CHAPTER 9

Isinandal ko ang aking sarili sa railings ng balkonahe. Hindi ko na namalayan kung ilang beses ko na tinitipa ang aking hinututurong daliri sa sementadong railings dahil na din sa malayo ang aking tingin. Simula nang nagising ako ay hindi na maalis sa isipan ko ang napaginipan ko. Ang buong akala ko ay makikita ko lang kung anong meron sa hinaharap, pati rin pala ang nakaraan ay matutuklasan ko pa. Mas lalo hindi maalis sa isipan ko tungkol sa nakita ko---ang nakaraan ni Prinsipe Calevi. Ngayon ay nagiging malinaw na sa akin kung bakit nakita ko siya sa pook ng mahihirap na binubugbog. May koneksyon din pala 'yon sa sinabi ng binatilyo na nagligtas sa amin ng araw ding 'yon.

Kinagat ko ang aking labi saka ipinikit ko nang mariin ang aking mga mata. Tama ba na sinabi ko kay Vencel na dito muna manatili ang prinsipe ng Severassi kahit pansamantala muna? Na ilayo ko muna siya sa babaeng nagtatangka sa kaniyang buhay? But there's more puzzle piece were missing. Where is his father? Bakit hindi man lang niya iniligtas ang sarili niyang anak? Ang unang prinsipe? Bakit hinahayaan naman niya ang pangalawang prinsipe naman ang umalis mula sa lupain nila? Hindi ba, dapat siya ang magpoprotekta sa mga ito?

Kumsabagay, malayo ang relasyon ng pamilya ni Calevi kaysa sa pamilya na nakagisnan ko. Kahit na kilala ang mga Eryndor sa pagiging malupit o walang puso ay busog naman ako sa pagmamahal na ibinibigay nila para sa akin kahit na sabihin natin na ang nanay ko ay isang hindi maharlikang tao na tulad ng mga naririnig ko.

Speaking of, hindi ko pa pala naitanong kay Vencel tungkol sa nanay ko. Ang totoo niyan ay gusto ko malaman tungkol sa kaniya noong siya'y nabubuhay pa. Madalas lang ako hindi nabibigyan ng pagkakataon dahil habang lumalaki ako ay mas nagiging abala pa siya. Gustuhin ko rin itanong kay Raegan pero abala din siya sa kaniyang Chivalry Order na siya mismo ang nagtatag. Hindi ko rin maitanong sina Eomund at Cederic dahil alam ko ay wala pa silang muwang nang mga panahon na 'yon.

Napabuntong-hininga ako. Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapaisip pa lalo. Bakit ba kasi ang daming sikreto sa Palasyo?!

Nagpasya na akong umalis sa balkonahe para makaligo na. Sa pagkatapak ko sa aking silid ay sinalubong ako ng bow ng mga maid. Nilapitan ako ni Nesta, sinabihan niya ako na nakahanda na daw ang lahat para sa pagligo ko. Pinuntahan ko ang bathroom at tinulungan niya ako sa paghubad ng aking damit. Pagkatapos ay lumusong na ako sa bath tub. Tahimik lang ako nakababad sa tubig habang sinisimulan na niyang punasan ng puting tela ang aking balat. Ang isang maid naman ay abala sa pagsabon ng aking buhok. Pinagmamasdan ko ang sarili ko sa mapapagitan ng repleksyon ng tubig. Naalala ko, apat na taong gulang ako nang unang beses ko nakita ang aking sarili sa salamin. Doon ko napatunayan na magkaiba nga ang kulay ng aking mga mata. Namana ko ang isang mata ko sa kulay ng mata ni Vencel na pula. Eh ang kulay violet kaya? Namana ko ba ito sa aking ina?

"Nesta," malumbay kong tawag sa kaniya.

Bahagya siyang tumigil sa kaniyang ginagawa. "Ano po 'yon, mahal na prinsesa? May kailangan pa po ba kayo?" magiliw niyang tanong sa akin.

Seryoso akong lumingon sa kaniya. Humawak ako nang maigi sa bath tub. "Anong hitsura ng aking ina?" diretsahan kong tanong sa kaniya.

Kita ko kung papaano siya natigilan sa aking tanong. Okay, I expected that. "M-mahal na prinsesa..." ang tangi niyang nasabi sa akin.

Agad ko din binawi ang aking tingin at tumalikod sa kaniya. "Hayaan mo na, Nesta. Tiningnan ko lang kung masasagot mo ang tanong ko." pagbawi ko pa. Umiba ako ng posisyon. Niyakap ko ang aking mga binti.

Ipinagpatuloy niya ang pagpupunas sa aking katawan. "Hindi po isang ordinaryong babae ang inyong ina, kamahalan." nakangiti niyang tugon.

Natigilan ako. Hindi ko inaasahan na magawa niyang sagutin ang aking tanong. "Hindi siya ordinaryo?" ulit ko pa na hindi makapaniwala.

Tumango siya pero hindi mawala ang ngiti sa kaniyang mga labi. "Kung interisado po kayo malaman tungkol sa inyong ina, bakit hindi ang mahal na Emperador po ang tanungin ninyo?"

Napalunok ako. Napalitan ng pag-aalala sa aking mukha. "Sa tingin mo ba... Masasagot ni papa kapag tinanong ko sa kaniya ang bagay na ito?"

Tumingin siya nang diretso sa aking mga mata. "Sa tingin ko naman ay magagawang sagutin ng mahal na Emperador ang tanog ninyong 'yan, mahal na prinsesa. At isa pa, karapatan ninyo din malaman kung ano talaga ang tunay ninyong pagkatao." suhesyon niya na hindi maalis ang kaniyang ngiti sa kaniyang mga labi.

Sa mga sinabi niya ay hindi ko na rin mapigilang mapangiti. Kahit papaano ay napagaan niya ang kalooban ko. Kahit papaano ay umunti ang bumabagabag sa akin ngayon. Pero bago itatanong ang bagay na 'yan kay Vencel, may isa pa akong dapat gawin.

**

Pagkatapos kong maligo ay binihisan na ako ng maganda, malinis at elegante nina Nesta. Pati na din ng mga maid bago man ako kakain ng tanghalian. Hinatid nila ako patungong Dining Area kung nasaan ay naghihintay na sina Raegan, Eomund at Cederic. Wala ngayon Vencel, binanggit sa akin ni Raegan ay hindi daw namin ito makakasabay sa pagkain dahil kasalukuyan niyang kausap ang mga nobles tungkol sa politika. Hindi na din bago sa akin 'yon kaya hinayaan ko nalang.

Nilagay ko ang table napkin sa aking kandungan. Ipinatong ko din ang aking mga kamay doon. Tahimik lang kaming naghihintay habang nilalagay ng mga maid at butlers ang mga pagkain na inihanda para sa aming magkakapatid. Pagkatapos ay sinimulan na naming kumain.

Pare-pareho kaming tahimik habang nasa hapag. Tanging ingay mula sa kurbyertos ang naririnig sa buong silid. Pero nagnanakaw ako ng sulyap sa mga kapatid ko. Hindi ako makapagconcentrate sa roasted chicken na nasa harap ko. Hayys, suko na ako!

Marahan kong binitawan ang mga hawak kong kurbyertos. Pareho silang napatingin sa akin na may pagtataka.

"May problema ba, Rini?" nagtatakang tanong ni Raegan.

Lumabi ako. "Gusto kong mag-aral, tulad ninyo." walang sa sarili nang sambitin ko 'yon.

Sabay silang natigilan. "Anong gusto mong pag-aralan, Rini?" nakangiting tanong sa akin ni Eomund. "Maaari ka naming tulungan kung anong gusto mong malaman."

"Gusto ko po matututo kung ano ang mga dapat gawin ng mga prinsesa o mga anak ng mga maharlika." umupo ako nang maayos. "Kahit ang pag-aralan ko po kung papaano makikipaglaban kahit ang mahika, walang problema pong sa akin."

Laglag ang mga panga nila sa aking sinabi.

"G-gusto mo matuto makikipaglaban...?" hindi makapaniwalang ulit ni Cederic. "Pero hindi ba, hinimatay ka nang nag-ensayo ka ng espada kasama ng unang prinsipe?"

"At isa pa, hindi ka pa tuluyang gumagaling mula sa insidenteng 'yon, Rini." segunda pa ni Raegan. "Kailangan ay kausapin muna natin ang mahal na Emperador kung ano ang magandang desisyon para sa iyo."

"Sa tingin ko ay alam ko na ang solusyon para hindi mabagot si Rini." sumingit si Eomund sa usapan. Sabay kaming napatingin sa kaniya. We looked anticipated. What is it? "Kailangan niya ng makakasama, tulad ng kalaro. Sa gayon ay mababawasan ang kaniyang pagkabagot."

Ha?!

"Tama!" malakas na sang-ayon ni Raegan. "Hayaan mo, ipaparating ko sa mahal na Emperador tungkol sa bagay na ito. Hindi ko namalayan na lumalaki ka na ang prinsesa, oras na din para makakilala ka ng mga bagong mukha at makakasama mo."

Huh? Seryoso kayo? Kailangan ko talaga ng kalaro? I don't need a royal companion!

**

Pagkatapos namin kumain ng tanghalian ay inutusan ko ang mga maid at butler na maghanda ng pagkain para sa bisita namin---si Prinsipe Calevi. Nag-aalala ako kung nakakain na ba ang isang 'yon. Kahit na bisita siya, syempre kailangan maging hospitable pa rin ako. At saka, hindi ko pa nakakausap simula nagising ako mula sa pagkahimatay.

Masaya akong naglalakad na may kasamang talon habang pinupuntahan ko ang silid. Pinasuyo ko sa mga maid at butler na ihatid nalang ang pagkain sa Imperial Garden. At least doon ay magiging komportable siya habang nakain. Nabanggit din naman sa akin ni Raegan kung saan nananatili ang prinsipe. Dahil halos kabisado ko na din naman ang pasikot-sikot sa Palasyo ay madali nalang para sa akin na hanapin 'yon.

Tumigil ako sa tapat ng pinto kung nasaan siya. Dahil tapos na ang house arrest niya, wala nang mga kawal na nagbabantay dito sa labas. Simula ngayon, ituturing na siyang bisita dito. A very special guest. Sumilay ang ngiti sa aking mga labi. Kumatok ako ng tatlong beses. Nanatili akong nakatayo, hinihintay ko ang pagbukas nito at hindi ako nabigo. Dahan-dahan ito nagbukas. Nakita ko kung papaano nahihiya ang prinsipe ng Severassi na humarap sa akin. Nagtatago pa sa likod ng pinto.

Umatras ako nang isa saka hinawakan ko ang laylayan ng aking palda saka inangat ng kaunti. Nagbigay-pugay ako sa kaniya para batiin siya. "Magandang tanghali, Prinsipe Calevi ng Severassi. Narito po ako upang sabihin na nakahanda na ang iyong tanghalian. Huwag ninyo sanang masamain."

Kita ko kung papaano siya suminghap. "Haa... S-seryoso---?" hindi makapaniwala niyang tanong.

Iwinagayway ko ang aking palad sa ere. "Wala mo nang alalahanin 'yon, Prinsipe Calevi. Kaya lang din ako narito upang makausap ka. Hindi sana ako nakaistorbo sa iyo."

Nilakihan niya ang awang ng pinto. Pero dahil sa umandar na naman ang pagiging pilya ko ay walang sabi na hinawakan ko ang isa niyang kamay at hinatak ko siya papunta sa Imperial Garden. Dahil tumatakbo ako ngayon ay tumatakbo na din siya habang hila-hila ko siya. Alam ko kasing tatanggihan niya ang alok ko.

"S-sandali..." nanginginig ang boses niya nang sambitin niya 'yon.

Pero daig ko pang bingi sa lagay na ito. Hindi ko siya pinakinggan hanggang sa narating namin ang lugar na sinasabi ko.

**

Malapad ang ngisi ko nang nakatapak na kami sa Imperial Garden. Gustuhin ko man tumawa dahil natutuwa ako nanonood kung papaano siya hiningal mula sa pagtakbo namin kanina. Sapo-sapo siya sa kaniyang dibdib. Lumipat ako sa kaniyang harap.

"Pagpasensyahan mo sana ako, Prinsipe Calevi. Ito lang ang tanging alam kong lugar na sa tingin ko ay tayong dalawa lang ang naririto. Walang makakaistorbo sa atin."

Napamaang siya. "H-ha...?" sabay na namumula ang magkabila niyang tainga. "A-ano bang ibig mong sabihin?"

Hindi mawala ang ngiti sa aking mga labi. Tinalikuran ko siya. Dinaluhan ko ang bakanteng upuan saka hinila ko ito. Itinuro ko ito sa mapapagitan ng paglahad ng aking palad. "Maupo ka na muna para makakain ka na, Prinsipe Calevi."

Lumunok siya. Kusang sumunod ang kaniyang katawan sa aking sinabi. Nilapitan niya ang itinuro kong upuan at umupo doon. Inabot ko sa kaniya ang plato at mga kurbyertos para maumpisahan na niyang kumain. Kita ko kung papaano siya nahihiya dahil sa ginagawa ko.

"H-hindi dapat ikaw ang gumagawa nito," bigla niyang sabi, naroon pa rin ang pagkahiya. Ginawaran ko siya ng isang pagtatakang tingin. Hindi ko magets. "Hindi ugali ng isang binibini na... Pagsilbihan ng ganito ang isang... Ginoo."

Pakurap akong tumingin sa kaniya. Sinisink in ko pa kung anong ibig niyang sabihin. Pero may napagtanto ako. "Ahh!" sabay kamot ako sa aking pisngi. "Pasensya na, nasanay lang ako. Lalo na't ako lang ang nag-iisang babae sa pamilya namin. Hehe."

Yumuko siya saka sinimulan na niyang kumain sa harap ko. Nakangiti akong tumingin sa kaniya. Tumingala ako sa kalangitan. Vey well, mukhang tama lang na dito kami mag-uusap para sa pribadong bagay.

"Prinsipe Calevi," wala sa sarili kong tawag sa kaniya, nanatili akong nakatingala. "Sa hindi ko malaman na dahilan, nakita ko kung anong dahilan kung bakit ka naririto ngayon sa Cyan."

"M-mahal na prinsesa..."

Inilipat ko sa kaniya ang aking tingin. "Napaginipan ko kasi na... nasa isang sementeryo ka. Nakatingin ka sa isang nitso. Nang nabasa ko kung sino ang nagmamay-ari nito, napag-alaman ko na nakakatanda mo pala siyang kapatid. Dahil ikaw nalang ang bukod tanging may karapatan na magmana ng korona at trono bilang susunod na Emperador ng Kanluran, may mga taong gusto magtangka sa iyong buhay." nagpangalumbaba ako sa harap niya. "Tama ba ako?"

Hindi siya agad makasagot ngunit kita ko kung papaano nanginginig ang kaniyang mga kamay. Malungkot akong tumingin doon. Umalis ako mula sa kinauupuan ko at walang sabi na hinawakan ko ang kaniyang mga kamay. Kita ko kung papaano siya nabigla sa aking ginawa. "Kung nanaisin mo lang, Prinsipe Calevi, dumito ka muna kahit pansamantala lang. Ipinapangako ko na magiging ligtas ka dito. Hindi ka masusundan ng mga taong magtatangka sa iyong buhay."

Malungkot siyang yumuko. "Gustuhin ko man ang paangyaya mo, mahal na prinsesa pero hindi rin maalis sa isipan ko ang aking ama."

"Pero... Bakit hindi ka niya magawang iligtas? Bakit hindi niya kayo magawang protektahan?" hindi ko mapigilan ang sarili kong itanong 'yan.

Kinagat niya ang kaniyang labi. Tila pinipigilan niya ang kaniyang sarili na ibunyag niya sa akin ang katotohanan. Ngunit sa huli ay huminga siya nang malalim na buntong-hininga. "Hindi niya magawa ang kaniyang tungkulin bilang ama sa amin dahil... Isa na siyang bihag ngayon ng aking madrasta. At mas masakit pa doon ay ginagawa niya din sa aking ama kung ano din ang naranasan ng aking nakakatandang kapatid. Unti-unti niyang nilalason ang aking ama." muli na naman nginginig ang kaniyang mga kamay. Nanginginig na siya sa galit, hindi na sa takot. "Gustuhin ko man lumaban para sa aking karapatan, pati ang mga kababayan ko ay unti-unti na din niya nilalason ang mga isipan nito." halos maluha-luha na siyang tumingin sa akin. "May isa pa akong dahilan kung bakit sinadya kong makarating sa Cyan. Dahil sa iyo, Prinsesa Styriniana."

"A-ako?"

Tumango siya. "May nakakapagsabi sa akin na ikaw ang makakatulong sa akin para bawiin ko ang lahat na dapat ay sa akin."

Marahan kong ipinikit ang aking mga mata. Marahan kong hinaplos ang kaniyang ulo hanggang sa nagawa ko siyang yakapin. "Aaminin ko, hindi ko rin kayang tulungan ka. Hindi pa sapat ang kapangyarihan na meron ako. Minsan din ay napapaisip ako kung ako ba talaga ang magiging dahilan upang magtagumpay ang Imperyo tulad ng sinasabi nila." bahagya kong siyang inilayo mula sa akin. Isang maliit na ngiti ang iginawad ko. "Hindi man ngayon pero sa hinaharap... Sisiguraduhin kong matutulungan kita, Prinsipe Calevi." 

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play