Author's Note: Instead of doing another part of this story, I decided to make it a Special Chapter.
ALRICH ZANE's POV:
"He's now fine, he need rest. And also he need someone to be with for the time being. You already know what he did back then, so please stay with him." Dinig kong paalala ng doctor kay Raize, ang manager ko. "I'm going." Paalam ng doctor sa amin, napatango na lang ako at maging gan'on din si Raize.
Dumating ang ilang minuto na walang nagsasalita sa amin.
Ayoko rin namang magsalita.
"Are you okay now, Rich?" Tanong sa akin ni Raize. Napatango na lang ako.
"How did you do that?" Muling usal nito, pero halata na nagdadalawang-isip pa siya sa tanong niya.
Siguro ang tinutukoy nito ay ang pagtalon ko sa building dahil lang kay Red.
I'm a fool back then, k*lling myself because of a st*pid guy? But I'm happy too, 'cause I've met them.
The person I wanted to be with.
The person who promised me that he'd come with me.
No matter what.
All I did was to wait... wait... until they came.
"Raize, can you do me a favor..." medyo namamaos kong saad sa lalaki.
Napansin ko naman ang mabilis na pagkuha nito ng tubig na nasa bote saka ibinigay sa akin.
Hindi na lang ako umimik. Kinuha ko iyon sa kaniyang kamay at uminom nang marami.
Matapos nito ay ibinalik ko sa kaniya ang tubig na kaunti na ang laman.
"Favor? What kind of favor? Don't tell me, you'll ruin—"
"No, not him. I don't care about that person anymore. Just search for this book. I don't know the title but I know the characters."
"Huh? For real? And what about that book? Hmm... okay, I'll help you, but it's gonna be hard to search for that book if it has the same characters as the other. Is that okay?" Napatango ako.
"I'm willing to wait. Gusto ko lang malaman kung may problema ba sa akin ang writer nito,"
"Eh? Did you offend someone? Kaya ka sinulatan ng libro?"
"I don't know. But search this book in the entire internet. Or ask someone if they found a book with a characters of; Alrich Zane Falco, Jin Sinian, Jin Weilan, Jin Linran, and the twins of them; Zefhan and Kidlat." Matapos kong isa-isahin ang mga pangalan na nakasalamuha ko sa libro napansin ko naman ang pananahimik ni Raize.
Hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin dahil baka may iniisip din siya.
Alam kong may posibilidad na wala siyang mahahanap na gan'on sa buong internet dahil mismong System na iyon ang gumawa.
Pero gusto ko pa ring makasigurado.
"I think... I know that book..." Napaangat naman ang aking mukha at nagtataka na tiningnan siya.
"Really? You do? Where? And how?" May pagka-seryoso at nanghihinala sa tono ng aking boses.
Napaiwas naman siya ng tingin, napahawak pa ang kaniyang kaliwang kamay sa may batok, at napansin ko rin ang pamumula ng kaniyang mukha.
Wait... don't tell me...
"I'm sorry, I don't have any intention to write you a story with the three popular foreign actors." Agaran siyang napaluhod sa semento at mabilis na iniyuko ang kaniyang katawan papalapit sa sahig habang ang mga palad ay naging sandalan ng kaniyang noo.
"Popular Foreign Actors? Why?"
"Yes! And because... I can't bear seeing you with that guy, with that b*stard. Kaya gumawa ako ng story kung saan kayong apat lang ang nandoon at ikaw ang pipili sa kanila kung sino ang gusto mong makasama." Mahabang salaysay niya nang nasa gan'on pa rin na posisyon.
"Are you f'cking nuts? Really, Raize? Do you hate me that much that's why you write something like thi— "
"Wait... how did you know about my story?" Pagbabago naman niya ng usapan. Hindi na pinatapos pa ang sasabihin ko kaya natigilan din ako sa pagsasalita.
Napaangat ang kaniyang mukha at kitang-kita na nagtataka talaga siya sa akin.
"Why?" Nasabi ko na lang kaya napansin ko ang pagtaas ng kaliwang kilay niya.
"Don't asked me back! Binigay ko sa iyo ang nag-iisang kopya ng libro ko dahil akala ko magigising ka sa katotohanan na p'wede kang pumili ng mamahalin sa ibang actor. Pero ipinagsawalang bahala mo iyon, ibinalik mo pa nga sa akin. Kaya bakit mo alam ang mga pangalan ng mga foreign actors na ni minsan ay hindi ko naman binanggit sa iyo?" Nagtatampong turan nito. Napatayo na rin siya sa kaniyang pagkakaluhod at bumalik sa kaniyang upuan.
Napalingon naman ako sa kabilang direksyon," Don't know."
"Yah! Don't answer me like that!" Nanggagalaiti pa rin nitong sigaw pero hindi ko siya pinansin.
Kasalanan niya pala ang lahat. Bakit siya nagsusulat ng gan'on na tema?
Hindi ko aakalain na may gan'on pala siya na hobby. Tsk!
"Hah! Change topic, my brother asked me to tell you about this..."
"About what?"
" The babies inside his laboratory will be complete after a week. " Sagot nito sa kaswal na boses.
Samantalang ako naman ay parang nabuhusan ng malamig na tubig sa narinig.
"Babies? In the laboratory?"
"I told you, you should pay attention to your surroundings more. Ano bang meron kay Red? Pati ang paghingi mo ng favor kay Kuya Zian ay nakalimutan mo na? Hindi ba't nagpakahirap ka na maghanap ng babae na handang ipagbili ang extra egg cell para makabuo ng bata?"
"Then, how come it became babies? It should be baby only?"
"Gah! Of course someone's needed money too! Dahil dakila kang mabait, kahit na tama na sa iyo ang isa, kinuha mo pa rin ang isa. Kaya dalawa na sila. Pero ang tanong kaya mo bang buhayin ang mga bata?" May panghahamon na wika nito.
Ngumiti naman ako nang malawak bago siya bigyan ng tingin na nandidikta.
"Did you also use the babies inside the laboratory for your story?"
"Gah! Of course! Hindi ko alam kung kaya mo bang mag-alaga ng bata pero inisip ko na lang na magaling ka. Bakit na naman?" Naiinis na wika niya.
"Anong pangalan ng tatlong actor na tinutukoy mo? Is that their real name? Or just an imaginary name?"
"If I used your name, then, of course, I'm using their real name too. You already said it. Why did you ask again? I'm confused and suspicious of you right now."
Napakibit-balikat na lang ako sa tanong ni Raize. Pero ang ngiti sa aking labi ay hindi nawawala.
"I wanted to meet them, can you do me a favor? Ask their manager if I—"
" No. You can't." Natigilan naman ako sa sinabi niya.
"Huh?"
"After they save you from falling—"
"Wait, save... me? How come?"
"Okay, actually, sakto na nag-sho-shoot sila ng action movie noong mga panahon na iyon. Napili nilang location ay ang building na kinaroroonan mo. Nasa 3rd floor lang sila dahil na rin sa safety nila. Si Sinian ang villain. Samantalang Main Character naman sina Weilan, at Linran. Hinahabol ng dalawa si Sinian sa labas ng building matapos nitong magnakaw. Nang makalapit na ang dalawa kay Sinian, saka naman nila napansin na parang may pabagsak sa kinaroroonan nila kaya nagtulong-tulong sila na masambot ka, at 'yung mga nasa ibaba na tao ay mabilis na rumesponde. Natigil din ang pag-filming nila para dalhin ka sa hospital nang mapansin na wala ka ng malay." Mahabang salaysay nito sa akin.
Ako naman ay pi-no-proseso pa sa aking utak ang lahat. Nang maintindihan ko na ay napatango na lang ako.
That's the time I'm already transmigrated on Raize's book.
"Kaya ba ayaw nila akong palapitin sa kanila ay dahil sa nangyari?"
"Nope. After the incident and after they continue filming the scene, bumalik na sa kanilang bansa ang lahat upang ipagpatuloy pa ang iba pang eksena. Subalit nagkaroon ng aksidente sa daan matapos ang filming. Ang may kagagawan, ang mga paparazzi. Magkasama ang tatlo ng mga oras na iyon para mag-celebrate nang mabundol ang kanilang RV na sasakyan sa humahabol sa kanila na Ferrari. Kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagigising. At walang kaalam-alam ang lahat kung may chansa pa ba sila. Ang masaklap pa, buhay na buhay ang mga suspect."
***
Simula ng marinig ko ang mga katagang iyon kay Raize, hinanap ko sa social media ang mga balita na ito. At hanggang ngayon ay naghihintay pa rin ako sa paggising nila.
Ewan ko ba, parang may nagsasabi sa aking isipan na maghintay.
Maghintay sa miracle na mangyayari.
Pero simula ng dumating sa buhay ko ang mga babies na pinasadya ko kay Kuya Zian, natuon na ang atensyon ko sa kanila.
Para bang bumalik lang ako sa dati kung saan ako lang din ang mag-isa na nag-aalaga sa mga anak namin ni Sinian.
Kapag tinitingnan ko nang maigi ang mga bata, napapaiyak na lang ako nang palihim. Kamukhang-kamukha ko sila, katulad na katulad sa mundong iyon na kamukha rin nila ang katawan na gamit ko.
That's why I named them after them, my previous kids, Zefhan Enrile and Kidlat Enrist.
"Rich, are you there?" Tanong ng manager ko sa labas ng bahay ko.
After I got discharged from the hospital, I also asked Raize to find me a house that is suitable for us, and for my future family.
Ayoko ng manatili sa condo kung saan maraming memories kasama si Red. Napirmahan ko na rin ang divorced paper matapos kong magising.
Isang buwan akong walang malay, pero sa mundong iyon humigit anim na taon na ang itinagal ko.
Ibang-iba talaga.
Umalis na rin ako sa Entertainment Industry dahil gusto kong mag-focus sa pag-aalaga sa mga anak ko.
Marami man ang nadismaya sa pag-alis ko, alam kong naiintindihan din nila iyon.
Hindi ko pa nasasabi sa kanila ang tunay na dahilan ko, saka na kapag malalaki na ang mga anak ko.
Pero kung may pagkakataon man, babalik ako.
"Yes? Come in."
Unti-unti namang bumukas ang pinto at tumambad sa akin ang payat pero may katangkaran na si Raize.
May salamin siya na suot at sa kaniyang kaliwang kamay naman ay cellphone na nakabukas.
Kahit na payat itong si Raize, may maipagmamalaki pa rin naman siya sa mukha. May itsura kumbaga.
Sa katunayan, habulin siya ng mga kalalakihan, instead babae.
"Why?" Tanong ko rito nang may seryoso sa aking mukha.
Mahimbing na natutulog sa aking kama ang magkambal, kahit hindi sila tunay na magkambal. Let's just put it in that way.
"The Managers of the three's called. And they wanted to meet you, eventually." Pagsasabi naman nito sa kaniyang pakay kaya natigilan ako saglit bago mapatango.
Ngayon ko lang naalala na naghihintay rin pala ako ng paggising nila.
"Tell them, what time, date, or where should we meet."
"Actually, the truth is, they were here, I mean the foreign actors." Napatayo naman agad ako sa aking pagkakaupo sa kama dahil sa gulat.
"Look after them!" Nasabi ko na lang kay Raize.
"O-okay..."
Agaran na rin akong naglakad papalabas ng kwarto, hindi na pinansin pa ang sinabi ni Raize.
Gusto kong makita, gusto kong malaman kung totoo nga ang aking hinala.
Alam kong mahirap umasa, alam kong masamang humangad na sana sumanib ang kaluluwa nila sa kanila.
O kung mangyayari pa ba iyon...
Nang tuluyan akong makarating sa pinto na sarado. Tumigil muna ako saglit at nagbuntong hininga nang tatlong beses.
When I finally calmed down for a bit, I decided to open the door.
Napatabon agad ang aking kanang kamay sa itaas ng aking mukha upang harangin ang sinag ng araw.
Pero napukaw ang aking tingin sa tatlong lalaki na nasa aking harapan.
Kapag sa picture ay halata talaga na pamilyar na pamilyar ang itsura nila. Ngayong nasa harapan ko na sila, masasabi ko na kuhang-kuha nga talaga ang buong pisikal na anyo nina Sinian, Weilan, at Linran kahit na hindi ko naman sila kilala sa tunay na mundo.
Wala ring nababanggit si Raize noon tungkol sa tatlo.
Kaya nakapagtataka kung bakit mukha pa rin nila ang gamit sa libro samantalang ako ay ibang tao. Bakit?
Ano bang ginawa ko kay Raize para pahirapan ako sa story niya?
Nakuha ko na ang soft copy ng book niya na binibigay niya sa akin noon dahil gusto kong basahin ang buong kwento.
Baka sakali na mabawasan ang inis ko kay Alrich. Pero mas lalong kumulo lang ang buong pagkatao ko sa nalaman ko, I'm the villain.
What the f*ck! In my own novel, I'm the villain.
And the Main Characters were actually them, the triplets.
