Chapter 5

Chapter 5

"Hahahaha!!!! Angbenta ng joke mo couz!" Masaya kong ani habang kumakain kami sa isang fast food chain. Hindi pa daw kasi nakakapananghalian magmula nung umalis sya.

"Couz! By the way, Kamusta na pala si tita?" Pag iiba nya sa usapan habang kinakagat yung fried chicken. Oo nga pala kumusta na sila? Di pa kasi tumatawag si kuya magmula nung umalis sila sa bahay.

"Wait couz! Tawagan ko lang si kuya!" Ani ko habang dinadial ang numero ni kuya sa phone ko.

°°°

Aries POV

Papasok palang kami ng ospital nang sumalubong agad samin ang napakaraming nurse sa Southern Isabela General Hospital. Napaka HOSPITABLE nila talaga. Maagap at siguradong masisiyahan ang mga pasyente dito.

Nilagay nila si mom sa Rolling bed saka tinakbo sa loob. Aakalain mong ooperahan na agad si mom eh ipapatingin ko lang naman sya.

tsk...

"Sir sumunod nalang kayo samin!" Ani ng Head Nurse na lalaki saka hinila ang wheel chair ni mom. Napaka gentleman nila dito. Gagawin na nila bago mo palang iutos. Napakadisiplinado talaga.

Habang sinusundan ko ang head nurse papuntang check up room, isang lalaki ang biglang bumaling sa mata ko. Nakasuot ng doctors gown/lab gown habang nag aayos ng buhok. Di ko lang maaninag kasi nakatalikod sya.

"This way sir!" Ani ng head nurse habang tinuturo ng pinto papasok sa check up room.

Naabutan ko ang mommy ko doon na masaya habang kausap ang isang lalaki.

'Franz?'

Si Franz yung doktor ni mom? What a insidence! Sya pala yung lalaking nakita kong nag aayos ng buhok kanina.

"Ehem!" Pabaling ko sa usapan nila kaya napahinto sila sa pag uusap. Nag aayos na sa pagkakaupo si Franz na parang bang sya ang pasyente at ako ang doktor.

"Nice to see you again dre!" Bati nya saka tumayo at inalok ang kamay para makipagkamay. Sinunggaban ko din.

"Take a seat!" Aniya sabay turo sa upuan katabi si mom.

Umupo na sya at nag-ayos narin ako sa pagkakaupo. "So........ Ikaw yung bagong may ari ng ospital?" Tanong ko sa kanya habang nililibot ang tingin sa kabuuan ng room. Ang daming pinagbago ng ospital na to. Wala na yung mga masuaungit na nurse at anglinis linis na ang ambiance nito. Di gaya nung huli akong nakapunta dito, nung tinakbo dito sila mom at dad nung oras ng aksidente. 17 pa ako nun.

"Sa awa ng Diyos!" Tipid nya habang may kinukuha sa bulsa.

"Ang dami ng pinagbago ng ospital na to dre! Di gaya noon na ang ingay at ang baho!" Napatakip ako ng bibig ng mabanggit ko ang mga salitang yun. Nakakahiya naman syempre pag sinabi mo pa yun.

"I admit dre. Its okay!" Aniya na para pang natutuwa sya sa naririnig mula sakin.

Naglabas sya ng ballpen na yun pala yung kanina pa nyang hinuhugot sa bulsa nya. Kinuha nya ang record book saka binuklat ito. "So, Kailan yung huling check up ng mommy mo?" Tanong nya habang nakaharap sakin.

"Naku dre di ko na matandaan. Matagal na kasi yun! 17 pa ako nun!" Ani ko na para bang nahihiya akong magsalita. May sinulat sya sa record book pero di ko mabasa sa sobrang pagkakadikit nung mga letra. Ang gulo nya pang magsulat. Siya lang ang makakabasa nun panigurado.

"Natatandaan mo pa ba yung dosage ng gamot nya nung huli mo syang pinatingin sa doktor?" Tanong nya ulit habang nakatingin sa akin.

"Hmmmmmm..... Pain reliever yung palagi kong pinapainom sa kanya dahil palaging kumikirot yung katawan nya!" Ani ko habang siusulat nya yung dosage.

"How about yung sakit nya?" Tanong nya ulit. Bago ko nasagot ang tanong nya, biglang nag ring ang phone ko. Napatingin ako sa kanya. "Answer it baka importante!" Aniya saka ko pinindot ang answer button.

Its Tash

"Hello!" Aniko habang tinututok ko sa tenga ko yung phone.

"Hi kuya! Kumusta na?" Masaya nyang tanong habang rinig na rinig ko ang boses ng isang lalaki.

Maybe its Kyle

"Chinecheck pa sya! Yun bang lalaking naririnig ko ay si Kyle?" Tanong ko sa kanya.

"Yes kuya! Wanna talk to him?" Tanong nya.

"Sure!" Aniko saka ko narinig na KYLE KAUSAPIN KA DAW NI KUYA.

"Hey dude! Long Time No See!" Sabi nya ng napakalakas kaya napantig ng bahagya tong tenga ko. Napahawak ako saglit sa tenga ko bago ako muling sumagot.

"Long time no see din dude. Kamusta ka na?" Masaya kong tanong saka ako napatingin sa kanina pa palang naiinip na doktor.

"Maybe we can talk later! Nakalimutan kong nasa ospital pala ako!" Mahina ko ng sagot kasi kanina pa palang nakabusangot tong kaibigan kong doktor.

"Sige kuya.!" Aniya saka naputol ang linya.

Mabilis kong nilagay sa bulsa ko ang Iphone kong cellphone para maituloy na ang naudlot na check up. "So tapos na?" Tanong nya kaya napatango ako.

