CHAPTER 14

"You didn't realize anything or just pretending to be blind?" Tanong ni Linran sa akin pero hindi ko pa rin maintindihan ang ipinupunto niya.

"Do I look like pretending? Hindi ako magtatanong kung may nalalaman ako. I thought you're the fathers, so I thought you will start to steal my kids." Mahabang paliwanag ko naman.

"Stealing your children? You don't need to think about that. We're not that evil. But you are." Nakangiting pahayag ni Linran pero nahihimigan ko sa huli niyang sinabi na seryoso siya ro'n.

Anong tinutukoy niya na evil? Ako?

"Evil? How come that I've become evil?" Malamig na turan ko.

Kahit na gusto kong maging kalmado, hindi ako nasiyahan sa itinawag ni Linran sa akin.

"I don't know if you're just pretending to not know us or not knowing what you did back then. Even though I'm mad at the old you, I can't let slip this chance to know the other you."

Para naman akong natuod sa aking kinauupuan. Ngayon ko lang na-realize na may isa pa pala akong dapat intindihin.

I need the side story of the other people. The one who imprisoned me. Why did they do that to me?

Noong una dahil sa ayaw nila akong makita. O baka dahil sa arrange marriage lang ang nangyari kaya hinayaan na nila ako na manatili sa lugar na iyon.

Pero ngayong unti-unti na sa aking sinasampal ang mga katotohanan, bakit ko tatalikuran?

"Huh? What did I do back then?" Nagtataka kong tanong kay Linran.

"Seems like am I right."

"Huh?" Nagugulumihan na talaga ako sa lalaking ito.

Kung may nalalaman siya, sabihin na niya kasi! Bakit may pa-suspense pa? Sh*t, he really do deserve the title of being a director. Wanted the suspense part. Tsk!

Making the audience want to crash his house.

"As a kindhearted handsome young man, I'll tell you or briefly explain to you the reason why he done that," sabay turo pa kay Weilan na hindi na maipinta ang mukha. Nakahawak pa ang kanang palad sa sentido nito. Nakataas ang kilay habang pabaling-baling ang tingin sa amin.

"Imprisoning me?" Pangkaklaro ko sa kaniya, na kaniya namang ikinatango.

Napasimangot agad si Weilan sa kaniyang napagtanto.

Oo, ikaw, you're the villain in here.

But, let's ignore this guy's presence and hear what Linran's gonna tell.

Sana lang makatotohanan ang kaniyang sinabi.

"Because our other twin brother or brother. We're triplets and he's the eldest, k*lled someone just for you."

"Huh? K*lled? For what? Another one? Are you kidding me? Wait. Wait! Wait! This is kinda... f*ck!" Napahawak agad ang dalawa kong palad sa aking mukha nang mahilo na naman ako sa nalaman ko.

Parang gusto ko na lang maglupasay sa harapan nila. How come? How did this thing happen? Triplets?

THEY WERE TRIPLETS!

"Sabihin ninyo may isa pa kayo na kapatid? O kakambal? Huwag kayong magsinungaling dahil masusuntok ko na talaga kayo." May pagbabanta kong tanong sa mga ito.

Napataas ang kanilang mga kamay sa ere habang pailing-iling pa sa akin. Kaya nakaramdam ako nang kunting gaan sa aking dibdib.

HAH! AS IF!

SINONG GAGAAN ANG PAKIRAMDAM KUNG MALAMAN MO NA TATLO PALA SILA?! AS IN TATLO, TATLO ANG PINAKASALAN NG KATAWANG ITO?!

AHH!

System, you're so d*mn unbelievable!

" What's the name of that person? Is he the real father of my kids?" Seryoso kong tanong.

Imbis na sagutin ako, iniba ni Linran ang usapan.

"Let's talk about that later. We're currently discussing about the imprisonment." Kahit na gustong-gusto ko ng malaman ang pangalan ng tao na iyon, hindi ko magawa dahil ito muna ang dapat kong intindihin.

The past of Alrich Zane Falco, in the Parallel World, with the Triplets. F*ck these triplets.

" Back then, Weilan and the other one didn't realize that I know everything..."

"Everything? What did you know?" Pananabat naman ng kakambal niya kaya masama niya itong tiningnan.

Napatikom naman ng bibig ang lalaki.

'Yan sabat pa kasi!

"Ikaw ang nagsabi sa nag-bully sa iyo na asawa mo kaming tatlo dahil ang akala mo ay titigilan ka na niya kapag nalaman nito na may mga asawa ka na kilalang-kilala sa buong mundo. But you didn't expected that it's not what you imagined. That day, the day you're with us, the same day that we encountered him, and that scene happened..."

Habang patagal nang patagal ang pagsa-salaysay niya ng mga pangyayari. Mas lalo ring sumasakit ang aking ulo.

Oo na, kahit hindi mo na ituloy alam ko na ang kasunod.

D*mn! What st*pid person this Alrich is?!

I'm not like him. I'm not this kind of person.

Yes, sinabi ko nga na wala akong pakealam kung murahin man nila ako o sabihan ng kung anu-ano, basta ang mahalaga maramdaman ko na may tao pa pala sa tabi ko.

But, this story is kinda worst.

One mistake can lead to high damage.

Ang masama pa, that person k*lled someone because of this d*mn st*pid Original Owner!

"Sh*t!" Napatayo ako sa aking pagkakaupo.

Kahit na nahihirapan akong kumilos, ginawa ko pa rin dahil ayaw ko ng manatili pa sa kwarto na ito.

Hindi ko alam. Parang may mali.

Parang may hindi tama sa aking utak.

Ano ito?

"Tell me, who's the other one? The father of my kids?"

Kahit na nahihilo na ako nagawa ko pa ring itanong, gusto kong malaman. Gusto kong marinig kung sino iyon.

"It's Si—" pero bago ko pa man marinig ang pangalan na iyon nakaramdam na talaga ako ng matinding pagkahilo.

Unti-unti ng nanghihina ang katawan. Hindi ko na magawa pang maigalaw ito sa matinding emosyon na namumuo sa aking dibdib.

"Alrich/Zane/Dad/Daddy!"  Dinig kong sigawan ng lahat hanggang sa maramdaman ko na lang na napatumba ang aking katawan sa kung sino man ito.

Pilit na ginigising ako pero hindi kaya ng aking katawan. Nahihirapan ako.

Nahihirapan ang aking mga mata na imulat ito.

Anong nangyayari sa akin?

***

Ewan ko, hindi ko alam kung bakit, pero bigla na lamang pumasok sa aking utak ang mga memorya na meron si Alrich (ang Original Owner ng katawang ito.)

Kitang-kita ko kung paano nagkakilala si Alrich at ang isang lalaki na hindi ko makita ang mukha dahil blurry. Pero sa kulay ng katawan at ng buhok parang may kaparehas siya.

Tinulungan at dinala ng lalaking pula ang buhok si Alrich sa pamamahay nila.

Sa tingin ko ay nasa edad labing pito si Alrich nito. Gan'on din ang lalaki, ata?

Nakilala rin ang iba pa, sa tingin ko ay ang magkambal na Weilan at Linran.

Halata sa dalawa na nag-a-adjust pa sa presensya ni Alrich. Subalit kitang-kita rin na nagseselos si Weilan sa Alrich na ito, lalo na't naaagaw nito ang atensyon ng kakambal.

Kahit na gusto kong makita ang iba pang detalye ng pangyayari.

Nagbago na naman ang eksena.

Hindi pala tunay na tatlo ang asawa ni Alrich, kundi 'yun lang na pula na lalaki. Kaso dahil sa pagmamahal na meron ang dalawang kapatid ni Pula kay Pula ay nakisali na rin sila sa kasal.

So weird.

Bakit hindi na lang kaya sila magmahal ng iba? Bakit pinagpipilitan pa nila ang sarili sa bagay o tao na hindi naman talaga sa kanila?

I mean, bakit hindi na lang nila hayaan ang kakambal nila na magmahal ng para sa kaniya? Nang sa kaniya lang, okay? Walang kahati, kahit kapatid o kakambal ka pa niya.

Hay! Ewan!

Ngayon naman ay lihim na ikinasal na ang tatlo kay Alrich, na ngayon ay malawak ang ngiti, samantalang halata sa magkapatid na Weilan at Linran na hindi sila masaya pero nakangiti. Peke kumbaga.

Ang lalaki rin na blurry ang mukha ay kitang-kita ang pagkadisgusto. Gan'on din naman ang mararamdaman ko, sino bang sasaya sa kasal na dapat ikaw lang ang groom? Tapos 'yung iba pilit pa ang ngiti. Tsk!

The scene changed again. This time, this scene was too dark or shady.

What's this scenario?

Bakit nagseselos si Alrich sa mga asawa niya na magkakasama? Hindi ba dapat ang husbands ang magselos kapag na-so-solo nila ang asawa nila?

Bakit ganito?

He should be happy because, even though this isn't right to the eyes of the people in the society, may mga asawa ka naman na hindi nagbabangayan o nag-aaway sa pagmamahal ng asawa nila.

Learn to love them all. Dahil napapansin ko na hinding-hindi iiwan ng dalawa ang kakambal nila. Kahit na mag-asawa pa siya.

Napapapikit na lang ako kapag nagbabago ang eksena at nakikita ko kung paano saktan ni Alrich ang sarili para lang makuha ang buong atensyon ni Pula.

Napapansin ko rin na nagiging martir na rin ang lalaki kay Alrich.

Ang akala niya ay pagmamahal ang nararamdaman niya sa sarili niya, pero wala itong kaalam-alam na nagiging desperado lang siya sa pagmamahal na sa tingin ko ay hindi niya nakukuha.

Kaya sa tingin niya ay normal lang ito sa pag-ibig. Handa siyang gawin ang lahat para maging masaya ang mahal at piliting bawasan ang pagsasama nilang magkakambal.

That's not love, bro! I've done it! That's not love! That is called desperation!!

Dapat pantay ang pagmamahal ninyo, dapat may tiwala kayo sa isa't isa, at dapat noong una pa lang umayaw ka na agad Alrich sa kasal na tatlo ang magiging asawa!

Anong akala mo sa kasal... laru-laruan?

Pinagbigyan ka ng kalayaan na makapagsalita kung gusto mo ba ng ganitong senaryo? Kahit na kilala sa publiko kung gaano walang pakealam ang pamilya Jin sa ibang tao.

Hah! S*ck!

Kung si Pula lang pala ang gusto mong makasama, then, you should choose red over the two.

Wait! Red? The f*ck with this red. Nonsense!

Kahit na ayoko ng makita ang iba pang mga kat*ngahan na ginagawa ni Alrich noon, hindi ko naman alam kung paano ko ba patigilin ang pagpasok ng mga memorya nito sa aking isipan. Wow!

Wait, I know this case, this is kind of familiar with what Linran said. About Alrich telling that 'guy' about his marriage life.

I thought he was just lying, hindi pala.

Sh*t! How can Alrich become careless? Sinabi niya pa talaga sa taong may malaki ring ambag ang pamilya sa Business Industry from all over the world?

Hindi ba siya nag-iisip? Kung gusto niyang matigil ang pam-bu-bully sa kaniya ng isang tao, be a successor of your life. Tell them that you're not just a bunch of sh*t.

Na hindi hadlang ang pagiging isang ampon para hindi mo makuha ang tagumpay mo.

I'm like him too. I'm an orphan, who has a lot of black fans after entering the Entertainment Industry, but I didn't make a mistake.

Ang mali ko lang na ginawa ay ang magmahal ng taong wala namang ginawa kundi ang saktan ako. Gah!

Mabuti ka pa nga mahal na mahal ka ni Pula. Ako? Red doesn't love me anymore. He choose Tyla, that d*mn wh*re!

Back to the scene, now, it's time for the incident.

Kitang-kita ko ang malalang pananaks*k ng martir na asawa sa bully ni Alrich. Pati ang ekspresyon ng mga taong nakasaksi, maski na rin ang sakit sa mga mata ng kakambal ng taong ito, nang pilit nilang nilalayo ang kapatid sa katawan ng naging biktima nito.

Pero para wala itong naririnig. Animo'y nasa isipan lang niya ang mukha ng mahal.

Nagwawala pa rin ito. Kung hindi lang hinila ni Linran si Alrich na papuntahin sa direksyon ng lalaki, hindi pa rin ito titigil.

What the f*cking sh*t! What useless person you are?

Dahil sa nangyari, akala ng lahat ng nasa Business Industry ay malaking dagok sa pamilya Jin ang pananakit ng panganay na anak nila.

But, it seems like they didn't care about that person. They even denied that he was their child. Let him be in jail!

What a boomer!

Tapos ngayon mag-da-drama-drama kang sira ka! Alrich, oh, Alrich! Bakit naging magkapangalan pa tayo? Hindi naman ako katulad mo.

Umiba na naman ang eksena, ngayon ay natutulog na ang original owner sa panahon na ito.

Ang lalaki naman na kakatapos lang na makipagtalik kay Alrich ay nakitaan ko kung paano lumabas ang mga luha sa kaniyang mga mata.

Tahimik itong umiiyak habang humihingi ng tawad at humihiling na sana ay kalimutan na siya ni Alrich.

Sana hindi nito maalala na may mamam-tay tao na asawa siya. At sana ay piliin din nito na mahalin ang mga kakambal niya.

Nang kunin niya ang phone nito na kaparehas na kaparehas ng phone na gamit ko pa rin ngayon. Nakita ko ang tatlong contacts na imbis ay dalawa lang.

Pero mas natuon ng aking paningin ang pangalan ng taong iyon. Ang pangalan at ang numero na binura niya sa phone ni Alrich.

Jin Sinian.

Isn't this... Sinian?

Pamilyar na pamilyar kasi ang kulay ng katawan niya at ng buhok.

Doon ko lang napagtanto na tama ang hinuha ko nang tuluyan na ngang luminaw ang kanina'y malabong itsura ng pangatlo pero panganay sa magkakambal.

Ang masayahin at seryoso sa trabaho na Sinian na kilala ko, ngayon, isa siyang taong akala mo'y pinagbagsakan ang kaniyang buhay ng langit at impyerno.

Ibang-iba siya sa naturang Sinian.

Napamulat lang ang aking mga mata nang makita ang paglingon nito sa aking direksyon. Dahil sa gulat ay nagising ako sa puting kisame.

'Nasa'n ako?' tanong ko sa aking sarili.

Napagtanto ko lang na nasa hospital ako dahil sa may dextrose ang aking kanang kamay.

Sa kaliwa namang bahagi ko ay ang dalawa kong anak na nakahiga ang ulo sa gilid ng kama kung nasa'n ako.

Pero hindi ko sila ginising.

Nanatili lang ako na nakahiga sa kama habang iniisip ang mga nakita ko.

Bawal nga talagang i-judge ang isang pangyayari kung wala kang kaalam-alam sa tunay na nakaraan.

Kaya pala gan'on na lang ang ikinikilos ng tatlo kapag magkakasama sila.

Akala ko ay normal lang sa mga tao na gustong makuha ang atensyon ng mga bata, pero hindi pala.

'Kahit na gan'on ang ginawa mo, Alrich. Akalain mo nga naman may tao pa rin ang handang hanapin ka matapos nitong makalaya. Gagawin ang lahat para maging martir.'

Nakikita ko kay Sinian ang sarili ko. Ang sarili ko kung paano ba maging desperado sa pagmamahal ng isang taong inaakala ko minamahal din ako.

Pero hindi ko aakalain na nagiging martir na pala ako. Hindi ko nakikita na nasasaktan na rin ako sa pagmamahal na nakakasakal.

Ngayon, ang lahat ng mga misunderstanding ay nasagutan ko na. Kahit na malaki ang naging kasalanan ng dalawa sa akin, mas malaki pa rin ang impact na ginawa ng Original Owner kay Sinian, hindi lang kay Sinian kundi sa mga kambal pa nito.

He destroyed the bond of the triplets.

He has the chance to choose.

Pinagbigyan siya ng isang linggo na makapag-isip ng mga magulang nila.

But, what did Alrich do at the end?

Mas tinuon niya pa ang pagiging makasarili at pagiging seloso? D*mn.

Now, I hate this body.

I hate everything about him.

And I hate myself too, for not realizing that the father of my kids was already in front of me.

Kaya pala masyado siyang pamilyar, kaya pala kapag tumititig ako sa kanila ay napapansin ko na nahanap na nila ang tunay na ama nila.

That color of their eyes and the attitudes they have.

And the way how they choose Sinian over them, hating the other, just for the person they like.

'Cause he's the real father, the one and only father of them.

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play