Naglalakad ako na may kasamang pagtatalon dito sa pasilyo. Natuwa naman ako sa guro na kinuha ni Vencel para sa akin. Nalaman ko na asawa pala ng Marquis ng Ashpond ang nagtuturo sa akin. Sadyang matalino daw ito at galing din sa kilalang royal family kaya medyo nanghihinayang daw ang mga Opisyal dahil naging babae pa siya. Well, hindi naman sayang ang kaniyang talento dahil nagtuturo naman siya. Karamihan sa mga tinuturuan niya ay mga anak ng dugong-bughaw. Ang mas nakakamangha pa sa kaniya ay halos lahat ng subject ay kaya niyang ituro. Mapa-Liberal Arts man 'yan o Quadrivium pa 'yan. Kahit ang history ay nagawa niyang ituro sa akin.
Hindi talaga ako nagsisisi na sabihin sa kanila na gusto kong mag-aral tulad ng mga prinsipe.
Walang tao nang nakarating ako sa aking kuwarto. Agad ko isinara ang pinto. Ipinatong ko ang mga dala kong aklat sa mababang mesa. Dinaluhan ko ang cabinet para magpalit ng damit pang-ensayo. Nabanggit din nila sa akin na pupuwede na daw ako mag-aral kung papaano makipaglaban. Hindi nga lang swordsmanship, kungdi archery. Naipaliwanag nila sa akin na mas maganda sa akin na pag-aralan ko 'yon kaysa sa close combat na sinang-ayunan ko din. 'Yun nga lang, may napili na sila kung sino ang magsasanay sa akin. Si Prinsipe Calevi. Tinanong ko sila kung bakit siya ang napili nila na magiging guro ko, ang tnaging nasabi nila sa akin ay malalaman ko din ang dahilan sa oras na makikita ko kung papaano magturo ang isang prinsipe mula sa Severassi.
Pagkatapos kong magbihis at makalabas ng aking kuwarto ay umirabas na ako ng takbo. Binilisan ko ang pagkatakbo baka mahuli ako sa lugar kung saan kami magkikita ni Prinsipe Calevi. Mabuti nalang ay wala akong makakasalubong na mga maid o butlers o hindi rin kaya si Nesta dahil tiyak pupunain niya ako na hindi maganda sa isang prinsesa na tumatakbo sa hallway. Well, what do you expect? Puro lalaki ang madalas kong kasama at pumapalibot. Don't me expect to be graceful or being a feminine like. At isa pa, warm up ko ito bago ako mag-umpisa ang pagsasanay namin.
Napadpad ako sa kakahuyan na sakop pa rin ng Palasyo. Dito ang sinasabi nila kung saan kami magsasanay ng Archery ni Prinsipe Calevi. Tumigil ako sa pagtakbo. Yumuko ako nang bahagya. Dumapo ang mga palad ko sa magkabila kong binti. Wait, I'm catching my breath right now.
"Mahal na prinsesa?" rinig kong boses niya sa hindi kalayuan.
Tumingala ako sa kaniya kahit nananatili ako sa aking posisyon. Kumurap-kurap pa ako. "N-nandito ka na?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Tumango siya. Nababasa ko pa rin sa mukha niya na nahihiya pa rin siya sa tuwing kaharap niya ako. Minsan napapaisip ako. Ganoon ba talaga siya o ano. Kasi sa pagkaalala ko noong binyag ko, nagagawa niyang maging pormal, tulad ng mga nakikita ko sa mga batang lalaki na may dugong-bughaw. Anyway, hayaan nalang natin 'yon. Baka habit niya talaga ito.
Tumayo ako nang ayos saka hinarap siya. "Kanina ka pa ba?" sunod kong tanong.
Muli siyang tumango. "Sa katunayan ay inaayos ko ang mga kagamitan para sa pagsasanay natin..." sabay turo niya sa isang direksyon. Sinundan ko 'yon ng tingin. Umawang nang kaunti ang aking bibig. Kusang naninislap ang aking mga mata nang makita ko ang mga gamit na nakahanda na! Mga pares ng pana at mga palaso. Kahit ang mga tabla kung saan ang aasintahan ng mga palaso ay nakahanda na din! Hindi ko na naman mapigilang maexcite sa mga nakikita ko ngayon!
"Mag-uumpisa na ba tayo?" nagtatalon kong tanong sa kaniya.
Ngumiti siyang tumango. "Pero bago 'yan ay kinakailangan muna nating mag-inat-inat. Lalo na't ang pinakagagamitin ng pagpapana ay ang mga malalakas na braso at mga daliri." pagpapaliwanag niya. Tumangu-tango ako habang mataimtim akong nakikinig sa kaniya. "Bukod pa doon, kailangan ay matalas din ang mga mata mo para siguradong matamaan mo ang aasintahan mo..." nagtama ang mga mata namin. Natigilan siya, kasabay na namumula ang mga tainga niya. Huh, bakit?
Hindi bale. Nilapitan ko kung nasaan ang mga pana at mga palaso. Hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko na masiyahan. Biglang sumagi sa isipan ko ang payo sa akin ni Raegan. Masyadong mahirap nga para sa akin ang paghawak ng espada. Bukod sa mabigat ito, babagal lang ang kilos ko at maiksi lang ang stamina na meron ako.
Lumingon ako kay Prinsipe Calevi. Kumaway ako sa kaniya, sinasabi ko na lumapit siya. Sinunod niya 'yon. Ibinigay ko sa kaniya ang pana at palaso. Medyo napaatras pa siya sa ginawa ko. "Gusto ko makita kung papaano ka pumana, Prinsipe Calevi. Maaari ba?" hindi mawawala ang kislap sa aking mga mata.
Napalunok siya habang nakatitig sa akin. Sa huli ay nagbuntong-hininga siya. Tinanggap niya ang mga inabot ko. Tumay siya sa gilid ko at hinarap niya ang malalayong target board. Kinuyom ko ang mga kamao ko saka inilagay ko ang mga iyon sa aking dibdib. Naaanticipated ako makita kung papaano siya pumana. Gusto ko rin malaman kung bakit siya ang pinili nina Vencel para turuan ako. Inilapat ko ang mga labi ko.
Natigilan ako nang makita ko ang mukha ni Prinsipe Calevi kung papaano 'yon nagbago. Kung kanina ay nahihiya siya, pero nang hinawakan niya ang pana at palaso ay naging seryoso na ang mukha niya. Sa hitsura niyang 'yon ay handa na siyang makipagbakabakan anumang oras. Tumalim din ang tingin niya sa target board. He starting to serve then he stretch the necking point. Napalunok ako nang grabehan habang pinapanood ko siya. Titig na titig ako sa kaniya. Inaabangan ko ang susunod niyang gagawin.
Ang mas hindi ko inaasahan ay may kulay berde na aura na lumalabas sa kaniyang katawan saka bumalot 'yon sa pana at palaso na hawak niya. Mabilis niyang pinakawala ang palaso. Dahil sa bilis ay hindi ko makita kung saan 'yon nagpunta. Agad ko tiningnan ang target board. Napasinghap ako nang makita ko na bull's eye. Inilipat ko ang tingin ko kay Prinsipe Calevi na namimilog ang mga mata ko. Tumingin siya sa akin saka yumuko. Okay, umandar na naman ang pagiging mahiyain niya.
"Ang galing!" bulalas ko sabay pumalakpak ako. "Nakakamangha! Ngayon ay alam ko na kung bakit ikaw ang inatasan ng Emperador na magturo sa akin!"
Napakamot siya sa kaniyang ulo dahil sa hiya. Hiyang-hiya na siya dahil pinapaliguan ko na siya ng papuri. Kaloka, bakit naman siya mahihiya eh ang galing niya? Masyado siyang down to Earth!
"Sandali, Prinsipe Calevi." tawag ko sa kaniya. "Ang ginagawa mo kanina... May napansin ako."
"A-anong napansin mo?"
"Parang may enerhiyang lumalabas sa katawan mo at bumalot 'yon sa pana."
"Ah, mana ang tawag doon." aniya.
Wow, parang nasa fantasy game na pala ako dahil sa mana! Madalas ko naririnig at nababasa ang mga 'yon!
Ibinuka niya ang kaniyang palad. Napatingin ako doon. Nanlalaki muli ang aking mga mata nang makita ko ulit ang mga berdeng aura na lumilitaw sa kaniyang mga palad. Hindi ko mapigilang mamangha doon. "Dahil napapaligiran ng tubig ang aming bansa ay tubig din ang tanda ng aming kapangyarihan. Lalo na sa aming pamilya."
"Kung tubig sa inyo... Ano naman ang kapangyarihan ng hilaga, ng timog at silangan?" sunod kong tanong.
Tumingala siya, na parang nag-iisip. "Sa pagkaalam ko ang pangunahing kapangyarihan ng Olois ay elemento ng hangin. Sa Hilaga at Timog ay hindi ko pa alam." gulat siyang tumingin sa akin. "Sandali, hindi ninyo alam kung anong elemento na meron mga Eryndor?"
Ngumuso ako saka lumaylay ang aking mga balikat. "Sa totoo lang, ni minsan ay hindi ko nakikita ang aking mga kapatid, maski ang Emperador na gumamit ng kapangyarihan na meron sila sa tuwing may paparusahan. Wala rin akong nabalitaan na nagpapakawala sila ng kapangyarihan sa tuwing may digmaan." may bahid na pagkadismaya na nagkukwento.
Mas magulat pa siya lalo sa aking kwento. "S-seryoso? Ni minsan wala silang ipinakita o nagpamalas ng kapangyarihan nila?" hinimas niya ang kaniyang baba saka yumuko nang kaunti. "Tulad ng inaasahan sa mga Eryndor."
Kumunot ang aking noo. "Anong ibig mong sabihin?"
"Ayon sa nabasa kong libro. Simula itinatag ang Impyerno ng Cyan, ni minsan o isang beses, walang nakakaalam kung anong kapangyarihan na meron ang mga Eryndor. Sa totoo lang, bukod sa mga Eryndor, may tatlo pa nakakalam kung anong kapangyarihan na meron ang nag-iisang prinsesa ng Cyan." nakangiti niyang sabi.
Kumurap ako. "Huh? Sino naman? Naku!" napasapo ako sa aking bibig.
He chuckled and tiltes his head. "Ako, ang prinsipe ng Oloisean ng Kanluran, pati na din ang prinsipe ng Thilawiel ng Hilaga."
W-w-what?! Sila?!
Mapait siyang ngumiti. "Naalala mo ba ang tinutukoy ko nang huli natin pag-uusap? Ang nakapagsasabi sa akin na pumunta ako dito dahil matutulungan ako ng prinsesa ng Cyan?"
Tumango ako.
"Ang nagsabi sa akin ng bagay na 'yon ay ang prinsipe ng Thilawiel. Iyon nga lang, hindi siya nakarating noong binyag mo hanggang noong huling kaarawan mo. Dahil abala siya sa mga ginawa niyang digmaan. Kaya kilala siya bilang mananakop na prinsipe. Sa katunayan ay pumapangalawa na ang Thilawiel sa pinakamalakas na Imperyo at humahabol pa ito. Maliban din doon, hindi siya talaga mahilig dumalo sa mga pagdiriwang, ganoon ang kaniyang ama. Kaya walang nakakita kung anong hitsura niya."
"Ohh..." tumangu-tango ako. Tumingin ako sa kalangitan. Masyado pala mysterious ang prinsipe na 'yon. Hindi may sugat na ang mukha niya dahil sa digmaan kaya hndi na niya magawang humarap sa mga social gatherings? Subalit, hindi ko parin maiwasang mausisera kung ano talaga ang hitsura niya. "Siya nga pala, malapit na daw ang kaarawan ng prinsipeng tagapagmana ng Oloisean. Sa tingin mo ba, dadalo na din siya? Magpapakita na kaya siya?"
"Hindi ko alam pero sa tingin ko ay maluwag na ang oras niya."
Tumawa ako nang mahina na ipinagtataka niya. "Siya, mag-ensayo na tayo."
**
Prente akong nakahiga sa aking malapad at malambot na kama. Nakabihis na din ako. Ang tanging magawa ko lang sa ngayon ay maghintay. Ngayon ang araw na maglalakbay kami patungo sa Kanluran. Sa Oloisean. Dalawang araw lang daw ang lalakbayin namin bago man kami makarating. Kaya dalawang araw bago nag selebrasyon ay aalis na kami.
Rinig ko ang pagbukas ang pinto sa aking bed room. Agad ako bumalikwas ng bangon saka tumingin doon. Nakita ko ang nakangiting si Nesta na nakatayo sa pintuan. "Mahal na prinsesa, nasa labas na po ang mga kamahalan. Ikaw nalang po ang hinihintay nila." pag-aanunsyo niya.
Hindi ako nagsalita. Sa halip ay nagmamadali akong umalis sa ibabaw ng kama. Nang lumapat na ang mga paa ko sa sahig ay lumabas na ako. "Nesta, wala na ba akong nakalimutan?" nag-aalala kong tanong sa kaniya.
"Wala na po, mahal na prinsesa. Lahat ng bagahe ninyo ay nasa loob na ng karwahe. Kompleto na din ang mga damit na gagamitin ninyo habang mananatili kayo sa Palasyo ng Oloisean." nakangiting tugon niya, nakabuntot lang siya sa akin.
"Salamat, Nesta." saka ngumiti ako.
"Ikinararangal ko po, mahal na prinsesa."
Dahil wala naman akong training ngayon, kinalma ko ang sarili ko. Hindi ako tumakbo. Especially nasa likuran ko lang si Nesta, baka mapagalitan na naman niya ako dahil hindi na naman ako umastang prinsesa. At saka, baka makita ako nina Vencel pati ang mga prinsipe.
Nang lumabas na ako sa aking Palasyo ay tanaw ko silang lahat, kasama na din nila si Calevi, dahil siya ang prinsipe ng Severassi. Bahala na si Vencel na magpapaliwanag kung sakali mapuna ng mga bisita kung bakit kasama namin si Calevi. Nasa labas sila ng engrande at magandang karwahe. Kulay puti ang karwahe na may mga palamuti din na yari sa ginto. Kahit ang mga walong kabayo sa harap ay puro mga puti din.
"Rini," sabay nilang tawag sa akin na. Pawang may mga ngiti sa kanilang mga labi.
Sumilay ang matamis na ngiti sa aking mga labi. Mabilis ko silang dinaluhan. "Matagal po ba kayong naghintay?" matams kong tanong sa kanila.
"Hindi naman." si Vencel ang sumagot. Marahan niyang hinaplos ang aking buhok. "Kahit magtagal ka pa ay walang kaso sa amin. Hihintayin ka pa rin namin."
"Salamat po, papa."
Nilahad niya ang kaniyang palad sa akin na agad ko din 'yon tinanggap. Inaalalayan niya akong makapasok sa loob ng karwahe. Ito ang unang beses na makakasakay ako dito. Kahit noong bata ako sa dati kong buhay, sa kakabasa ko ng mga fairytale books, minsan iniimagine ko kung anong pakiramdam kapag sumakay ka sa napakagandang karwahe. Pero sa pangalawang buhay ko ngayon, siguro ay up to sawa na ako dahil isa na ngakong prinsesa sa buhay na ito.
Kasya kaming anim dito. Medyo natatawa pa ako dahil matalim na tingin ang iginawad ng pamilya ko kay Calevi. Akala mo ay aagawan sila ng kendi o lollipop sa lagay na ito.
Speaking of lollipop. Gumawa ako at nilagay ko siya sa aking sling bag na kulay puti. Palihim ako gumawa sa kusina ng palasyo. Sinasadya ko na umalis ang tagapagluto sa gayon ay makagawa ako nang hindi nila nalalaman. Minsan pa nga ay binibigyan ko si Calevi. Sarap na sarap siya. Kailangan ko kasi ng sugar sa katawan lalo na kapag nakakaramdam ako ng pagod mula sa pagpapraktis namin ng archery.
"Hindi na po ako makapghintay na makarating tayo ng Oloisean!" hindi ko mapigilang ibulalas 'yon sa harap nila.
Tumawa sila nang marahan sa naging pahayag ko. Si Vencel naman ay malapad ang ngiti. Dumapo ang palad niya sa aking ulo. "Oo nga pala, ito pala ang unang pagkakataon na makakalabas ka ng Palasyo kasama namin."
"Opo, papa!" sunud-sunod pa akong tumango.
"Huwag kang mag-alala, Rini. Magiging masaya ang pagpunta natin sa Oloisean." wika naman ni Raegan.
"Inaasahan ko po 'yan, kuya Raegan!"
Nagsimula nang umusad ang karawahe palabas ng Palasyo. Binanggit nila sa akin na magpapalipas kami ng magkasunod na dalawang gabi sa teritoryo ng isang duke at isang Conde. Inaasahan na nila ang pagdating namin. Dahil nasa tabi ko lang ang bintana ay hindi matanggal ang tingin ko doon. Iba kasi ang ruta ang ginamit ko noong unang beses ako lumabas kaya bago ito sa aking paningin. Hanggang sa narating namin ang isang bahagi ng Kapitolyo. Sandali, hindi ko ito nakita nang lumabas ako, ah.
Hindi na napigilan ang kuryusidad na umaahon sa aking sistema ay walang sabi na lumuhod ako mismo sa aking kinauupuan. Inilapat ko ang aking mga palad sa salamin. Tanaw na tanaw ko kung anong kaganapan sa labas. Napasinghap ako nang makita ko na tumigil ang mga mamamayan ng Cyan sa kanilang ginagawa at walang sabi na lumuhod at nagbigay-pugay sila sa karwahe. Wait, ibig sabihin, kilala nila kung sino ang nakasakay sa sasakyan na ito?
Bahagya pa ako gumalaw. Bigla kong binuksan ang bintana saka itinaas ko 'yon. Alam kong magugulat sila sa gagawin ko. Basta ko nalang nilusot ang katawan ko sa bintana.
"Rini!" malakas na tawag nila sa akin.
Masaya akong nakuway sa mga tao. "Kamusta kayooooo?" nilakasan ko pa ang aking boses na batiin ko sila.
Kita ko kung papaano sila nawindang sa aking ginagawa.
"Rini....!" sabay hinahatak nila ako pabalik.
Patuloy pa rin ako kumakaway sa mga tao. "Hilingin ninyo sana na palarin kami sa aming paglalakbay!" pahabol ko pa.
Dahil d'yan ay nagsihiyawan ang mga mamamayan ng Cyan, amino'y nanalo sila sa isang laban. May mga bata pa na humabol sa amin. Masaya silang hinahatid kami palabas ng Kapitolyo.
"Mag-iingat po kayo, kamahalan!" masayang wika ng mga bata na kumakaway din sa akin pabalik.
Idinikit ko ang aking palad sa isa kong pisngi. "Kayo din!" saka bumalik na ako sa loob ng karwahe.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 31 Episodes
Comments