Chapter 3
"Good afternoon Dawn!" Isang napakabangag na boses ng lalaki ang agad na bumungad sa amin pagpasok ng room.
"Ewwww.... Good afternoon mo mukha mo!" Pagsusungit nya sa lalaking nakatitig sa kanya.
"Kaw naman Dawn, ikaw na nga yang pinagmamalasakitan ikaw pa ang galit!" Biglang nag iba ang tono ng pananalita ng lalaki.
"Naku Scott hayaan mo na tong balat sibuyas kong kaibigan!" Pahalakhak ko sa kanya habang pansin kong niroll ni Dawn ang kanyang mga mata.
Si Scott Lux Finterland ang masugid na manliligaw ni Dawn since pumasok kami ni bestie sa music class. Di ko alam kung bakit di sya gusto ni Dawn eh kung tutuusin mo eh mayaman naman sya, matangkad, matipuno ang pangangatawan, maputi at higit sa mabait syang tao. Kung ako ang nasa puder ng kaibigan ko, siguro matagal na kaming nagmamahalan. Pero di pwede, hayaan kong ang tadhana ang maglalapit samin. Eh ano pang magagawa ko eh First Love never Dies. At alam kong di parin sya makamove on sa pinsan ko.
"Oy! Sinong balat sibuyas Tash?" Sita nya sakin. Tss.
"Mahiya ka nga Tash!" Pansin kong parang nagagalit na sya kaya iniba ko na ang usapan. Ayaw kong mag away kami.
"By the way Scott, punta ka sa debut ko sa sabado hah?" Imbita ko sa kanya. Kaibigan ko kasi sya.
"Who am I to decline the offer of my friend. Syempre pupunta ako kung okay lang kay Dawn!" Ani nya saka napatingin kay bestie. Hindi sumagot si Dawn pero nagtaas sya ng kilay.
"Okay!" Aniya saka pinadaan na kami.
"Tash dito ka muna sa tabi ko maupo!" Anyaya nya pero di ko inaccept ang offer nya. Meron naman akong sariling upuan.
"No thanks bestie!" Ani ko saka umupo na sa upuan ko.
Nagsitayuan kaming lahat nang pumasok na sa room namin ang vocal teacher para umpisahan na ang lesson. "Please be seated!" Aniya saka sabay sabay kaming umupo.
"Today klas ang pag-aaralan natin ay yung tamang breathing. Natasha can you please demonstrate to your classmate the proper breathing technique?" Tanong ni Mrs. Aby Maria sakin habang nakaupo sa harap ng piano.
Napaturo ako sa sarili ko. "Ikaw daw Tash!" Sungit ni Mikaiah. Mikaiah Regis is my greatest competitor in this class.
Dali dali akong pumunta sa harapan para di halatang di ko narinig ang utos ni teacher.
Pagpasok ko sa loob ng appartment, isang napakabangong amoy ng pagkain ang biglang bumungad sakin. Naabutan ko sa kusina si kuya na nagluluto sa dekuryente naming lutuan.
"Tash magpalit kana ng damit sa taas para makakain na tayo!" Ani kuya habang nilalagay sa pibggan ang mga niluto nya.
Alas singko na kasi akong nakauwi sa bahay dahil late akong pinauwi ni teacher. Pambawi sa kalahating araw na late ko. "Sige kuya."
"Kumusta ang pasok mo?" Yan agad ang tanong nya habang kumakain. Pano ko kaya sasabihin sa kanya?
"Ah..... eh....... K-kuya!" Patipid ko munang sagot pero bigla syang napatingin sa akin kaya di na ako nagsinungaling pa.
"L-late akong nakapasok sa music class ko!" Pahiya kong sagot sa kanya. Alam kong magagalit sya pero handa na akong tanggapin yun.
Tumingin sy sa akin with his serius face. "Its okay!" Bigla akong napatingin sa kanya. I sighed. Akala ko magagalit sya.
"O-okay lang?" Tanong ko ulit sa kanya. Parang di ko narinig ang sinabi nya.
Halatadong wala syang galit na mababakas sa mukha. "Okay lang sakin. Aaminin ko. Nalate din akong pumasok dahil sobrang trapik sa daan!" Mahina nyang saad habang nilalamon ang pritong isda.
"Ahh... So kuya okay lang talaga sayo?" Ulit ko sa kanya dahilan yun para mainis sya.
"Linisin mo nga yang kinakalawang na tenga mo!" Biglang nagbago ang emosyon ko sa mga oras na yun.
Napalingon ako sa kanina pang enjoy na enjoy sa pagkain na si kuya. Food lover kami pero di naman tumataba.
