ALRICH ZANE'S POV
Matapos kong ihatid ang magkambal sa paaralan nila, saka na rin ako nagsimulang dumiretso sa aking pinagtatrabahunan.
Ilang buwan na nga ba kami nanatili rito? Siguro apat na buwan na.
Matagal-tagal na rin pala. Hindi ko inaasahan.
"Rain!" Biglang tawag sa aking palayaw ng manager ng restaurant nang buksan ko ang glass door.
May kasama itong lalaki na matangkad. Medyo tanned ang kaniyang balat pero kahit na gan'on ay angat na angat pa rin ang kulay ng mga mata niya at maging ang kulay ng buhok.
Nagpakulay ba ito?
Saka bakit parang familiar ang kulay ng mga mata niya. Sa paraan din ng pagtitig sa akin na parang anytime ay gusto akong lapain, naalala ko kung paano ako titigan ng magkambal kapag may gusto silang kunin o bilhin.
Ganito rin ang kulay ng mga mata nila.
"Hello, Manager." Magalang kong bati rito sabay yuko pa sa harapan niya.
"Goodluck for today, Rain. And as you can see, this is Sinian, the new employee. Ikaw na ang bahala sa kaniya ng mga dapat gawin niya sa restaurant. Ayos lang ba? Kaya mo ba?" Sunod-sunod na tanong nito sa akin kaya tipid naman akong ngumiti upang sumang-ayon.
Napansin ko ang pagliwanag ng mukha ng manager namin. Lumapit pa ito sa aking direksyon at nilingkis ang kaniyang mga braso sa akin.
Napababa ang tingin ko kay Manager, mas mataas kasi ako sa kaniya ng sampong pulgada o higit pa. Ewan.
Sanay na rin ako sa pagiging clingy nito. Ganito rin kasi ang mga anak ko noon hanggang ngayon din.
Para silang mga aso o pusa na oras na upang makipaglaro sa mga amo nila.
Mabuti na lang may asawa na si Manager at maging mga anak na rin na nakilala ko na dahil minsan silang bumibisita rito upang tingnan ang kanilang ama.
"You're the best, Rain." Muling pahayag nito.
Kaya 'yung mga kasamahan namin ay napapatanong na lang sa sarili.
Hindi ko sila masisisi. Strikto at seryoso si Manager, lalo na sa mga k-kupad-kupad sa trabaho.
Sadya lang talaga na iba ito makitungo sa akin. Nakikita niya raw ang panganay na anak niya sa akin na namayapa.
Kahit sa totoo lang ay alam ko na kung ano ang tunay na rason niya.
Pero isasarili ko na lang.
***
"When you see a customer coming in, you need to assist them on their designated chair and prepare for the menu. Ask them what they want to eat. If they're asking you about the recommendation, then kindly answer them about these dishes, desserts, and new drinks." Tinuro-turo ko pa ang mga patok na palaging kinakain ng mga mayayaman sa restaurant na ito.
Maski iniinom.
Napatango-tango naman si Sinian sa akin. Halata talaga sa mukha nito ang pagkaseryoso nang sulyapan ko siya saglit nang matapos ako sa aking sinasabi.
Hindi ito nagtanong ng mga bagay na hindi niya naiintindihan.
That's why we changed the topic and now, I'm talking to him about cleaning and the right behaviors in front of the customer.
Rules of the restaurant and many more.
Habang tinuturuan ko siya ay pinapunta ko na agad siya sa mga pumapasok na mga customer.
Tahimik lang akong nagbabantay sa lalaking ito sa ginagawa niya habang ina-assist din ang iba pang customer. Gusto ko kasing makita ang performance niya.
Subalit parang halata kay Sinian na para bang sanay na siya na makipag-communicate sa iba.
Kahit na hindi siya nakangiti sa kanila, you can clearly see how good he was when approaching a customer. And that's a good sign.
I thought I'd tried harder to teach this new employee.
Wala sa aking kaso ang turuan siya, pero paano kung ang nakausap niya at nagawan ng mali ay mga maiinitin ang ulo o maliit lang pasensya?
Hindi na talaga maiiwasan na may gan'on na mga customer.
Basta huwag lang magkagulo sa loob ng restaurant. Kung p'wede na aregluhin, gawin na rin. Huwag makisabay sa init ng iba.
Para sa akin lang. Dahil iyon ang nararanasan ko o namin kung minsan.
"Master, do you think I did my best?" Tanong sa akin ni Sinian nang matapos na ang shift naming dalawa.
Pinuri pa nga ng iba ang mabilis na pagkatuto niya sa pag-a-assist at paggawa ng iba pang gawain sa loob ng restaurant.
Katulad ko pinili rin niya na mag-morning to afternoon shift lang siya dahil may pinagkakaabalahan din siya tuwing gabi na.
Kung ano man iyon, hindi ko na business pa iyon.
Pero hanggang ngayon naiilang pa rin ako everytime he's calling me 'Master,' kahit na hindi naman dapat.
Ano kami nasa old dynasty pa?
"Don't call me master. Just Zane is fine." Nakangiting pahayag ko rito, hindi ramdam na parang may mali sa aking sinabi.
Subalit bigla rin akong natigilan nang may mapagtanto na ako. Sh*t! Did I spilled my second name? F*ck.
"Zane? I thought it's Rain? But I like calling you Zane, can I?" Napansin ko naman ang marahang pagngiti niya sa aking direksyon.
When he smiles, his both eyes shut. He has a small cut on his right cheek that can stand even further.
May pagkakahawig talaga siya na hindi ko maalala kung kanino.
Ang mga customer na nakakakita nito ay napapatanong na lang sa akin kung isa ba si Sinian na badboy or troublemaker?
Di-na-dahilan ko na lang na natural na iyon sa mga kabataan na napapasama sa gulo. As long as they've changed.
Napabuntong hininga na lang ako bago mapalingon sa paligid. Tumitingin kung may mga tao ba na napapadaan. Mabuti na lang wala.
Naglalakad kami ngayon ni Sinian pabalik sa apartment. Sakto na siya pala ang kapitbahay namin sa kaliwa.
'Yung may-ari noon ay umalis na noong nakaraang buwan pa matapos mamayapa ang kaniyang asawa.
Kaya naging okupado iyon at walang nakakaalam kung kailan re-rentahan ng iba.
Sa katunayan ay nagpapasalamat ako na wala na ang mga ito. Masama na kung masama, but they almost k*lled us.
Back then, they kept pushing me to accept their food. I politely refuse them because I have this feeling of suspicion on them.
At hindi nga ako nagkamali, dahil nang patuloy kong tinatanggi ang pagkuha ng pagkain nila, sakto na may dalawang bata ang dumating. Anak ng isa sa ka-apartment namin.
Hiningi iyon ng mga bata kaya napansin ko ang pag-aalinlangan ng dalawang matanda pero sa huli ay ibinigay na rin.
Paalalahanan ko na sana ang dalawang bata na huwag na nilang kunin pero kapansin-pansin talaga ang mga ikinikilos ng dalawa.
Pilit nilang nilalayo sa direksyon ko ang dalawang bata.
Dahil bago pa lang kami sa siyudad na iyon, wala akong alam sa numero ng pulis o kahit ng emergency call.
Ang tanging nagagawa ko na lang ay humiling na sana walang mangyari sa dalawang bata.
Yet, after that day, the two kids lost their lives.
The reason for their d*ath? Food Poisoning.
Justice? No justice at all.
Kahit na magreklamo ka pa, para bang hangin na lang sa kanila ang sinasabi mo. Mayayaman ang mga anak ng dalawang matanda kaya nagagawa nilang bilhin ang hustiya sa malaking halaga.
That's why I used my only method. Reveal their dark sides from the internet using Internet Cafe.
I disguise myself and let the karma eat them.
Iyon siguro ang naging dahilan kaya namayapa ang asawa dahil sa patuloy na pagbagsak ng mga ari-arian ng mga anak nila.
At unti-unti ring nagsilabasan ang mga biktima na naka-survive sa panlalason ng mga ito.
Hindi ko na inalam pa ang dahilan. Nakuha ko na ang hustiya ng dalawang bata. Kaya panatag na ako.
At nagpapasalamat pa rin ako na hindi ko kinuha ang inaalok nilang pagkain. Kilala ko si Kidlat, siya ang unang titikim o uubos ng pagkain.
Kaya mabuti na lang nailigtas ko sa bingit ng k*matayan ang pamilya ko.
Hindi naman lahat ng tao ay gan'on, pero tingnan mo sila nang maigi kung sincere ba sila o walang binabalak. Ligtas na kasi ang may alam.
Unang tingin ko pa lang sa mag-asawang matanda ay creepy na talaga. Lalo na ang ngiti ng mga ito.
"Zane, we're here." Rinig kong tawag sa aking pangalan.
Pero dahil ang utak ko ay kung nasa'n, nakaramdam na lang ako ng sakit sa aking ilong nang tumama ang aking mukha sa matigas na ewan.
Nang iangat ko ang aking mukha, saktong napatama ang aking labi sa kaniyang baba.
Hindi pa nag-sink in sa aking utak ang nangyari.
Hanggang sa dahan-dahan na ngang pumasok sa aking utak ang eksena ngayon.
Kaya mabilis akong napaatras kay Sinian. Napahawak din ako sa aking labi na lumapat sa kaniyang baba, until I suddenly felt hot on my face.
'H*ck!'
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 23 Episodes
Comments