Chapter 4
Time check 4:00 a.m
Nakaramdam ako ng pagkaihi kaya agad akong nagpunta sa banyo. Habang papasok na ako sa loob, biglang nag-ring ang cellphone kong nagchacharge.
"Sino naman ang tatawag ng ganitong oras?" Tanong ko na lamang sa sarili ko.
Hindi ko na tinuloy ang balak kong pag-ihi kasi mukhang inportante ang tawag. Malay ko ba kung si kuya Aries ang tumatawag. Maaga kasi syang umalis ng bahay para mabilis nyang matapos ang trabaho nya. Kasi balak nya ngayong ipatingin sa doktor si mom kung may chance pang gumaling ang sakit nya.
Pagkasulyap ko sa Iphone ko, napapalo ako sa noo ko nang makita kong si bestie lang naman pala ang tumatawag sa oras na to.
I grab my phone para i accept ang tawag. Pagpindot ko palang ng call button, bumungad agad sa aking tenga ang matinis na parang boses ng umiiyak na pusa. 'OUCH!
"Bestie! Alam mo di ako makatulog! Di ako makatulog sa kakaisip kay baby Kyle ko!" Pamamalita nya sakin na para bang gustong gusto pa nyang di makatulog.
I rolled my eyes before responding to her. "Wag kang atat Dawn. At saka isa pa, Mamayang tanghali pa naman ang flight nya papuntang Pinas! Wag kang atat bes!" Ani ko habang kanina ko pang pinipigilan ang pag-ihi.
Ang-aga aga! Ano bat ganyan na lang nya kamahal si Kyle?
"Bestie be right back kanina pa ako naiihi!" Pagkabitaw ko sa mga salitang yon, dali dali akong pumunta sa banyo para umihi. Nabitak na ata tong pantog ko.
"Good afternoon kuya!" Bati ko sa kuya kong kadarating lang ng trabaho.
"Good afternoon too sweety! Tash pakibihisan mo na si mom! Ngayon na kami aalis!" Ani ni Kuya habang pumupunta sa kwarto nya.
"Kanina pa sya nakabihis kuya. Kuta ngayon na kayo aalis? Di ka man lang kakain?" Concern ko sa kanya. Alas dose na kasi kaya concern ako kung kumain na sya.
"Naku Tash. Kanina pa ako nakakain. Ikaw kumain kana?" Napahinto saglit si kuya habang tinatanong ang bagay na yan.
"Mamaya pa kuya!" Tipid ko nalang na sagot.
"Di ba ngayon na yung dating ni Dre?" Tanong nya ulit.
'Dre ang tawagan nila ni Kyle. "Ngayon na nga yun kuya! Pero mamayang ala una pa ako pupunta sa airport. Susunduin ko pa si Dawn sa bahay nila!" Sagot ko saka unti unting binuksan ni kuya ang kwarto nya.
'Ano kaya ang laman ng kwarto niya? Never ko pa kasing nakikita yun! Tss'
"Aalis na kami! Pakibati mo nalang ako kay Dre!" Ani ni kuya habang inaalalayang makalabas si mom sa pintuan. Nagpalit sya ng damit. Kung kaninay naka polo sya, ngayon eh nakadamit nalang sya.
"Sige kuya, sure!" Ani ko habang kumakain ng Kaldereta.
"Sige mauna na kami! Hinay hinay sa pagmamaneho!" Bilin ng kuya kong over protective.
"Always naman kuya!" Pasigaw ko habang sila ay pumapasok sa sasakyan nya.
"Bye!" Pahabol pa nya.
Habang sinusubo ko ang huling kanin sa pinggan ko, nag ring na naman ang cellphone kong nakalapag sa mesa. Kinuha ko then nakita ko na naman ang pangalang DAWN.
Dinampot ko ito then tinapat sa tenga ko. "Hello bestie! Ano na naman?" Irita kong tanong sa kanya.
"Bestie ano bang pwedeng isuot?" Tanong nya. Baliw.
"Magpadjama ka kaya bestie!" Pabiro ko sa kanya. Baliw talaga to. Tinatanong pa nya. Bakit ako ba magsusuot?
"Eiii!! ganda ng suggesstion mo!" Pansin kong pinaikot nya ang mata nya kaya natuwa ako.
"De biro lang. Ikaw bahala bestie!" Tipid ko nalang na sagot. Knowing her, Sya rin naman ang palaging nasusunod kapag nagpapasuggest sya.
"Okay bestie. Daanan mo nalang ako dito!" Aniya saka naputol ang linya.
°°°
Aries POV
Habang binabagtas namin ni mom ang kalyeng Masaya Sur sa San Agustin, Isang kotse ang huminto sa tapat namin. Bumaba ang isang naka sandong lalaki habang papalapit samin.
Bumaba ako para magpakita. Parang nakita ko na sya. Di ko alam kung saan.
"Long time no see brad!" Bati ng lalaki habang iniaabot ang kamay.
"E-excuse me?" Tanong ko sa kanya.
Napahawak sya sa ilong nya. "May amnesia kana ba brad?" Patawang sabi ng lalaki habang kinikilatis ko ang mukha nya.
"Wag kang maasar dude kaso ngayon ko lang nakita yang pagmumukha mo!" Pakunot noo kong sabi sa kanya. Napahawak sya sa balbas nya na parang may iniisip.
"Im Franz Mortelle Laurenz!" Aniya saka iniabot ang kamay sakin.
'Franz?'
Saka ko naalala ang pangalang yan within 15 minutes. "Oh sorry dude. Ikaw na ba yung chub--"
"Wag mo ng ituloy dre. Makakasira lang sa image ko!" Patawa nyang saad habang linilibot ang tingin sa kabuuan ng daan. Suminghot singhot sya ng hangin mula sa paligid habang nakapikit. "I miss this fresh air!" Bulalas nya saka biglang minulat ang mga mata nya.
Lumipat kasi sila sa Manila pagkatapos ng high school graduation namin. "So dude maiwan ka muna namin. May importante kaming lakad ngayon ni mom. Usap nalang tayo sa phone. Eto parin ba yung no. mo?" Ani ko saka pinapakita ang numero sa telepono. Hindi na sya sumagot kaya tumango tango nalang sya. "Nice to meet you dre!" Aniya ulit saka nakipagkamay.
Matapos ang mga pangyayaring yun, dali dali ko ng pinaandar ang sasakyan ko habang sinusundan ang maayos nang daan.
°°°
Dawn's POV
Sino naman ang hindi makakatulog ng maayos kung alam mong dadating ngayon ang pinapantasya mong lalaki?
*Pip*pip*pip
Malakas na busina ng sasakyan ang bumaling sa tenga ko. Siguro si bestie na yun. Binuksan ko ang pinto ng bahay namin saka tumakbo papunta sa kinaroroonan ng bestie ko.
Matiim nya kong tiningnan. Taas baba taas baba. "Bestie bat di ka pa nakakabihis? Anong oras na? 11:38 na. Kala ko ba na atat ka nang makita yung lalaking yun?" Pakunot noo nyang tanong habang nakahalukipkip na tinitingnan nya ako pataas baba. I roll eyes first bago ako sumagot.
"Sorry bestie. Di ko alam kung ano ang isusuot ko?" Pabulyahaw kong saad sa kanya. Kaya napa roll yes din sya. Sumandal sya sa kotse nya saka napahawam sa sentido.
"Kaarte!" Pabulong nya sa sarili kaya tinanong ko.
"Ano yun bestie?" Tanong ko sa kanya.
"Wala wala! Bilisan mo na. Mahuhuli na tayo!" Aniya saka naglakad papasok sa bahay.
"San ka pupunta bestie?" Tanong ko sa kanya habang sinusundan ng tingin ang babaeng naglalakad papuntang house.
Huminto sya saka lumingon sa kinaroroonan ko. "Bestie! Akala ko ba wala ka pang isusuot? So im here para maghalungkat sa mala mall mong damit!" Pagalit nyang ani habang pinagpapatuloy ang paglalakad.
Sinundan ko nalang sya.
"How about this bestie?" Tanong ko sa kanya habang piapakita ang kulay pula kong dress. Wala akong makuhang matinong sagot kasi kanina pa syang tingin ng tingin sa relo sa bisig nya.
"Okay nayan!" Pabusangot nya habang nakatuon parin ang isip sa kanyang relo.
"Uhmmmm..... I dont like it. Im not comfortable wearing this dress!" Ani ko habang tinatanggal sa pagkakasuot. Tiningnan ko mukha nya pero nakangiwi sya. "Ano bestie? magkomute ka nalang? Baka nakalapag na yung eroplanong sinakyan nya!" Panguso parin nya.
"Wait bestie eto na!" Ani ko habang sinusuot ang off shoulder kong damit.
"BWISET!!!!!!!! Malas naman oh!" Aniya habang pinipindot ng madiin ang busina ng kotse nya. Papunta kami sa airport sa Cauayan. Nagchange flight daw kasi sya para mas malapit na ang uuwian nya.
"Bestie think positive lang!" Alo ko sa kanya habang inaayos ang sarili ko sa side mirror ng sasakyan.
"Tsk."
Timecheck 12:18 P.M
"Malelate na talaga tayo neto!" Aniya habang binabagtas ang umaayos ng daan. Halos 30 minutes ginugol namin sa kalye kanina.
"Sa wakas were here!" Biglang lumiwanag angukha nyang kanina ay kasing itim ng mata ko habang nasa daan.
Mabilis nyang pinark ang sasakyan sa Parking lot. Bumaba ng walang ingat, pero sinunod ko nalang sya.
Saktong paoasok na kami sa waiting area nang may isang lalaking ubod ng gwapo ang lumabas. Para bang naka slow motion lahat ng bagay dito. Kumakaway sya sa kinaroroonan ko. "Kyle!" Ani ni bestie habang kayakap si Kyle. Habang ako naman eh tulala parin. Dinadama ang masarap na hangin.
"Hey!" Ani nya habang winawagayway ang kamay sakin. Mukha akong tanga kanina.
"Oh Kyle! Welcome Back!" Ani ko.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments