CHAPTER 11

"Sorry!" Hinging paumanhin ko kay Sinian nang mahismasmasan na ako sa nangyari.

Saka bakit nga ba ako nagulat?

"It's okay. Don't worry." Nakangiti niyang wika pero bakit parang may kakaiba sa pagngiti niya?

Para kasing pamilyar? Nakita ko na kasi iyan eh. Panigurado ako.

'Tsk. Don't think too much, Alrich. You're just hallucinating.'Asik ng aking utak bago kami nagsimulang maglakad ulit papunta sa second floor ng building.

Hanggang pangatlong palapag lang ang meron dito. Medyo may kalumaan na rin pero hindi naman masasabing panganib na sa buhay ng mga naninirahan dito.

Mas matibay pa sa relasyon ng iba. Just kidding.

"Gusto mong pumasok?" Alok ko rito nang makarating na kami sa mismong pinto ng apartment ko.

"Later." Pahayag niya sa akin.

Hindi siya nagsabi ng kahit anong dahilan niya kung bakit ayaw niyang pumasok.

Yumuko siya matapos sabihin iyon at nagpaalam na rin sa akin na siya'y papasok na sa kaniyang apartment kaya wala na rin akong nagawa kundi sumang-ayon.

"Dad, who are you talking to earlier?" Zefhan asked me after I entered the house.

Batid ko na nasa pinto ang dalawa. Ganiyan naman ang ginagawa nila kapag may mga yapak silang naririnig na paparating sa kinaroroonan nila.

For being cautious.

"It's our new neighbor and my junior at work. Don't worry he's kind." Turan ko sa mga bata.

Gaya na naman ng ginagawa ni Kidlat, kinuha niya na naman sa aking kamay ang dala ko. Kaya hinayaan ko na lang ito. Hindi nga lang ang panganay na kapatid nito.

"Dad, can I meet that person?" Nahihimigan ko sa tono ng boses ni Zefhan na nasasabik siyang makita ang lalaki.

Kahit na seryoso ang mukha, halata naman sa mga mata ang pagka-kuryos niya. Kaya napatango ako rito.

Wala rin namang mali sa pakikipagkilala.

Huwag lang sa dalawa na akala mo kung sinong mayaman. Tsk!

***

Simula ng sabihin sa akin ni Zefhan ang ninanais niya. Nakipag-meet nga kaming tatlo rito, I mean, bumisita kami matapos naming kumain ng gabihan.

Hindi nga makapaniwala si Sinian na makita kami sa harapan ng pinto pero pinatuloy pa rin niya kami sa bahay niya.

As a new neighbor of this building, it's noticeable how plain his apartment is. Only a bed and a few cooking appliances.

Clothes? He has only two pairs.

Saka na lang daw siya bibili kapag may pera na siya. Kaya itong mga anak ko, nag-insist na ibigay ang mga hindi ko na ginagamit na mga pananamit.

Actually, mga bigay sa akin ng mga customer ko. Lahat ng iyon hindi tugma sa pangangatawan ko. Kahit na Extra Large na ang sinusuot ko.

Kaya ibinigay ko na lahat kay Sinian ang mga iyon. Sinabihan ko na rin siya na nilabhan ko na iyon, baka malay mo may pagka-sensitibo rin siya.

Pero kapansin-pansin na para bang wala lang sa kaniya iyon. Nagpasalamat pa siya sa akin at maski na rin sa mga anak ko.

Simula rin ng araw na iyon naging malapit na ang dalawa sa ka-trabaho ko. Maski rin naman ako.

Sa lahat kasi ng mga nakilala ko rito sa mundong ito, tanging si Sinian lang ang napansin ko na hindi nangungulit sa bagay na ayaw ko. Seryoso siya sa ginagawa niya.

Hindi siya basta-basta mapapangiti na lang.

At ang nakakagaan sa dibdib ay makita ang closeness nilang tatlo sa isa't isa.

Kahit na hindi pa sila gaano nagtatagal na magkakilala, he really do his best to give my kids a gifts for their 6th birthday on the month of September. And the day was 13.

Halata talaga sa dalawa ang saya sa nakuhang regalo.

Simula ng mga oras na iyon, mas lalo silang naging malapit sa isa't isa.

At may pagkakataon din talaga na mapatitig ka sa mga ito, hindi ko alam kung bakit pero habang palalim nang palalim ang pagtingin ko sa tatlo may napansin akong kakaiba pero pamilyar.

Ipinagsasawalang-bahala ko na lang dahil imposible.

Minsan ay isinasama ko rin si Sinian sa kompanya ni Felix para sunduin ang mga anak ko o ihatid.

Ang hindi ko lang maintindihan ay ang ekspresyon na ibinabato ni Felix kapag nakikita si Sinian. Para bang nakakita ng multo. Bumubuka ang bibig pero titikom din. May gusto siyang sabihin pero para siyang may iniiwasan.

Ay, ewan!

***

"Zane, I can't come with you. I have important things to attend." Biglang usal ni Sinian pagkakita sa akin na kalalabas pa lang ng bahay ko.

Oras na kasi ito ng pagsundo sa dalawa. Biyernes pa lang naman ngayon at walang pasok sa trabaho dahil day off naming lahat.

May gan'on talaga na sistema sa restaurant. Binibigyan nila kami ng dalawang araw na pahinga.

Sarado ang restaurant ngayon dahil ginagawang bakasyon din ng may-ari ang pahinga namin kasama ang pamilya niya.

Kaya ako na rin mismo ang sumusundo sa mga anak ko kapag hapon.

" It's okay, don't worry. My kids will understand you too." Nakangiti kong pahayag para mabawasan din ang kaba niya.

"Hah! I hope so. Even though I wanted to see them, but it's urgent." Halata talaga kay Sinian ang lungkot kapag iniisip na baka hindi siya pansinin ng dalawa.

Kaya lumapit ako sa kaniya saka siya mahinang tinapik sa kaniyang kaliwang balikat. Inakbayan ko pa siya kahit na hindi kami parehas ng taas. Tsk!

"Don't worry! Para namang hindi mo kilala ang dalawa!" Tumawa pa ako matapos kong sabihin ang mga katagang iyon.

Kaso napanguso rin nang maramdaman ang pagpisil niya sa dalawa kong pisngi.

"You're too cute!"

"Ouch... Mashakhet!" Reklamo ko rito.

Imbis na tumigil sa kaniyang ginagawa, mas pinisil pa niya lalo ang mga pisngi ko kaya masama ko siyang tiningnan.

"What?" Maang-maangan niyang tanong sa akin bago siya tuluyang tumigil sa pagpisil.

Marahan ko namang hinaplos ang aking nag-iinit na pisngi dahil sa kaniyang ginawa. Alam kong namumula na rin ito.

Pero napabalik lang ang aking diwa ng maalala na malapit na nga palang magsilabasan sa room ang mga anak ko.

"Mauuna na ako, Sinian. See you!" Paalam ko kay Sinian sabay takbo na papalayo sa kaniyang direksyon.

"Take care!"

"Yes." Nakangiti kong sagot.

***

"Dad, where's Uncle Sinian?"

"Yes, daddy. He told us he'll come with you." Sabay na tanong ng mga anak ko nang mapansin na wala nga sa likuran ko si Sinian, na palagi naman niyang ginagawa kapag napunta kami sa school ng mga bata.

"May urgent lang na nangyari kaya hindi siya makakarating. Please understand him, okay?" Pagpapagaan ko ng damdamin sa dalawa.

Kahit na kita sa kanilang mukha ang pagkadismaya, ngumiti na lang sila sa huli sabay akit na rin sa akin pauwi.

SINIAN'S POV:

"What do you want?" Blangkong tanong ko sa dalawa nang makarating na ako nang tuluyan sa bahay.

Kapag bumabalik ako rito, pumapasok din sa utak ko ang mga pinag-usapan namin bago ako umalis.

Hanggang ngayon hindi pa rin nawawala sa aking utak ang kanilang ginawa. Even though Zane accepted me as his friend, hindi pa rin nawawala na may kasalanan ako sa kaniya.

"We know what you're doing this passed months. Is he Alrich Zane Falco? Our husband?" Napatawa naman ako sa tanong ni Jin Weilan.

"Husband? I already told you, he's not our husband anymore. It's done. You don't have reason to meddle with his life because you made him an unwanted person. An Unwanted Husband for 5 years." Sarkastiko kong sambit.

"So he's the guy we're looking for." Patango-tango pa si Jin Linran nang sabihin niya ang mga katagang iyon.

Kaya napataas ang aking kaliwang kilay, " What are you thinking?"

"May the best man win. That's what you said, so we'll chase him again."

"What?!" Nanggagalaiti kong sigaw.

Napayukom pa ang aking mga kamao dahil sa kanila.

"He's not the Alrich Zane Falco we know back then. You know about that too, Brother Sinian. The Alrich before was so stup*d, clingy, crybaby, submissive, and always thinking he's lonely. But the Alrich now was not the same person we used to know. " Sabat naman ni Weilan kaya masama ko siyang tiningnan.

"Whether he changes or not, you hurt him." Pagpapaalala ko.

That's why they become silent. Napatayo na ako sa aking pagkakaupo sa sofa bago sila bigyan ng seryosong tingin.

"If you can change his mind, then chase him. But don't try to ruin his life if he doesn't want you anymore. For the second time, I'll let you know, you made him unwanted." Paalala ko sa dalawang ito.

Nagsimula na rin akong maglakad papalayo sa direksyon nila.

"This time. We're serious, Brother Sinian." Hindi ko sila pinansin.

Nagtuloy-tuloy ako na makaalis.

Nang makarating na ako sa labas, naglabas ako ng isang sigarilyo na nakalagay sa aking bulsa ng polo at saka ito sinindihan ng lighter na nakuha ko rin dito.

Humithit ako ng isa at ipinasaboy sa kawalan. Habang naglalakad ako papalayo sa bahay na ito, bigla ko ring naalala ang tatlo na ito.

Napangiti ako nang tipid.

Kapag napatawad na ba ni Zane ang dalawa, maaagaw na naman ba ang atensyon niya? Atensyon ng mga anak niya?

Can they still look at me?

But I saw Zane's face in my mind. That blank expression. The expression that I didn't see before.

Yes, aminado rin ako na ibang-iba na nga talaga si Zane sa dating siya. Pero nasa isip ko na baka dahil sa naranasan niya sa dalawa.

Sa pagkulong nila sa kaniya sa Isolated Place.

Kaso kapag ki-nu-kwento ko sa kaniya ang mga masasayang pangyayari o memories namin noon, para bang wala lang sa kaniya.

Nakangiti siya pero halata sa mukha niya na hindi siya na-ba-bothered sa sinasabi ko.

Hindi tulad noong huling araw ko na siyang nakasama. Kapag nag-ku-kwento ako, iiyak talaga siya magdamag. Hindi niya ako papakawalan hanggat hindi siya nakakatulog.

Somehow, the Zane I knew before was not the same Zane I can see now.

However, I should be sorry for the former Zane, because I love the Zane I'm seeing now.

He's a tough person, but deep inside he wanted to reach out.

He loves his kids more than the people who are coming to him.

He'll protect them without realizing he's hurting himself.

If reincarnation or transmigration is true, then, I'm glad it happened.

I like the Zane before. But the Zane now was true to himself. He'll never use his feelings to manipulate someone.

Hindi siya ang dati na handang saktan ang sarili para lang makuha ang buong atensyon ko.

Walang kaalam-alam ang dalawa na may gan'on na side si Zane. Dahil nagpakasal lang naman sila because of me too. Tsk!

Gustong-gusto ko ang Zane ngayon. He's the type of person who's forgetting that he's still a human.

Tao rin siya na kailangan ay magpahinga.

Siya 'yung tipo ng tao na gusto kong alagaan nang walang pag-aalinlangan.

At maging parte ng pamilya na nabuo niya.

And I know, I'm the father of his twins.

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play