhan ni Vencel.

"Mawalang galang na po kung naputol ko po ang pag-uusap ng mahal na prinsipe Raegan at mahal na prinsesa Rini. Ipinag-uutos po ng mahal na Emperador Vencel na kitain siya sa bulwagan sa lalo madaling panahon po sana." wika niya sa amin.

Tumayo kami ni Raegan. "Masyado bang importante ito?" pormal na tanong niya.

"Opo, nais din po niya ang presensya ng mahal na prinsesa."

"Anong dahilan?"

"Narito po sa Palasyo ang prinsipe ng Severassi."

Lumaglag ang panga ko nang marinig ko ang balita. Tumingin ako sa kawalan. I swallowed hard and pressed my lips. Umahon na ang pinaghalong kaba at takot sa aking sistema. Papaano na ito? Hindi pa naman alam ng mga Eryndor na muntik na akong mapahamak nang lumabas ako ng Palasyo. Sa oras na malaman nila ang tungkol dito, mas magiging mahigpit sila sa akin. O hindi kaya, baka wala na akong tsansa pa na makalabas pa in near future!Ang mas ikinatatakot ko na baka bumuhay na naman ang pagiging tyrant nila! Baka madamay ang mga inosenteng tao doon sa galit nina Vencel pati ng mga kapatid ko.

"Rini? Ayos ka lang ba? Bakit namumutla ka?" nag-alalang puna ni Raegan.

Kung magkukungwari naman akong may sakit, hindi rin uubra. Lalabas at lalabas din ang totoo! Papaano na?

"Rini?" muling tawag niya sa akin.

Ngumiwi akong tumingin sa kaniya. "K-kuya..." pakiramdam ko ay nanghihina ako dahil sa kaba at takot. Hanggang sa hindi ko na kayang kontrolin pa ang sarili ko at bumagsak ako sa sahig.

"RINI!" malakas na tawag niya sa akin na punung-puno ng pag-aalala.

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play