Kinusot-kusot ko ang mga mata ko habang binibihisan ako nang marangya. Nalaman ko kasi na ngayon na pala ang araw para sa tea party. Ang sabi sa akin ni Nesta ay magaganap doon ay makikilala ko ang mga iba pang anak na babae mula sa iba't ibang Maharlikang pamilya mula sa Kapitolyo. Ang unang nagsuggest nito ay si Eoumund na sinang-ayunan din nina Vencel at Raegan. Ang nag-organize naman ay ang sekretarya ni Vencel na si Conde Vogel. Dumating kasi kay Vencel na nabobored na ako.
Naibalita din sa akin ni Nesta na nakahanap na daw sila kung sino ang magtuturo sa akin pagdating sa academics. Pero pagdating naman sa war combat, wala pa. Nag-aalangan pa sila kung hahanapan pa daw nila ako. Naiitindihan ko naman sila pero sadyang determinado ako matuto tungkol sa bagay na 'yon.
Nang naayusan na ako ay naglakad na ako sa isa pang hardin ng Palasyo. Nakikita 'yon sa timog na bahagi, maganda din naman doon. Marami ding halaman at mga bulaklak. Nalaman ko na dito madalas pumapasyal ang dating Empetratris. Isa ito sa mga iregalo ni Vencel sa kaniyang asawa. Kahit na nawala na ang dating Empetratris ay minemaintain parin nila ang kagandahan ng lugar. Alagang alaga parin nila ito. Tahimik akong naglalakad. Kusa ako tumigil sa paglalakad nang may naririnig ako. Mga tawanan at kwentuhan. Napangiwi ako dahil sadyang matitinis ang boses ng mga bata talaga.
Bahala na kung magkakalat ako dito. I admit I'm not very good when it comes to children. Labas ako kapag may naipaiyak ako o anuman.
"Mahal na prinsesa?" nagtatakang tawag sa akin ni Nesta na nasa bandang likuran ko. "May problema po ba?"
Lumingon ako sa kaniya. Hilaw ako ngumiti. Agad din akong umiling. "Wala naman problema." pero meron talaga! Hindi ko alam kung papaano ko sila haharapin, lalo na pagdating sa mag babae. Nasanay ako sa mga presensya na mga kapatid ko lalo na't puro sila lalaki! Oh siya, pagpatuloy ko na nga lang ang paglalakad ko.
Muli ako tumigil nang nasa harap ko na ang mga batang babae. Puros mga nakabestida ang mga ito. Halatang mga magagarbo at mamahalin ang mga tela na ginamit sa mga ito kahit hindi pa ball gowns ang mga ito. Tumigil sila nang makita at maramdaman nila ang presensya ko. Agad sila nagsitayuan at yumuko sa akin bilang bigay-pugay sa aking pagdating.
"Binabati po namin ang nag-iisang prinsesa ng Imperyo, Prinsesa Styriniana." sabay-sabay nilang bati sa akin. "Ikinararangal po namin na makadalo kami sa inyong paanyaya."
Ngumiwi ako. "Ikinagagalak ko din kayo makita sa maliit na pagtitipon na ito." kahit hindi naman talaga ang nag-organize nito!
Nilapitan ko ang bakanteng single sofa. Tinulungan ako ni Nesta na makaupo doon. Doon na rin sila nagsiupo ang mga bata na makakasalamuha ko. Sinumulan na ng mga maid na pagsilbihan kami. Inihanda na nila ang mga tsaa pati na din ang mga pastries. May mga ngiti sa kanilang mga labi habang nakatingin sila sa akin. What? May problema ba? May mali ba sa ginawa ko? "Ah... Anong... Problema?" tanong ko sa kanila.
Mabilis silang umiling. "Naku, wala po. Wala pong problema, mahal na prinsesa. Hindi lang po kami makapaniwala na nasa harap ka na po namin." wika ng batang babae na kulay tsokolate ang buhok at nakayellow na bestida.
Tumalikwas ang isang kilay ko. "Anong ibig mong sabihin na hindi ka mapaniwala?"
Marahan niiyang kinamot ang kaniyang pisngi sa pamamagitan ng kaniyang hintuturong daliri. Nahihiya siyang tumingin sa akin. "Uhmm, ang akala po kasi namin walang balak ang Mahal na Emperador na ipakita ang kaniyang nag-iisang anak. Ngayon ay mukhang alam na namin kung bakit."
"Sadyang pinapahalagahan pala nila ang kagandahang taglay ng mahal na prinsesa." wika naman ng isa na kulay itim naman ang buhok pero kasing puti ng espasol na ang balat. Sa pagkaalala ko ay anak naman ito ng isa sa mga Bisconde, isa sa mga itinuro sa akin ni Nesta.
"Eh... Heheh." ang tanging nasabi ko. Subalit may nagtawag ng aking pansin. Isang babae na kulay tsokolate din ang kaniyang buhok. Simple kulay at simpleng tela ang suot niyang bestida. Tahimik lang siya sa isang tabi, base sa nakikita ko, hindi siya komportable sa lugar na ito. Nasa kandungan lang niya ang mga palad nito. Napansin ko din na tila wala siyang iginagalaw na pagkain na nasa harap nila, hindi katulad sa mga iba pang kababaihan dito. Ano kayang problema? Hindi bale, kapag nakakuha ako ng pagkakataon, kakausapin ko siya. Sayang lang ay nakalimutan ko ang kaniyang pangalan at kung kanino siyang anak.
Ilang minuto pa ang nakalipas. Kung anu-ano nang topic ang pinag-uusapan namin. Pagkatapos ay nagkaroon pa kami ng break time kahit sa maiksing oras lang. Nagpasya akong maglakad-lakad muna. Napadpad na ako sa halamanan.
"Gusto ko nang umuwi." rinig ko sa hindi kalayuan.
Kusa akong tumigil sa paglalakad. Tiningnan ko kung sino ang nagsalita n'on. Sumilip ako nang kaunti. Tumalikwas ang isang kilay ko nang makita ko ang dalawang kausap ko kanina. Ang tsokolate at ang espasol.
"Hinid na kaya ng sikmura ko na pakisamahan ang isang tulad niya. Hindi ko lubos-maisip kung bakit binigyan siya ng pangalan bilang prinsesa eh anak lang din naman siya ng isang hampaslupa!" nanggagalaiti niyang sabi saka nagpapadyak-padyak pa. "Nakita mo din ba ang mga mata niya? Hindi magkatulad, tama nga ang sinasabi ng aking ama, malamang ay isinumpa ang bunsong anak ng Emperador!"
"Nakita mo din ba kanina ang batang babae na kasama natin? Pagkaalam ko, anak siya ng Baron at Baronesa sa isang probinsiya. Nakakahiya pa ang kaniyang suot. Hindi akma kung anong kasuotan niya para sa araw na ito."
"Isa ding hampaslupa." saka pareho silang natawa.
I gritted my teeth. I clenched my fists. Mga walanghiya, kabata-bata marunong na mangbash!
Susugurin ko sana ang dalawa para bigyan ng leksyon ngunit natigilan ako nang biglang lumitaw ang batang babae na nakita ko kanina. Bakas sa mukha nito ang galit. Mukhang narinig niya na sinasaksak siya patalikod.
"Mawalang galang na, hindi tama na magsasabi kayo nang mga nakakasakit na bagay laban sa mahal na prinsesa!" buong-loob niyang sabi . Nakakuyom ang mga palad niya dahil sa inis. "Hindi bale na tapunan ninyo ako ng mga masasakit na salita, huwag lang ang nag-iisang prinsesa!"
Muli tumawa ng dalawa. Humalukipkip ang mga ito sa harap niya. Taas-noo siyang tiningnan. "At sino ka para punanin kung anuman ang gusto kong sabihin? Anak ng Duke at Conde ang kaharap mo! Samantalang ikaw ay anak lamang ng isang mahirap na Baron! Kumbaga, kayo ang pinakamababa ang ranggo sa lipunan!"
Hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko sa mga naririnig ko kaya lumabas na ako mula sa halamanan. Nakuha ko ang kanilang atensyon. Pareho silang nagulat dahil sa bigla kong paglitaw. Siguro ay ito na rin ang oras para gamitin ko na kung ano ang mga nakikita ko sa mga kapatid at kay Vencel.
"M-mahal na prinsesa..." nanginginig ang mga boses nila nang tawagin nila ako.
Mabibigat na hakbang ang pinakawala ko. Patuloy pa rin ang paglapit ko sa kanila. Napaatras ang tsokolate at espasol. Sumabit ang mga paa nila sa malaking ugat ng puno. Ang masaklap lang para sa kanila ay bumagsak sila kung nasaan ang putikan. Napatili sila hindi dahil sa sakit. Kungdi nadumihan na ang mga mamahalin nilang damit. Hindi pa ako kontento. Tumapak ang mga paa ko sa putik para mas lalo pa ako makalapit sa mga walanghiya na ito. Tinatawag pa ako ng bata kanina para pigilan ako pero hindi ako nagpatinag.
Walang sabi na hinawakan ko mga buhok nila saka hinila ko 'yon palapit sa akin. Diretsahan ko sila tiningnan sa kanilang mga mata. "Anong sabi ninyo kanina? Pakiulit nga." malamig kong turan sa kanila. Nag-uumpisa nang manlilisik ang aking mga mata.
"M-mahal na prinsesa..." nanginginig na sila sa takot.
"Wala kang karapatan na tawagin mo ako sa ganyang pamamaraaan dahil anak ako ng hampaslupa, hindi ba?" mas lalo bumababa at lumalamig ang aking boses. "Baka nakalimutan ninyo, mas mataas pa rin ako kaysa sa inyo... Baka nakalimutan ninyo kung sino ang aking ama? Isang sabi ko lang sa kaniya ngayon, wala na sa posisyon ang mga ama ninyo sa lipunan..."
"P-patawad po... H-hindi na po kami u-u-ulit..." isa-isa nang tumulo ang mga luha nila. Sumasarap ang pakiramdam ko sa hindi ko malaman na dahilan.
"Kasumpa-sumpa din ba ang mga mata ko? Pwes, ano kaya kung ipasa ko sa inyo ang sumpa na meron ako? Mas marami, mas masaya..." daig ko pang sinaniban ng demonyo sa lagay na ito.
"P-pakiusap... H-hindi na po kami uulit..."
Marahas ko silang binitawan. Hindi pa ako nasiyahan, malakas ko silang itinulak kaya napahiga sila sa putikan. Tumayo ako ng tuwid, tumingin ako sa kanila nang malamig."Tandaan ninyo. Sa ngalan ng nag-iisang prinsesa ng Imperyo na ito, hinding hindi ako makakapayag na basta-basta ninyong babastusin at malaya ninyong babatikusin ang pangalan ng Eryndor. Sinuman sa myembro ng aking pamilya... Kahit mismo ang Emperador." matigas kong saad.
Lumakas ang iyak nila na dahilan upang daluhan kami ng mga maid at butler. Natigilan sila't suminghap nang maabutan nila kami sa ganitong posisyon.
"M-mahal na prinsesa?" nag-aalalang tawag sa akin ni Nesta.
Malamig akong bumaling sa kaniya. She flinched. Alam kong hindi siya makapaniwala sa nasaksihan niya ngayon. Simula sanggol palang ako ay siya na ang nag-alaga sa akin pero ito ang unang pagkakataon na makikita niya kung papaano ako magalit. Ni minsan ay mga kapatid at sa harap ng Emperador, hindi ko ipinapakita na may ganitong side na meron ako. Siguro ay dahil nananaytay ang dugo ng Eryndor sa aking katawan.
"Sabihin ninyo sa Mahal na Emperador na humihiling ako na makita siya sa kaniyang tanggapan. Ngayon din." malamig kong utos sa kaniya.
"M-masusunod po." aligaga siyang umalis sa lugar na ito upang bumalik siya ng Palasyo.
Bumaling ako sa mga butler. "Huwag na huwag ninyong papauwiin ang mga ito. Pati na din ang isa na ito." tukoy ko sa tsokolate at sa espasol.
"Naiitindihan po namin, mahal na prinsesa." dinaluhan nila ang mga bata sa putikan pati ang bata na humarap sa kanila kanina.
Sunod kong tiningnan ang mga natitirang butler at mga maid. "Ipatawag ninyo ang mga magulang nila. Gusto ko silang makaharap ngayon din." mas matigas kong utos sa kanila. Tulad ng iba, sinunod din nila ang aking ipinag-uutos. Tahimik akong umalis sa mula sa putikan."Babalik na ako sa aking kuwarto. Maliligo na ako at magpapalit ng damit bago ko harapin silang lahat." sumunod ang mga natirang maid sa akin. Ang isa ay may dalang tela saka ibinalot 'yon sa akin. Tinanggap ko 'yon hanggang sa tuluyan kaming nakaalis at makabalik sa loob ng Palasyo.
**
Tulad ng inaasahan ko ay pinagbigyan ako ni Vencel sa aking hiling na makita siya sa Throne Room. Naririto na din ang aking mga kapatid, at ang iba pang tao mula sa Maharlika. Seryoso akong tumingin sa kanila. Kita ko kung papaano siya natigilan nang makita nila ako sa kaniyang harap. Tulad ni Nesta ay nawindang sila sa aura ko ngayon. Kita ko din nang dalawang lalaki na panigurado na sila ang tatay nina tsokolate at espasol. Naririto din ang baron na binabatikos kanina.
Tumigil ako sa paglalakad. Nasa harap na nila ako. Saktong layo upang marinig namin ang isa't isa. Matapang akong humarap sa kanilang lahat. Hindi ako maaaring umatras tutal naman ay naririto na rin naman ako.
Nagsimula na akong magbow kay Vencel. "Binabati ko po ang Emperador ng Cyran." kalmado kong sabi. "Paumanhin po sa biglaang paghiling ko na makaharap kayo."
Tumango si Vencel. "Narinig ko nga kung anong nangyari, Prinsesa Styriniana. Ngunit, nais ko pa rin marinig ang iyong panig."
"Una sa lahat, nais ko po magpasalamat sa pagbigay ninyo ng oras. May nais po ako idaing at may nais akong imungkahi kaya naririto ako ngayon sa inyong harap."
"Pagbibigyan kitang marinig ang mga sasabihin mo."
Malamig akong tumingin sa duke at sa bisconde. "Dinadaing ko ang mga anak nila na sinasaksak ako patalikod."
"Ano?!" bulalas ni Cederic.
"Huminahon ka muna, pangatlong prinsipe. Hayaan muna nating marinig ang sasabihin ng prinsesa." kalmado pero matigas na wika ni Vencel. "Ipagpatuloy mo, Prinsesa Styriniana."
"Narinig ko ang usapan ng mga anak nila tungkol sa akin. Narinig ko na halos isuka na nila ako at pilit pakisamahan dahil hindi ako buo bilang isang dugong-bughaw. Sa halip ay nilampastangan nila ang aking pinanggalingan lalo na tungkol sa aking ina na tinuturing at tinatawag nilang hampaslupa." matigas kong paliwanag. Rinig ko ang pagsinghap ng mga tao sa silid na ito. Kita ko kung papaano nanggagalaiti sina Vencel pati na din ang mga kapatid ko. "Hindi lang 'yon, pati ang magkaibang kulay ng aking mga mata ay walang pakundangan nilang sinasabi na bunga ako ng isang sumpa."
"H-hindi po totoo 'yan, Kamahalan!" malakas na pagtatanggi ng Duke. "Hindi ko akalain na masasabi ng aking anak ang mga bagay na 'yan!"
"Hindi mo akalain? Ha... Hindi magsasabi ng mga anak nila ang mga bagay na 'yan kung hindi rin galing sa mismong bibig ng kanilang mga magulang."
"A-anong... Sabi mo?" nanggagalaiti niyang sabi. Matalim siyang tumingin sa akin.
"Maituturing kang kasamahan at kakampi ng Emperador pati na din ang mga nakakatanda kong kapatid ngunit mismo ako na bunsong anak ay hindi mo matanggap. Sa ginagawa mong 'yan ay daig mo pang pinagtaksilan ang buong Imperyo. At isa pa, binabastos ng mga anak niyo ang anak ng Baron. Sinasabi din nilang hampaslupa din ang mga ito sa kadahilanan na nakabase sila sa isang probinsiya at pinakababang ranggo sa lipunan. Sa tingin mo ba, tama ba talaga ang itinuro mo sa inyong mga anak?"
"At ano ang iminumungkahi mo?" sunod na tanong ni Vencel, halatang pinipigilan niya ang kaniyang galit.
Seryoso muli akong tumingin nang diretso sa kaniya. "Nais ko po sanang burahin ninyo sa listahan ng Maharlika at lipunan ang pamilya ang mga taong nambastos sa akin, bilang isa sa mga myembro ng Eryndor---bilang bunsong anak ng Emperador Vencel ng Cyan. Bawiin ang kanilang yaman at kabuhayan. Ilalagay 'yon sa mga simbahan at mga bahay-ampunan. Nais ko din imungkahi na ang Baron mula sa Probinsya ng Corbin, ay bibigyan ng karapatan bilang Bisconde. Pabuya sa kaniyang anak na ipinakita katapatan sa Imperyo. Sa tingin ko ay sila ang may karaparatn sa titulo na ito at naniniwala ako na sila ang isa sa mga mapagkakatiwalaan bilang kasamahan ng mga Eryndor."
Umawang ang bibig ni Vencel sa aking sinabi. Mas lalo siya hindi makapaniwala kaniyang narinig.
Mukhang natriggered ang duke. Walang sabi na sinugod niya ako saka balak pagbuhatan ng kamay sa harap pa talaga ng pamilya ko.
Subalit tila nabato ang duke nang itinutok sa kaniya ang tatlo na matatalim at mahabang espada sa kaniyang mukha at leeg. Kita ko kung papaano siya pinagpawisan nang malamig. Ang nagmamay-ari ng mga espada na 'yon ay galing kina Raegan, Eomund at Cederic. Bakas sa mga mukha niya na hindi na nila kayang magtimpi pa. Na gutom na sila makakita ng dugo anumang oras. Samantalang ako ay nanatiling malamig ang tingin.
"Talagang pagbubuhatan mo ng kamay ang aming kapatid, Duke?" matigas na wika ni Raegan. "Mismo sa harap namin?"
"Sadyang pinapatunayan niya na isa siyang traydor ng Imperyo." segunda ni Eomund.
"Pinakita mo din ang tunay mong kulay." nakangising dagdag ni Cederic.
"K-kamahalan..." naningingig na ito sa takot.
Sunod naman tumayo si Vencel. Igting ang kaniyang panga. Kita ko din kung papaano nanginginig ang kaniyang kamao. Inangat niya ang isa niyang kamay. Lumapit sa kaniya ang kaniyang mayordomo. Inabot sa kaniya ang espada. Mabilis niyang dinaluhan ang Duke. Marahas niyang hinawakan ang kwelyo nito at walang sabi na pinutol ang mga kamao nito sa harap namin! Sumirit ang dugo. Nagkalat ito sa sahig! Ang naputol niyang kamay ay tumilapon kung saan!
Lumipad ang aking palad sa aking bibig kasabay na napasinghap ako. Agad din tinakpan ni Raegan ang aking mga mata.
"Simula sa araw na ito," rinig kong sabi ni Vencel. Malakas at dumadagundong sa galit ang kaniyang boses. "Ipapatapon ka pati ang pamilya mo, kasama na din ang despatsadong bisconde at pamilya nito. Tatanggalin at kumpiskado na lahat ng ari-arian ninyo. At kahit kailan, hinding hindi na kayo makakatapak pa dito. At simula din sa araw na ito, mabubuhay na kayo sa hirap hanggang sa pare-pareho na kayong mamamatay!"
"Patawad po... Kamahalan... Patawad..." umiiyak na sa pagmamakaawa ang duke, kasunod ng bisconde.
"Ipatapon na ang mga ito! Hindi ko kailangan ng basura at walang kwenta sa aking teritoryo!" malakas at galit niyang utos sa mga kawal.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 31 Episodes
Comments