Chapter 2
"Urghhhh...... Buwiset!!!! Dawnnnnn.... Do i look haggard now!?" May pagkairita at inis kong tanong sa kanya na para bang pinandidirian ko ang sarili kong katawan habang nakatuon sa salamin ang mga mata ko.
Shocks... Sino ba naman ang hindi magiging haggard kung ma istock ka sa loob ng kotse ng isa't kalahating oras at umuulan pa? tapos may makakaaway ka pang anak ng governor ng wala sa oras? Weird talaga ng araw na to sakin.
She glanced at me her black brown eyes then nag ayos ng pagkakaupo. Inayos muna nya ang nakaharang nyang buhok sa kanyang mukha na para bang nakakain na nya bago magsalita. "Of course not bestie. You look fresh nga eh because of your sweat!" Patawa nyang sagot sakin habang paismid na kumakain. I rolled my eyes to her then pinagpatuloy ko ang pagkain ko. I dont even freaking care...
Mag aalasdose na kasi ng tanghali nang makarating na ako sa school. Walang hiya kasi yang trapik na yan. Well, gutom narin kasi ako dahil di ako nag almusal sa pag asang makakahabol ako. Total tanghali naman na at 1 hour lunch break naman namin, naisipan kong kumain sa canteen together with my Ugly Duckling bestie. Libre ko naman as always. Never ko pang naaalalang nilibre nya ako. Kahit piso lang. Madamot kasi sya.
"Alam mo bestie! may nakilala akong lalaki sa daan. Matipuno sya, maputi at alam kong matangkad sya kahit nakaupo!" Pabaling na saad ko sa kanya at sya naman ay napatingin sakin na para bang may masamang balak.
"Uyyyy.... Anong sabi?!" Pacute nyang tanong habang nakatingin sya ng deretso sa mata ko.
"Gwapo ba!?" Hindi ko pa nasasagot ang una nyang tanong umarangkada ulit sya ng isa.
"By the way Dawn, kumusta na ba yung pinapagawa ko sayo?Tapos mo na ba yung mga token sa debut ko!?" Paiba ko sa usapan para di pa lumalim ang walang kuwenta naming pag uusap. Sya ang pinagpagawa ko ng token dahil sya ang nagboluntaryo na gawin ito.
There was a sudden silence im the surroundings. "Isa nalang ang kulang bes. Tapos yung venue, okay na kaso kulang pa ng mga ibang details!" Pagrereport nya sakin habang ako naman ay tahimik na kumakain ng masaucing Chicken Curry. Hilig ko kasi ang mga saucy foods.
"Like what?" Tanong ko sa kanya.
"Uhmmmmm.... Seriously bestie, wala pa tayong pagkukuhanan ng cake!" Sumbong nya sakin.
'Wala pang cake!'
"Panong wala pa tayong nahahanapan ng gagawa ng cake ko eh diba nakapag book na tayo sa Elsa's Cakes and Desserts!" May pag-aalangan kong tanong sa kanya. Remembering kasi na kasama ko sya nung pumunta kami dyan. Saka sigurado naman akong makakagawa sila kaya nagtiwala ako sa kanila.
"Bestie kasiiii.... pinasara ng gov. yung pwesto nila dahil nalaman nilang wala silang legit na business permit para mag operate!" Pakunot noo nyang sagot sakin.
I rolled my eyes dahil nakakaramdam ako ng pagkainis. Tiningnan ko sya habang nilalaro ko ang mga daliri ko sa mesa. Ano pa nga bang magagawa ko. I-let go na yan! "E how about yung mga susuutin ng mga boys natin? Nagpasukat na ba sila?" Tanong ko ulit sa kanya. Baka pati yan ay proproblemahin ko pa.
"Ayos na pero may hindi pa nasusukatan ng tuxido!" Anya habang tinitingnan ang notebook nya. Lakas maka office. Ako yung boss at sya yung secretary ko.
