Pinaghalong pagkataranta, kaba, takot ang nararamdaman ng mga prinsipe habang tumatakbo sila pabalik sa Palasyo---sa bulwagan ng kasiyahan. Hindi maalis sa isip nila kung ano ang nasaksihan nila kanina. Isang nagsasalitang halimaw ang kumuha kay Rini. Nababalot ito ng kadiliman, ang higit sa lahat, hindi nila magawang abutin ito dahil mabilis itong kumilos upang makalayo at higit sa lahat, nakakalipad ito. Kahit na sabihin na hangin ang pangunahing elemento ni Prinsipe Dilston ay hindi sapat ang mana niya para makalaban niya ang halimaw kanina. Ang tanging naisip nilang paraan upang mabawi ang prinsesa laban sa mga dumukot dito---ang mga Emperador ng Oloisean at ang Emperador ng Cyan na nasa kasiyahan.
Nang marating nila ang bulwagan ay agad nila hinahanap ang mga tao na kailangan nilang makausap. Namataan ni Prinsipe Cederic ang ama at ang pinakamatandang kapatid na si Prinsipe Raegan na abala pa nakikipag-usap sa Emperador at Emperatris ng Oloisean. Agad niya tinawag ang mga kasamahan saka itinuro niya ang direksyon ang mga taong sadya nila. Hindi sila nagdalawang-isip na lapitan ang mga ito.
"Ama!" malakas na tawag ni Prinsipe Cederic kay Emperador Vencel. Nakasunod sa kaniya sina Prinsipe Otis, Prinsipe Dilston at Prinsipe Calevi.
Bumaling ang mga ito sa kanila. Nagtataka ang mga ito na tumingin sa kanila. Bahagyang kumunot pa ang noo ni Emperador Vencel, napansin niya ang pamumutla ng mga prinsipe sa kanilang harap. Naniningkit ang mga mata niya nang napansin din niya na hindi nila kasama si Rini. 'Hindi kaya hinimatay ulit siya?' sa isip niya. Medyo nagulat siya nang mahigpit hinawakan ni Prinsipe Cederic ang kaniyang damit, kulang nalang ay malulukot na ito. Tumingala ito. "Anong problema, pangatlong prinsipe?" pilit niyang maging kalmado. Nanigas siya nang masilayan niya na lumuluha na ito sa kaniyang harap.
"P-patawad po... Na-bigo po ako sa aking tungkulin... Bilang nakakatandang kapatid ni Rini..." humahagulhol nitong sambit.
Mas lalo sila naguguluhan. Ibinaling ni Emperador Vencel ang kaniyang tingin sa iba pang prinsipe na kasamahan nito. Bakas din sa mga mukha nito ang takot at mas lalo namumutla. Ibinalik niya ang kaniyang tingin sa kaniyang pangatlong anak. Lumuhod siya saka dumapo ang mga palad niya sa magkabilang balikat nito. "Huminahon ka, Cederic. Ipaliwanag mo nang mabuti. Nasaan si Rini?"
Sumisinok itong tumingin sa kaniya, wala pa rin humpay sa pagtulo ang mga luha. "D-dinukot po si Rini... Ng halimaw. Isang... Strzyga!" medyo nilakasan niya ang huling salita. Dumadagundong ito sa buong bulwagan.
Natigilan ang mga bisita. Tumingin ang mga ito sa kanila. Napasinghap ang mga ito. Umukit sa mga mukha ng mga bisita ang pangamba. Nanigas si Vencel sa kaniyang narinig. Kusang nanginig ang kaniyang kalamnan, nagliliyad na ang apoy sa kaniyang sistema. Dinukot ang kaniyang nag-iisang anak ng babae. Ang nag-iisang prinsesa ng Cyan! Sa pagkakataon na ito, halimaw na ang kumuha sa kaniyang anak. Hindi taga-ibang Imperyo!
"Vencel..." nag-aalalang tawag sa kaniya ng Emperador ng Oloisean, si Kron Albelin.
"Ama..." si Prinsipe Raegan, bakas din sa mukha niya ang takot at pag-aalala para sa pinakababatang kapatid.
Halos wala sa sariling tumayo ng tuwid si Vencel na kuyom ang mga kamao. Nanginginig ito dahil sa galit. Napalunok ang mga bisita. Hindi nila maiwasang hindi matakot sa kung papaano magalit ang isang Vencel Erydor, ang pinakamalakas na Emperador ng Cyan. Ang namumuno sa Timog. Alam din ng karamihan sa kanila kung gaano kahalaga sa kaniya ang mga anak niya. Hinding hindi ito makakapayag na galawin ang sinuman sa myembro ng kaniyang pamilya.
"Vencel, hayaan mong bigyan kita ng tulong militar, ipapahiram ko din sa iyo ang mga salamangkero namin." wika ni Emperador Kron, ipinatawag niya ang sirbiyente na kapwa ding maharlika para bigyan ng utos.
Seryosong bumaling si Vencel sa Emperador ng Oloisean. "Malaking tulong na sa amin 'yon. Albelin." malamig niyang wika. "Raegan." tawag pa niya sa panganay niyang anak.
"Opo, kamahalan."
"Sasama po kami, ama." wika ni Prinsipe Cederic, ganoon din ang iba pang prinsipe. Bumaba ang tingin niya sa mga ito. Nababasa niya sa mga mukha nito ang deteminasyon at kagustuhan na iligtas si Rini. Marahan niyang idinapo ang palad niya sa ulo ni Prinsipe Cederic. "Dumito na muna kayo. Hintayin ninyo ang pagbabalik namin. Gagawin ko ang lahat upang mabawi namin ang iyong kapatid." nilagpasan niya ang mga ito. Nag-umpisa nang manlisik ang mga mata niya dahil sa galit. Tahimik nilang nilisan ang bulwagan, nakasunod lamang sa kaniya ang Emperador ng Oloisean at ang unang prinsipe ng Cyan.
Dahil sa pagmamadali ay narating na sila ang pasukan ng Palasyo.
"May palagay ka na ba kung saan kumukuta ang mga halimaw na binabanggit ng mga prinsipe?" tanong sa kaniya ni Kron Albelin.
"Wala." tipid pero malamig niyang tugon.
Hindi makapaniwalang tumigil sa paglalakad ito sa naging sagot niya. "Pero papaano natin mahahanap ang iyong anak?"
Tumigil din ang paglalakad sina Vencel at Raega. Itinagilid ang mga ulo upang lumingon sa kaniya. Tumindig ang balahibo ng mga ito nang maramdam niya ang malalakas na aura na napapaligid sa mag-amang Eryndor. Kita niya din kung papaano umiilaw ang mga mata nito dahil sa galit, na akala mo ay gutom na ang mga ito upang pumatay. "Susuyurin ko ang mundo mahanap ko lang ang mga lapastang na kumuha sa bunso ko, Albelin."
Napalunok siya. Aminado ilang beses na niyang nakita kung magalit ang Emperador ng Cyan. Pero mas umiba ang kung papaano ito magalit kapag nalaman nito na nasa kapahamakan na ang nag-iisa nitong anak na babae. Ang prinsesa na sinasabi na magiging mas matagumpay ang Imperyo ng mga Eryndor. Kahit siya ay wala siyang ideya kung anong magagawa o kapangyarihan na meron ang nag-iisang prinsesa.
Sa paglabas nila sa Palasyo ay nakahanda na ang mag dapat nakahanda. Nilapitan sila ng mga mayordomo ng mga Albelin para abutin ang mga espesyal na espada. Pati ang mga kabayo na sasakyan nila ay nakahanda na din. Walang ekspreyon sa mukha ni Vencel nang hinawi niya ang suot na roba. Dinaluhan niya ang isang kabayo na ipinahanda para sa kaniya. Mabilis siyang tumapak at sumampang sa saddle ng kabayo. Mahigpit niyang hinawakan ang bridle, saka inumpisahan na niyang sipain nang malakas ang gilid nito upang umusad. Pinabilis niya patakbuhin ito hanggang sa tuluyan nilang nakaalis sa Palasyo.
Humigpit ang paghawakan niya sa tali. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na niya himampas ang hawak na tali para mas mapabilis pa ang pagtakbo nito. Wala na siyang pakialam kung makakahabol man o hindi ang mga kasamahan niya. Ang prayoridad niya sa ngayon ay mabilis niyang mahanap si Rini.