"Sorry kasi kakadating lang ng pinsan ko mula ibang bansa!" Paghingi ko ng despensa sa kanya.

"Naiintindihan ko dre! Tara na sa X Ray room para makita natin kung may buto pa bang bali o may buto pang dapat iayos!" Aniya saka tumayo. Tumayo narin ako at hinila na ng mga nurse ang mom ko papuntang X Ray room.

          "Base sa mga findings, bali pa yung kaliwang thigh bone nya kaya di sya makalakad. Mahina rin ang spinal chord nya kaya di sya makabangon ng mag isa!" Ani ng Radtech habang pinapakita sakin ang result ng X Ray nya.

"So ano, wala na bang pag asang gumaling ang mom ko?" Pakunot no kong tanong sa kanya habang tinitingnan ang picture.

It tooks 5 minutes bago muling nagsalita si Zach. Ang sinasabi kong RadTech na kapatid ni Franz na doktor ng mom ko. "Uhmm..... Malaki ang chance na gumaling ang mom mo. Pero kinakailangang dumaan sya sa CTScan para makita kung may mga ugat na nagmamulfunction saka sya mag uundergo sa surgery!" Matapos nyang masabi ang mga salitang yun, bigla akong nabuhayan ng loob kaya napayakap ako sa mom kong kanina pang umiyak. Siguro naiintindihan nya ang mga sinabi ng doktor.

"Mom gagaling ka pa!" Napaluha ako kaya napayakap ako ng mahigpit sa kanya. Di nya maexpress ang feelings nya pero alam kong sobrang saya nya.

"So ano, Punta na tayo sa CTScan?" Tanong nya ulit. Tumango ako saka hinila na naman sya papuntang room. Nasulyapan kong napangiti rin si Franz na kasama namin sa X Ray.

"Im happy for your mom bro!" Aniya sabay tapik sa likod ko.

"Thanks!"

°°°

Dawn's POV

Di ako makapagsalita dahil gusto kong nasusulyapan ko lang sya. OMG! angdami ngpinagbago ng itsura ni Kyle! Kung noon gwapo na sya, ngayon mas gwapo na sya!

"Couz tong babaing to parang Fvck Girl!" Napamulat ako sa realidad ng marinig ko mula sa kanya ang mga salitang yun. Napansin kong siniko sya ni Bestie.

Napansin ko ding napatingin sa kinaroroonan namin ang mga customer. "Pano naman kasi, kanina pa nya kinakagat yang labi nya habang titig na titig sakin!" Masaya pa nyang ani. Di ko pansin na kanina ko pa pala kinakagat tong labi ko.

Hay naku! angdami nga nyang pinagbago. Pati ugali nya nagbago! Naparoll ako ng eyes. "Chill lang miss!"

'MISS? OMG! HE DIDNT NOTICE ME? KANINA PA NYA AKO KASAMA ALL THROUGH OUT DI NYA AKO NAKIKILALA?' WHAT PATHETIC YOU ARE?'

Siniko ulit sya ni Tash. "Couz!" Sita nya. "Whats the problem couz!? Sino ba sya?" He argued again. Ughhhhhh

"She is Dawn!" Ani ulit ni bestie pero mukhang di nya parin ako nakikilala. "Dawn!? Oh Dawn!" Biglang sumaya ang araw ko. Naaalala na nya ako!?

"Sino si Dawn!?" What the fvck! Ang EPIC nun. Napaniwala ako na naaalala nya ko. Napatayo ako sa kinauupuan ko sa sobrang galit at inis. Naglakad ako papalayo pero naunahan nya ako. Mabilis nyang hinawakan ang kamay ko na para bang nakuryente ako sa sobrang init ng kamay nya. "Saan ka pupunta?" Sarkastiko nyang tanong habang hawak hawak parin ang kanina pang nakukuryente kong kamay. Napalingon ako sa kanya na para bang naka slow motion. Feeling the beat of air. "Wwwwhhhhaaaatttt!!!??" Mabagal kong tanong sa kanya. Para bang naulit ang mga pangyayari nung una ko palang syang makilala. "Where are you going?" Tanong ulit nya.

Waaaaahhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!!

"Daaaaaaawwwwwwnnnnnn!!!!"

"Wheeew! Muntik ka ng mapahiga! Tigilan mo nga yang kakailusyon mo!" Ani ni Tash habang hawak ako sa bisig nya.

Kala ko si Kyle na yung sumalo sakin. "Muntik mong mahila tong wig at eyeglass ko girl!" Mahina nyang ani sakin. Napatayo ako ng mabilis kaya nag ayos narin ng sarili si bestie.

"Sorry bestie!" Ani ko saka tuluyan ng lumabas ng fast food na pinagkakainan namin. Total nilapag ko naman na sa mesa yung bayad ko. "TAXI!"

Rinig kong hinahabol ako ng bestie ko pero di ko na sya pinansin. Mabilis akong sumakay ng kotse bago pa nya ako maabutan.

Ilang beses akong tinawagan ni bestie pero di ko sinasagot. Nagtatampo ako hindi dahil sa kanya pero dahil wala naman pala akong mapapala sa kanya. Napaasa lang ako. Biglang tumulo sa mata ko ang luha ko pero mabilis ko itong pinunas para di halata.

Speaking of halata, bakit iba tong pinupuntahan ng driver? " Manong san po tayo pupunta? Di ba sa San Agustin tayo? Bakit po nasa Cauayan tayo?" Pag aalala ko pero ni isang sagot wala akong narinig sa kanya. Cauayan is west while San Agustin is from South. Dahil dun naoahagulgol nalang ako sa kaiiyak. Ngayon ko lang narealize, wala palang taxi sa Isabela. SUV at BUS lang pala meron kami. Waahhhhhh.....

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play