Hindi maalis sa akin ang panggagalaiti. Patuloy pa rin ang pagpapakawala ko ng mabibigat na hakbang. Nakabalik ako na malapad na pasilyo ng Palasyo ng mga Albelin. Ewan ko kung bakit umahon ang pagkainis ko sa kaniya kaya nasuntok ko ang binatilyo na iyon. Dahil ba sa sobrang ginulat niya ako o dahil sa panlalandi niya? Tch.
Tumigil ako sa paglalakad. Kinuyom ko ang aking mga kamao at nagpapadyak sa sahig para mailabas ko ang aking sobrang pagkainis. Nagawa ko din magpakawala ng malalim na buntong-hininga. Sunod ko ginawa ay iginala ko ang aking paningin sa paligid. Lumaglag ang aking panga saka nanigas sa aking kinakaatayuan nang napagtanto ko na hindi ko na matandaan kung saan ang magiging kuwarto namin. Ang mas problema ko pa ay walang katao-tao dito ni isang maid man lang kaya wala akong mapagtanungan.
Ngumiwi ako saka nilapitan ang isang pader. Lumapat ang mga palad ko doon. Lumiyad ako nang kaunti, hinahanda ang sarili ko dahil gusto kong untugin ang sarili ko. Hindi ko akalain na mararating dito ang pagiging pilya ko.
Humigop ako ng hangin saka uuntugin ko na ang sarili bilang kaparusahan na ginawa ko. Mariin kong ipikit ang aking mga mata. Uuntugin ko sana ang sarili pero biglang may humarang na malambot na bagay sa aking noo. Mabilis ko ding idinilat ang aking mga mata. Sinubukan kong tingnan kung ano ang nasa noo ko. Huh, kamay? Sinundan ko ng tingnan kung sino ang nagmamay-ari n'on. Umawang ang aking bibig nang makita ko ang isang bagong mukha. Isang batang lalaki na kasing edad ko lang siya. Malamig siyang tumingin sa akin. Itim ang kaniyang buhok, maputi at makinis din ang kaniyang balat. Hindi ko mapigilang mapatingin sa kaniyang mga mata. It's hazel brown eyes. Parang carbon copy ito ng crown prince ng Oloisean, si Prinsipe Dilston. Pero bakit parang lumiit siya?
Lumihis ang tingin ko sa bandang likuran niya. May isang batang babae naman na nasa sulok. Hindi ko siya maaninag ng maayos dahil nagtatago ito na parang nahihiya pa. Teka, sino ba ang mga ito?
"Anong ginagawa mo?" malamig na tanong ng batang lalaki sa akin.
Bago ko sagutin ang kaniyang tanong ay muli ako tumingin sa kaniyang kamay na nanatili pa rin nakadikit sa aking noo. Ngumiwi ako saka ako na ang mismong nagtanggal n'on. Binawi niya ang kaniyang kamay. Humalukipkip siya sa harap ko. Inaabangan ang magiging sagot ko. "Naliligaw ako." tipid kong tugon. Saka pinagmasdan ko siya nang mabuti. Nakasimpleng puting long sleeves polo shirt, pair of shorts at nakasuspenders siya. Ngayon ko lang napansin na medyo mahaba at maalon pala ang kaniyang buhok.
"Pero hindi na dito ang daan patungo sa mga silid-panauhin." malamig niyang saad.
Sabi ko na nga ba, naliligaw na talaga ako. Lalo na't hindi ko na teritoryo ito.
"Base sa suot mo, hindi ka karaniwang tao. Kaninong anak ka?" sunod niyang tanong.
Sasagot sana ako nang biglang nagsalita ang batang babae na kasama niya. "Kuya Luth..." nanginginig ang boses nito nang tawagin siya.
Tumalikwas ang isang kilay ko. Ah, so... Luth pala ang pangalan nang nasa harap ko ngayon. Okay, copy.
Mas ipinagtataka ko kung bakit medyo natataranta ang Luth na 'yon nang daluhin niya ang batang babae. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala. "Masakit parin ba, Heidi?" malumanay niyang tanong.
Luth and Heidi pala ang mga pangalan nila. Base sa obserbasyon ko, magkapatid sila dahil halos ang features nila. Ang batang babae kasi, parang girl version ni Prinsipe Dilston. Hinimas-himas ko ang aking baba. Nanatili akong nakatingin sa kanila. Pero dahil umaandar na naman ang curiousity ko, humakbang ako palapit sa kanila. "Anong problema?" hindi ko mapigilang magtanong.
Sabay silang tumingin sa akin. Medyo napaitlag ako nang makita ko kung papaano tumalim ang tingin sa akin ng batang lalaki na nangangalang Luth. "Maaari bang lumayo ka sa amin?"
"Pero..." lumipat ang tingin ko sa batang babae. Napayuko na ito habang sapo-sapo sa kaniyang tyan. "Bakit masakit ang tyan niya? Baka may maitulong ako."
"Huh? Anong maitutulong mo sa sakit ng tyan niya?" medyo galit na si Luth. Bakit nagagalit na ang isang ito?
Humalukipkip ako. "Ang tanong, bakit masakit ang kaniyang tyan?" ako naman ang nagbigay ng malamig na tingin. Nakita ko kung papaano siya natigilan na ipinaramdam ko sa kaniya na hindi niya ako pupwedeng sigawan.
"N-nagugutom na po..." nanghihinang sabi ng batang babae. "Dalawang araw na kaming walang kain."
Ako naman ang natigilan nang marinig ko ang rebelasyon na 'yon. Tumitig ako sa magkapatid na nasa harap ko. Anong sabi niya? Wala silang kain sa loob ng dalawang araw? Pero sa tingin ko, sa magarbo at yaman ng mga Albelin, tiyak hindi sila magugutom sa lagay na ito. Ang tanong, sino ba talaga ang magkapatid na ito? Ano talaga ang katauhan nila?
Huminga ako ng malalim. May dinukot ako sa aking maliit na sling bag. Chineck ko kung may natira pa ba ako doon. Jackpot! Dinukot 'yon saka inabot sa kanila. Kita ko kung papaano sila nagtaka at nagulat nang abutin ko sa kanila ang natitira ko pang mga lollipop.
"A-ano 'yan?" si Luth ang nagtanong.
Ngumuso ako. "Lollipop. Pagkain din 'yan. Ako mismo ang gumawa ng mga 'yan." sabi ko.
Tumitig siya sa akin nang matagal, para bang pinag-aaralan niya kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi. Sa huli ay nagawa na niyang tanggapin ang mga kendi na gawa ko. Tinanggal niya ang balot saka ibinigay niya ito sa kaniyang kapatid. Medyo napangiti ako nang masilayan ko kung papaano inaalagaan at nag-aalala si Luth para sa nakakabata niyang kapatid.
Bigla ko tuloy naalala ang mga kapatid ko pati na rin si Vencel. "Ay, saan ko pala matatagpuan ang mga silid pampanauhin?" tanong ko. I need to grab this chance, sa tingin ko naman ay alam nila ang pasikot-sikot sa Palasyo na ito.
Itinuro niya ang esaktong daan. Talagang pinakinggan ko siya nang maigi. Sa mga oras na ito, tiyak nag-aalala na ang mga kasama ko at pinaghahanap na ako.
"Prinsipe Luth! Prinsesa Heidi!" rinig ko ang boses ng isang babae. Tumingin ako sa pinanggalingan ng boses na 'yon. Isang maid na papalapit sa direksyon namin. Tumigil siya mismo sa harap namin na mukhang hapong-hapo. "Kanina ko pa kayo hinahanap. O-oras na pong bumalik kayo sa inyong silid." agad niyang hinawakan ang dalawang bata at aligagang siyang umalis sa harap ko.
Hinatid ko sila ng tingin habang papalayo. Hindi ko maiwasang hindi kumunot ang aking noo. Nahawak ako sa aking baba. Naniningkit ang aking mga mata. Base sa obserbasyon ko. Bakit parang isang malaking kasalanan na makita ko ang prinsipe at prinsesa? Bakit sa loob ng dalawang araw na hindi sila kumakain? Bakit hinahayaan lang ito ng royal family? Ano 'to? Another mystery na naman ba?
Lumaylay ang magkabilang balikat ko saka umalis na din para makabalik na ako sa aking Pamilya.
