FINALE

"Dad, why are we here?" Nagtatakang wika sa akin ni Zefhan nang dalhin ko sila sa lugar na makikita ang buong siyudad.

Nasa itaas kami ng bundok, nilakad pa namin, at nagbiyahe pa kami ng mga anim na oras. Kasama rin ang ama at mga tito nila. Kaya nakalibre ng pamasahe papunta rito.

Holiday ngayon kaya sinamantala na namin ang araw.

Si Weilan mismo ang nag-suggest nito dahil ilang beses na siyang pumunta rito para sa shooting kaya naging tourist spot na rin ito para sa mga fans ni Weilan na humaling na humaling sa kaniya. Despite the fact that he's serious and doesn't like to communicate with his fans.

Hindi ko aakalain na may fans pa siya sa ugali na meron siya kapag nasa work siya.

Ibang-iba sa tunay na reyalidad.

Nandito nga pala kami sa malaking puno na naka-bend paibaba saka tumaas bago umikot pakanan. Marami itong sanga na malalaki't mahahaba.

May kaunti na ring turista na dumarating pero hindi sila lumalapit sa direksyon namin dahil may mga bodyguard na nakapaikot.

Si Linran naman ang nagdala niyan. Ayaw niya kasi na masira ang bonding naming lahat dahil sa mga taong kilala sila sa industriya.

'Yung issue noon about Sinian and Alrich, hindi na naibalik pa dahil may mga lawyer's letter ang ipapadala sa mga taong gustong ilabas ang isyu na matagal ng nam-tay sa medya.

Si Sinian naman ang gumawa noon. Akala ko noong una ay mahirap talaga siya kaya nagtatrabaho siya.

Hindi ko aakalain na dahil lang pala sa akin.

Mayaman siya. Kahit na nasa kulungan siya, may mga pinagkakatiwalaan naman siya sa kompanya na ginawa niya matapos makaalis na sa poder ng kaniyang mga magulang.

Walang kahit anong sentimo siyang kinuha sa kanila noong malaki na siya.

Bata pa lang siya ay nagtatrabaho na talaga siya. At 'yung allowance na binibigay sa kaniya noong nag-aaral siya ay nilagay niya sa bangko.

Sa kaniya naman daw iyon, dahil responsibilidad pa rin ng ina niya na punan siya ng pangangailangan niya. Kaya sa kaniya iyon.

Kaya 'yung naipon niya na pera simula walo hanggang sa ikalabing-pito niyang kaarawan, lumaki.

Noong ikinasal na siya kay Alrich, doon na rin niya naisipang magpagawa ng maliit na business like restaurant.

Mahilig magluto si Sinian at minsan ko na ring nalasahan ang pagkain na inihanda niya. Masasabi ko talaga na pang-world class ang lasa at dating ng niluluto niya.

Hindi na ako magtataka na sa loob ng isang taon ay naging popular ang restaurant niya at lumago pa ito nang lumago.

Pero ni minsan ay hindi niya pinapaalam sa iba ang identity niya. Tanging sa mga ka-sosyo niya lang sa trabaho.

Kaya hindi naapektuhan ang kaniyang negosyo matapos niyang makap-tay ng tao.

Hanggang ngayon ay labit-labit niya pa rin ang pagsisisi. One time, noong nag-overnight siya sa bahay, kitang-kita ko talaga kung paano siya bangungutin.

Hindi siya umiiyak pero ramdam ko naman na kahit sa panaginip lang din, nilalakasan niya ang loob niya. Umuung*l lang siya, naghahanap ang kaniyang mga kamay ng braso o makakapitan, that's why I lend my hand everytime I'm seeing him like that.

Kagabi, nangyari rin iyon, sa bahay ko na pinatuloy ang lahat dahil mga pagod na rin naman sila, saka malayo rin ang bahay nina Weilan at Linran.

Sa katunayan ay sa apartment na ni Sinian patutulugin ang mga kapatid niya pero ayaw paalisin ng magkambal ang tatlo.

Kaya wala rin akong nagawa kundi i-dito na lang patulugin silang tatlo.

Noong gabi na iyon, katabi ni Kidlat ang mga tito niya. At si Zefhan naman ay kaming dalawa naman ni Sinian.

Sa sala na kami natulog, naglagay na lang ng maraming kutson para hindi malamig ang lapag.

Kami ni Linran ang nasa gitna.

Ang arrangements ng higa namin ay ganito;

Sa kaliwa; si Zefhan, si Sinian, at ako.

Sa kanan; si Linran, si Kidlat, at si Weilan.

Ayaw ni Zefhan sa gitna, gusto niya sa dulo dahil malawak pa ang space. Naiilas siya kapag naiinitan siya.

Si Kidlat lang talaga ang gusto na may kayakap.

Alas otso na ng gabi hindi pa rin ako makatulog ng mga oras na iyon, lahat sila sarap na ng buhay.

Hanggang sa sabay-sabay na napaungot ang tatlo. Katulad na katulad sa nangyari kay Sinian noon, kaya pilit kong ginigising ang tatlo.

Nang magising sila, sabay-sabay pa nila akong niyakap.

"I saw you! I finally saw you!" Kitang-kita ko ang galak sa mukha ni Weilan.

Ako naman ang napat*nga. Huh?

"Yes, it's you!" Patango-tango pa si Linran sa kapatid.

Kaya mas lalo akong nagulumihan.

"That shining electric blue eyes and a dark short hair, with an angelic smile looking at us. So fascinating and satisfying in the eyes."

Doon lamang ako nalinawan sa sinabi ni Sinian.

Yeah, that's me. I know it's me. Dahil simula't sapol ay hindi ko binaguhan ang aking itsura.

Pero hindi ko alam kung bakit nakita nila ang tunay na mukha ko sa panaginip nila?

"Dad? What's wrong?" Napabalik lang ako sa aking diwa nang may maliit na kamay ang humawak sa aking kaliwang braso at niyuyugyog ito.

"Nothing, son. Ano na nga palang tinatanong mo?"

"Why are we here, dad? I feel like there's something is wrong." Ngumiti na lang ako kay Zefhan sa kaniyang sinabi bago ko guluhin ang kaniyang buhok.

Napapikit na lang siya sa aking ginawa. Napabaling naman ang aking atensyon sa iba pa na ngayon ay busy sa pagmamasid sa paligid.

Si Kidlat ay tuwang-tuwa na tinuturo ang mga kabahayan.

"Go, enjoy yourself too, Zefhan. It's the last time for us to come here." Nakangiti kong pahayag dito at marahan siyang dinadala sa direksyon ng iba pa.

"Dad? Last time?" Nagugulumihan na wika sa akin ni Zefhan kaya napailing ako rito.

"Remember, may exam pa kayo, pupunta pa kayo sa field trip ninyo. May work pa ang mga uncle ninyo kaya magiging busy na rin sila. Kaya last time natin ito ngayong taon, baka sa susunod na taon pa tayo bumalik, o sa ikapitong kaarawan ninyo." Komento ko naman kaya wala na ring nagawa si Zefhan kundi ang tumango.

Hinila na rin ako nito papunta kina Sinian kaya nakisama na ako.

Mabilis din akong hinapit ni Sinian papalapit sa kaniya. Wala ring nagsalita sa mga kasamahan namin.

Mas focus sila sa harapan nila.

Gan'on din ang ginawa namin.

***

"Wow, ang sarap!" Manghang usal ni Kidlat nang malasahan na naman ang pagkain na gawa ni Sinian.

Nakaupo kami ngayon sa nilapag naming tela sa damuhan, nilagay rin namin sa gitna ang mga pagkain na dinala namin dahil hanggang hapon kami rito.

"That's your Uncle Sinian!" Proud din na asik ni Weilan sabay subo ng kanin na may kasamang ulam na curry.

Tatlong klaseng dish lang naman ang niluto ni Sinian. Chicken Curry, Scrambled Egg With Prawns, at Sweet And Sour Chicken.

Nag-bake rin ako ng cake para sa mga bata at dinagdagan ko na rin sa kanila. Hindi ako mahilig sa matamis kaya tama lang ang lasa ng chocolate cake na gawa ko.

P'wedeng kainin ng mga bata.

May ice cream din sila na dala, I mean si Weilan lang pala. May freezer na maliit sa loob ng kotse ni Weilan kaya imposible na matunaw iyon.

Mahilig din si Weilan sa ice cream kaya palagi niyang dala ang freezer kapag natatakam siya na kumain nito sa set ng pelikula na ti-na-trabaho niya.

Kaya masaya ang buong araw namin na magkakasama. Tamang kainan lang at pag-vi-video ng mga happy moments bago kami tuluyang bumalik sa dati.

Kung babalik pa nga ba?

"Kidlat and Zefhan, daddy wanted to say something. I hope you don't be mad," mahinang tugon ko sa mga bata na ngayon ay nakahiga sa aking binti habang ang tatlo naman ay busy sa kanilang mga laptop.

Pero napansin ko ang pag-angat ng kanilang mga mukha para tanawin lang ang aking gawi.

"Yes, dad/daddy!"

"Uhmm... actually, Sinian is your father and the rest was your real uncles." Walang paligoy-ligoy na pahayag ko naman.

Pumikit pa ako upang hindi makita ang kanilang reaksyon. Ayokong marinig ang sigaw nila o ang naguguluhan na mga mukha nila.

"We know!" Napadilat lang ang aking mga mata sa narinig.

"How?" Nagtatakang tanong ko.

"He told us!" Kahit na nakahiga sa aking binti si Kidlat, malaya pa niyang itinuro ang prime suspect.

No other than Weilan.

Dahil sa pagturo ng anak ko, itong lalaking ito ay napaangat ang dalawang palad sabay ngiti nang alanganin.

"Surprise~ouch! I'm just helping him!" Naiiyak na sigaw ni Weilan sa dalawang kapatid na masama ang tingin sa kaniya matapos nila siyang batukan.

"Surprise your face." Malamig na turan ng dalawa bago siya irapan.

Ako naman ay napangiti na lang ng alanganin pero sa huli ay napatango na lang.

Hindi ko na pala kailangang kabahan, may isa nga pala rito ang hindi marunong makisama sa iba. Hindi rin pala siya nakikinig sa sinasabi ng mga kapatid niya.

Napapailing-iling na lang ako sa lalaking ito.

***

"Zane? Why are you in the outside at the middle of the night?" May halong tanong na tawag ng kung sino man sa pangalan ko.

Kahit na hindi na ako lumingon sa aking kaliwang direksyon, alam ko kung kanino galing ang seryoso na may pagkabaritono ang tono ng boses.

"You're asking me, how about you too?" sambit ko rin sa ngalan niya ng mapagpasyahan kong lumingon sa kaniyang gawi.

Nakita ko siya na nakasuot ng pangtulog na kasuotan. Pero may jacket siya na may hood.

"I'm searching for the signal to communicate with my employee. And you?" Nagtatakang tanong muli nito sa akin matapos ipakita ang kaniyang cellphone na nag-ta-try tumawag sa kabilang linya.

"I wanted to see the outside while I'm at it."

"Huh? You can still enjoy the night tomorrow or another day!" Nagtatakang aniya.

"Hmm..." Patango-tango pa ako sa sinabi niya subalit hindi ako nagsalita.

Lumingon ako sa kalangitan na punong-puno ng mga bituin, parang katulad lang sa mundo namin, iisa lang ang buwan.

Maliwanag na maliwanag pa. Ang kaibahan lang ay iba't iba ang kulay nito na normal lang na makikita tuwing gabi.

May dilaw, pula, orange, at puti. Halo-halo iyon sa bilog na buwan.

Habang nakatanaw ako sa buwan, unti-unti ring bumabalik ang eksena nitong nakaraang gabi.

****

[ System's activating 1% ... 2% 5%... 27%... 35% ... 50% ... 67% ... 79% ... 86% ... 95% ... 99%...]

[System's Complete]

[System's Searching For Main Character's Punishment...]

[Searching...]

[Searching...]

[Searching]

[Searching Finished]

[System: Main Character's Punishment, Returning To The Real World]

[System: Punishment Activating...]

[System: Denied]

[System: Punishment Activating... Denied... Denied... Denied.]

[System: Accessing 24 Hours Stay Before Returning...]

[System Activated]

[System: Main Character's 24 Hours Stay Begins]

Habang naririnig ko iyon sa aking ulo, mabilis akong pumanhik sa banyo at doon umiyak nang tahimik.

Mahina rin akong nagmamakaawa, nagmamakaawa na bigyan pa ako ng pagkakataon na manatili.

Manatili sa tabi nila.

Pero wala...

Walang nangyari.

The System only give me 24 hours to be with them. To be with the people I treasured and loved.

Ang unti, ang ikli ng oras, kung alam ko lang na may System pa pala sa isipan ko, at anytime ay magigising dahil sa nangyaring pagkasira ng Plot, sana nilubos-lubos ko na ang mga araw naming magkakasama.

Pero huli na... hindi na maibabalik pa.

Paano ko magagawang iwan ang mga anak ko na wala ako sa mundong ito?

Sino na ang mag-aalaga sa kanila? Magmamahal sa kanila? Magku-kwento sa kanila tuwing gabi?

Sino na ang pupunta sa stage para lang samahan sila na makuha ang sertipiko nila?

Sino na?

Paano na rin si Sinian?

Iiwan ko na lang ba siya nang wala man lang kami nasisimulan?

Hindi pa nga kami nag-de-date.

Marami pa akong gustong gawin, marami pa akong gustong marating para sa mga anak ko.

Bakit ganito?

Please, System, bring back the punishment.

Nagsusumamo kong tugon sa aking isipan. Subalit wala. Wala na talaga.

****

[System: Main Character's Punishment Activating...]

[... 5% ... 10% ...]

Malapit na... Malapit na ang oras ko.

Kaya mabilis akong napalingon kay Sinian.

"Can you promise me one thing, Sinian?"

"Promise you... about what?"

[... 23%...]

"Take care of our kids. Don't let them cry over night. Make them happy..." Kahit na hindi ko na sabihin ang rason kung bakit ganito ang sinasabi ko, alam kong alam niya kung ano ang pinupunto ko.

Kaya nahalata ko na kay Sinian kung paano mapalaki ang kaniyang mga mata at ang panginginig ng buo niyang katawan papalapit sa akin.

"Are you saying... No... Y-you can't... y-you can't just leave like that..." Natataranta niyang singhal saka mabilis na lumapit sa akin.

Napatambol pa nang sobrang lakas ang aking puso nang makita kung paano niya hawakan ang aking mga kamay matapos niyang makarating sa aking direksyon.

Nang tingnan ko ang kaniyang mukha kitang-kita sa kaniyang mga mata ang matinding kalungkutan na maski rin naman ako ay nararamdaman din iyon.

Pero ano bang magagawa ko? Hindi ako dapat manatili sa mundong ito. Dahil hindi naman talaga. System's is the ruler of my life. No one, not even me.

I'm just a visitor, the substitute.

Kung pinapabalik ako sa tunay na mundo ko, as the way of my punishment. Meaning, nakaligtas ang katawan ko.

Ang tunay na katawan ko sa pagtalon ko sa mataas na palapag.

"I'm sorry, pero wala na akong pag-asa pa. Kahit anong pakiusap ko walang nangyayari. Bisita lang ako, Sinian. Babalik na ako sa tunay na mundo ko. Sa katawan na akin. Kahit na mahirap, kahit na masakit, sana gawin mo ang hinihiling ko. Don't leave our kids, love them just what I do. Pakisabi na rin sa mga kapatid mo na huwag ding pababayaan ang mga pamangkin nila, ituring na rin nila silang mga anak nila, maging malapit kayo lalo sa isa't isa. Huwag na kayong mag-aaway, dahil wala na ang magpapalap—ah!" Sigaw ko nang marahas niya akong hinila papalapit sa kaniya.

Niyakap niya ako ng mahigpit na para bang ayaw niya akong pakawalan. Narinig ko pa ang mahina niyang pagsinghot, panigurado ako na unti-unti na siyang nahihirapan na huwag ilabas ang luha na gustong kumawala.

Kaya ang tanging nagawa ko na lang ay ibalik ang kaniyang yakap. Hinagod-hagod ko pa ang kaniyang likuran upang maramdaman niya na nandito lang ako.

[... 50%... 53%...]

Kahit sa huling beses lang, maranasan niya na hindi siya nag-iisa.

Laking gulat ko ng may pumatak na luha sa aking mga mata. Kaya napatigil ako sa aking paghagod sa kaniyang likuran at mas pinili na lang na isubsob ang aking mukha sa kaniyang kaliwang balikat.

Mas lalo ko ring hinigpitan ang kaniyang pagkakayakap.

Ilang minuto pa ang aming itinagal sa ganitong posisyon nang marinig ko ang malakas na pagsinghal niya na animo'y natataranta.

Hiniklas niya pa ako papalayo sa kaniyang direksyon.

Kita pa rin ang patuloy na pagbagsak ng kaniyang luha sa mga mata.

[... 78%... 81%... ]

Napalingon naman ako sa aking mga kamay na ngayon ay lumiliwanag na.

Unti-unti na rin itong nawawala sa aking paningin.

Siguro kaya unti-unting naglalaho ang aking katawan ay sa kadahilanan na hindi nakaligtas ang tunay na may-ari ng katawang ito.

Baka pinatay nito ang sarili sa pangungulila sa asawa. At iyon din ang time na pumasok ang soul ko sa katawan niya.

"No, this can't be! No, please, please, don't go! Don't go, Zane. I can't! " Nagmamakaawa niyang sigaw sa akin dahil sa pagkakataranta.

Napatigil naman siya sa naturang ginagawa niya nang halikan ko ang kaniyang labi nang mabilis lang.

Sabay titig sa kaniyang mukha na nakatunganga. Nakangiti kong pinagmamasdan ang kaniyang mukha.

Napansin ko na lang na unti-unti ring gumalaw ang kaniyang mukha papalapit sa aking direksyon.

Imbis na lumayo o umiwas sa kaniyang gagawin, nanatili lang ako at naghihintay na may mangyari.

Hanggang sa tuluyan na ngang dumapo ang kaniyang labi sa aking labi.

Dama ko ang init na nanggagaling sa may labi niya.

Akala ko dampi lang ang mangyayari pero napansin ko na lang na dahan-dahan niyang iginalaw ang kaniyang bibig.

Nakisabay na rin ako sa halik niya.

Subalit sa paglisan ng kaniyang labi sa akin. Tuluyan na ring lumiwanag ang lahat ng aking katawan, maski ang aking mukha.

Kaya kitang-kita ko ang pagbabalik ng kaniyang pagtataranta. Hindi na niya alam ang gagawin, kahit anong hawak niya sa katawan ko, wala na.

[... 87%... 90%... ]

Hindi ko nga alam kung bakit ang bagal ng oras. Ang bagal ng pag-proseso ng pag-activate ng kaparusahan ko.

Sinasadya ba ito ni System?

"No, Zane, do something! Don't leave me!" Nagsusumamong wika niya, patuloy na umiiyak sa aking harapan.

Nanginginig ang kaniyang mga kamay, hindi na maipinta ang kaniyang mukha.

Gan'on din naman ako. Gan'on din ang nararamdaman ko. Gusto kong manatili, gusto kong mahalin nang matagal si Sinian sa mundong ito.

Wala na akong pakealam pa kung si Alrich ba ako o ano.

Ang mahalaga nasa tabi nila ako.

Pero hindi...

Hindi...

Wala akong magagawa...

Hindi ko hawak ang buhay ko...

Kung p'wede lang ba, kung maaari lang ba na ako ang magdikta sa kapalaran ko.

Pero wala.

Hindi ako.

"Dad! Daddy!" Rinig kong sigaw mula sa hallway ng apartment.

Nakita ko ang pagtakbo ng mga anak ko papalapit sa akin. Napalaki pa ang aking mga mata sa gulat, bakit?

Bakit pa sila nagpakita?

Hindi.

Hindi ko kaya.

Ayokong makita ang ekspresyon ng mga anak ko. Hindi ko kayang umalis.

"Daddy, don't you love us?" Naiiyak na tanong sa akin ni Kidlat.

"No... I love you. I love you, son. I do!" Gusto kong lumapit, gusto kong yakapin ang mga anak ko.

Pero na-stuck lang ako sa direksyon na ito, hindi makagalaw, hindi magawa ang ninanais ko.

"Then, why are you leaving us, dad? Why? Why?!" Matapos sabihin ni Zefhan ang lahat, narinig ko na naman ang malakas na palahaw na iyak niya, kasunod din nito ang pag-iyak ng bunso.

[... 95% ...96%...]

System, you're so d*mn selfish. Why?! Bakit ang bagal ng proseso mo? Bakit mas pinahihirapan mo ako?

Nahihirapan kong singhal sa taong ito. Pinapakita sa kaniya kung gaano ako naiinis sa kaniyang ginawa.

[... 98%...]

"I'm sorry, I'm sorry, sons. Please forgive your father. I'm sorry. Patawad dahil lilisanin ko na ang mundong ito. Mahalin ninyo ang ama at tito ninyo, ibigay ninyo lahat ng atensyon sa kanila. Huwag kayong mawalan ng pag-asa. Sana lumaki kayong marangal at matikas na mga binata." Iyon na lang ang tanging nagagawa ko.

Ang humingi ng tawad.

Kapatawaran sa aking ginawa dahil hindi ko ginawa ang pangako ko na mananatili kami sa isa't isa.

Masakit para sa akin ang lumayo, ang umalis sa tabi nila, pero anong magagawa ko?

Kahit magmakaawa ako na manatili, parang bingi naman ang System na nasa isipan ko.

Wala siyang pinapakinggan, kahit anong gawin ko, wala man lang siyang nakikita.

"You can't, Zane. Don't leave just like that! We will do everything to be with you! Whatever it is! Whatever circumstances we'll face. We will not give up. That's why... please wait us. Please wait us on your own world." May determinadong turan ni Sinian sa akin.

"Is it selfish to think the same way, too? Kayo lang din ang gusto kong makasama. Hihintayin ko kayo, kahit ilang taon, kahit tumanda pa ako, maghihintay ako. Kahit na hindi ko kayo anak sa mundong iyon, tatanggapin ko pa rin kayo, Kidlat at Zefhan. Ibibigay ko ang lahat ng kaya ko upang suklian lahat ng kasalanan ko. Sinian, if we meet again in my world, let's get married. I'll tell everyone who's the person I love the most and not the Red anymore. Kahit sino ka pa, kahit ilang taon ka pa, kahit anong itsura mo, tatanggapin kita." Huling pahayag ko sa kanila bago tuluyang nakumpleto ang proseso ng kaparusahan ko at ang unti-unting pagkawala ko sa mundong ito.

[System: Punishment Complete]

[Returning To The Real World...]

'I love you.' Tugon ng aking isipan.

Sayang lang dahil hindi ko nasabi ang mga katagang ito kay Sinian.

Sana kung bigyan man ako ng pangalawang pagkakataon na makita si Sinian sa mundong pinanggalingan ko, sasabihin ko sa kaniya na mahal na mahal ko siya.

[System: Returning To The Real World Finished]

[System's Deactivating...]

[System's Complete]

[Powering Off...]

[Finished]

****

(PRESENT TIME AND REAL WORLD)

"Hah!" Sigaw ko sabay napatayo pa ang aking kalahating bahagi ng katawan sa kama na aking kinaroroonan.

Napalingon ako nang dahan-dahan sa aking kaliwang direksyon kung nasa'n ang isang tao na kilalang-kilala ko na natataranta na tumakbo papalabas ng kwarto na ito habang nagsisigaw.

"Doc, Doc! The patient's open his eyes! Come here! Please ASAP!" Damang-dama ko talaga ang pagkatuliro nito habang paikot-ikot sa labas ng kwarto at naghihintay sa pagdating ng doctor.

Ako naman ay bumalik sa pagkakahiga, nakatulala sa kisame, inaalala pa rin ang eksena bago ako makabalik sa aking katawan.

Dahil sa pagpupumilit ko na maalala sila, ang mga luha sa aking mga mata ay tuluyan na ngang nagsilabasan.

Sakto ang pagdating ng lalaking ito kasama ang doctor. Kaya labis na naman ang taranta ng lalaki. Pero mas tinuon ko ang nakaraan, ang eksena na kasama ko pa ang mga anak ko at maski ang tatlo.

Kaya mas lalong bumagsak ang luha sa aking mga mata.

Parang ayaw ko pa ring maniwala na bumalik ako.

Bumalik sa mundo na dito ako kabilang.

Ang kaibahan lang, hindi ko na sila kasama.

THE END.

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play