"Sino?" Mahinahon ko ng tanong sa kanya.
"teka!" Saka nya tinitingnan ang mga names.
"Pahiram nga yung invitation bes para makita ko kung sino pa yung di nasusukatan! Di kasi to updated!" Aniya. I oppened my bag saka kinuha sa loob ang kulay pink na sobre.
Pagkaabot ko palang ng sobre, agad nyang dinampot sa kamay ko. Napatahimik ako.
Binuklat nya nang mabilis ang imbitasyon kaya nangangamba akong baka mapunit ang papel. Wala pa naman akong extrang ink para palitan kung sakali.
"Kumpleto na yung 18 candles. Teka, tingnan ko nga tong 18 roses... Blaze John Monteverde check. Hazzy Blake Lastimosa check. Mark Ysrael Lastimosa check na rin sya. Reodique Paulo Mendoza check narin sya. Sya yung matagal na sinukatan kahapon. Jollie Mar Santos check narin to. Kyle Xander Lastimosa!" Bigla akong nabilaukan sa biglang pagsigaw nya sa pangalang Kyle.
"Kasali sya sa 18 roses Tash!?" Masaya nyang tanong.
"18 roses mo si Kyle!?" Biglang bumukas ang malapad na bibig ni bestie nang banggitin nya ulit ang pangalang yan.
I took the glass of water in front of me para maibsan ang sobrang pagkabilaok ko bago ko sya muling sagutin.
Napangiwi nalang ako.
"Sorry bestie..." Aniya habang hinamas himas ang likod ko.
"I-its okay. Next time huwag kang magsalita ng malakas. Alam mo namang gulatin akong tipo ng babae!" Pagalit kong sabi sa kanya pero in a good way. Di naman ako gaya nya na prangkahan.
"So 18 roses mo sya bes!?" Ulit pa nya. Mukha ba akong bingi para ulit ulitin ang tanong?
I looked at her. "Oo na, oo na. Why? Ayaw mo ba?" Sarkastiko kong tanong sa kanya na para bang pinipilit ko paring kumalma.
Matagal na kasing crush ni Dawn ang pinsan ko.
"Gustong-gusto ko kaya bestie!" Aniya na para bang gusto nya akong lamunin sa sobrang pagbuka nya ng bibig nyang mala 4 inches ang lapad.
"Tawa nito?" Pangiwi kong ani habang pinagpapatuloy ang pagkain.
"Kailan sya pupunta dito sa Pinas? Para masukatan narin sya?" Excited nyang tanong.
"Bukas!" Pansin ko ang pagkasabik sa kanyang mapupulang labi.
"By the way Dawn, pwede mo ba akong samahan sa botuiqe ni tita Kath para magpasukat ng gown at dress? Pwede mo ba akong samahan bukas? Total sabado naman na bukas. At para na rin masukatan ka at ni sweety boy mo. Alam ko naman kasing gusto mong sabay tayong magpasukat! Yan ay kung okay lang sayo!?" Pakumbinsi kong tanong sa kanya.
"Of course bestie! Who am i not to join my bestie. It is also my opportunity para masukatan ng dress. At kasama pa natin si daddy Kyle ko. At saka isa pa, gustong gusto ko na kasing malaman kung ilan na ang waistline ko. Mukhang pumayat ako ng very very light eh. May balak pa naman akong sumali sa Binibining Pilipinas next year!" Biglang lumiwanag ang mukha nya matapos sabihin ang Binibining Pilipinas. Noon pa nya sinasabi sakin yan pero di naman nya ginagawa.
'Binibinibg Pilipinas? Tch. Dream High until you get Bestie! Oo nga pala nakalimutan ko, libre nga pala ang mangarap'
"By the way bestie ulet, eto na nga pala yung ilan sa mga imbitasyon na natapos ko. Ipamigay mo na yan sa mga kasali! ako na ang bahala para sa mga bisita." Saka kinuha ang 30 kopya ng imbitasyon. Kulay pink para sa mga babae at blue para sa mga lalaki.
Habang inaabot ko sa kanya ang mga sobre, isang grupo ng kalalakihan ang dumaan sa harapan namin.
"Couz!" Pakaway ni ni Mark samin at kinawayan ko rin sya. Pareho kaming pumapasok sa music class pero tuwing summer lang kami pumapasok.
Mark Ysrael Lastimosa, Hazzy Blake Lastimosa, Kyle Xander Lastimosa are my cousins. Sila yung palaging pumupunta sa appartment ni kuya kaya walang dudang sumasaya kahit ang malungkot naming pamamahay. Sila ang mga grupo ng lalaking sinabi ko kanina. Mayron kaming banda na ang pangalan ay Laze band at kaming dalawa ni bestie ang bokalista.
Magkakaiba sila ng mga hilig. Si Mark ay mahilig mambabae at mahilig magdrums. Sya ang drummer ng banda. Si Hazzy na nakababatang kapatid ni Mark. Mas matanda ng isang taon. Sya ay 18 at si Mark ay 19. Sya ay mahilig sa electric guitar at yan din ang role nya sa banda. Si Kyle lang ang walang alam sa music.
Habang amuse na amuse sya sa pagtingin sa imbitasyon, di ko maiwasang mag isip kung bakit ganyan na lang nya mahalin si Kyle eh matagal naman na silang di nagkikita magmula nung lumipat sila Kyle sa Canada.
"Dawn may tanong ako?" Isang seryosong mukha ang humarap sa kanya.
"Ano yun bestie?" Tahimik nyang sagot sa akin habang nakatitig sa mukha kong napakakinis at napakalambot.
"Bat mo sya crush?" Seryoso kong tanong.
"Sino?" Pakunot noo nyang tanong sakin.
"Ako bestie. Bat mo ako Crush?" Pilosopo kong tanong. Di kasi updated utak nya. Ang bagal maka catch up.
Kung signal ng internet na utak nya, matagal na syang face out.
"Eeiiii.... Sino nga bestie?" Pabebe nito.
"Sino pa edi si Kyle. Alangan namang ako!" Patawa kong sagot sa kanya. Dahil dun, parang bumalik na naman ang pagkabata nito dahil sa kanyang mga weird na ginagawa sa kanyang mukha.
"Simple lang naman Bestie. Naaalala mo noong kinder palang tayo, noong pinakilala mo sya sakin. Parang iba nag iiba ang awra tuwing nakikita ko sya. Tapos sa tuwing tumititig sya sa aking napakaamong mata, para bang nakakaramdam ako ng malakas na boltahe ng kuryente na nanggagaling sa kanyang mga mapang akit na mata. Yung tipong pag kasama mo sya, para kang lutang. Para kang sabog ganern. Tapos ang usapan!" Aniya na parang kinikilig. Dahil sa kilig na yan, bigla syang napapalo sa mesa dahilan para magalit ang tindera.
"Hoy! Miss alam kong mayaman ka! Pero sana naman huwag mong sirain ang mga gamit dito!" Ani ng nagngangalit na gurang na tindera habang tinuturo si bestie.
"Sorry po!" Aniya habang naka peace sign.
Para bang nagflaflashback lahat ng mga masasakit at masasayang ala ala ko. Ang lahat ng nakaraan ko ay unti unting nananariwa sa aking isip na para bang kahapon lang nangyari. Ganyang ganyan din ang nararamdaman ko nung una makilala yang walang hiyang lalaking yan. May nalalaman pa syang FOREVER! Pero ang patutunguhan lang pala namin ay FORNEVER.
Tara na bestie. Mag aala una na. Baka malate pa tayo! Kasi ako ayoko nang malate pa." Pagtapos ko sa usapan sa kami nagpunta sa cashier para magbayad.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments