CHAPTER 12

ALRICH ZANE'S POV:

"Uncle Nian! Uncle Nian!" Tawag ng dalawang bata sa lalaking kumatok sa aming bahay kinaumagahan.

Nakangiti siya sa mga anak ko pero napansin ko na may hawak-hawak siyang donuts na nakalagay sa lalagyan nito.

"Here's my peace offering for not coming with your dad."

"Yey! Thank you, Uncle!"

"Thank you, Uncle!" Medyo nahihiya pa na turan ni Zefhan kay Sinian.

Si Kidlat lang talaga ang walang hiya-hiya. Grab kung grab. As long as he know that person's well.

Pero kahit na ganiyan siya, mas close pa ni Sinian si Zefhan kaysa kay Kidlat. Dahil ang gusto lang naman ni Kidlat sa kaniya ay ang mga ibinibigay niya na pasalubong.

Pagkain is life ika nga!

"Pupunta ba kayo ngayon sa kompanya?" Tanong nito sa akin nang mapansin na ayos ang suot namin.

"Yes."

"Napapansin kong napapadalas na ang pagpunta ninyo ro'n. Why don't you relax?" May pag-aalala na turan nito. Pero napansin ko rin na parang may kakaiba sa ikinikilos niya o pananalita niya.

Noon naman hindi siya ganiyan. Sa katunayan ay todo support pa siya sa dalawa dahil mahilig talaga ang mga ito sa pag-mo-model.

Kaso ngayon—ah! Bahala na!

"Uncle, our friends' waiting for us! We shouldn't be absent!" Sabat naman ni Kidlat sa usapan namin.

"Yes. I like modeling too." Gan'on din si Zefhan kaya wala na ring nagawa si Sinian kundi ang mapakamot na lang sa kaniyang ulo.

Napahagikhik na lang ako nang mahina. Pero napansin ko ang pagnguso ng lalaking ito sabay lapit sa akin at inakbayan pa ako.

Ang akbay naman niya ay napakabigat kaya napayuko ako nang hindi gan'on kababa.

Masama ko siyang tiningnan.

"Hands up." Utos ko rito nang may malamig na tono ng boses.

Kaya agad-agad siyang lumayo sa akin habang ang mga kamay ay nakataas. Pero may nakakalokong ngiti naman sa kaniyang labi.

"Okay! Okay! Hindi ka naman mabiro."

"Kulang na lang gusto mo akong kubain."

"You should practice yourself to maintain the stability of your body." Komento nito pero hindi ko na siya pinansin.

"Let's go, kids. We shouldn't be late."

"Yes, daddy/dad!" Sabay-sabay na sagot naman ng dalawa kong anak at hinawakan na nga ang magkabila kong palad upang hindi sila makalayo sa akin.

Samantalang si Sinian naman ay nakisunod na rin sa amin. Nang sulyapan ko siya saglit, napansin ko ang nandidilim niyang ekspresyon na mukha.

Kaso napalitan agad iyon nang mapansin na nakatingin ako sa kaniya.

"What? I know I'm handsome, but I can't d*e right away." Puring anito sa sarili.

"Tsk. Yabang." Napairap pa ako sa sinabi niya at saka ibinaling na nga ang sarili sa harapan.

Pero nagtataka ako kung nagmamalikmata lang ba ako o nakita ko talaga siya na blangko ang ekspresyon ng mukha.

Ano namang dahilan niya para maging gan'on siya?

Minsan na-ko-kuryos na talaga ako sa kung sino ba talaga si Sinian.

Parang may napapansin kasi ako sa pagmumukha niya. As if he's kinda familiar with them... or so what I thought?

****

After a month, mas lalo kong nakikita ang gan'on na itsura ni Sinian, kung noong una ay itinatago niya pero ngayon ay mas pinapakita niya na.

Lalo na nang magsimulang maglapitan sa akin ang magkambal na Jin. At patuloy akong kinukulit kahit saan ako pumunta.

Kahit anong klaseng dahilan ko upang makalayo sa kanila, parang hindi na tumatabla. Mas lalo silang lumalapit.

Minsan pa nga ay dumadalaw na lang nang walang pasabi sa bahay.

Nakilala na rin nila ang dalawa kong anak. Pero hindi ko alam kung bakit hindi man lang sila nagulat.

Ini-imbestigahan ba nila ako?

Saka ko lang nalaman kay Sinian na kalat na kalat na sa social media na may anak ako. Sa kadahilanan na magkamukhang-magkamukha kaming tatlo.

'Oo nga 'no. Bakit hindi ko man lang na-realize na may lint*k na Social Media pa nga pala na nabubuhay?! Ah!'

Ilang taon na nga ba akong hindi nagbubukas ng Social Media? Sa pagkakaalam ko ay ginagamit ko lang naman ang gadgets kapag needed ko talaga.

Pakealam ko naman diyan.

"Ano na namang ginagawa ninyo rito?" Tanong ko sa dalawang lalaki na ito nang manghimasok na naman sila sa bahay ko na wala man lang akong permiso.

"Do we need a reasons to come to see you?" Maang-maangan na tanong sa akin ni Jin Weilan kaya napaubo ako nang walang oras.

'F*ck!'

"Here!" Pang-aalok agad sa akin ni Sinian ng tubig na nakuha niya kung saan.

Sa pagkakaalam ko ay nasa tabi pa siya ng dalawang bata na naglalaro ng chess. Nakiki-tsismis din pala nang patago.

"Thanks." Nakangiti ko namang sabi sa lalaking ito kaya bumalik ito sa kaniyang ginagawa.

"Uncle Sinian, let's play with this one! I'm tired of chess already." Nagmamaktol na tugon ng anak ko.

Kahit na nakatalikod ako alam ko na nakanguso ito kay Sinian. May time pa na magiging clingy siya sa lalaki pero ewan ko ba... hinihila kasi ni Zefhan si Kidlat kapag ginagawa niya iyon.

Hindi ko alam kung dahil sa nakukuha na ni Sinian ang atensyon ng kakambal o nagseselos ito dahil hindi niya nagagawa ang pagiging clingy ni Kidlat kay Sinian?

Ay bahala na sila r'yan. Si Sinian naman ang ma-mo-mroblema sa mga bata. Siya ang pasimuno eh.

"Tired or can't win against me?" Dinig kong pang-i-insulto nito sa kapatid.

"Hmp! Basta, I don't like it! My mind's getting crazy!"

"Whatever." Hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang iba pang sasabihin ng dalawa at ibinaling na nga ang atensyon sa nakamasid din na apat na mga mata sa tatlong naglalaro.

I saw the envious expressions on their face. As if they wanted to get along with them too. But they couldn't.

Matagal na rin nila ito sa aking sinasabi na gusto nilang maka-close ang mga anak ko. Pero ayoko. Kapag naging malapit ang magkambal sa mga ama nila, gagawin ba ng mga ito na kunin sa akin ang magkambal?

Nanakawin ba nila ang karapatan ko bilang isang magulang ng dalawang bata?

Ngunit masyado lang ata ako nagiging overthinker.

Napapansin ko rin na parang walang nakikita ang dalawang bata na mga tao sa harapan nila.

As if me and Sinian were the only existing persons in their world inside the apartment.

Kahit na batiin nina Weilan at Linran ang magkambal, blangko lang na tingin ang ibinibigay ng mga ito, at magtatakbo papalapit sa direksyon ni Sinian kapag nakikita siya na papunta sa apartment namin.

"I hope they could play with us too." Jin Weilan hopefully said, but I didn't talk.

"We're not going to steal their father's actually."

'Yeah, not the father. But my kids. ' gusto kong sabihin iyon sa kanila pero hindi naman mahina ang utak ko para wala akong malaman na mali ang nailabas ko na kataga.

"You need to understand their feelings. They were not used to other people." Kalmado ko namang saad sa kanila.

Kaya napatuon ang kanilang atensyon sa akin.

"How about him? How long did they know him?" I know who's Linran's pointing to.

It's Sinian.

Hindi ako nakaimik.

Wala kasi akong maisip na tamang words para sabihin sa kanila ang totoo.

Ayoko rin naman na masampal ako sa katotohanan na isang araw lang ay naging magkaibigan na sila bago tuluyang maging close sa isa't isa.

"It's not your all business, SIRS." Magalang pero may pagka-kalmadong sagot naman ng panganay kong anak.

Siya na mismo ang nauna na magsabi. Ganiyan ang ginagawa nila kapag napapansin na wala ako sa tamang diwa.

"Yes, my twin brother's right. Who are you and why did you come to our house all the time?" Sabat din ng bunso na nababalutan ng pagkaseryoso ang tono ng boses.

Ibang-iba na sa natural na ugali nito. Kapag patungkol na talaga sa kapakanan ko.

Kaya minsan ay nagpapasalamat ako sa mga anak ko, hinahati nila ang problema na nakaako sa akin kahit na hindi naman kailangan.

Dahil bata pa naman sila. Hindi dapat nila iniintindi ang problema ng mga matatanda, they should only thinking about their futures and play games with their friends.

"I'm sorry, kids. It's not our intention to make your father's sad." Pang-aalo naman ni Linran sa dalawang bata.

"Yes, that's right. We're just asking..." Pangdadagdag din ni Weilan.

"No! You're not!" Sabay na angil naman ng dalawa.

Nang balingan ko ng atensyon ko ang magkambal, napansin ko ang pagtayo nila sa pagkakaupo sa sahig at sabay na naglakad papalayo sa direksyon namin.

Kaya ako namang ama nila ay dali-dali ng pinauwi muna ang lahat sa kanilang mga bahay. Maski si Sinian ay sinama ko na sa kanila na lumabas.

Nagmadali na rin akong pumanhik sa kwarto ng mga anak ko nang mawala na sa harapan ko ang lahat.

Subalit pagkapunta ko pa lang sa kinaroroonan ng dalawa at ang pagyakap ko sa maliliit na katawang ito, isang malakas naman na palahaw ng mga iyak ang naririnig sa loob ng silid.

Ramdam na ramdam ko talaga ang emosyon na nilalabas ng kanilang dibdib. Kahit na hindi nila sabihin, kahit hindi nila ilabas.

Alam ko na.

They were hurting.

They were sad.

They were just a kid. Can't handle the pain, or the rudeness they do.

And even though they didn't know the truth about their true fathers.

Alam kong nasasaktan sila sa mga salitang nailalabas nila sa amang hindi pa nila nakikilala.

Everytime they were doing something wrong or worst to their fathers, magtatakbo na sila papalayo sa direksyon na iyon upang ilabas ang emosyon na namumuo sa kanilang dibdib.

That's how the bonds work.

The Father and Child's Bond.

Kaya minsan napapaisip na lang ako sa sarili ko kung nagiging makasarili ba ako?

"I hate them." To my surprise, I heard what my sons' said.

"Why?" I ask them. Instead of answering they just hugged me tightly.

Kahit anong pagtatanong ko hindi ko pa rin makuha ang ninanais kong kasagutan.

Tanging sabi lang nila ay mas gusto pa nila si Sinian kaysa kay Linran at Weilan.

Bakit?

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play