NovelToon NovelToon

I'M BORN AS AN ERYNDOR! (FILIPINO/TAGALOG)

PROLOGUE

Tumigil ako sa pagtipa sa aking cellphone nang itinigil ng Uber driver ang kaniyang sasakyan. Tumigil ako sa aking gilid. Tumambad sa akin isang bungalow house. Ah, narito na ako sa tapat ng gate ng bahay. Hindi na ako nagsayang pa ng panahon. Dumukot ako ng pera mula sa bulsa ng aking tote bag na agad ko din ibinigay 'yon sa driver. Nagpasalamat ako saka binuksan na ang pinto. Lumabas ako at nanghihina akong naglakad papunta sa gate ng bahay. Oo, pagod ang naramdaman ko buhat nang lumabas ako ng bahay pero mas napagod ako nang mga panahon na nasa labas ako dahil kailangan kong kitain ang editor ko. Dahil mayroon akong kasalukuyang sinusulat na isang nobela. Medyo nagtatalo pa kami ng editor ko dahil ayoko pang ipublish ang gawa ko kahit na malapit na talaga ang due ko. Kahit na magbayad pa ng malaki ang publishing house para ilabas 'yon ay tumatanggi pa rin ako. Hindi dahil sa hindi maganda ang pagkasulat ko. Sadya lang, ayoko lang talaga ipakita---maliban lang sa akin. Para sa akin kasi ay parang may kulang pa sa kwento na 'yon.

Nang nakapasok na ako sa bahay ay dumiretso ako sa aking kuwarto. Tamad kong ipinatong ang aking bag sa single sofa. Agad kong binuksan ang aking laptop para ireview ang aking gawa. Nagbabakasakali ako na may magdadagdag pa ako o hindi kaya---burahin na 'yon.

Hindi ko na namalayan kung ilang oras na ako nakatutok sa aking laptop. Medyo ramdam ko na ang paglalabo ng aking mga mata. Ilang beses na din naniningkit ang aking mga mata. Napagtanto ko na hindi pa ako nakapagdinner. Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Napagpasyahan kong putulin muna ang aking ginagawang nobela.

Ngunit pagtapak ko sa sahig ng aking kuwarto ay bigla akong bumagsak. Bumaluktok ako ng higa at napasapo sa aking dibdib. Ramdam ko ang pagbilis ng aking puso. Pabilis nang pabilis. I gritted my teeth because of pain. Hindi ko magawang sumigaw para humingi ng tulong dahil ako lang ang mag-isa sa bahay na ito. Wala din ang magulang ko dahil kasalukuyan silang nasa Amerika at nagmigrate na sila doon. Sadya lang na nagpaiwan ako dito dahil na din sa passion ko na magsulat. Kahit na hindi nila sang-ayon sa karera na gusto ko.

Mas sumasakit ang dibdib ko. Damn, ngayon ko lang narealize na ilang linggo na ako walang kain nang maayos dahil sa stress ko. Lalo na't minsan ay nalilipasan na ako ng gutom! Don't tell me... My cause of death will be overworking!? No, no, no! Hindi pupwede.! Mas gugustuhin ko pa kung sa ibang paraan ako mamamatay, huwag lang ito!

Biglang sumagi sa isipan ko ang nobela na sinusulat ko kanina. Pilit kong kumilos, halos gumapang-gapang na ako pero hindi na talaga kinaya ang katawan ko. Pilit ko inaabot ang aking laptop pero bigo ako.

Tuluyan na akong bumagsak sa sahig. Tila may sariling isip ang aking katawan. Dahan-dahang ipinikit ang aking mga mata.

Damn, bakit humantong ako sa ganito? Dahil ba sa sobrang pagbabaya ko sa aking sarili? Malamang. Pero hindi, gusto ko pang tapusin ang ginagawa kong nobela. Gusto ko siyang tapusin kahit anuman ang mangyari. Hindi pupwede...

Gusto kong mabuhay ulit. Hindi ako matatahimik hanggang sa makuha ko ang katapusan ng nobela na 'yon. Oh please...

"Gising na... Narito na siya." rinig kong boses ng isang babae. Malambing ito at malumanay ang pagkabigkas niya sa mga bawat salita.

Mabilis kong idinilat ang aking mga mata. Sandali, hindi ako patay? Hindi na ako mamamatay? Mabuhay ako? Teka, hindi ko na naramdaman ang pananakit ng aking dibidb. Inangat ko ang aking mga kamay na parang may inaabot. Bahagyang kumunot ang aking noo nang tumambad sa akin ang isang babae na malapad ang ngiti, base sa kaniyang pananamit ay isa itong katulong. Tumambad din sa akin ang baby wind chime sa harap ko! Mas ipinagtataka ko ay bakit maikli na ang mga braso ko?!

Kinarga ako ng babae. Laglag ang panga ko nang makita ko na maraming babae na nakadamit pang-maid. Mahaba at abot-sahig ang laylayan ng mga palda nila! Iginala ko din ang aking paningin sa paligid. Sandali, hindi ito ang kuwarto ko! Nasaan ako?!

Rinig ko ang pagsinghap nila nang bigla nagbukas ang malaking pinto ng silid na ito. Luminya ang mga maid at yumuko nang bahagya na akala mo ay may inaasahan silang mga bisita. Hanggang sa nakapasok ang apat na lalaki sa kuwarto na ito! Isang mukhang binata at ang isa naman ay binatilyo at ang dalawa naman ay mga bata pa na halos magkalapit lang ang edad. Bakit iba ang kasuotan nila?! Teka, sa pagkakaalala ko, nakikita ko ang mga kasuotan na 'yon sa mga Medieval movies na napapanood ko!

"Gising na siya?" maawtoridad na tanong ng binatang lalaki na papalapit sa amin. Pero bakit puro duguan ang kaniyang damit?! Kahit ang binatilyo ay may bahid din ng dugo ang kaniyang baluti! Kahit ang pisngi nito ay may bahid din ng dugo!

Ano 'to, nagpapatayan ba sila?!

"Opo, kamahalan. Gising na po ang prinsesa..." magalang na tugon ng babaeng kumarga sa akin.

Blangko ang aking ekspresyon habang pinagmamasdan ko sila. I can sense the dominance, pride and fear within. Hanggang ngayon ay nalilito pa rin ako sa nangyayari. Sino ba ang mga ito? Mukhang foreigner ang mga ito dahil iba sa kanila ay itim ang buhok ng mga ito. Pati na din ang features nila, pang-foreigner!

Blangkong ekspresyon din ang iginawad sa akin ng binata na nasa harap ko. Itim ang buhok. Matangkad at matipuno ang pangangatawan. Nakakatakot siya tumingin, para akong tatanggalan ng balat ng isang 'to! "Sa ngayon ay ligtas ka na," wika niya. Nagulat ako nang siya naman ang kumarga sa akin. "Winasak na namin ang Kaharian ng pinanggalingan ng mga nagtangka sa iyong buhay."

Huh? Ano pinagsasabi niya?

Ibinalik niya ako sa babae. "Bantayan ninyong mabuti ang prinsesa." malamig niyang utos. Ngunit tumindig ang aking balahibo nang nagbago ang ekspresyon ang kaniyang mukha. Isang matalim na tingin ang iginawad niya sa amin. "Sa oras na nabigo kayo sa tungkulin ninyo, hindi ako magdadalawang-isip na bawian kayo ng buhay." tinalikuran na nila kami at lumabas na sila mula sa silid na ito.

Nilipat ko ang tingin ko sa mga maid. Bakas sa mga mukha nila ang takot at kaba. Mukhang nakakatakot nga ang---

Wait, prinsesa? Ha?! Ako?! What the hell is going on here?! 

CHAPTER 1

Hindi pa rin ako makapaniwala. Kung kaya ko lang sampalin ang sarili ko, siguro ay nagawa ko na. 

Napag-alaman ko na ako ang bunsong anak ng Emperador Vencel Eryndor. Siya ang kasalukuyang namumuno sa buong Kaharian ng Cyan pati na din ng ilang bansa na malapit sa bansang ito. Aside from that, he's notorious as a tyrant! Hindi lang siya, kahit ang tatlong lalaki na kasama ay napag-alaman ko din na mga anak niya ito sa dating Emperatris ng Cyan. Lahat ay puros kulay itim ang kanilang buhok---maliban naman sa akin na kulay blonde ang buhok. Naririnig ko sa kwento ng mga chismosang kasambahay na  ang nanay ko daw ay hindi dugong-bughaw. In short, she's a commoner. Like, what the hell? So uso din pala ang discrimination kapag hindi ka fully royal blood, ganern? 

Halos hindi ko na ginagalaw ang mga laruan dahil pakiramdam ko ay nalulunod na ako sa sobrang dami! Jusko, sa previous life ko noong bata pa ako, hindi naman ganito kadami ang mga naging laruan ko. Sa katunayan pa nga ay mas gugustuhin ko pang hawakan ang mga fairy tale books kaysa sa mga ito. 

Pero sandali, parang pamilyar sa akin ang mga eksenang ito. Wait, wait, wait---

Bigla akong kinarga ng babysitter ko. Nagtama ang mga tingin namin. Bakas sa mukha ko ang pagkabigla at pagtataka habang siya naman ay matamis na ngiti ang iginawad niya sa akin. "Oras na po para kumain, mahal na prinsesa." aniya. Pero bago man niya ako tuluyan pakainin ay bigla niya ako niyakap na may kasamang panggigigil! "Nakakatuwa ka talaga, mahal na prinsesa! Hindi talaga ako nagtataka na halos makopya mo na ang mukha ng inyong ina!" bulalas niya. Saka ikiniskis pa niya ang kaniyang pisngi sa pisngi ko.

Huh? Kilala niya ang nanay ko? 

Kung pupwede lang akong makapagsalita ay hindi ko magawa. Dahil sanggol palang ako at maiksi pa ang aking dila. Ugh, nakakafrustrate naman ito! Hindi bale, hihintayin ko ang tamang panahon na kung kailan na ako pupwede maglakad, magsalita, lahat na! Marami pa ako dapat gawin. Kailangan ko mag-isip kung papaano ako makasurvive sa lugar na ito. Lalo na sa apat na lalaki na 'yon! 

Naputol ang hagikgik ng babysitter ko nang biglang nagbukas ang pinto ng silid. Tumambad sa amin ang isa pang maid na hindi maipinta ang mukha. Hawak niya ang palda ng kaniyang uniporme habang palapit siya sa amin. "Bilisan mo nga d'yan at marami pang gagawin sa Kusina!" halos pasinghal niyang utos. 

"A-ah, hindi pa kumakain ang prinsesa…" malumanay niyang tugon. 

I heard her tsk-ed. Tinapunan ako ng sama ng tingin ng witch na 'to. "Ewan ko ba kung bakit iniingatan ng mahal na Emperador ang batang 'yan eh isang hampaslupa naman ang ina n'yan." mariin niyang sabi na hindi maalis ang sama ng tingin niya sa akin. 

Aba, iba din talas ng dila ng babaeng 'to. Like, what the hell? 

Haayy, oo nga pala. My mother in this world is a commoner. Kaya mababa ang tingin din nila sa akin. Eh ano naman ngayon kung walang dugong-buhay ang nanay ko, aber? Kasalanan ko ba 'yon? Duh. Kasalanan ko ba kung nagchukchakan ang mga magulang ko sa mundong 'to, ha?

Malungkot na bumaling sa akin ang babysitter ko. Marahan niyang hinawakan ang maliit kong kamay at daliri. "Kahit na hindi dugong-bughaw ang kaniyang ina, anak pa rin siya ng mahal na Emperador." 

Napatitig ako sa kaniya. Bakit pakiramdam ko ay siya pa ang mas nasasaktan kaysa sa akin? Para bang kilalang kilala niya ang nanay ko sa mga binitawan niyang salita. Gustuhin ko man magtanong ay hindi ko magawa dahil na din sa estado ko ngayon. Pero nang makita ko ang malungkot na mukha niya ay nakaramdama ako ng kirot sa parte ng aking puso. Kinagat ko ang aking labi at walang sabi na umiyak ako nang kalakas-lakas. Wala akong pakialam kung marinig man ang iyak ko hanggang sa labas ng silid na 'to! Dahil d'yan ay malakas na binuksan ang pinto. Hindi inaasahan ang pagsugod ni Vencel sa silid, ang sinasabing ama ko. 

"Anong nangyayari't umiiyak siya?" matigas ngunit pilit pinakalma niyang tanong hanggang sa nasa harap ko na siya. Bigla niya ako kinuha at siya na ang nagbuhat sa akin. 

Aligagang nagbigay pugay ang babysitter ko at ang isa pang maid na nambubully sa akin. "M-mahal na Emperador…" kinakabahang sambit ng maid. Ngumiti niya na may halong pangngamba. "O-oras na po ng pagkain ng mahal na prinsesa. Umiiyak na po siya dahil sa g-gutom." 

Palusot ka pa, ha! Mas nilakas ko pa ang iyak ko. 

Bumaba ang tingin sa akin ni Vencel. Kita ko sa mukha niya na may pagtataka at napapaisip siya kung bakit ako nagkakaganito ngayon. Tumingin ako sa kaniya. Binigyan ko siya ng ekspresyon na para akong nagsusumbong. Isa nalang ang tangi kong paraan. Inangat ko ang isang kamay ko sabay turo ko sa maid sa nambubully sa akin. Mas lalo siya nagtaka. 

Bumaling siya sa aking babysitter. "Sabihin mo ang nangyari." mariin niyang utos sa kaniya.

Bahagyang ibinuka niya ang kaniyang bibig para magsalita pero natigilan siya. May bahid na pag-alinlangan. Argh, go girl! Sabihin mo sa kaniya ang tunay na dahilan. Go tell him that she's a bully! That she bad mouthing about my mother! You can do it! "A-ano po kasi…" tumingin siya nang kaunti sa maid. Kita ko naman na pinandilatan naman ito ng mga maya na prang sinasabi na huwag siya ilaglag. Pumikit nang mariin ang babysitter saka mahigpit niyang hinawakan ang kaniyang palda. "Ang totoo po niyan, sinabi ni Ethel na hampaslupa si Lady Lorah!" 

Napasinghap ang maid sa panlalaglag sa kaniya. Taranta siyang bumaling kay Vencel. Mabilis pa siya sa alas kuwarto na lumuhod sa harap namin. "H-hindi po totoo 'yon, mahal na Emperador! Maniwala po kayo, wala po akong sinasabing ganyan!" pagtatanggi pa ng loka-lokang bully! 

Bwisit na babae 'to. Ang gusto pa niyang mangyari ay babaliktarin niya ang babysitter ko! Damn, what should I do then? Kailangan tulungan ko ang babysitter ko! Hindi siya puwedeng umalis lalo na't hindi siya puwedeng parusahan sa hindi naman niya ginawa. Isip, isip! I need to help her no matter what!

Muli akong umiyak. Takte, bahala na kung maiitindihan ba ni Vencel ang ibig ko iparating. Nakuha ko muli ang atensyon nila. Tumingin siya sa akin na nagtataka. Umiiyak ako habang nag-iiling. Panay turo ko sa babaeng nangangalang Ethel. Bumaling ako sa babysitter. Inangat ko ang mga kamay para abutin siya. Mukhang nasa mood naman si Vencel, ibinigay niya ako sa kaniya. Walang sabi na niyakap ko nang mahigpit ang babysitter. Ibig ko iparating na hindi siya pupuwedeng umalis sa tabi ko. Habang ginagawa ko ito ay nagnanakaw sulyap ako kay Vencel. Sana naman kahit sa pamamagitan ng maliit na kilos na ito ay makukuha niya. 

Malamig siyang bumaling kay Ethel saka tinapunan niya ito ng tingin. "Kung nagsisinungaling siya, hindi iiyak ang prinsesa." maawtoridad niyang wika. 

"M-mahal na Emperador…" nanginginig na ang boses nito dahil sa takot at kaba. Muli siyang yumuko, halos halikan na niya ang sahig. "Patawarin ninyo po ako, hindi ko po sinasadyang banggitin at lapastanganin ang Lady Lorah. Aminado po ako nagkasala po ako---" hindi na niya naituloy ang sasabihin niya na muli nagsalita si Vencel. 

"Damputin ang babaeng ito at itapon sa bartolina kung nasaan ang mga leon!" malakas at galit na utos ng Emperador sa mga kasama nitong kawal. 

"K-Kamahalan… Pakiusap po… H-huwag… Maawa po kayo…" naiiyak at desperado niyang pagmamakawa habang dinadampot na siya ng mga kawal. 

Nang tuluyan na siyang nailabas sa silid na ito ay nakahinga ako nang maluwag. Sa wakas hindi mapaparusahan ang babysitter. So I can rest? Medyo napagod ako sa bangayan nila. Siguro makakaalis na si Vencel sa kuwarto na ito. Pero mukhang nagkakamali pa ako dahil hindi pa siya umalis. Nagprisinta siya na siya muna ang kakarga sa akin. Inutusan niya ang babysitter na umalis muna. What the heck? Hey! Don't leave me here! I just save your life, girl! Argh, dahil hindi nga ako makapagsalita pa ay sinunod niya ang utos ng Emperador. 

So kaming dalawa nalang ng lalaking ito ang naiwan. Nagtataka akong tumingin sa kaniya. Dinalo niya ang baby crib at marahan niya akong ibinalik doon. Kinuha niya ang bote ng gatas sa ibabaw ng mesa at siya ang nagpakain sa akin. Kumurap-kurap ako nang makita ko ang pagbago ng ekspresyon ng kaniyang mukha. Kung kanina nakakatakot siya, ngayon, I just saw his soft-side. Malayong-malayo sa mga naririnig kong nakakatakot at walang puso na Emperador. Tulad ko ay nakatitig lang din siya sa akin. Pinapanood niya akong uminom ng gatas. Iginalaw niya ang isang kamay niya saka marahan niyang hinawakan ang isang aking noo. "Kumain ka nang marami, para lumaki ka agad. Sa gayon, balang araw  ay makakaya mong harapin at tingnan ang mga taong mapangmata." he said with his soft voice. Like, seriously?

Napatigil ako sa pag-inom ng gatas dahil sa pagkabigla. 

Sumilay ang maliit na ngiti sa kaniyang mga labi. "Sa ngayon, ako at mga kuya mo muna ang magpoprotekta sa iyo." 

__

Isang linggo nang nakalipas nang nawala si Ethel sa Palasyo ay bumalik na sa dati ang lahat. Wala nang nagtatangkang mambully sa akin. Walang epal ba. Mabuti na din 'yon, para makapagrelax ako. I just need my time until I grow up. Pinapakain, pinapatulog at nakikipaglaro ang mga maid sa akin kahit wala talaga ako sa mood maglaro talaga. 

Nalaman ko din kung anong pangalan ng babysitter ko. Her name is Nesta Bolton. She's actually a daughter of Baron of Conmoor. Nagprisinta siyang mag-ala sa akin since she's a good friend of my mother, daw. Now I know what's her connection with my mother but still, curiosity flooded me. Lalo na sa pamilyang ito. I still want to know and learn about them. Araw-araw ko naman kasama si Nesta pero hindi siya masyadong nagkukwento tungkol mga Eryndor. I need to gather more information about them. 

"Mahal na prinsesa, kailangan na po kitang paliguan at bihisan." matamis na sabi ni Nesta pagkatapos niya akong painumin ng gatas. "Lalabas po tayo ngayon dahil gusto kang makita ng Kamahalan." 

Huh? Anong meron? Ang akala ko ba overprotective siya? Tipong ayaw niya ako palabasin ng kuwarto na ito dahil marami daw nagtatangka sa buhay ko. Anong meron at nag-iba ang ihip ng hangin?

Kulay pink na bestida ang ipinasuot sa akin pagkatapos kong paliguan. Terno pa sa damit ko ang sapatos na binili mismo ni Vencel para sa akin. Malalaman na magarbo ang damit na ito dahil sa tela at mataas ang kalidad nito. 

Sa unang pagkakataon ay nakalabas ako ng silid. Maganda at maaliwalas ang labas. Mukhang wala naman magtatangka sa buhay ko dahil nakapa-peaceful. Bukod pa doon ay maraming bulaklak sa paligid na mas masarap sa paningin. Amoy ko pa ang halimuyak nitong amoy. 

May isang bagay na nagtawag ng aking pansin. Isang malaking pinto. Tanaw ko doon ang Emperador na naghihintay sa aming pagdating. Hindi lang siya, may tatlong lalaki pa ang kasama nantulad niya ay itim ang mga buhok nito. Tama, sila lang ang nakita ko nang gabing 'yon. Iyon nga lang, hindi ko pa alam ang mga pangalan nila. Actually, naririnig ko na ang mga pangalan nila pero hindi ko alam ang eksakto kung sino ang tinutukoy nila. Pero dahil sa nakita ko sila, malalaman ko din kung anong mga pangalan nila. 

Tumigil kami nang nasa harap na namin ang royal family. Bahagyang yumuko si Nesta pati na din ang mga maid para magbigay pugay sa mga kaharap namin. "Narito na po ang mahal na prinsesa, Kamahalan." magalang niyang wika sa mga ito. 

Kinuha ako ng Emperador mula kay Nesta. "Maaari na kayong makaalis. Tatawagin ko na lamang kayo." malamig niyang sabi sa mga ito. 

Errr…

Umikot ang eyeballs ko sa aking gilid. Napangiwi ako sa loob-loob ko nang makita ko nang malapitan ang mga prinsipe. Bakas mga mukha niya ang pagkamangha! Amino'y ngayon lang nakakita ng tao! 

"Nakita mo 'yon, Eomund? Tinginan niya ako!" bulalas ng pinakabata sa kanila. Huh?!

"Ang daya. Tss." pasuplado niyang sagot. 

"Maaari ko ba siyang kargahin, Kamahalan?" nakangiting tanong ng binatilyo kay Vencel. 

Hindi niya iyon sinagot. Sa halip ay umingos siya.  Wow, how cold huh. 

"Gayunpaman, ikinagagalak ka namin makilala, Prinsesa Styriniana." marahan niyang hinawakan ang maliit kong palad saka ginawaran niya ako ng isang matamis na ngiti. 

Sandali, mas naloloka ako sa nangyayari. I thought this family is ruthless? Bakit nagbago yata ang ihip ng hangin? 

CHAPTER 2

Iginala ko ang aking paningin sa paligid. Nasa isang malapad na kuwarto na kami. Kalong-kalong pa rin ako ng Emperador, habang ang isang binatilyo at dalawang bata ay pirmi na nakaupo sa tapat namin. May isang butler na abala sa paghahanda ng tsaa habang ang mga maid naman ay nasa isang gilid, nakayuko at naghihintay kung may ipag-uutos. Napagtanto ko na tea room pala ang lugar na ito. Kahit na malapad ang silid na ito ay marami paring kasangkapan dito sa loob tulad ng mga bookshelf na may libro, cabinet na may mga kurbyertos, Sunod kong ginawa ay tumingala ako. Tumambad sa akin ang mamahalin at malaking chandelier na nakakatawag pansin ang pagkadisensyo nito. Nakuha din ng aking atensyon ang malaking bintana na nasa tapat ko lang din. Mula dito ay tanaw ang nakakahalinang hardin ng Palasyo. Wow, ngayon ko lang nakita ito. Kumsabagay, all this time nasa kuwarto lang ako. Nagpapakasawa sa mga uninterested toys, at mga story book na gasgas na. Pero okay lang din na isinama ako sa mga ganito para na din may bago sa paningin ko.

"Papaano pala si Rini, kamahalan? Ano iinumin niya? Hindi pa siya pupwede uminom ng tsaa." ang bunsong lalaki sa kanila. Wait, ano nga ulit ang pangalan niya?

Imbis sagutin ni Vencel ang tanong ng anak niya ay bumaling siya sa isa sa mga maid. Sa loob-loob ko ay mapapangiwi nalang ako. Logic, man. Logic! Masyado pa nga talaga akong bata para sa tsaa!

Lumapit si Nesta saka may inabot siya sa Emperador. Bote ng gatas! Tahimik na tinanggap niya 'yon saka inabot niya ito sa akin pero naroon pa rin ang pag-alalay. Hays, no choice na nga ako! Tinanggap ko nalang ang gatas saka ininom ko ito sa harap nila. Pero ang weird lang dahil namilog ang mga mata ng mga kapatid ko (daw) sa kanilang nakikita. Hellooo? Ngayon lang ba kayo nakakita ng batang umiinom ng gatas? Hindi niya ba naranasan ito? My goodness!

"Masyado siyang maliit." biglang sabi ng isa sa mga prinsipe. Bumaling kami sa kaniya. Prente siyang umiinom ng tsaa. Sa pagkakatanda ko, Eomund ang tawag sa kaniya. "Hindi ko inaakala na ganyan pala siya kaliit kaysa sa inaasahan ko." pormal pa niyang pahayag.

"Tama ka, Eomund!" bulalas ng bunsong lalaki na katabi lang namin ni Vencel. Bumaling siya sa amin na galak na galak. Marahan at maingat niyang hinawakan ang kamay ko. "Tingnan mo, ang liit ng kamay niya. Nakakatuwa..." tumingin siya nang diretso sa aking mga mata. "Kamusta ka, Prinsesa Rini? Ako si Cederic..." pakilala niya habang nilalaro-laro niya ang aking kamay na animo'y tuwang tuwa siya.

Ah, so his name is Cederic. Cederic Eryndor. Now I know. Haayys, it's a shame I couldn't speak yet. Nakakainis. Gustong gusto ko nang dumaldal!

Anyway, tumingin naman ako sa first prince na tahimik na umiinom ng tsaa. Eh, parang pareho lang sila ng personality ng second prince. Oo nga pala, hindi ko pa pala alam ang pangalan ng isang ito.

Tahimik niyang inilapag ang tasa sa mesa. Pormal siyang tumingin kay Vencel na kasalukuyang humihigop ito ng inumin. Pakurap-kurap lang akong nanonood at nakikinig sa pinag-uusapan nila. "Siya nga po pala, Kamahalan..." panimula niya. "Ano po pala ang balak ninyong gawin sa katabing bansa? Kahit anong gawin natin ay ayaw nilang sumuko."

Bago man sumagot ang Emperador ay inilapag din niya ang tasa sa mesa. Isang blangkong ekspresyon sa mukha ang ibinigay niya sa first prince. "Kung ayaw nilang tumigil sa kanilang hinain ay wala na akong magagawa kungdi gamitan sila ng dahas. Wala rin akong pakialam kung lumubo man ang rebelde laban sa Imperyo."

Tyrant na tyrant ang dating talaga ng mag-amang ito.

Huh? So usapang politika pala ang ganap dito? Hays, as usual. Ano pa bang aasahan ko? Wala naman ako sa modern times na pupwede pag-usapan ang mga random na bagay. Well, hindi na ako ordinaryong tao sa mundong ito. Isa na ako sa mga anak ng Emperador. But, is it appropriate to talk about that matter? Kumsabagay, hindi nila na alam na naiitindihan ko sila mula dito since my mind is already thirty years old!

And so on and so forth, puro politika ang pinag-uusapan nila. Hindi na ako makarelate! Instead I looked out the large window of this room. Nakuha ng atensyon ko ang mga iba't ibang klase ng mga bulaklak mula sa labas. Right, I think this is the way to divert my attention of political talks!

Inangat ko ang mga kamay ko saka iwinagayway ko sa hangin. "Uh! Uh!" hanggang d'yan palang ang kaya kong sabihin. Hindi bale, keribels ko 'to!

Fortunately, nakuha ko ang atensyon nila. They looked puzzled for what I want to convey. Pilit ko pa lumikha ng tunog at pilit kong itinuro ang hardin! Anubaaaa!

Sinundan ng tingin ni Cederic ang aking itinuro. "Ah! Mukhang gusto niyang pumunta ng hardin, kamahalan!" bulalas niya.

"Sa tingin ko nga." segunda pa ni Eomund, mukhang namangha din.

Good job, Cederic! Ano kaya kung ikaw nalang ang palagi sa tabi ko at maging translator ko, ano?

Umalis sa kinaupuan ang mga prinsipe para daluhan ako. Ibinaba ni Vencel ang tingin niya sa akin. "Gusto mo bang lumabas, mahal na prinsesa?" malumanay niyang tanong.

Tumingala ako sa kanila. Kumurap ako ng dalawa dahil na din sa pagkamangha at narinig ko ang malumanay niyang tanong. Kahit ang mga prinsipe ay nag-aabang sa pamamagitan ng malumanay nilang tingin. Ilang saglit pa ay nagawa ko silang ngitian.

Tila nabato sila sa harap ko. Sa tingin ko ay halos humiwalay ang puso nila sa kanilang sistema dahil lamang sa pagngiti ko. Like, what the hell? Ah, basta. Gusto kong lumabas at makalanghap ng sariwang hangin dahil hindi ko na matake at political talks nila kanina pa!

Biglang silang tumayo habang karga parin ako ng Emperador. "Ilipat ang mesa at mga silya sa hardin!" malakas niyang utos sa mga tauhan niya.

"Opo, kamahalan!" aligagang sagot ng butler pati ng mga maid.

* *

Ah, finally nakalabas din! Sa wakas, mararamdaman ko na ang hangin sa aking balat pati ang tunog nito. Malalanghap ko din ang sariwa at mabangong amoy na galing sa mga bulaklak. Rinig ko din ang rumaragasang tubig mula sa fountain ng Imperial Garden. Pero hindi ko lang sukat-akalain na masyado palang malawak ang lugar na ito. Well, expected from the royal family. Bukod pa doon ay sa wakas na nakaupo na ako nang hindi hawak ng Emperador ngayon. Kahit ilang ulit na niya ako hinawakan at kinakarga ay hindi pa rin ako sanay. Siguro ay dahil nararamdaman ko pa rin ang pagkailang dahil isang tulad ko na thirty years old ay nakulong sa katawan ng isang sanggol!

Habang nag-uusap ulit ang Emperador at ang First Prince tungkol ulit sa politika ay napapansin ko na hindi na ako naiirita. Parang binabalewala ko na ito kahit na pinaglalaruan na ako nina Eomund at Cederic. Napatingala ako sa kalangitan. It something's touch my heart. It seems like I feel the traquility in this peace that I've never been felt before. Parang ito ang ideal place for me to write in my previous life.

Marahan kong ipinikit ang aking mga mata. Marahan kong isinandal ang aking likod sa upuan na para lang sa akin.

"Rini?" nagtatakang tawag sa akin ng dalawa. "Inaantok ka na ba?"

Yeah, I feel sleepy because of this peaceful place. And I love it.

"Kamahalan, mukhang inaantok na po ang Prinsesa." kahit na nakapikit ako ay rinig ko ang boses ni Cederic.

"Oh!" si Vencel. "Masyado pa siyang bata kaya madali siyang mapagod."

Kahit na nakapikit ako ay ramdam ko na kinarga ako. Gustuhin ko man idilat ang aking mga mata ay wala na akong kakayahang gawin pa 'yon. Mas gustuhin ko pang damahin ang katahimikan ng lugar na ito. 'Yung tipong nagagawa ko pa ang passion ko sa pagsusulat pero walang nagpupumilit o hinahabol na oras dahil sa due date. Walang kumukulit sa akin kung tapos na ako o hindi kaya dumidikta sa mga ideya ko.

Hindi ko mapigilang mapangiti. Ramdam ko na unti-unti ko na nagugustuhan. Siguro ito ang dahilan kung bakit ako binigyan ng isa pang pagkataon na mabuhay ulit.

"Ngumingiti siya, Kamahalan..." rinig kong boses ni Eomund.

"Mukhang maganda ang panaginip niya." rinig ko namang wika ng first prince. "Kamahalan, may napagtanto ako habang pinagmamasdan ko ang prinsesa."

"Ano 'yon, unang prinsipe?"

"Dahil siya ang unang prinsesa ng Imperyo at nakatadhana upang magtagumpay ang Imperyo..." ilang segundo siya tumigil sa pagsasalita. "Ipinapangako ko na gagawin ko ang lahat para maprotektahan ang nag-iisa kong kapatid na babae. Hindi ako papayag na may mangyayari sa kaniya na masama. Gagawin ko ang lahat upang maging isang huwaran na nakakatandang kapatid para sa kaniya."

"Ako din po, Kamahalan!" segunda ni Cederic.

"Gayundin po ako." si Eomund.

"Ikinagagalak kong marinig ang mga salita na 'yan mula sa inyo," wika naman ni Vencel. "Kahit ako, hindi ko mapapayagan na may gagalaw sa kaniya. Hinding hindi ako makakapayag na apihin siya nang mga tao sa paligid natin---sa paligid niya."

Huh? Ano daw?!

* *

Nagising ako ay gabi na. Nang bumungad sa akin ang kisame ng silid ay alam ko nang nasa kuwarto na ako. Sa sarili kong kuwarto. Bumuga ako nang malalim na buntong-hininga. Hindi ko namalayan na tuluyan na akong nakatulog sa mga bisig ng Emperador. Sumagi sa isipan ko ang mga pangako na sinambit ng unang prinsipe sa harap ni Vencel.

Ako ang unang prinsesa at nakatadhana upang magtagumpay ang Impyerno... Ano bang ibig nilang ipahiwatig doon?

Come to think it. Wait, hindi kaya nang nagreincarnate ako bilang isang baby, nang una ko silang nakita ay punung-puno ng dugo ang kanilang katawan? Na narinig ko na mismong sinabi ng Emperador na pinatay na niya ang mga taong nagtatangka sa aking buhay? Oh, because of that, I got shiver on my spine. I can actually imagine how merciless he is. He can kill. Of course, he's the head of this Kingdom so he need to protect himself from danger. Gayunpaman, marami pa ring katanungan sa isipan ko.

Oh, well. I'm kinda excited for what will happend, for what I want to know in the future. So I have to wait in the right time and in the right place.

Come on, baby. You need to grow up and be well. You need to play detective in this kind of mystery!

Naputol lang ang pag-iisip ko nang may narinig akong may nagbukas ng pinto ng kuwarto. Hindi ko pa kayang tumayo kaya ang hinihintay ko lang kung sino ang magpapakita sa akin.

Until I saw the first prince's face. Like what I saw from Vencel, he looks gentle in my eyes. His expressive eyes got me. "Nagising ba kita?" malumanay niyang tanong. "Paumanhin pero ito lang ang aking pagkakataon na masilayan ang aking nakakabatang kapatid." He beamed at me and reached me. Nang nasa bisig na niya ako at tinititigan niya ako nang maigi. Pinag-aaralan niya ako sa paningin niya. His cold and bloody amber eyes became warm and peaceful. Kumurap ako na may pagtataka. Ano bang problema ng isang 'to?

"Marahil ay tama ang desisyon ko." mahina niyang pahayag. "Tama nga sila. Ikaw nga ang itinadhana para maging susi ng tagumpay lalo ang mga Eryndor."

What do you mean, dude?

"Magkaiba ang kulay ng iyong mga mata..." aniya.

H-ha?

Magkaiba ang kulay ng aking mga mata?! Sandali, totoo?! My goodness, tell me more, of this, first prince. And I need evidence! Where's the mirror?! Bakit wala man lang binanggit sa akin ng mga maid?!

Nang nagtama ang tingin namin nang unang prinsipe, biglang may kumislap sa aking paningin. Dahil d'yan ay naningkit ang aking paningin. Mas umawang ang aking bibig dahil sa pagkagulat na umiba ang aking paligid. Unti-unti nagiging madilim hanggang sa may naamoy akong nasusunog sa hindi kalayuan sa akin. Hanggang sa may naririnig ako na ingay, iyak na punung-puno nang hinagpis at nagmamakaawa. Sigaw na bakas na pagdidikta. Nang iginala ko ang aking paningin ay may naaninag akong dalawang lalaki. Kumunot ang aking noo dahil pamilyar sa akin ang isang lalaki na duguan habang sinasakal siya sa ere, habang ang isa naman ay hindi ko kilala pero nanatili siyang nakatayo at ngumingisi siya nang mala-demonyo sa habang sinasakal niya ang lalaki.

Nanlaki ang mga mata ko nang napagtanto ko kung sino ang sinasakal. Ang Emperador! Napukaw din ng aking atensyon ang tatlong lalaki na duguang nakahandusay at wala nang buhay sa sahig ng Palasyo! Ang mga kapatid ko!

A-anong... The Emperial is going to fall?!

"Rini?" tawag sa akin ng unang prinsipe. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala at takot.

Ramdam ko nalang na may umaagos na tubig sa aking pisngi.

"H-huwag kang umiyak, mahal na prinsesa!" bulalas niya saka natataranta siyang inaalo ako. "Pa-paumahin kung may nagawa o nasabi man ako sa iyo."

According to him, I have different eye color. And I saw just now... It means, I have precognition? I have an ability to predict see what will happend in the future?

Download MangaToon APP on App Store and Google Play

novel PDF download
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play