Ang masasabi ko lang sa libro ni Raize... he's making fun of me.
No major conflicts, many loopholes, and making me look bad inside the novel. I thought he was doing his best to help me forget about Red, but, wow! I'm surprised! Definitely shocked! What the f*ck.
He created a novel full of crap.
Kilala ko naman 'yang si Raize, hindi talaga siya mahilig magsulat, he's major of photography and painting.
Not writing.
"Hey, told you, we'll do everything to be with you!" Napabalik lang ako sa aking diwa nang marinig ang boses na iyon.
That baritone with a serious tone of his. And that eyes, that dark blue color of eyes wanting to devour me every time he's looking at me.
I've known it, it's him! It's Sinian!
Ngumiti naman ako nang malawak habang ang likido na gustong lumabas ay tuluyan na ngang bumagsak sa aking mga mata.
Mabilis akong tumakbo sa kanilang direksyon at niyakap silang lahat. Nasa gitna si Sinian kaya siya ang mas nayakap ko at ang dalawa kong palad ay nasa dalawa.
Kaya narinig ko ang pagtawa ng dalawa. Saka ko naramdaman ang yakap nila sa akin.
Pero dahil magkakasingtangkad lang kaming tatlo sa tunay na mundo na ito, iniiwasan naming mapalapit ang aming mga mukha sa isa't isa. Mataas kasi ako sa tunay na mundo kumpara sa libro.
Kaso napakalas lang ako sa yakap nang marinig ang malalakas na iyak galing sa mga bata. Gan'on din ang natataranta na sigaw ni Raize papalapit sa akin.
Napaharap ako sa aking likuran, kitang-kita ko si Raize na papalapit sa aking direksyon, kasama niya ang isa pang katulong namin or should I say the one's helping me in cooking.
Parehas nilang dala ang mga sanggol na hindi tumitigil sa pag-iyak. Kahit anong gawin nilang pang-aalo.
"Rich, help me!" Animo'y naiiyak na pagmamakaawa sa akin ni Raize at walang pasabi na ibinigay na sa akin si Zefhan.
Si Kidlat naman ay kinuha ni Linran, kahit na nag-a-alinlangan ang katulong ko, sinenyasan ko ito na iako kay Linran ang pagpapatahan kay Kidlat.
Nang mapunta na si Kidlat sa mga braso ni Linran, napansin ko ang pagtigil ng iyak nito.
Gan'on din si Zefhan na nakatitig lang ang mukha sa akin o sa akin nga ba dahil nakatanaw rin si Sinian sa kaniya.
"Hey, Zefhan, be calm and wait for your growth. Enjoy yourself as a baby... Again." Nakangiting pahayag ni Sinian sa sanggol na ngayon ay napahagikhik na.
Hindi ko pa sinasabi ang pangalan ng mga sanggol, pero alam agad nila.
Siguro ang soul din ng mga anak ko sa kabilang mundo ay napunta rito. Kaya ganito ang ikinikilos ng mga bata.
"We'll spoiled you a lot. This time, we will help your dad to take care of you." Tugon ni Linran sa bata na itinataas ang kanang kamay upang hawakan ang mukha ni Linran pero dahil maliit ang kaniyang braso, si Linran na lang ang nag-adjust.
Kaso papalapit pa lang siya sa sanggol, umep*l naman si Weilan at ito ang nahawakan ni Kidlat, napaigik pa sa sakit si Linran dahil napauntog ang kaniyang ulo sa ginawa ni Weilan.
"Hey, hey, buddy-buddy, fast your growth. I can't wait to play with you!" Natutuwang saad nito sa sanggol pero hindi humagikhik o umiyak ang bata, nakatingin lang ito sa kaniya nang nagtataka.
Pero nang may bumatok kay Weilan saka ito napatawa nang malakas na parang wala ng bukas.
Kaya napailing-iling na lang ako sa mga taong ito.
Lalo na kay Weilan, hindi pa rin nagbabago.
Kahit na nagtataka ang dalawa sa nangyayari sa kanilang harapan, wala kaming alam kung paano ba namin ipapaintindi ang lahat.
Pero, hayaan na sila! Ang mahalaga masaya ako dahil kompleto na ang pamilya ko.
Masaya rin ako dahil binigyan ng pagkakataon ang tatlo na alagaan ang dalawang sanggol na noon ay hindi nila nagawa.
I'm contented with this life...
I hope...
But, Red showed up, what's the deal with him?
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 23 Episodes
Comments