Simula ng malaman ko ang nakaraan ng katawang ito sa magkakambal na Jin.
Ginawa ko na lang din ang lahat upang mapalapit ang magkambal sa dalawa. Malapit na malapit naman na ang loob nila sa ama nila kaya hindi na iyon problema.
Noong una ay hindi nila gusto ang hinaing ko, kaya hinayaan ko sila, basta ang sabi ko lang ay kapag gusto nila na makilala pa sila, I'll let them be close with them.
Ayokong pilitin ang mga anak ko sa bagay na hindi talaga nila gusto.
Kaso hindi ko alam kung ano bang nakain ng mga bata, nag-ta-try sila na kausapin sina Jin Linran at Jin Weilan.
Kaya ako naman na may alam kung ano ang ikinakabahala ng dalawa, sinabihan ko si Sinian na turuan sila kung paano ba mag-alaga ng mga bata.
Kahit na alam kong hindi maganda ang ekspresyon nila sa isa't isa dahil sa Alrich na iyon, siguro ito ring mga bata na ito ang magiging dahilan upang bumalik ang samahan nilang magkakapatid.
Pili lang ang may ganito na samahan sa magkakapatid. Kahit na illegitimate child si Sinian dahil sa kaniyang ina na malandi, hindi naging hadlang iyon sa iba pa niyang kapatid na mahalin siya.
Sila lang ang nagmamahal kay Sinian. Kahit na mali at hindi tama, ayaw nilang malayo sa kapatid.
Siguro ang iba ay iisipin na 'Ah! Baka ayaw lang nilang malamangan kaya gumawa sila ng hindi kaaya-ayang desisyon.'
Pero hindi. Para sa akin, dahil sa pagmamahal na meron sila sa kakambal, nagiging bulag na rin sila sa reyalidad... na merong limitasyon lang ang lahat.
Na ang kasal ay isang sagradong gawain para lang sa taong tunay na nagmamahalan.
Dahil sa mga magulang na ibinibigay ang lahat sa kanila, lahat ng luho nila, kaya sa tingin nila ang lahat ay walang limitasyon.
Katulad sa kasal.
Batid ko rin na hindi rin iyon totoo. Tunay na nagmamahalan? Bakit pa kami ikinasal at nagpakahirap na makahanap ng simbahan na handa kaming ipakasal kung sa huli ay wala rin palang kwenta?
He choose a woman to be with him for lifetime and think that being with a man is a curse. Can't have a child. Can't be proud having a family on his own to his friends.
Sh*t! D*mn!
"Napapansin ko lang, Rain, bakit parang umiiwas ka kay Sinian?" Nagtatakang tanong ni Saint sa akin.
"Huh? Paano mo naman nasabi?" Tanong ko rito nang may seryoso sa aking tono ng boses.
Even though that's the truth. I'm now distancing myself from Sinian and to others after knowing that they were now close to the kids.
Hindi ako si Alrich na mahal ni Sinian, ang katawan lang na ito. Gusto kong isipin ni Sinian ang mga anak niya kaysa sa akin, kaysa sa katawang ito na walang ginawa kundi saktan lang siya.
Pero hindi ko naman pinapahalata. Saka normal na ugali ko lang talaga iyon. Kapag may kailangan sila, sumasagot ako, s'yempre!
Hinahayaan ko rin sila na tumambay sa bahay kapag wala silang trabaho. Para na rin sa mga bata.
Instant babysitter na rin, tutal naman mga kapatid naman sila ng ama ng magkambal.
"Anong hindi, halata ka kaya, Rain. Sa tagal na ninyong magkasama ni Sinian, ilang araw na kitang nakikita na gan'on ang ikinikilos mo sa kaniya, pilit na nakikisama? Ano bang nangyari?"
"That's not your business." Malamig kong sagot at nauna na ngang naglakad upang makalayo lang sa kaniya.
Ayokong may taong nakiki-usyoso sa problema ng iba. Saka akala ko walang makakaalam sa ikinikilos ko kay Sinian, mapanuri rin pala si Saint. Tsk!
***
"Dad, where's Uncle Sinian?" Tanong ni Zefhan nang makita ako na mag-isa. Ngumiti naman ako nang alanganin.
"May ginagawa pa si Uncle ninyo sa restaurant kaya nauna na ako. Pupunta rin iyon mamaya, okay? Hintayin na lang muna ninyo sila. Papanhik muna ako sa kwarto." Paalam ko sa dalawa matapos kong guluhin ang kanilang mga buhok saka dumiretso na nga sa aking kwarto.
Ni-lock ko pa ang pinto matapos kong makapasok at malayang inihiga ang aking sarili sa hindi gan'on kalambot na kama.
Inilagay ko ang aking kanang palad sa aking noo at marahang ipinikit ang aking mga mata.
Kahit anong pilit ko na makatulog, hindi ko magawa dahil sa mga bagay na pumapasok sa aking utak.
I'm just a substitute of Alrich. I'm not him. I'm not the real father or mother of the kids. Do I still belong to this world?
Now, that worries came back to me.
It's just my mission.
Ano na ang pakinabang ko sa mundong ito? Close na ang magkambal sa ama nila. Kapag nalaman na nila na si Sinian ang kanilang ama at ibinigay ko nang matiwasay ang dalawa sa lalaking iyon, alam kong tapos na ako.
Ayoko rin namang sumama sa kanila o makisama sa mga taong wala sa aking koneksyon. Tanging sa original owner lang.
Hindi na ako iyon. Hindi na si Alrich ang nagmamay-ari nito.
Ayokong mahalin ako ng isang tao dahil sa mukha na ito.
Natatakot na rin ako na magmahal pa. Pero hindi ko aakalain na magseselos ako sa pagmamahal na ibinibigay ni Sinian kay Alrich.
Sana ako iyon.
Sana ako na lang.
Sana ako na lang ang nasa posisyon ni Alrich.
Sana ako na lang siya para makapili ako ng tamang tao na mamahalin din ako sa huli.
Pero hanggang sana na lang ako, kahit anong gawin ko, hinding-hindi ako magiging si Alrich.
Dahil hindi naman ako siya at lalong-lalo hindi rin siya ako.
***
"Zane, wait, let's talk." Dinig kong pahayag ni Sinian sa akin hanggang sa maramdaman ko na lang ang paghawak niya sa kaliwa kong braso at hinila kung saan.
"Wala naman tayong dapat pag-usapan." Sagot ko naman nang tuluyan na nga kaming nakapunta sa isang lugar na walang katao-tao.
Malayo na rin sa pinagtatrabahunan namin na restaurant.
Napansin ko ang paglingon niya sa kabilang direksyon. Nagpalabas pa siya ng mahinang buntong hininga.
"Why are you ignoring me? Us?" Tanong nito nang walang paligoy-ligoy.
Ako naman ay hindi na nagdahilan pa ng kung anu-ano. Sinabi ko na talaga kung ano ang rason ko.
"Because I'm the reason why your life turned into h*ll. Sinira ko ang bond ninyo."
"It's not your fault, Zane—"
"It's my fault, okay!? Ako ang dahilan kaya ka nakulong, ako ang dahilan kaya nagkakaganiyan na kayo ng mga kakambal mo—" Agaran kong bulalas bago pa man niya masabi ang ninanais niya dahil ayokong sisihin niya ang sarili niya.
Pero hindi ko aakalain na may sasabihin siya na mga kataga na hindi ko inaasahan.
" It's not your fault because you're not him, Zane. Huwag mong sisihin ang sarili mo sa bagay na wala kang kaalam-alam. I know, we know, that you're someone else inside the body of Alrich! "
"What? How?" Gulat kong tanong.
Napaatras pa ako palayo kay Sinian dahil sa sinabi niya.
Kailan pa?
Kailan pa nila nalaman na hindi ako si Alrich?
Pero mabilis niya akong hinila palapit sa kaniya at niyakap nang mahigpit.
Pilit kong nilalayo ang sarili ko sa kaniya. Ayokong umasa.
Hindi ako belong sa mundong ito. Hindi akin ang katawang ito. Kahit anong gawin ko, isa lamang akong bisita sa mundong ito.
Walang tunay na katawan.
Minamahal ka nga, pero 'yung katawan naman ang tinutukoy nila.
"Believe in me, Zane. You're now belong in this world. No matter who you are or what you are, we already accepted you. We didn't chase you because you're the Alrich we know, the person we married back then. But because you're the light in our dark world. The miracle in our heart to forgive each other and accept each other again. Ikaw ang dahilan kaya kami napapalapit ulit sa isa't isa. Ikaw ang dahilan kung bakit namulat ako sa katotohanan na hindi totoong pagmamahal ang naranasan ko sa kaniya. You made me realize what love is. You made me realize that I love you, more than I loved him." Mahabang paliwanag ni Sinian sa akin.
Sa sobrang haba ay wala na akong naiintindihan pa.
Ayokong maniwala.
Paano niya nasabing mahal niya ako?
Paano niya nasabi iyan sa katawan ng taong minamahal niya?
Ayoko.
Hindi ako naniniwala.
"No... Sinian, this is wrong! This is wrong!" Pagpupumilit ko pa. Patuloy na inaalis ang aking sarili sa kaniya.
"Zane, please believe in me. I love you! This is not a mistake. We didn't do wrong!"
"Hindi totoo iyan. Hindi na ako naniniwala sa ganiyan, mahal ninyo ako pero sa huli hindi pala! Pagod na ako sa ganiyan, Sinian. Pagod na akong maniwala. Hindi iyan totoo, alam kong si Alrich ang mahal mo at hindi kung sino ang nasa katawang ito. Pagod na pagod na akong magmahal sa taong nagbabago. Pago—" but before I could finish the words that I wanted to say, he kissed me.
He literally kiss me that made my eyes big. Pilit kong kumakawala, pilit kong nilalayo ang aking sarili sa kaniya pero mas lalo niyang nilalaliman ang paghalik niya.
Kaya sa huli ay nadala ako. Nadala ako sa halik na ito, para bang bigla na lamang akong napunta sa mundo na kami lang na dalawa at huwag na dapat isipin ang iba.
When he finally stopped kissing me, he hugged me tightly, like he doesn't want to lose me.
"Believe in me, Zane. I love you. Kung bumalik ka man sa mundong pinanggalingan mo, gagawa ako ng paraan para makasama ka. You're the one I wanted to be with. And I hope, this time, you choose me over them."
Pero hindi ako umimik.
Ayokong magdesisyon ng bagay na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin naiintindihan.
I'm just jealous and envy to Alrich.
But I don't love Sinian.
Or do I?
"Zane..." Pangtatawag nito sa aking pangalan.
Kapag tinatawag niya ako sa pangalawa kong pangalan, parang may kung ano sa akin na nabubuhay. Hindi mapakali.
Ang aking tibok ng puso ay mas lalong lumalakas.
Ibang-iba kapag kasama ko ang mga kapatid niya.
Walang kahit ano. Normal lang na nararamdaman para sa isang kaibigan. Hindi na h-higit pa.
"Zane, don't leave me." Nagsusumamo niyang turan nang mapansin na hindi pa rin ako nagsasalita.
Napansin ko rin ang panginginig ng kaniyang mga kamay na palapit sa aking mukha pero nag-aalinlangan siya.
Kitang-kita ko rin sa kaniyang mga mata ang sakit at pag-aasam.
Ibang-iba siya kay Red.
For more than 2 years being with Red. Ni isang beses ay hindi ko man lang nakitang na-kunsensya o nasasaktan ang taong ito kapag may mga pangyayari sa Entertainment Industry dahil sa kagagawan din niya.
Pero naging bulag ako sa katotohanan dahil sa pagmamahal.
Magiging bulag pa rin ba ako ngayon? Iisipin na ako nga ang mahal ni Sinian at hindi na ang dating si Alrich?
Kaso... mahal ko ba siya gaya ng nararamdaman niya?
"Please let me think about this first. The truth, I'm only thinking about how to survive, raise the twins, and make them happy. Walang pagmamahal sa ibang tao na naka-conclude ro'n. That's why I didn't know how to answer you. " Tanging nasabi ko na lang at unti-unti na ngang tumalikod sa lalaki.
Ayokong makita ang emosyon na nilalabas ng kaniyang mukha.
Kapag handa na ako, kapag nakuha ko na ang tunay na sagot ko, doon lamang ako titingin sa kaniyang mga mata at sasabihin ang tunay na aking nararamdaman.
Isipin na muna niya ang mga kapatid niya.
Isipin na muna niya kung paano niya pa makuha ang loob ng mga anak niya.
Sa ngayon, ipagsantabi muna niya ang nararamdaman niya.
"I'll wait. No matter what time or years, I'll wait, Zane. But, I hope you choose me." Rinig kong tugon niya habang palayo ako nang palayo.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 23 Episodes
Comments