"Tapusin mo na yang pagkain mo. May pupuntahan tayo nila mom!" Saka sya tumayo para ilagay ang pinagkainan nya sa lababo. Mabilis kong nilagok ang caldereta sa harapan ko.
"Yaya pakihatid nga to sa kuwarto ni mom! Ako na ang magpapakain sa kanya!" Pagboboluntaryo ko. Bihira ko lang kasi pinapakain si mom. Si Yaya Agnes lang ang nag aasikaso sa kanya. San naman kami pupunta nila kuya sa oras na ganito?
Pagbaba ko ng hagdan, isang fresh at mabangong halimuyak ng hangin ang nakapagpabago sa alimuom ng hangin. Sino pa nga ba kundi si kuya. Im madly in-love with my kuya. Love as a brother and sister. Di ako boto sa ******.
"Bat di ka pa nakabihis?" Tanong nya sakin habang nakahalukipkip ang kamay.
"San ba tayo pupunta nila mom kuya?" Pangungulit ko sa kanya. Ano nga ba ang araw nato? May okasyon ba ngayon?
"Basta magbihis kana. Bihisan mo na rin si mom para makaalis na tayo!" Pakunot noo nyamg saad sakin saka pumasok muli sa kwarto nya.
After 30 minutes na pag-aayos namin nila mom, inalalayan ko papuntang ibaba si mom na naka wheel chair.
Dumiretso kami agad sa car garage para sumakay.
"Fasten your seatbelt Tash. Pakialalayan mo muna si mom!" Ani ni kuya habang pinaaandar ang kulay itim nyang montero.
Habang binabagtas namin ang Maharlika Highway, isang pamilyar na lalaki ang dumaan sa gilid namin. Is he the one na nakaaway ko kanina?
"KUYA bakit tayo nandito? Para saan tong mga bulaklak?" Tanong ko sa kanya hawak hawak ang boquet ng bulaklak na pinamili namin sa flower shop.
"Today is dad's death anniversary!" Tipid nyang sagot habang nililinis ng bimpo ang nito ni dad.
"Oh My Gosh! I almost forgot kuya. Ngayon pala yun!" Paghingi ko ng dispensa sa kanya. Ngayon pala yun! Nakalimutan ko na dahil sa sobrang busy ko sa preparation ng debut ko.
"Its okay. Ako din naman eh. Buti nalang at nanotif ako ng secretary ko kanina!" Ani ni kuya saka inilapit si mom na kanina pang umiiyak.
Lumabas na rin ang luha ko. Di ko mapigilan na maluha as i remembered the tragic happened to us.
Mapait sa loob na tanggaping wala na sa tabi namin si dad. Kuya is being emotional, kasama kasi sya sa aksidente nun pero buti nalang at niligtas sya ni mom.
'Dad kung saan ka man sana ay masaya ka na dyan'
"Dad! Im sorry kung muntik ko nang di maalala. Im sorry kung di ako naging mabuting anak sa yo nung nabubuhay ka pa! Ako na ang aako sa posisyon mo pero sana tulungan mo ako. Guide me para suungin ang mga dagok na kinakaharap ko sa opisina. Guide me para alagaan ang mga naiwan mo! Im really sorry dad!" Pagdadamdam ni kuya. Kung ako man ang nasa posisyon nya, ganyang ganyan din ang magiging emosyon ko.
Hinaplos haplos ko nalang ang balikat ni kuya to support him.
"Dad. Alam kong nasa maganda ka ng kamay, I would like to extend my soulful love to you. Dad, Im so very sorry kung di ako naging mabuting anak sa iyo. Pero Ill try my best para maging mabuting anak at kapatid kay kuya. Alam kong mabigat sa kalooban nya pero di sya sumuko sa hamon ng buhay. I Love You Very Much!" Madamdamin kong litanya habang naglalaglagan sa mga mata ko ang napakaraming luha.
Si mom eh panay ang luha Alam kong may gusto syang sabihin pero di nya masabi sabi.
"Tomorrow ipapacheck-up ko si mom para magamot na sya at para di na sya mahirapan. Masakit kasi sa loob ko na nakikita syang nahihirapan ng sobra!" Aniya habang pinupunasan ang kumpol ng luha sa mga mata nya.
"Lets go!" Saka kami umalis sa harapan ng puntod nya.
Habang nasa loob kami ng sasakyan, di ko maiwasang magpasalamat sa kanya.
"Kuya thanks sa iyo!" Bigkas ng bibig ko at napangiti naman sya.
"Thanks!" Bulong nya sa hangin.
"Kuya hindi ko kayo masasamahan ni mom sa ospital!"
"Hindi lahat ng naghihintay may napapala. Yung iba nagmunukhang Tanga!"
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments