Sinabi ko sa lalaking nagligtas sa amin ay isama niya ako sa Ospital para masaksihan ng dalawa kong mga mata na ginagamot nga si Prinsipe Calevi, sa gayon ay maging panatag na ang aking kalooban bago man ako ihatid pauwi sa Palasyo. Alam kong papagalitan ako sa oras na malaman nilang lumabas ako nang walang paalam, lalo na't malalaman nilang muntikan pa akong mapahamak. Pero ginusto ko naman ito. Sa oras na malalaman ng mga Noble Family ng Severassi na napahamak ang mahal nilang prinsipe sa bansa namin, tiyak isang malaking digmaan ang magaganap at ayokong mangyari 'yon!
Sa ngayon ay nagpapahinga at nagpapagaling na si Prinsipe Calevi sa Ospital. Malaking pasalamat ko dahil naalis na siya sa kritikal na kalagayan. Habang ako naman ay tahimik nakaupo sa karwahe, nakapanglumbaba at nakatunghay sa labas. Pinapanood ko ang mga tao na nasa Kapitolyo pa. Parang hindi nawawala ang buhay nito simula nakita ko ito kanina sa unang pagkakataon.
Pinutol ko ang panonood ko sa mga kaganapan sa labas. Sa halip ay nag-isip ako ng paraan o palusot na sasabihin ko sa oras na magtanong sila kung saan ako galing. Isip, isip...
"Kahit anong gawin mo o kahit mag-isip ka ng palusot ay hindi pa rin maitatago na napahamak ka, mahal na prinsesa." biglang nagsalita ang bintilyo na nasa tapat ko lang.
Tinapunan ko siya ng isang masamang tingin. Langya, nababasa ba niya kung anong iniisip ko?! "Alam ko, kaya magsasabi nalang ako ng totoo kung sakaling magtatanong sila." saka inirapan ko siya. Half-hearted pa pagkasabi ko dahil mukhang nahuli nya ako kung anuman ang babalakin ko.
Rinig ko pa ang pagbungisngis niya. "Hindi ko rin akalain na pikon ka."
Mas lalo lumukot ang mukha ko. "Ano naman kung pikon ako? Hmp!" mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Marahan kong isinandal ang aking ulo sa sa window pane ng karwahe. Bahagya kong idinilat ang aking mga mata. Dumapo ang tingin ko sahig. "Kailangan ko mag-isip kung papaano makabalik ang Prinsipe ng Severassi sa bansa nila."
Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa paligid. Aminado ako na nag-aalala pa rin ako kahit na sabihin nating naipaggamot na siya. Pero mas panatag pa ako lalo kung nakabalik na siya sa Severassi. Tiyak na nag-aalala na din ang kaniyang pamilya.
"Bakit kailangan mo pa siyang ibalik sa pinanggalingan niya kung ayaw na niya doon?" seryoso niyang tanong.
Natigilan ako nang marinig ko ang bagay na 'yon mula sa kaniya. Mabilis akong tumingin sa kaniya. Umawang nang kaunti ang aking bibig. "A-anong ibig mong sabihin?"
Marahan siyang pumikit saka humalukipkip siya. "Bago mo siya iniligtas, hindi ka ba nagtataka kung bakit naririto sa Cyan ang Prinsipe? Imposibleng maliligaw 'yon sa bansa ninyo." binigyan niya ako ng isang suspetsa na tingin. "Ang konklusyon ko ay wala nang balak bumalik sa Severassi ang prinsipe."
Nakatahimik ako sa mga sinabi niya. Kumunot ang aking noo. Napapaisip ako bigla sa sinabi niya. Nakakainis, kung alam ko lang pala. Isang katanungan ang lumitaw sa aking isipan. Bakit? Bakit niya nagawang maglayas sa Severassi at bakit dito niya gustong pumunta?
Kung pupwede ko lang tingnan ang nakaraan, kung maaari ko lang makita kung anong nangyari para malaman ko kung anong dahilan kung bakit bigla ang paglayas ni Prinsipe Calevi sa kaniyang minamahal na bansa.
Naputol lang ang pag-iisip ko nang tumigil ang karwahe. Agad ako tumingin sa labas. Nasa tahimik na lugar na kami, wala masyadong tao pero mula dito ay natatanaw ko na ang Palasyo. Lihim ko kinagat ang aking labi. Ginalaw ko nang kaunti ang aking paa para malaman kung masakit pa ba ito. Okay, masakit pa rin. Siguro isang linggo bago ito gumaling.
Gumalaw na ang lalaki saka binuksan na niya ang pinto ng karwahe. Nang nakababa na siya ay humarap siya sa akin saka nilahad niya ang kaniyang palad sa akin. Hindi ko mapigilang tumaas ang isang kilay ko. Sa huli ay nagawa ko pa rin tanggapin ito. Inaalalayan niya akong makalabas hanggang sa nagawa na naman niya akong buhatin as in bridal style na naman. Naisip ko lang na how considerate is he.
"Papaano tayo makakarating sa Palasyo?" tanong ko na may pag-aalala.
