Naghihintay nang ilang minuto pa si Alrich na makapagsalita ang nasa harapan niya. Baka nagulat niya ito dahil sa kaniyang pambubungad.
Subalit kapansin-pansin na tulala pa rin ito sa kaniyang harapan. Hindi na alam ni Alrich ang gagawin, gusto niyang kamutin ang kaniyang ulo dahil sa pagkabalisa, kahit na hindi naman halata sa kaniyang mukha na kalmado.
"Hi, I'm asking you what are you doing here?" Muling tanong niya.
Winawagayway pa niya ang kanang palad sa mukha ng lalaki upang makuha lang ang atensyon nito kaya napabalik ito sa diwa.
Mabilis na yumuko upang humingi ng tawad sa naging asal nito sa kaniya.
"I'm sorry for coming into your house without notice. I am Yin Felix, younger brother of your twins' teacher. And I am also the owner of PRIME Mod & Film Incorporation. To tell you the truth, I was fascinated with your sons beauty, that's why I came here to talk to their parents." Paliwanag agad nito sa pagpunta. Isinama na rin nito ang pag-introduce ng pangalan nito sa kaniya.
Napatango-tango naman agad si Alrich sa narinig. Napalingon pa siya sa paligid upang tingnan kung may nakatingin ba o nakiki-tsismis.
May mga pagkakataon kasi na nakikisali sa usapan ang mga nandito.
Hanggang sa buksan niya na ang pinto ng bahay.
Nang makita na hindi nagsalita si Alrich at dumiretso ito sa pagbukas ng pinto ng bahay. Pumasok agad sa utak ni Felix na baka wala rin siyang mapapala ngayong araw.
Nanghihinayang man siya dahil nakakita siya ng mga perfect na tao para i-model ang mga bagong produkto, kaso walang magagawa.
Life goes on, ika nga.
Darating din ang araw na may mahahanap ulit siya na b-bagay sa pagporma ng mga latest clothes ng kompanya nila.
Pero alam niya na hindi katulad ng kagandahan na meron ang mag-aama na ito.
Wala silang katulad. Hindi na mahahanap pa sa ibang bansa.
"Come inside." Alok nito.
Na naging sanhi para magulat si Felix, itinuro pa niya ang kaniyang sarili kung siya ba ang tinutukoy nito.
Malay mo hindi pala. Baka mapahiya pa siya.
Kaya binigyan siya ng seryosong tingin ni Alrich. At muling sinabi ang mga kataga.
"Ah... Then, I'm coming. Thank you!" Nakangiting pahayag ni Felix saka nagmadali na ngang pumasok sa loob ng bahay ng mga bata.
Inalis na muna niya ang sapatos para hindi madumihan ang loob. Tanging medyas na lang, pero may lumapag ng tsinelas sa kaniyang harapan.
Nang iangat niya ang kaniyang tingin, nakita niya ang isa sa magkambal na malamig ang pakikitungo sa kaniya.
Naalala niya na ito rin ang humawak sa kamay ng kapatid at wala man lang nagpasabi na tumakbo papalayo sa direksyon niya.
Panigurado siya na ito ang panganay sa dalawa. Hindi niya lang matandaan kung sino ang may nunal sa ibaba ng kanang mata.
Magkamukha naman kasi! Paano niya malalaman kung sino si Zefhan at sino naman si Kidlat!
"Thank you." Pagpapasalamat niya sa bata pero hindi ito umimik.
Nagpatuloy ito sa paghakbang papalayo kaya nang maisuot na niya ang tsinelas, saka na rin siya sumama rito.
Nakita niya sa hindi kalayuan si Alrich at ang isa pa na bata na walang nunal sa mukha.
Kumakain ito ng cake na alam niyang dala ng ama nito. Wala man lang pakealam kung may nakatingin sa kaniya.
"I'm sorry for the intrusion." Muling paumanhin ni Felix sabay upo na rin sa bakanteng sofa na sinadya talaga na ipaharap sa direksyon ng mag-aama.
Nasa gitna naman ang lamesa na may nakalagay ng juice at mga baso. Kusa ka na lang maglalagay.
"About your offer, you already know that my sons were still in kindergarten. I don't like to see my sons working at a young age. I only let you come in our house to talk about this in private."
"No, no, no, it's okay. I know about that too. I'm sorry,"
"Dad, what is modeling? He kept telling this to us." Tanong ni Zefhan sa ama na ngayon ay napangiti na lang nang tipid.
Nang makita iyon ni Felix. Parang gusto niyang galawin ang kaniyang hawak na camera at kunan ang magandang eksena na ito.
But... he's a professional photographer and respected person in the Entertainment Industry, so he shouldn't let the others down.
Kahit na nasa harapan na niya ang perpektong tao na inilikha ng Diyos, kailangan niyang i-restrain ang kaniyang sarili.
"That... you need to pose according to the photographer's order while wearing an elegant clothes or accessories." Habang sinasabi iyon ni Alrich sa anak, nag-akto rin siya na nag-po-pose upang maintindihan lalo ng kaniyang anak ang ipinupunto niya.
Alam niya na mahirap kapag salita lang kailangan na i-akto para mas lalo nilang maunawaan.
Pero walang kaalam-alam si Alrich na ang bisita nila ay kanina pa atat na atat na kunan ng litrato ang nasa harapan.
Ang mga daliri nito na nakahawak sa camera ay hindi mapakali, ginagalaw-galaw ni Felix ang mga daliri nito habang patuloy ang pagpapagaan sa sarili.
'Kaya mo ito. Kaya mo ito. Kaya-wtf! Can I take a picture of him? Just once!'
"Really, daddy? Just only that?" Kitang-kita sa mukha ni Kidlat ang pagka-interesado.
Bukod sa pagkain, hindi inaasahan na magkakagusto rin ito sa modeling na wala naman itong kaalam-alam kung ano ang mararanasan niya sa huli.
Kaya napailing-iling na lang si Alrich sa anak.
"Even though it's just like that, you're still too young to work. Gusto kong isipin ninyo ang pag-aaral lang ninyo at wala ng iba pa. Ang pag-mo-model ay hindi madaling gawain, Zefhan at Kidlat." Paalala niya sa mga anak.
Pero tanging nguso lang ang isinagot ng bunso na anak. Samantalang ang panganay ay tumango bilang pag-sang-ayon kahit sa isip-isip nito na gusto nitong maranasan kung ano ba ang pag-mo-model.
"I have a suggestion. Hindi ko muna kayo o-offer-an ng kontrata. Gusto ko lang iparanas sa mga bata kung ano ba ang pag-mo-model. Kapag nagustuhan nila, p'wede ko rin namang ayusin ang kontrata ayon sa kagustuhan mo. Is that okay?" Ito lang ang naiisip na paraan ni Felix.
Ayaw niyang mawala sa kaniyang mga kamay ang mga taong ito. Lalo na't kitang-kita na sa mga mata ng bata ang kasabikan sa modeling.
Naiintindihan ni Felix ang mga worries ng ama ng mga bata. Hindi naman sa kaniya problema kung baguhin niya ang mga nakapaloob sa kontrata.
Kung maging isa sila sa model niya, alam niyang malaki rin ang kikitain ng kompanya.
Trust on their face!
As long as hindi maging gahaman sa pera ang mga ito.
Gan'on din ang kompanya. Para tie!
"Hmm..." Napalingon pa nang seryoso si Alrich sa dalawang bata na ngayon ay nagniningning ang mga mata sa kaniya. Naghihintay sa sagot ng kanilang ama, kaya napahawak na lang si Alrich sa kaniyang sentido at wala na ring nagawa kundi ang sumang-ayon. "Okay. Let them try modeling. If they didn't like it, respect our decision. And I'll gonna be their manager after they wanted to become a model. No one else."
"Yes! Yes, no problem. You can trust me and my company." Nakangiting pahayag ni Felix.
Kalmado rin niyang inilabas ang kaniyang cellphone upang kunin ang contact information ni Alrich. Ayaw niyang madulas sa kaniyang palad ang magandang opportunity.
Kailangan niyang patunayan na totoo nga kapag tuluyan na niyang iwan ang bahay na ito.
"Then, can I get your number. I'll text or call you when-"
"Here. About the date, they were only available on weekends. I hope you understand." Pagpapatigil agad nito sa dapat niyang sabihin kaya malugod na kinuha ni Felix ang card na ibinigay nito sa kaniya.
Akala niya kailangan niya pang itipa sa cellphone ang numero, pero hindi na pala kailangan. Mayroon na rin pala itong card.
Subalit bakit 'Rain' ang nakalagay rito?
Sa pagkakaalam niya ay Alrich Zane Falco ang pangalan ng ama ng magkambal, according to his older sister.
"Rain?" Nagtatakang tanong niya.
"Yes. Alam kong sinabi sa iyo ng kapatid mo ang pangalan ko kaya sana itago mo na lang sa sarili mo."
Kahit na nagtataka si Felix sa sinabi ni Alrich, wala na rin siyang nagawa kundi sumang-ayon.
May mga ganito talaga na tao na ayaw ipaalam sa iba ang tunay na pangalan nila. He'll respect his privacy.
Bago man umalis si Felix sa bahay ng Falco. Muli niyang sinulyapan ang tatlo bago itigil ang mga mata sa ama ng dalawa .
"Kung kulang sa inyong pang-araw-araw ang trabaho mo, you can apply being a model in our company too, so that you can always check your sons. That's only my suggestion. Then, I'll took my leave. Thank you for letting me come in." Yumuko muna siya sa harapan nila at tuluyan na ngang nilisan ang apartment ng mga ito.
Nang saraduhan na niya ang pinto, sekreto siyang napahiyaw sa tuwa. Niyukom pa ang kanang kamao at malakas na itinaas sa ere.
Pagkatapos ay naglakad na siya paalis upang maging abala naman sa pag-aasikaso ng mga susuotin ng mga bata o hindi rin kaya ay kay Alrich.
Ayaw niyang patagalin ang lahat. Kailangan na niyang kumilos nang sa gan'on kapag sumapit ang sabado, tawag na lang ang kulang.
Tama!
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 23 Episodes
Comments
Gusti Raihan
OMG, that last chapter was a cliffhanger! Need the next one ASAP!
2024-10-20
0