Against The Beat

Against The Beat

Chapter 1

Chapter 1: THE BEGINNING

Nagmahal, Nasaktan, Nagmove on. Yan ang mga salitang makakapaglalarawan sa aking napakapait na nakaraan. Umibig ako sa isang lalaki nang walang kasiguraduhan. Umibig ako sa isang lalaki nang walang dahilan. Akala ko'y siya na lang ang mapagkakatiwalaan at maaasahan, marunong magmahal, marunong makinig sa mga eksplanasyon at marunong tumupad sa mga pinangako. Pero ang mas masakit, AKALA lang pala ang lahat.

Angtanga ko. Angtanga-tanga ko.Tulad din pala siya ng iba diyan na nang-iiwan, nangloloko, at nagpapaasa. Matapos kong ibigay ang lahat ng gusto niya, iiwan din naman pala niya ako.

"Everybody wants happiness, no one wants pain, but you can't make a rainbow without a little rain." Ilan lang 'yan sa mga hugot ko noong nagmomove-on pa ako. Pero habang tumatagal mas lalong sumasakit kapag nakikita mo siya na parang wala lang sa kaniya ang mga nangyari. Ako na nga ang iniwan, ako pa ang nahihirapan at paulit-ulit na nasasaktan.

Breaking up is like having the worst nightmare after having the best dream. Kaya ako, inuuna ko nalang ang worst nightmare bago 'yang best dream na iyan.

Ako si Natasha Reign Lastimosa, 17 years old na ako. Second year college na nag-aaral sa Royale Isabel Academy at magdedebut na next saturday. Nakatira ako pansamantala sa appartment ni kuya Aries dito sa Isabela dahil malapit lang dito ang eskwelahang pinapasukan ko. Aries Luhan Lastimosa is my brother and also my father because our dad died when I was 10 years old because of car accident. My mom was paralized dahil sa aksidente kaya bihira na siyang makipaghang-out sa mga kumare niya.

Busy ako ngayong summer sa paggawa ng mga imbitasyon para sa debut ko next saturday. Pasok sa music school sa umaga, paggawa naman ng inbitasyon kapag gabi ang inaatupag ko.

"Tash! Magpahinga ka na. Bukas mo na ituloy iyang ginagawa mo. Alas onse na ng gabi oh." Pag-aalala ng kuya ko na kagigising lang at papuntang shower. Oo tama iyang nababasa niyo, gising na siya sa mga oras na ito habang ako naman ay alas dose pa ang tulog. Ganitong oras siya gumigising kasi may trabaho siya sa Ilagan. Siya ang nagmamanage ng naiwang trabaho ni dad, ang Lastimosa Company. Maaga siyang umaalis sa bahay para maaga din siyang umuwi.

"Sige kuya. Tapusin ko lang itong isa!" Pasigaw kong tugon sa kaniya pero sakto lang ang sigaw. Yung tipong maririnig niya sa loob ng shower room.

"Kulang pa ng isang lalaki para sa 18 roses. Sino pa bang kulang?" bulong ko sa sarili ko. Siyempre, si kuya ang aking panghuling sayaw. Of course! siya kasi nagpalaki sa akin habang paralized pa si mom.

"Ummmmm.... How about........" Biglang pumasok sa isipan ko ang pangalang Vince Santiago.

"No. No no no. Huwag sya Tash... No way..." Ani ko na para bang pilit kong binubura sa aking isipan ang pangalang iyan.

Vince Santiago is my ex boyfriend since High school. Siya lang naman ang dahilan kung bakit tinatago ko ang totoo kong itsura. Nakalimutan ko palang sabihin sa inyo, part ng pagmomove-on ko ang pagtatago ko ng totoo kong anyo. Ilalabas ko lang kung sino talaga ako kapag may isang lalaking makapagpapalambot ng puso kong hinamugan na ng mapapait kong nakaraan. Pero parang malabo ng mangyari yun. Para sa akin, wala ng lalaking loyal.

After mga 15 minutes ng pag iisip kung sino ang paglabing walong 18 roses, bigla kong naalala na ang pinsan kong si Kyle Lastimosa ay uuwi pala dito sa Pilipinas sa Lunes para magbakasyon. Sa Canada na kasi sila nakatira since 2001.

"Okay! Finish!" Masaya kong tinype ang pangalan niya sa laptop ko habang walang anu-ano'y biglang bumuka ang bibig ko and that means, inaantok na ako.

Iniwan ko muna sa mesa ang laptop ko at pumunta sa kuwarto para makapagpahinga. Napagod din ako nitong araw kaya deserve ko ang mahaba-habang tulog.

kringgggggg........ kriinnngggg..