Sumagi sa isipan niya kung ano ang nararamdaman nito habang nasa poder ng mga dumukot. Hindi niya kayang isipin ang mukha nito na naiiyak na sa takot.
'Hintayin mo ako, Rini. Ililigtas ka ni Papa.' sabi ng kaniyang isipan.
**
Pumaparito't pumaparoon sina Cederic. Sapo-sapo niya ang kaniyang noo. Kasalukuyan silang pinatili sa silid pampanauhin. Kasama nila ang Emperatris sa loob ng silid. Gayundin ang isa pa niyang kapatid na si Eomund. Tulad niya ay bakas sa mukha nito ang pag-aalala para sa bunsong kapatid. Hindi rin mapakali. Ang tatlong prinsipe na sina Otis, Dilston at Calevi ay tahimik sa isang sulok. Kinikimkim ang panlulumo na nararamdaman. Naiinis sila sa kanilang sarili dahil sila pa itong lalaki, hindi nila magawang iligtas ang isang batang babae. Lalo na si Otis. Nakahalukipkip siya't nakipagtitigan sa sahig. Nag-iisip din siya ng paraan kung papano nila matatagpuan ang lugar kung saan dinala si Rini.
Inangat niya ang kaniyang paningin sa bintana ng silid. Hindi mawala sa isip niya kung papaano tinangay si Rini sa mismong harap niya. He gritted his teeth. Pakiramdam niya ay natalo siya. Sa buong buhay niya, hindi pa niya natikman ang pagkatalo. Ngayon palang! Sa isang iglap ay nabalewala ang titulo na madalas na itinawag sa kaniya---ang mananakop na prinsipe, dahil sa lakas at talento niyang taglay.
Natigilan siya nang may sumagi sa kaniyang isipan. Agad niya itinapat ang kaniyang palad sa pader. Nagliliwanag na'yon. Agad napansin 'yon ng mga tao na nasa silid. Agad siya nilapitan ng mga prinsipe, kabilang na sina Prinsipe Cederic at Prinsipe Eomund.
"Saan ka pupunta, Otis?" mabilis na tanong sa kaniya ni Dilston.
"May titingnan ako sa hardin." malamig niyang tugon.
"Anong titingnan mo?" sunod nitong tanong.
"Titingnan ko kung may naiwan siyang bakas, nagbabakasali na may mahanap tayong paraan para mahanap natin si Rini."
"Sasama ako sa iyo." sabay na wika ng mga prinsipe.
"Hindi kayo maaaring umalis." matigas na sambit ng Emperatris habang papalapit ito sa kanila. Sabay silang tumingin doon. "Delikado ang pupuntahan ng dalawang Emperador at ng unang prinsipe ng Cyan, alam ko na alam ninyo din kung anong mga klaseng nilalang ang makakaharap nila."
"Ina, hindi po kami panatag kapag may mangyayaring masama kay Rini!" malakas na saad ni Dilston. "Lalo na't..." kinuyom niya ang mga kamao. "Kaibigan namin siya."
Humarap din sa kaniya ang iba pang prinsipe. Tumindig ang balahibo ng Emperatris nang masilayan niya ang mga mukha nito. May pinaghalong galit at deteminasyon ang nababasa niya. Napalunok siya. Hindi niya sukat-akalain na ganito pala ang epekto ng nag-iisang prinsesa ng Cyan. 'Ito ba talaga ang kapangyarihan na mayroon ang prinsesa?' tanong ng bahagi ng kaniyang isipan.
"Nangako kami sa kaniya na ibibigay namin ang buo naming katapatan sa kaniya. Na hinding hindi namin siya pagtataksilan... Kaya bilang mga kaibigan niya, hindi kami maaaring uupo at maghihintay sa pagbabalik niya!" dagdag pa ni Dilston. "Dahil nagkasundo na kami..."
Natigilan ang Emperatris. "N-nagkasundo? Anong ibig mong sabihin?"
Kahit si Dilston ay nagulat sa mga salita na lumabas mula sa kaniyang bibig. Napaatras siya nang makita niya ang mukha ng ina na nagkukwesyon kung anong ibig niyang sabihin. Walang dapat nakakaalam tungkol sa kasunduan, maliban lang sa mga sangkot sa kaganapan na 'yon. Napalunok siya.
Biglang humarang si Otis. Seryoso ang kaniyang mukha. Siya naman ang pag-atras ng Emperatris. "Kasunduan bilang magkakaibigan, mahal na Emperatris." malamig niyang sambit.
Umiba ang ekspresyon sa mukha nito. Marahan itong pumikit. Mukhang nakumbinsi siya ni Otis. "Kung ganoon, ang tanging magagawa na nga lang talaga natin ay maghintay." tinalikuran sila nito. Naglakad palayo hanggang sa tuluyan itong nakaalis ng silid.
Wala nang sinayang na panahon si Otis. Dinaluhan niya ang balkonahe. Kukunin niya ang pagkakataon na ito para makaalis. Wala na siyang mapagpilian pa kungdi gamitin na niya ang alam niyang mahika para masundan na niya ang dalawang Emperador ngunit sa pagbukas niya ng pinto ay biglang may sumulpot sa kaniyang harap na mga grupo ng kalalakihan. Ang nangunguna sa grupo na 'yon ay ang kanang-kamay niya na si Egos. Malamig niya tiningnan ito.
Lumuhod ang mga ito sa kaniyang harap. "Prinsipe Otis, naibigay-alam na sa inyong ama, ang Emperador kung ano ang nangyayari ngayon sa nag-iisang prinsesa ng Cyan. Ipinag-utos niya na hindi kayo maaring sumali o masangkot sa kaganapan."
Dahan-dahan niyang ikinuyom ang kaniyang mga palad, nanginginig na ito dahil sa galit. Umigting ang kaniyang panga. Dagdag problema na ngayon, nalaman na ng kaniyang ama kung anong nangyari. Mariin niyang ipinikit ang kaniyang mga mata. 'Rini, nasaan ka? Bigyan mo kami ng palatandaan kung saan ka namin mahahanap!' sigaw ng bahagi ng kaniyang isipan.
**
Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata. Medyo malabo ang nakikita ko. Pero may naririnig akong ingay sa hindi kalayuan. Ilang beses pa ako kumurap para manumbalik ang aking paningin. Unti-unti nang nagiging malinaw ito. Bahagya akong gumalaw para bumangon mula sa pagkahiga ko sa sahig. Hindi ako masyado makagalaw. Napagtanto ko na mahigpit ang pagkatali sa mga kamay at mga paa ko.Napangiwi ako saka iginala ang aking paningin sa paligid. Nasaan ba ako? Sino ang nagdala sa akin dito?
Medyo madilim ang paligid. Tanging nagsisilbing liwanag lang dito ay mula sa malaking bon fire. Kumunot ang aking noo para maaninag ko pa kung anong mga makikita ko. Natigilan ako sa mga nasaksihan ko. Unti-unti nanlalaki ang aking mga mata. Wala akong nakikitang tao sa paligid. Ni isa ay wala.
Nakikita ko ang mga halimaw na nagkakasiyahan sa habang nasa harap sila ng apoy.
Ibinuka ko ng kaunti ang aking bibig. Suminghap at nanginginig na ang aking labi. Bigla ako ginapangan ng pinaghalong kaba at takot sa mga oras na ito. Hindi ko alam na may nag-eexist pa palang mga ganitong nilalang sa mundo na ito. Ang akala ko, puro mga tao lang ang naririto pero nagkamali ako. May mga halimaw din pala. Pero sa pitong taon ko na dito sa mundong ito, ni minsan ay wala akong nababalitaan o naikwento sa akin na may ganitong uri pala na nilalang. Kahit sa mga nababasa kong libro mula sa Library ay wala akong babasa o tinutukoy tungkol sa kanila. Ano bang ibig sabihin nito?!
At isa pa, bakit nila ako dinukot? Para saan?
Muli ako natigilan nang may naririnig akong hikbi sa bandang likuran ko. Nagtataka kong lumingon sa pinanggalingan n'on. Nakita ko ang isang babae na blonde din ang buhok pero maiksi at tuwid ang kaniyang buhok. Medyo gusgusin na siya sa paningin ko kahit mukhang mamahalin ang bestida niya. Tulad ko ay nakatali din ang mga kamay at mga paa niya. Lumunok ako saka gumapang palapit sa kaniya.
"T-tahan na..." sabi ko.
Tumigil siya sa paghikbi. Gulat siyang tumingin sa akin. Parang sa mga tingin niya ay ngayon lang siya nakakita ng tao. "G-gising ka na..." nanginginig ang kaniyang boses.
"Nasaan ba tayo?" mahina kong usisa sa kaniya. Patuloy ko pa rin tinitingnan ang paligid. Base sa nakikita ko, para kaming nasa loob ng kuweba.
"Dinala nila tayo sa kabundukan ng Cedarrot... Sa pagitan ng bawat Imperyo..." pumikit siya ng mariin. "G-gusto ko nang umuwi... Nag-aalala na ang mga magulang ko."
"Taga-saan ka pala?" sunod kong tanong.
Yumuko siya. "Taga-Cyan ako. Anak ako ng isa sa mga kilala at respetadong Conde..." muli siyang humikbi.
Naniningkit ang mga mata ko. Taga-Cyan siya, kahit din naman ako. Ang kapansin-pansin ay pareho kaming blonde ang buhok, mas maningning nga lang sa akin. Pareho din kami galing sa isang royal family. Hindi kaya...?
"Mabuti at gising na kayo." biglang may nagsalita, mukhang papalapit sa amin. Wait, I could recognize his voice. Kaboses niya ang lalaking dumukot sa akin! Agad ko 'yon tiningnan. Natigilan ako nang makita ko na isang halimaw pala ang kumuha sa akin mula nasa lupain ako ng Oloisean?! "Daig ninyo palang kambal kapag magkadikit na kayo." saka tumawa siya na mala-demonyo.
"Anong kailangan mo sa amin?" lakas-loob kong tanong sa kaharap namin.
"Paumanhin, napag-utusan lang din ako ng aming pinuno. Ang tanging utos niya lang sa amin ay kunin daw namin ang batang babae na ang buhok ay kulay ginto."
"At sino ang pinuno ninyo?" sunod kong tanong na may kasama nang matalim na tingin.
Humalukipkip siyang tumingin sa akin. "Reyna ng Kadiliman."
Huh? Reyna ng Kadiliman?
"Bukas na bukas din ay dadalhin na namin kayo sa kaniya." saka tinalikuran na niya kami.
Inilapat ko ang mga labi ko. I can feel my heart were shaking at this moment. Mas ginagapangan na ako ng takot sa aking sistema. Kahit na nanatili akong nakatali, hindi ko mapigilan ang sarili kong ikuyom ang mga palad ko. Pumikit ako ng mariin. Ramdam ko ang init na bumabalot sa buo kong katawan.
Sumagi sa isipan ko sina papa, ang mga kuya ko... Sina Otis, Dilston at Calevi.
'Cedarrot...' sambit ng aking isipan.
**
Wala sa oras na itinigil nina Vencel at Raegan ang mga kabayo. Nakatinginan silang dalawa.
"Raegan." seryosong tawag ni Vencel sa panganay na anak. "Sabihin mo sa Emperador ng Oloisean, sumunod sila sa kabundukan ng Cedarrot. Mauuna na ako." muli niyang pinaandar ang kabayo at pinatakbo ng mabilis upang marating sa lugar kung nasaan si Rini.
Natigilan naman ang mga prinsipe, lalo na si Otis. Hindi sila makapaniwala na narinig nila ang boses ni Rini. Pero ang mas hindi nila inaasahan ay itinukoy nito kung nasaan siya naroroon.
Sumilay ang ngiti sa mga labi ni Otis. "Sa palagay ko ay unti-unti nang nagigising ang mga kapangyarihan niya." mahina niyang sambit habang nanatili pa rin siyang pinipigilan at hinaharangan ng mga tauhan niya, tulad ng utos ng kaniyang ama. Itinagilid niya ang kaniyang ulo. "Papaano ba 'yan? Una na ako." saka may ibinato siya sa ere. Biglang may sumulpot na malaki at itim na ibon. Lumundag pa siya ng isa at sumisid siya sa sahig ng balkonahe.
"Hindi maari!" malakas na sabi ni Egos sabay bumaling siya sa ibon na papalayo na sa kanila. Naroon na ang prinsipe ng Thilawiel sa likod ng itim at malaking ibon. Nagawa siyang takasan nito. Bakit nakalimutan niya na kaya pala ng unang prinsipe ng Thilawiel na manipulahin ang sarili nitong anino?!
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 31 Episodes
Comments