CHAPTER 8

"If I gave you 20 million Yon, will you share your name with me?"

Para namang gustong itapon ni Felix ang nainom niyang juice. Sakto kasi na umiinom siya ay saka naman nagsalita ang lalaking ito.

Kung hindi lang ito sikat sa mundo ng Entertainment Industry, gan'on din ang kakambal nito, kanina pa sinaboy ni Felix ang nainom niyang juice sa pagmumukha nito.

Sino ba naman kasi ang hindi magugulat? For only the name of his friend, magwawalgas ito ng gan'on kalaking pera?

Kung hindi niya lang kilala si Alrich, iisipin niya na i-ga-grab na nito ang offer. Kaso hindi e'.

Alrich respects his own privacy.

If not? Is he still willing to make an effort to take down that person who spread his half-n*ked body?

"I'm Rain."

"But that's not your real name. Just what Weilan's said." Nakangiting pahayag nito kay Alrich habang nakatingin pa rin kung paano ba siya kumain.

Kitang-kita rin sa peripheral vision ni Alrich kung paano sumilay sa labi nito ang kakaibang ngisi.

'Can they stop bothering me?' nakikiusap na wika ni Alrich sa kaniyang sarili.

Humihiling na rin na sana matapos na siya sa pagkain at nang makaalis na siya rito.

Pero naalala niya na nandito nga rin pala ang mga anak niya, kapag umalis siya, baka may chansa na sumunod ang lalaki.

That's why Alrich decided to let it be.

Kailangan niyang magpanggap na parang wala lang sa kaniya ang presensya ng lalaki.

Hindi na rin siya nag-abala pa na sagutin ang sinabi nito. Kapag ayaw niya. Hindi niya talaga sasabihin.

Nang mapansin iyon ni Felix at parang naging awkward na rin ang kapaligiran, siya na rin ang tumapos.

"Ehem! Why are you here, Director Linran? Sa pagkakaalam ko busy ka sa ginagawa mong film?"

"Mm... actually we're already done. That's why I came here to ask if someone's willing to be part of my upcoming movies." Seryosong pahayag nito at hindi na nga binigyan pa ng atensyon si Alrich.

Tumingin agad ito sa harapan kung nasa'n si Felix.

"Sasabihan ko na lang ang mga agents if may isa sa kanilang actor or actress ang available at makapag-audition na sa movies mo. How about that?"

"That's okay. No worries. Then, how about you, Rain? Will you try acting?" Pangbabalik na naman ng atensyon nito kay Alrich na ngayon ay kakatapos pa lang sa pagkain.

Kaya napalingon ito sa dalawa. Kitang-kita sa mga mata nito na naghihintay sa sagot niya.

"No, sorry. I'm busy."

Kung noon mabilis ang kaniyang pag-accept sa offer ng mga director sa Entertainment Industry, dahil akala niya wala na siyang mapupuntahan pa sa buhay.

Pero ngayong binigyan siya ng pangalawang pagkakataon, babaguhin niya kung ano ang nakatadhana sa kaniya.

Saka alam niya rin kung gaano ka-busy ang isang aktor. Baka maging dahilan iyon para hindi na niya maasikaso ang kaniyang mga anak.

Tama na sa kaniya ang nagtatrabaho sa restaurant. Habang patagal nang patagal siya rito ay saka rin ang pagtaas ng kanilang sweldo.

Saka 'yung mga sahod ng mga anak niya hindi niya binibili o winawalgas. Iniipon niya ito sa bank account ng mga anak niya kahit na bata pa sila.

Habang bata pa ang magkambal dapat nakaplano na ang future nila. Lalo na rin na sasabak na sila sa elementary, high school, at college.

Sarili niyang pera ang ginagasta kapag may gustong bilhin ang mga anak. At kapag wala naman,  nilalagay naman niya sa bank account niya para kapag may emergency purposes, may madudukot siya.

If necessary talaga na kailangan niyang kumayod, mas nanaisin pa niya na sumali sa pag-mo-model para kahit sa gan'on ay makasama niya ang mga anak niya kung saan man sila magpunta.

Ayaw niyang maging pabaya na ama.

Gusto niyang makita ang mga anak na masaya at walang problema na dinadala.

Kapag sumali siya sa acting, panigurado siya na ang masayang mukha sa magkambal ay mawawala.

***

"Daddy, let's go in there!" Pangkukumbinsi ni Kidlat sa kaniyang ama nang makarating sila sa dagat.

May harang naman na medyo mataas na pader kaya kailangan pang iakyat ang bata upang makaupo rito at makita ang ganda ng karagatan.

Hinawakan pa ni Kidlat ang laylayan ng damit ng ama saka ito ginalaw-galaw upang bigyan siya ng atensyon.

Gan'on din ang ginawa ng kaniyang panganay na kapatid. Maski ito ay gusto na makita ang karagatan bago bumalik sa bahay.

Sa katunayan ay hindi pa sila nakakakita ng dagat simula ng dumating sila sa siyudad.

Kaya nasasabik ang dalawa na makita ito ng kanilang mga mata.

Hindi rin nagdalawang-isip si Alrich. Dinala niya ang dalawang bata sa may pader malapit sa kinaroroonan ng dagat.

Itinaas sa pader ang magkambal at nang makita na nakaupo na silang parehas, saka naman siya napatayo sa gitna ng dalawa habang kaniyang dalawang braso ay nakahawak sa beywang ng mga anak niya upang gawing harang kung sakali man na bumagsak ang isa.

May makulit din kasi.

Habang pinagmamasdan ng mag-aama ang dagat at maski na rin ang araw na malapit ng bumaba sa tubig, hindi nila namamalayan na may sumandal din na lalaki sa kaliwang direksyon nila.

Nakatanaw sa harapan.

"Isn't it beautiful, right?" Pukaw ng taong iyon sa kanila.

Mabilis naman na lumingon sa direksyon ng lalaki si Alrich, alam na alam niya ang tono ng boses na ito.

Hindi siya nagkakamali.

Napatunayan niya lang na tama siya nang makita ang pares ng berde na kulay ng mga mata sa kaliwa nila. Lalo na rin ang nunal sa ibaba ng kanang mata nito.

It's Jin Weilan.

Pero ano namang ginagawa ng isang batikong aktor sa lugar na ito? Imposible naman na napadaan lang siya.

Takang turan ni Alrich sa sarili at nanghihinala pa na tumitig sa naka-disguise na lalaking ito sa harapan niya.

Kaya nagpakawala ng mahinang tawa ang lalaki saka seryosong binalingan ng tingin ang dalawang bata na walang buhay na nakatingin dito. Ibang-iba sa itsura sa magazine na napagka-interesan niyang bilhin dahil na rin sa may pagkakahawig sa lalaking kumuha ng kaniyang atensyon.

"I didn't know that you're here. Don't look at me like that. Also, is your sons hate people?" Pangdadahilan naman nito kina Alrich.

Pero hindi siya naniniwala. Sinong t*nga na aktor ang pupunta sa ganitong klaseng lugar? Saka naalala niya na may shooting ito, kaya alam niya na sinasadya talaga nito na puntahan sila.

May alam na ba ito?

Kaya ba ito lumalapit sa kaniyang direksyon dahil napagtanto na nito na siya ang asawa nila?

Guguluhin na ba nito ang buhay niya kung kailan masaya na silang mag-aama?

Dahil sa raming katanungan ang bumabagabag sa kaniyang isipan. Kumilos na ang kaniyang mga kamay upang ibaba sa pader ang kaniyang mga anak.

Nang matapos na siya at handa na silang umalis sa direksyon ni Jin Weilan, may humawak naman agad sa kanang braso niya kung saan nakahawak naman ang palad niya sa kamay ng panganay na anak niya na si Zefhan.

" Wait, Rain! Why are you ignoring me?"

"I didn't ignoring you. Kailangan lang naming umalis dahil mawawalan kami ng masasakyan. Pasensya na." Hinging paumanhin niya rito at pilit na inaalis ang kamay nito sa kaniyang braso.

Kaso hindi ito nagpapatinag.

"I don't think so. I know you're ignoring me. If you're not, then let me drive you all home?" Pagpupumilit pa nitong lalaki na ito sa kaniya.

Nakakaramdam na si Alrich ng inis. Gusto niyang sunt*kin ang lalaking ito para matapos na, pero hindi p'wede. Ayaw niyang makita ng kaniyang mga anak ang bad side niya.

That's why he'll letting this b*stard do what he wanted to do. Just don't involve his sons.

"Hey, Mister I-Don't-Know. Please let go of my dad's hand. You're squeezing it tightly." Pananabat naman ng panganay na anak niyang si Zefhan.

Maski rin ito ay tumulong sa ama na alisin ang kamay ng taong ito.

Kaya wala ng nagawa pa si Jin Weilan kundi ang tumigil na pilitin si Alrich sa kagustuhan niya.

Gusto niya lang naman makilala si Alrich at maging gan'on din ang mga bata.

Pero hindi inaasahan na ganito pala ang impact sa sarili kapag may taong ayaw na ayaw siyang makita.

Hindi alam ni Jin Weilan ang dahilan kung bakit iniiwasan siya ni Alrich.

Umalis na rin siya nang mapansin ang nakakamat*y na tingin ng mga anak nito.

But before he left, he will promise to himself that he'll do everything to make that guy look at him into his eyes.

And let the kids likes him.

Hindi siya titigil hanggat hindi niya nakukuha ang atensyon nito.

Pero bago pa man niya masimulan ang inaasam na tao, may isa naman ang bubungad upang magdalawang-isip siya kung gagawin niya ba o hindi.

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play