Isang napakaingay na huni ng alarm clock ang pumantig sa tenga ko kinabukasan. 9:30 A.M na pala ako nagising. Malelate na ako sa singing class ko. Yes, im a singer, hahahaha. Tuwing summer lang ako pumapasok sa singing class dahil ito lang ang vacant ko dahil nag-aaral pa ako. Agad akong bumangon sa kama kahit hindi ko na inayos ang higaan ko. Ano naman ang silbi ng mga maids ni kuya kung ako lang naman pala ang gagawa ng lahat ng bagay. Di sana nagfile na ako ng application form as a yaya. Agad akong nagtungo sa C.R ng kwarto para maligo.

Pagkatapos, dali-dali akong pumunta sa may salamin ng kuwarto ko para mag-ayos ng aking sarili. Hindi na ako nag-lipstick para hindi halatang maarte ako. After mga 1 hour kong pag aayos sa sarili, wow late na nga si itech, antagal ko pang nag-ayos. After mga 1 hour kong pag aayos as I said kanina, pumunta ako sa room ng mommy ko para magpaalam.

"Mommy i need to go!" Ani ko sa mommy kong nakahiga then i kiss her chicks. Di ko maiwasang maluha habang tinitingnan ang nahihirapan ko nang mommy. But I need to do this.

Kumakaripas akong bumaba sa hagdanan para kahit papano eh mabawasan ng kaunti ang pagkalate ko. Nakared t-shirt lang ako na may riffles sa gilid, naka jeans ng labong para di mahalata ang totoong kong beauty. Pang miss universe ang beauty ko pero tiis-tiis muna. Ayoko namang mabulilyaso ang mga plano ko for myself.

Hindi na ako nakapag almusal kasi nga sobrang late ko na sa music class. Mabilis akong nagtungo sa may garage ng appartment ni kuya para kunin ang Montero kong sasakyan. May sarili akong sasakyan na niregalo sa akin ni dad before he passed away. Oh! Wait, I feel emotional right now while ibinibida ko si dad. Kamakailan lang nang turuan ako ni kuya na magmaneho dahil he said to me na  para ako nalang ang magmamaneho sa sarili ko kung saan ko man gustong magpunta pero sa isang kundisyon, gagamitin ko lang 'yun kung may pahintulot niya. Oh diba strikto siya? pero in a good way ulet, hahaha.

Pumasok ako sa kotse ko at walang anu-anoy sinuot ang seatbelt for my own sake. Sino ba naman ako para di magseat belt. Konting dampot lang sa kaliwa di nyo pa magawa! Gaya sa isang relasyon, ang maliit na bagay ang makakasira sa inyong dalawa.

Mabilis kong kinuha ang susi sa bag kong gusot at walang alinlangan kong pinaharurot ang sasakyan palabas sa apartment.

Habang binabagtas ko ang maluwag ngunit palaging trapik na kalsada dito sa probinsya ng Isabela, nagulat ako nang biglang mag-ring ang phone ko na  nakalapag sa kabilang upuan ng kotse. Huminto muna ako saglit para isuot ang de-bluetooth kong headset.

Sino pa nga ba ang tumatawag kundi si Dawn, sila lang naman ni kuya ang pinagbigyan ko ng numero ng sim card ko. Alangan namang si kuya Aries ang tatawag eh busy siya sa work niya. Di ko nga siya kasabay magbreakfast  kasi maaga siyang umaalis ng bahay.

Si Dawn Annejelou Salvador ang nag-iisa at matalik kong kaibigan. Since kinder lang naman hah!. Palagi kaming magkasama niyan. Sa lagi nga naming pagsasama, pati sa banyo sabay kaming pumupunta. Palagi syang present sa mga important events sa buhay ko at siyempre ganon rin ako sa kaniya. Sino pa nga ba ang magsusuportahan at magtutulungan kundi kami-kami lang rin. Alam nga niya lahat ng sikreto ko at alam ko rin yung kaniya, kaya iniiwasan kong mag-away kami para siyempre hindi ako mabuking.

"Oh bestie!" Tawag ko sa kaniya habang agaw tenga ang mga nagvovocalize kong kaklase. Mga pabibo sila masyado.

"Nasaan ka na!? Late na late kana bestie!?" pag-aala niya sa kabilang linya. Napa-roll eyes ako bago magsalita. "Im on my way bestie! pero mukhang malas talaga sa akin ang araw na 'to!" May pagkainis kong bitaw sa mga salitang yun.

Kung aking gugunitain, ganitong araw rin kasi nung maghiwalay kami ng ex ko. Nevermind. Huwag ng ibalik ang nakaraan. Ako lang ang masasaktan dahil baka mag-assume na naman ako.

Habang nag-uusap kami ng bestie ko, unti-unting pumapatak sa wind shield ng sasakyan ko ang mga malalaking butil ng ulan.

"Grrrrrr......" Inis ko.

"A-Are you okay bestie!?" Pasigaw ngunit may pagkahinahon niyang tanong sa kabilang linya.

"MALAS!!!!!" Irita ko habang madiin na pinipindot ang busina ng sasakyan ko.

"Bilisan mo bestie ah? Babye na, nandiyan na ang teacher!" Huling salita niya saka naputol ang linya.

'Buwiset!'

Panahon nga talaga no! Di mo alam kung kailan uulan. Di mo alam kung kailan sisikat ang araw. Parang pag-ibig, di mo alam kung kailan kayo pa ba.

Habang inis na inis ako sa loob ng kotse, isang matipunong lalaki ang huminto sa tabi ng sasakyan ko. Chill lang siya at parang di alintana ang trapik habang ako ay balak na pasarhan ang isang lane ng kalsada para lang makadaan.

"Are you okay, miss!?" Pangiting tanong ng lalaki ang bumungad sa nagngangalit kong mukha.

"What a nice question. Sa tingin mo okay lang ako!? Ni hindi nga ako makaalis sa linyang to tapos tatanungin mo ako ng walang kakuwenta-kuwentang tanong?! Sino ka para  tanungin mo ako ng ganyan?! Do I know you?! At please lang huwag ka ngang fc sa kin?! Gigil mo si ako!" Pagalit kong bitaw sa kaniya habang siya ay nakangiti parin. Nakaglue na yata ang bibig niya.

Nagalit na naman ako pero gaya nang una, nakangiti parin siya.

"Hoy lalaki! Kanina pa ako nagagalit sa'yo at nakangiti ka parin!?" Paturo kong tanong habang unti-unting nanlilisik ang mga mata ko sa kanya.

'Baliw'

Nakangiti parin sya kaya naiinis ulit ako. "Ano miss, tapos ka ng magsalita? Pwedeng ako naman?" Mahina niyang tanong sakin habang nakangiti paring nngumunguya ng bubble gum.

Napangiwi nalang ako at indikasyon iyon para magsalita ulit siya. "Di mo ba ako kilala, miss?" Turo niya sa sarili niya na para bang sineseduce ako.

"Do I need to know you!?" Pasigaw kong saad sa kaniya habang nanlilisik parin ang mga mata ko. "Anak ka ba ng presidente ng Pilipinas para kilalanin kita? O baka naman, anak ka ng gobernador dito para kilalanin kita? Presko mo din ano?"

"Sir Eros Laurenz Petrarch, may problema po ba?" Isang boses ng lalaki ang biglang sumulpot sa intrigahan namin ng lalaki. Nakasuot suya ng polo at naka slocks ng kulay itim. Parang driver yata pero bakit hindi siya ang nagdradrive?

"Miss bakit niyo inaaway si sir Eros?"  Panlalaki ng mata ng mama.

"Kung maka sir ka sa kaniya! Bakit sino ba iyang adik na lalaking nakaupo sa driver seat!?" Pinanlisikan ko din siya ng mata. Highblood ako sa kanilang dalawa. Ang-aga-aga pinapakulo nila ang dugo ko!

Habang nagdidiskuyon kami ng mama, si Eros ay nakangiti parin. "WHO YOU MISS PARA AWAYIN ANG ANAK NG GOBERNADOR NG PROBINSYANG ITO?" Pataas babang tanong sakin ng mama."WHO YOU MISS PARA AWAYIN SIYA? ANAK KA BA NG PRESIDENTE?"

'OMG! A-anak s-siya ng GOVERNOR? Siya ba yung usap-usapan na never pang lumalabas sa bahay nila'

Bigla akong napatakip sa bibig nang magsink-in sa utak ko na siya pala ang anak ng gobernador.

"Opppsss....Sorry Sir, Eros!!!" oh no! Isang malaking kahihiyan to mula sa aming angkan. Napahawak ang mga kamay ko sa pisnging humihingi ng tawad pero tinakbuhan lang niya ako.

Umalis agad siya na di man lang ako nakakahingi ng despensa sa nangyari. Di ko naman alam na siya pala ang anak ng gov.

Malalakas na busina ng kotse ang maririnig sa likuran ko. Lumingon ako sa likod para tingnan ang dahilan kung bakit nila ang iingay. Bumungad sakin ang maga galit na driver sa likuran.

"Miss! Baka naman maaari ka nang umalis diyan!? Malelate na kami sa opisina!"

"Tanga ka ba miss!"

"Naku! malilintikan ka sa akin kapag nalate ako sa meeting ko!"

Ilan lang iyan sa mga naririnig ko. Pagtingin ko sa harap, makikita mo ang maluwang na kalsada na kanina lang eh puno ng sasakyan. Dahil sa sobrang pagkahiya, dali-dali ko nang pinaharurot ang sasakyan ko sa basang kalsada. Wala na akong pake kung madisgrasya ako, basta ang hangad ko lang ay makalayo sa kalsadang iyon.

Hot

Comments

Chea Chea

Chea Chea

💛💛💛

2020-04-26

1

See all

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play