"Madali tayo makakarating doon." wika niya saka nilapitan niya ang isang pader.
Natigilan ako nang makita ko na unti-unti nagkakaroon ng ilaw ang pader. Pinaglahalong ginto at puti ang ilaw na lumilitaw. Mas humakbang pa papalapit doon ang lalaki. Nakapasok kami sa liwanag na 'yon. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata dahil sa kaba at takot na baka anong mangyayari sa amin. Bukod pa doon, nawawala na ang vision ko dahil sa sobrang liwanag!
"Narito na tayo." rinig kong sabi niya.
Mabilis kong idinilat ang aking mga mata. Iginala ko ang aking paningin sa paligid. Pamilyar na lugar ang kinalalagyan namin ngayon. Ito ang lugar kung saan ako lumusot kanina para makatakas!
Muli siya gumalaw saka marahan niya akong pinaupo sa nakatumbang puno. Inilapat niya ang isa niyang tuhod sa damuhan. Napaurong ako nang bigla niyang hinawakan ang injured kong paa. Masuyo niyang hinawakan 'yon. Nakatitig ako sa kamay niya na nakadapo sa aking paa. Nagliwanag 'yon. Ramdam ko ang kaunting init mula doon hanggang sa nawala na ang ilaw at ang init ng kaniyang palad.
"Magaling ka na," saka tumingin siya sa akin.
Hindi agad ako nakasagot. Sa halip ay pinaikot-ikot ko ang aking paa para malaman kung wala na bang sakit. Napasinghap ako. Totoo nga, wala na ang kirot! Ibig sabihin, makakalakad na ako anumang oras!
Umalis na ako mula sa pagkaupo. Nagtatalon ako para masigurado ngang magaling na ang aking paa. Mas lalo ako natuwa. Ngumiti akong lumingon sa kaniya. "Salamat, ha? Akala ko isang linggo pa ang hihintayin ko para makapaglakad ulit nang maayos." gusto ko din sana dagdagan na hindi mahahalata ng nina Vencel at ng mga prinsipe ang injury ko. Pero biglang may sumagi sa isipan ko. "Sandali, bakit hindi mo ginamit 'yan kanina kay Prinsipe Calevi?"
TIla natauhan siya sa katanungan ko. Lumihis siya ng tingin. "M-masyadong espesyal ang kapangyarihan na meron ako. Kung gagamitin ko ito sa kaniya, hindi kita mapapagaling."
Ngumiwi ako. Halatang sinungaling.
"Kung ganoon, oh sige. Siya, papasok na ako, paniguradong hinahanap na nila ako---"
"Sandali."
"Huh?"
Bago ulit siya magsalita ay may inilabas siya mula sa kaniyang bulsa. Lumapit pa siya sa akin saka may inilahad siyang bagay sa kaniyang palad. Bumaba ang tingin ko doon. Inilipat ko ang tingin ko sa kaniya na pagtataka sa aking mukha. Sumilay ang maliit na ngiti sa kaniyang mga labi. "Hindi ako nadalo sa araw ng iyong binyag hanggang sa nitong huling kaarawan mo, mahal na prinsesa."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Ito dapat ang magiging regalo ko sa iyo. Paumahin mo kung ngayon ko lang maibibigay ito. Sana ay matanggap mo ang munting regalo ko, bilang pambawi ko sa mga pagliban ng aking presensya sa mga importanteng mong araw."
Kahit na hindi ko maitindihan ang ibig niyang sabihin ay nagawa kong tanggapin ang kwintas. Maganda din ang bato na ginamit para maging pendant ng kwintas. Para siyang dyamante. Ngumiti akong tumingin sa kaniya. "Maraming salamat."
"Salamat din dahil tinanggap mo, Prinsesa Rini."
"Mag-iingat ka."
Tumango siya saka tinalikuran na niya ako. Muli siyang lumusot sa pader hanggang sa nawala na siya sa aking paningin. Bumaba ulit ang tingin ko sa kwintas na hawak ko. Kumikinang ang bato na ikinangiti ko. Humigpit ang pagkahawak ko sa kuwintas idinikit ko ito sa aking dibdib.
**
Malakas na binuksan ang pinto ng aking silid. Rinig ko ang malakas na pagtawag ni Vencel sa akin, hindi lang siya, pati boses ng mga kapatid ko ay naririnig ko habang nasa loob ako ng aking silid. Mabuti nalang ay nakaligo at nakabihis na din kahit na wala ang mga maid sa paligid ko.
Lumabas ako sa bedroom para salubungin sila. Nadatnan ko sila na nagkakalat sa living room. Mukhang hinahanap nila ako sa kasuluk-sulukan ng aking silid. Napukaw ko ang kanilang atensyon. Mabilis nila ako dinaluhan. Hinawakan ni Vencel ang magkabilang balikat ko. Nakasunod naman sa kaniya sina Raegan, Eomund at Cederic. Bakas sa mukha nila ang pag-alala nang makita nila ako.