**
Nagpapasalamat naman ako dahil dumating na ako sa silid. Another good thing is, hindi naman nagalit si Vencel na bigla ako nawala kanina habang hinahatid kami sa silid. Nagpalusot nalang na ako na may magandang tanawin na nakakuha ng aking pansin, pagkatapos ay nagtanong ako kung saan sila. At higit sa lahat, kumagat siya sa palusot ko.
Pinaliguan saka binihisan na ako ng mga personal maid namin. Nasabi ni Vencel na ipinaghanda na daw kami ng hapunan ng mga Albelin saka dadalhin nalang daw dito sa aming kuwarto. Ilang minuto pa ay dumating na ang tinutukoy nilang pagkain. Mukhang masasarap din ang mga pagkain na nakahain sa mesa dito sa guest room. Hindi ako mismo pinaupo sa upuan ni Vencel, kungdi sa kandungan niya. Hindi na ako tumanggi dahil minsan ay ginagawa niya sa akin 'yon kapag kakain kami sa sarili naming Palasyo. Minsan pa nga ay nagseselos na sina Raegan, Eomund, at Cederic. Gusto nilang umupo ako sa kandungan nila. Ako naman, sunod nalang sa agos ng buhay.
"Papa? May tanong po ako." bigla kong sabi habang nasa gitna kami ng pagkain.
Tumigil siya sa pagsubo saka tumingin sa akin. Inaabangan niya ang sasabihin ko. "Anong tanong ng aking bunso?"
"Ilang po ang anak ng Emperador ng Oloisean?"
Sumandal siya sa upuan. "Isa lang ang anak nila. Sunod n'on ay wala na akong nabalitaan na may mga anak siya kahit sa mga kalunya (concubine) niya." marahan niyang sagot. Hinaplos niya ang aking buhok. "Bakit mo naitanong?"
"Hmm... Nang naligaw po ako kanina, may nakasalubong po akong dalawang bata. Tinulungan ko po sila kasi 'yung isa masakit ang tyan dahil po sa gutom. Binigyan ko po siya ng pagkain. Tapos po, may dumating na katulong po mula sa Palasyo na ito. Tinatawag po niya ang dalawang bata na prinsipe at prinsesa..." inosente kong pagkukwento sa kaniya.
Sa mga nasabi ko ay ramdam ko na natigilan siya. Para bang nagulat siya sa kaniyang nalaman na may iba pa palang anak ang Emperador ng Oloisean bukod kay Prinsipe Dilston na siyang dumalo sa aking binyag noon. "Hindi ko alam tungkol sa bagay na 'yan. Ngayon ko lang narinig, mismo galing sa iyo, Rini."
Lumaylay ang aking mga balikat. "Bakit kaya hindi po sila dumadalo kahit isang beses noong kaarawan ko, papa?" sunod kong tanong.
Naningkit ang kaniyang mga mata. Nagpanglumbaba siya, tila malalim ang kaniyang iniisip.
"Papa?" nagtataka kong tawag sa kaniya. "May problema po ba? Ayos lang po ba kayo?"
Nanumbalik ang kaniyang ulirat. Huminga siya nang malalim. Muli niya hinaplos ang aking buhok. "Naisip ako nang bahagya, aking bunso. Pero ito lang ang masasabi ko, hindi ka talaga anak ng isang ordinaryong tao na iniisip ng iba. Pero ang totoo ay anak ka talaga ng yumaong Emperatris ng Cyan."
Natigilan ako sa aking narinig. "A-anak po talaga ako ng... Emperatris?" ulit ko pa.
Tumango siya. "Dalawa man ang iyong ina, ngunit ang dugo talaga nananaytay sa iyo ay ang akin at ng iyong ina, ang dating Emperatris."
Pero sino si Lorah?
Gusto kong itanong 'yan pero pakiramdam ko ay may nakabara na kung ano sa aking lalamunan. Gusto kong kunin ang pagkakataon na ito para malaman ko na ang lahat lalo na tungkol sa pagkatao ko. Kung sino ba talaga ang isang Prinsesa Styriniana Eryndor ng Cyan. Sa halip ay ibinaling ko ang aking tingin sa pagkain.
**
Tanghali nang nagising ako. Wala na din si Vencel sa tabi ko nang iminulat ko ang mga mata ko. Siguro ay abala siya na kitain o may meeting siya sa ibang Emperador ng bawat kontinente, pati na din ng mga namumuno ng ibang bansa. O hindi kaya nauna na siya sa pag-aalmusal at hindi na inabala pa ang aking pagtulog. Hindi ito ang unang beses na katabi ko siya sa pagtulog. Simula noong tumuntong ako ng apat na taong gulang ay natutulog na ako sa kaniyang silid. Sinabi kasi niya na para sa seguridad ko. Hindi pa rin nawawala ang mga taong nagtatangka sa aking buhay. Mas maigi nang mag-ingat. Bahagya akong gumalaw saka bumangon. Kinusot-kusot ko ang aking mga mata. Rinig ko pa ang pagbati sa akin ni Nesta. Nakahanda na daw ang aking pampaligo at mga damit na susuotin ko.
Nag-almusal na din ako dito sa silid. Pero sa gitna ng aking pagkain ay dumating ang mga kapatid ko pati na rin si Prinsipe Calevi. Inaaya nila ako na bumisita sa Kapitolyo ng Oloisean. Nagpaalam na din sila kay Vencel. Pinayagan sila nito. Maganda daw ang panahon ngayon at tiyak na marami daw kaming mabibili sa bayan. Mukhang alam na alam nila ang gusto ko. Dahil d'yan ay binilisan ko ang aking kain. Nakaramdam na naman ako ng excitement. Siya nga pala, may kondisyon si Vencel bago man niya kami tuluyang payagan na makaalis. Kailangan magsama kami ng kawal at mga katulong. He is surely being cautious for me, huh. Well, sige na nga.
'Wow!' bulalas ng aking isipan nang tumapak na kami Kapitolyo ng Oloisean. Iginala ko ang aking paningin sa paligid. Nangingislap na ang mga mata ko sa mga nakikita ko. Maraming food stalls, marami ding mga tindahan na pupwedeng pasukin.
"Yuhooo!" hindi ko na mapigilang tumakbo at iwan sila.
"Hintay, Rini!" sabay na malakas na sambit ng mga kuya ko. Natataranta na habulin ako.
Tumigil ako sa pagtakbo. Humarap ako sa kanila na malapad na ngiti sa aking mga labi. Nagawa ko pang kumaway sa kanila. Napahawak ako sa aking suot na pink na victorian bonnet.
"Bilisan na po natin, mga kuya. Sayang po ang oras. Mamayang gabi po ay gaganapin ang selebrasyon ng kaarawan ni Prinsipe Dilston!" malakas kong bulalas sa kanila.
Natatawa sila sa aking inakto. "Iyan ba talaga ang dahilan o sadyang hindi ka lang makapaghintay na pumasok sa mga tindahan?" si Eomund ang nagsalita, nakangiti. Tuwang-tuwa sa ekspresyon ko.
Okay, wala talaga akong lusot sa mga ito. "Basta po, gusto ko po matikman ang mga pagkain, makita kung ano poang mga magagandang bagay habang naririto po tayo." tuwang tuwa kong saad. Iginala ko ang aking paningin sa paligid. Maraming buildings. Sa tingin ko ay hindi namin mapapasok 'yan sa maiksing oras. Mapupuntahan siguro namin kung mananatili kami dito ng ilang linggo pa.
Sinimulan namin pasukin ang mga tindahan na nagtitinda ng mga damit. Kani-kaniya kaming hanap kung anong magandang suotin kapag nakabalik na kami ng Cyan. Nakakamangha ang pagdesesnyo. Bumili ako ng kaunti. Pati na din ng mga accessories. Sunod ay tinikman namin ang mga pagkain. Mga streetfoods! Medyo wala akong gana kumain sa mga restaurant dahil marami na ding tao, paniguradong mga dayo o mga turista galing sa iba't ibang bansa ang bumabahang costumers sa loob.
Nang napagod na kami ay nagpasya kaming umupo sa mga park bench. Mukhang energetic pa sina Eomund, Cederic at Prinsipe Calevi, nagawa pa nilang maglaro ng habulan o kung anuman. Tahimik akong umiinom. Pinapanood ang mga kapatid ko. Nasa tabi ko naman si Raegan, nabawi pa siya ng lakas. Hindi niya siguro nakayanan ang energy ko sa paggagala. Tulad ko ay umiinom din siya ng binili naming inumin. Tahimik lang akong nakatingin sa kaniya. Pinagmamasdan ko ang bawat ekspresyon ng kaniyang mukha.
Sa aming magkakapatid, he is the only one heir to apparent the throne and crown of Cyan. Pero sa tagal ko na siyang nakakasama sa iisang bubong, he is a composed and responsible older brother not only for me, also for Eomund and Cederic. Hindi lang siya responsable bilang kuya, resposable din siyang anak at tagapagmana. Siya ang aasahan na susunod sa yapak ni Vencel sa mamalakad at magiging leader ng pinakamalakas na Imperyo ng mga Eryndor. Sometimes, he's reserved. Ang nakakalungkot lang sa kaniya, hindi niya siguro naenjoy ang pagiging bata niya dahil simula ipinanganak siya sa mundong ito, pasan na niya ang responsibilidad ng hindi lang iisang bansa. Bukod kay Vencel, nakikita at nakakasama na din niya ang yumaong Emperatris.
Umusog ako palapit sa kaniya saka isinandal ko ang aking sarili sa kaniyang gilid. "Pagod ka na ba, Rini?" marahan niyang tanong.
Umiling ako. Ngumiti ako. "Ayos ka lang ba, kuya?" nag-aalalang tanong ko sa kaniya.
Ngumiti na din siya. "Kapag pagod ka na, sabihan mo ako agad para maibalik na kita sa silid mo." hinaplos niya ang aking buhok, tulad ng ginagawa ni Vencel sa akin.
"Kuya, hindi ka ba nagalit sa akin nang ipinanganak ako sa mundong ito?" I suddenly ask, nasa tono ang pag-aalala.
"Anong... Ibig mong sabihin?"
Tumingala ako sa kaniya. Bakas na sa mukha ko ang pangamba. "Ang sabi po kasi nila... Anak ako ng isang ordinaryong tao. Hindi po talaga ako buong dugong-bughaw tulad ng mga naririnig ko. Iba ang aking ina... Si Binibining Lorah. Hindi ka po ba nagalit na magkaiba ang ating ina?"
Kumunot ang kaniyang noo. Humarap siya sa akin saka hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. "Mali ang iyong naririnig, Rini. Hindi naman talaga magkaiba ang ina natin. Sa katunayan ay isa ka talagang dugong bughaw."
Natigilan ako. Iyan nga din ang sinabi ni Vencel sa akin. Na mga dugo nila ng dating Empetratris ang nanalaytay sa akin. Pero ano ba ang katauhan ni Lorah? Bakit ang sabi ng mga maid, kahit si Nesta ay sinasabi na siya ang nanay ko? Ano ba talaga ang totoo?
Kumawala siya ng malalim na buntong-hininga. "Hindi ako ang tamang tao upang magpaliwanag sa iyo ng mga bagay na 'yan. Tanging ang ating ama, ang Emperador ang makakapagsabi ng katotohanan. Kaya huwag mo na masyadong isipin ang mga bagay na 'yan. Kahit anong mangyari, kahit magbali-baliktad man ang mundo, kahit magkaiba man ang ating ina o hindi man kita kadugo, ikaw pa rin ag pipiliin ko bilang kapatid, Rini." saka nagtama ang aming mga mata.
Sa mga sinabi ni Raegan, hindi ko mapigilan ang sarili kong maluha sa kaniyang harap. Naalarma siya at sinubukan niyang patahanin ako. Humawak ako sa kaniyang damit. Isiniksik ko pa ang mukha ko sa kaniyang dibdib. "Salamat po, kuya Raegan. Kahit ano din mangyari, hinding hindi ako nagsisisi na ikaw po ang naging kapatid ko. Hihilingin ko po pa rin na ikaw ang magiging kuya ko."
"Maraming salamat, Rini. At dumating ka sa buhay ko... Sa buhay namin."
Inilayo ko ang mukha ko sa kaniya. Tumingin ako sa kaniya. Kahit basang-basa na aking mukha dahil sa aking mga luha ay nagawa ko pa rin ngumiti sa kaniya. Ilang saglit pa ay marahan akong pumikit. Inihilig ko ang aking ulo sa kaniyang dibdib.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 31 Episodes
Comments