"Rini, saan ka ba nagpunta? Buong araw ka namin hinahanap." pilit maging kalmado ni Vencel nang magtanong siya.
"Oo nga, Rini. Hindi mo ba alam, labis kami nag-alala na baka napaano ka. Kahit ang mga inutusan naming mga kawal ay hindi ka rin mahanap." segunda pa ni Raegan.
"Kahit si Nesta ay nag-aalala sa iyo. Halos mabaliw na siya sa kakahanap. Humarap pa siya sa amin at hinihiling na kitilin ang kaniyang buhay dahil nabigo siya sa kaniyang tungkulin. Mabuti nalang hindi namin ginawa dahil alam naming importante siya sa iyo. Ayaw naming magalit ka sa amin!" si Eomund.
"Sabi ko na nga ba, kaya ayoko mag-aral para mabantayan kita!" naiiyak naman na wika ni Cederic.
Haaa... What a wonderful family with such a doting father and brothers. Pero medyo nakahinga din ako ng maluwag dahil hindi nangyari kung anuman ang kinakatakutan ko. Ang akala ko puro dugo at mga bangkay na ang matutunghayan ko pagdating. Mabuti nalang din ay napigilan nila ang sarili nila na kumitil ng buhay alang-alang sa akin. Malaking tulong na din na pinagaling ng binatilyo ang aking paa, atleast wala nang ebidensya na muntik na akong napahamak.
"Ehem." sabi ko. Kungwari naubo.
Natigilan sila. Marahan akong binitawan ni Vencel ang mga balikat ko. Pareho nila inaabangan ang aking paliwanag. Pero kailangan hindi ko sila galitin. Aha, alam ko na.
Lumabi ko saka yumuko. Nilagay ko sa likod ang aking mga kamay. Umikit ang kalugkutan sa aking mukha. "P-paumanhin... Papa... Mga kuya... Kung nag-alala po kayo... Kasi... Ang totoo po..." paawa effect akong tumingin sa kanila. Kita ko kung papaano sila lumunok. Mas nag-aabang pa sila sa susunod na sasabihin ko. "Lumabas po ako ng... Palasyo..."
"ANO?!" sabay-sabay nilang bulalas. Sabi na, eh.
"Rini, bakit lumabas ka nang mag-isa? Papaano kung mapahamak ka nang hindi namin nalalaman?" nag-aalalang tanong ni Raegan. Ehh, actually muntik na akong mapahamak.
Nagbuntong-hininga ako. "Alam ko naman po kasi na hinding hindi ninyo ako papayagan..." mas nilungkutan ko pa ang tono ng boses ko.
Rinig ko din ang pagbuntong-hininga ni Vencel. Lumuhod siya sa harap ko. Dumapo ang mga palad niya sa magkabilang braso ko. Malungkot din siyang tumingin sa akin. "Rini, kaya ka namin hindi pinapayagan dahil iyon lang ang alam namin para protektahan ka. Pero sana sinabi mo sa akin kahit ako mismo, sasamahan kita."
Natigilan ako sa naging pahayag niya. "T-talaga po...?" mahina kong sabi. Yumuko ako. "Pero, alam ko din na masyado kang abala sa pamamalakad ng Imperyo, papa."
Tumango siya saka ngumiti. Masuyo niyang hinaplos niya ang aking buhok. "Mas uunahin ko kung ano ang nakakapagpasaya sa aking anak. Mas uunahin ko ang kasiyahan mo bago ang pamamalakad ko sa Imperyo."
Hindi makapaniwala akong tumitig kay Vencel. Hindi ko alam kung bakit tila may pumiga sa aking puso nang marinig ko ang mga bagay na 'yon mula sa kaniyang bibig. Sa ilang taon ko na dito sa mundo na ito ay hindi pa rin ako makapaniwala na ang isang tulad ko ay nabibilang sa sinasabi nilang malupit at walang awa na pamilya tulad ng mga Eryndor. Pero ako mismo, hindi ko naranasan na pagmalupitan, imbis ay ramdam ko kung papaano nila ako inalagaan at papaano nila ako pinoprotektahan laban sa mga taong gustong saktan ako. Ni minsan ay hindi sila nagkulang sa akin para iparamdam kung papaano sila magmahal.
Minsan napapatanong ako. Bakit kung sino ba ang masama sa tingin ng mga tao ay sila pa ang grabehan kung magmahal?
"Papa...?"
"Hmmm?"
"Mga kuya...?"
"Ano 'yon, Rini?"
Napasapo ako sa aking tyan. Ginawaran ko sila ng matatamis na ngiti. "Nagugutom na po ako. Pwede po bang sabay tayo kumain ngayon?"
I heard him chuckled. Ginulo ni Cederic ang aking buhok. "Oo ba. Tamang-tama, maghahapunan na. Ipaghahanda na namin ang hapag para makakain na tayo."
"Salamat, kuya Cederic." matamis kong saad.
Sabay na kaming lumabas ng silid at tinungo na namin ang Dining Area kung saan kami maghahapunan.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 31 Episodes
Comments